Chapter 10 (7) A Sudden Marriage
(Angie POV)
Sa loob ng taxi, yung pilit kong nais iiyak nagawa ko na. Buhos na buhos ang luha sa aking mga mata. Nagawa ko ngang makatakas para sa dinadala ko ulit ngunit balot parin ako ng kaba at pag-aalala para sa aking pamilya na tinalikuran ko ngayon. Sana naman maintindihan ni Mama at Papa ang desisyon kong ito. Huli na po talaga itong pagiging selfish ko. Ayokong mawalay sa aking magiging anak at hindi man lang ako nito makilala bilang ina niya. Hindi ako makakapayag.
“Ma’am saan ko po ba kayo ibaba?” Tanong ni Manong driver. Sa hitsura ko, alam niyang hindi nga ako sisipot sa sarili kong kasal.
“Di ko po alam Manong.” Di ko namalayan na itinugon ko sa kalagitnaan nga ng pagluha ko. “Pasensya na Manong. Ibaba niyo na lang po ako kahit saan. Basta malayo po dito.”
Napabuntong hininga si Manong. “Wag kang mag-alala iha, hindi lang
Chapter 10 (8) A Sudden Marriage(Angie POV)Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Naninindig ang aking balahibo sa kaba at takot nga dahil sa matatalim na titig ni Mr. Choi. Sa ginawa ko nga naman sino ang hindi magagalit? Napayuko ako sa kanya. Tahimik na pumatak sa aking pisngi ang luha.“Iiyak ka na lang ba talaga Angelica? Ako na nga itong magpapakasal sayo. Anong gusto mong mangyari? Ipahiya ako? Tss. Sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan kung bakit nag-aala runaway bride ka? Huwag mong sasabihin na tumatangi ka sa kasal na inaalok ko na nga para sa iyo. Para sa kapakanan mo at pamilya mo diba?!”“Mali. Mali Mr. Choi. Papakasalan mo ako dahil lang sa dinadala ko diba?” Kailangan ko sumagot. Kailangan ko ipagtangol ang sarili ko. Kailangan ko tumayo at harapin nga siya.Ngumisi si Sayruz. “Anong ini-expect mo? Papakasalan kita dahil mahal kita? Nagpapatawa ka ba Angie?”
Chapter 10 (8) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Bumukas ang pinto. Ang liwanag ng araw ay tinatakpan ng isang babaing nakatayo sa pintuan. Lalong kumabog ang puso ko. Bigla akong pinagpapawisan. Parang gusto ko na ngang sumigaw na bilisan na ang ceremonyang to. Pakiramdam ko kasi ang tagal ng oras, bawat patak ng segundo ay isang minuto ang kapalit. Napabuntong hininga ako.Klaro ang gusto ni Angie. Klaro din ang nais ko, kaya wala na ata akong kailangan na ipangamba diba? Mas pinili niya ang mga kabaryo niyang magsasaka kesa sa anak naming dalawa. Anak naming dalawa? Tss.Pinagpapawisan na din ako. Ramdam ko. Hindi dahil di ako mapakali kundi, bakit di man lang naisipan ng simbahan na ito na maglagay ng aircon. Nakaasa lang sila sa mga nakabukas na bintana at pintuan. F*ck. O sadyang di lang talaga ako mapakali.Mabagal na naglalakad sa aisle si Angie. Belo niya hinaharangan ang kanyang mukha. Nais ko talaga makita
Chapter 10 (9) A Sudden Marriage(Angie POV)Yung binigay sa akin na manga ni Mr. Chio, parang isang mahalagang bagay na hindi ko nga kakainin. Sa isipan ko, itatago ko ito. Iniisip niya ang paglilihi ko. Sa katunayan di naman ako pinapahirapan ng baby namin. Mabait naman si Mr. Choi, sadyang komplikado lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa.“Hindi mo yan kakainin?” Umiling ako sa kanya. “Ayaw mo niyan?” Muli akong umiling. “Aanihin mo yan? Pushball?” Napatango na lamang ako. Siguro nga pushball ito dahil alam ko ang mangyayari, papapirmahan niya sa akin ang dokumentong hawak niya. Di ako maaring umurong dahil may pinag-usapan kaming dalawa. At ni minsan talaga hindi naman ako umurong saka walang tinalikuran. Kahit nga masakit sa akin, hindi ako tumatalikod sa salita ko.Napatango-tango siya. Nangangasim ang kanyang mukha at halatang nanlalaway na. Ngumiti na lang ako sa kanya. &ld
Chapter 10 (10) A Sudden Marriage(Angie POV)“Malapit na ba tayo?” Hingal ni Sayruz. Wala pa nga kaming kalahatian.“Kung pagod ka na Mr. Choi, maari niyo na akong ibaba.”“Tss. Ang layo pa.” Sagot niya sa sarili niyang tanong ng umangat nga ang paningin nito. “Alam mo Angie, hindi talaga magiging produktibo ang lugar dito kung ganito ang daanan.”“Simula noong bata pa ako, araw-araw akong naglalakad dito, para lang pumasok sa paaralan at kung may bibilhin sa karatig baryo. Dati nga wala pa ang kalsadang yun. Hangang sa pag-aaral kong sekondarya ganito ang dinadaanan ko lagi.”“Tss.”“Sa maniwala ka man o hindi Mr. Choi, hindi ako payat noon. Sadyang nagkaganito lang ang katawan ko ng nasa Maynila na ako nag-aral saka naghanap ng trabaho.”“Diba? Mas madali ang buhay roon?”“Hindi.&rdqu
Chapter 10 (11) A Sudden Marriage(Angie POV)“Maraming salamat po.”“Walang anuman iha. Sabihin mo na lang sa akin kapag inaabuso ka ni Sayruz Choi, pwera lang kung abuso sa paggawa ng apo, hindi ako makiki-alam. Ahahaha.”“Tss. Hayaan niyo nga muna kaming dalawa dito. Tulungan niyo yung mga magulang ni Angie sa mga bisita namin.”“Di’ba dapat kami ang magsabi niyan?”Pero tinitigan ng kakaiba ni Sayruz si Sharmaine kaya nakalabas ito ng dis-oras. “Kung susundan niyo kaagad ang pinagbubuntis ni Angie ngayon, madali akong kausap. Ahahahaha.” Na ikinasunod din ni Grandma.“Mga baliw. Tsk.”Nabawasan kahit paano ang kabang nararamdaman ko ng umalis nga ang dalawang kapamilya ni Sayruz. Tama na sigurong si Sayruz na lang ang madismaya sa laman ng mga regalong bigay ng mga taga-dito sa amin.“Malaki ang isang
Chapter 10 (11) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Masasapak ko na sana si Michael ng biglang may kumatok, saka bumukas ang pinto.“Yehey ate! Kumatok muna ako bago pumasok—. Hi kuya. Si ate po?” Dahil napansin nitong wala nga ang ate niya sa loob.“Lumabas kanina ang Ate mo. Bakit?”“Pinapapunta kayo ni Papa sa ibaba. Sige po hanapin ko na muna si Ate.” Saka nga umalis ito. Habang si Michael, parang makakatulog na nga sa kalasingan at hindi ko ito magagawang makausap ng maayos. Lumabas na lang ako ng silid, at napasenyas ako sa isang tauhan na lumapit sa akin.“Get the trash inside. Bring him to the resort.” Na agad naman nito ikinakilos. Sobrang sumasakit talaga ang ulo ko. Marami ang gumugulo sa isipan ko. Ang tungkol sa singsing na isinuot ko kay Angie na dapat pinadala ni Michael kay Sasa. Saka ang nalalaman ng kaibigan ni Angie na malandi talaga ang bab
Chapter 10 (12) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Pinagmukha sa akin ni Senen na pabaya nga ako kay Angie. Kaninang umaga, naramdaman ko na ngang mainit ang babaing yun pero wala naman siyang sinasabi. Masigla naman siya, kahit ilang beses ko nga itong pina-iyak.Sila ang nasa loob ng silid, habang si Grandma sinabihan nga akong lumabas muna. Di pa naman nakakasigurado si Senen na dengue nga ang nakuha ni Angie. Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga na lamang.“Kumain ka na muna iho. Hindi pa kayo naghahapunan ni Angie.” Yung ina ni Angie. Mukha niya nag-aalala din para sa anak. “Pasensya na, halata naman sa katawan niya na madali nga siyang makakuha ng sakit. Bata pa lang si Angie, talagang sakitin na siya. Ngunit nilalabanan niya ang sakit. Naniniwala akong hindi papatalo si Angie, lalo na nagdadalang-tao siya. Isa sa ugali niya, ang kanya ay kanya.”Saka nga biglang sumakit ang ulo ko at
Chapter 10 (13) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Nakasunod din kaagad ako sa Mansion ng mga Choi. Nagulat nga si Grandma at ang bungad sa akin, iniwan ko lang daw ng basta-basta yung mga tao sa probinsya.“Where is Angie?”“Syempre nasa silid mo.”“My own room?”“Ano ba ang ini-expect iho? Asawa mo na siya at matagal ko na yan pina-ayos since nga parang wala kang intension na umuwi. Ang silid mo ang magiging silid ninyo ni Angie.”“Grandma…” Aangal sana ako ngunit napahilot na lang ako ng aking sintido. “How is she?” “Wala na siya sa malubhang kondisyon, ngunit kailangan niyang magpahinga muna. Thanks to Dr. Senen at naagapan niya ang asawa mo. May isa kasi riyan na mas piniling itago na inaapoy na pala ng lagnat ang asawa niya. May nalalaman pa nga itong pa-piggy ride. Ano yun Sayruz, pakitang tao lang? Umayos ka
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon