Chapter 10 (11) A Sudden Marriage
(Sayruz POV)
Masasapak ko na sana si Michael ng biglang may kumatok, saka bumukas ang pinto.
“Yehey ate! Kumatok muna ako bago pumasok—. Hi kuya. Si ate po?” Dahil napansin nitong wala nga ang ate niya sa loob.
“Lumabas kanina ang Ate mo. Bakit?”
“Pinapapunta kayo ni Papa sa ibaba. Sige po hanapin ko na muna si Ate.” Saka nga umalis ito. Habang si Michael, parang makakatulog na nga sa kalasingan at hindi ko ito magagawang makausap ng maayos. Lumabas na lang ako ng silid, at napasenyas ako sa isang tauhan na lumapit sa akin.
“Get the trash inside. Bring him to the resort.” Na agad naman nito ikinakilos. Sobrang sumasakit talaga ang ulo ko. Marami ang gumugulo sa isipan ko. Ang tungkol sa singsing na isinuot ko kay Angie na dapat pinadala ni Michael kay Sasa. Saka ang nalalaman ng kaibigan ni Angie na malandi talaga ang bab
Chapter 10 (12) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Pinagmukha sa akin ni Senen na pabaya nga ako kay Angie. Kaninang umaga, naramdaman ko na ngang mainit ang babaing yun pero wala naman siyang sinasabi. Masigla naman siya, kahit ilang beses ko nga itong pina-iyak.Sila ang nasa loob ng silid, habang si Grandma sinabihan nga akong lumabas muna. Di pa naman nakakasigurado si Senen na dengue nga ang nakuha ni Angie. Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga na lamang.“Kumain ka na muna iho. Hindi pa kayo naghahapunan ni Angie.” Yung ina ni Angie. Mukha niya nag-aalala din para sa anak. “Pasensya na, halata naman sa katawan niya na madali nga siyang makakuha ng sakit. Bata pa lang si Angie, talagang sakitin na siya. Ngunit nilalabanan niya ang sakit. Naniniwala akong hindi papatalo si Angie, lalo na nagdadalang-tao siya. Isa sa ugali niya, ang kanya ay kanya.”Saka nga biglang sumakit ang ulo ko at
Chapter 10 (13) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Nakasunod din kaagad ako sa Mansion ng mga Choi. Nagulat nga si Grandma at ang bungad sa akin, iniwan ko lang daw ng basta-basta yung mga tao sa probinsya.“Where is Angie?”“Syempre nasa silid mo.”“My own room?”“Ano ba ang ini-expect iho? Asawa mo na siya at matagal ko na yan pina-ayos since nga parang wala kang intension na umuwi. Ang silid mo ang magiging silid ninyo ni Angie.”“Grandma…” Aangal sana ako ngunit napahilot na lang ako ng aking sintido. “How is she?” “Wala na siya sa malubhang kondisyon, ngunit kailangan niyang magpahinga muna. Thanks to Dr. Senen at naagapan niya ang asawa mo. May isa kasi riyan na mas piniling itago na inaapoy na pala ng lagnat ang asawa niya. May nalalaman pa nga itong pa-piggy ride. Ano yun Sayruz, pakitang tao lang? Umayos ka
Chapter 10 (14) A Sudden Marriage(Sayruz POV)“Ang problema mo lang Angie wala kang isusuot? Yung uniforme? Tss. Masasabi ba talagang problema yan?” At muli kong hinila ang kamay niya at tuluyan na nga kaming nakalabas ng mansion kahit nga paulit-ulit niya akong tinatawag na… Mr. Choi. Kahit paano nagsisimula na akong mairita. May sarili din naman akong pangalan.“Mr. Choi…” Kaya nabitiwan ko na ang kamay niya sa harapan ng sasakyan na kaagad namang binuksan ng tauhan ko. Huminga ako ng malalim sa harapan ni Angie.“Sayruz ang pangalan ko. Sayruz…” Kasabay ng pagbigay ko sa kanya ng pilit na ngiti. “Kaya Sayruz ang itatawag mo sa akin.” At sinabi ko nga hindi siya nakapagsalita. Nilahad ko ang kamay ko sa loob ng sasakyan na kung di makuha ni Angie ang ibig sabihin ko, ladies first, mauna ang babae pumasok.“Mr. Choi…&r
Chapter 10 (15) A Sudden Marriage(Angie POV)Ayoko man na nakabuntot ako kay Mr. Choi, pero pilit niyang nahuhuli ang kamay ko at hinihila ako sa kung saan-saan. Sa tingin ko kasi nababawasan ang professionalism niya kapag malapit lang ako sa kanya. Sa tingin ko rin ang laki ng problemang dala ko sa kanya.Pasensya na Mr. Choi. Okey na sana ako sa loob ng bahay niyo. Sa hindi naman mahirap pakisamahan yung abuela mo. Masayahin si Chairwoman Choi at sana pagdating ng baby natin sa mundong ‘to makapagbigay ng mas ikakaligaya ng Lola mo at hindi ako magsanhi ng kalungkutan dito sa aking pag-alis. Hindi naman ata.Sa ngayon, ang magagawa ko na lang talaga, live on this moment. Alam ko na balang araw magiging parte lang ito ng mga masasayang ala-ala, lalo na kasama kita Mr. Choi. Maraming salamat talaga Mr. Choi at sana nga maging masaya ka din kasama ng iyong pinakamamahal na babae. Kitang-kita sa kanyang mga mat
Chapter 10 (16) A Sudden Marriage(Sayruz POV)Bababa na sana ako sa sasakyan para pigilan si Angie ng tumunog ang phone ko. Ang secretarya kong magaling ang tumatawag at marami talaga siyang ipapaliwanag, lalo na tungkol kay Sasa.“Good Morning, Michael.”“Master Sayruz, good morning din po.”“Napatawag ka?”“Master Sayruz…” At sa isipan ko nakikita ko siyang napapakamot na naman sa ulo niya. Ah, alam ko na ang dapat na ibigay ko sa kanya. Yung shampoo na iwas dandruff para hindi kumati ang ulo niya. Tsk. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata ulit. Kulang ang tulog ko… kaya maagang nagkakaroon ako ng migraine.F*uck this Migraine. F*ck. “Mayroon kayong bisita at sinasabi niyang nakilala niyo siya sa probinsya. Kaibigan daw ni Ms. Angie, si Ms. Trisha Delgado?”Trisha… Oh! That bitch na
Chapter 10 (17) A Sudden Marriage(Angie POV)Tuluyan na akong hinila papunta nga sa sasakyan na naghihintay. Hindi na lang talaga nakapaniwala si Manang sa nasaksihan niya, at walang lakas na loob ang mga taong naroroon na sumabay sa gulo, at kahit man pigilan ang pangugulpi ni Mr. Choi kay Julius An.Sa loob ng sasakyan, tahimik kaming dalawa. Nakapikit ang mga mata ni Mr. Choi, at ako… napapaluha na lang sa nangyari. Namalayan ko na lang, narito na kami sa harapan ng Main Building nang Choi Corporation. Napakalaki nga nito at ang bakuran ng gusali ay hindi biro.Walang bumubukas ng pinto. At si Mr. Choi, ganoon parin, nakapikit ang mga mata. Halata namang galit yung tao, ngunit sa hindi ko maintindihan na dahilan. Hindi ko rin talaga inaasahan na mabubugbog niya si Julius ng ganoon.Nakalock ang pintuan ko, at ang ibig lang sabihin, hindi ako maaring lumabas. Hindi ako mapakali at sa tuwing nangyayari nga
Halt.Napabuntong-hininga siya at binitawan na nito ang kamay ko. “Simula ngayon, ako na ang magagalit para sayo, kung di mo yan magagawa sa ibang tao. Ako ang gagawa niyan para sayo. Sino sila para lalong abusuhin ang kagaya mo? Hindi ako papayag na yung nanay ng panganay ko, ginaganito na lang. Asawa ka ng isang Choi kaya dapat makuha mo yung dapat na maging trato sayo. Hindi yung inaapak-apakan ka na lang.” Saka nga niya binuksan ang pinto at tuluyan nang lumabas. Sumunod na lang din ako na hawak ko ang dalawa kong kamay, napapayuko.Yung mga sinabi niya… Alam ko na, hindi ko kailangan na maniwala. Pagkatapos lang ng ilang buwan… kailangan ko sundin ang kontrata.Bakit niya ako isinama sa Main Building ng kompanya nila? Diba hindi niya ako kailangan i-expose masyado?“Ano ba talaga ang gusto mong kainin?” Tanong niya na nakatalikod sa akin, at diretsong naglalakad. Nahihirapan nga ako na habulin siya.
Chapter 10 (18) A Sudden Marriage(Angie POV)“Good Morning CEO Choi. A promise is a promise. At sinabi mo na hindi kayo tatalikod sa sinabi niyo.” Ngunit nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Isang babae… at ang tunog ng takong niya, papalapit siya sa amin. Kaya ng lumingon ako…“Trisha…” Nasambit ko ang pangalan niya.“Hi bessy.” Isang ngiti na may pagpipintas sa akin. “Ano ang ibibigay sayong position ni Mr. Choi?” Mga mata niya na alam nga nito ang tungkol sa kasunduan namin ni Mr. Choi. Sasagot na sana ako ng…“Madam Choi.” Si Mr. Choi. Nakacross arm na napa-upo sa ibaba ng kanyang mesa. “Some said, na ang pinaka-boss ng mga CEO, yung asawa nilang babae, and it’s true. Her promotion suddenly accelerates that fast.” Tumawa bigla si Trisha.“Bravo Angie. Ang galing talaga ng kamandag mo. Per
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon