Halt.
Napabuntong-hininga siya at binitawan na nito ang kamay ko. “Simula ngayon, ako na ang magagalit para sayo, kung di mo yan magagawa sa ibang tao. Ako ang gagawa niyan para sayo. Sino sila para lalong abusuhin ang kagaya mo? Hindi ako papayag na yung nanay ng panganay ko, ginaganito na lang. Asawa ka ng isang Choi kaya dapat makuha mo yung dapat na maging trato sayo. Hindi yung inaapak-apakan ka na lang.” Saka nga niya binuksan ang pinto at tuluyan nang lumabas. Sumunod na lang din ako na hawak ko ang dalawa kong kamay, napapayuko.
Yung mga sinabi niya… Alam ko na, hindi ko kailangan na maniwala. Pagkatapos lang ng ilang buwan… kailangan ko sundin ang kontrata.
Bakit niya ako isinama sa Main Building ng kompanya nila? Diba hindi niya ako kailangan i-expose masyado?
“Ano ba talaga ang gusto mong kainin?” Tanong niya na nakatalikod sa akin, at diretsong naglalakad. Nahihirapan nga ako na habulin siya.
Chapter 10 (18) A Sudden Marriage(Angie POV)“Good Morning CEO Choi. A promise is a promise. At sinabi mo na hindi kayo tatalikod sa sinabi niyo.” Ngunit nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Isang babae… at ang tunog ng takong niya, papalapit siya sa amin. Kaya ng lumingon ako…“Trisha…” Nasambit ko ang pangalan niya.“Hi bessy.” Isang ngiti na may pagpipintas sa akin. “Ano ang ibibigay sayong position ni Mr. Choi?” Mga mata niya na alam nga nito ang tungkol sa kasunduan namin ni Mr. Choi. Sasagot na sana ako ng…“Madam Choi.” Si Mr. Choi. Nakacross arm na napa-upo sa ibaba ng kanyang mesa. “Some said, na ang pinaka-boss ng mga CEO, yung asawa nilang babae, and it’s true. Her promotion suddenly accelerates that fast.” Tumawa bigla si Trisha.“Bravo Angie. Ang galing talaga ng kamandag mo. Per
Chapter 11 Disappointed4050(Sayruz POV)“Makakasigurado na hindi makakalusot si Miss Delgado kay Manager Peng. Sinisigurado ko yun Master Sayruz.” na ikina-upo ko sa aking upuan, at talagang hindi ko maiwasan na mapahilot sa aking sintido. Nagsimula na rin maglakad-lakad si Angie sa loob ng opisina ko, at mabuti na lang hindi siya naiilang na gawin yun.Kinuha ko na lamang ang nilapag na ilang folder ni Secretary Michael, at walang gana na inisa-isa yun. Yun ang tatalakayin sa board meeting mamaya. Nang hindi ko sinasadyang mapatitig sa picture frame na nasa mesa ko. Nakaharap ito sa akin, kaya hindi ito nakita ni Angie diba? Si Sasa at ako na napagkasunduan kumuha ng larawan habang namimingwit sa isang ilog. Speaking of Sasa… Umangat ang paningin ko kay Michael. Agad naman sumalubong ang titig niya sa akin at bahagyang napayuko. Ngumisi ako sa kanya.“Nasaan si Sasa? Akala ko ba
Chapter 11 (2) Disappointed(Angie POV)Umangkas ako sa motor at medyo nga hindi ako komportable. Dinaanan namin yung talagang Mansion ng mga Choi. Napakalaki nito tignan lalo na sa likurang bahagi. Sa nakita ko sa mga larawan na nakasabit sa dingding, talagang diyan nga lumaki si Mr. Choi, ngunit ng mag-aral na ito sa ibang bansa, matagal-tagal ding hindi nakabalik.Di ko alam kung saan ako dadalhin, at hindi ko man lamang maibuka ang aking bibig. Hangang sa nandito kami sa harapan ng isang malaki ding bahay, na sa narinig ko servant quarters at nandito din nakatira ang mga tauhan ng pamilyang Choi, kaya aasahan mo na lang talaga na malaki ang gusaling ito.Nang makapasok kami, marami ang nakaupo sa may hallway at isa-isa ngang tinatawag. Mga applikante sila, at napagkamalan nga akong applikante. Nahihiya ako sabihin na ako yung asawa ni Mr. Choi, pero sa katayuan ko, sino naman ang maniniwala?“Pin
Chapter 11 (3) Disappointed(Sayruz POV)Nakababa na lahat ng pasahero. Lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko. Alam ko na ito ang pagkakataon na hindi na nga maiiwasan ni Sasa ang pag-alok ko ng kasal sa kanya. Naka-pwesto na ang lahat ng tao at sa akin nakatitig ang lahat. Wala nga talaga akong paki-alam sa sasabihin ng taga-media, pamilya ko at lalo na ang biglang Sali nga ng pamilya ni Angie. Ang akin lang, talagang mahal ko si Sasa.Nagbigay na ako ng senyales kay Michael na handa na ako. Lalakasan ko na ang aking loob na makitang lalabas na si Sasa at nakalatag na din sa daraanan niya ang red carpet. Ako itong nasa gitna, at malayo naman ang distansya ng mga tao sa amin. Nakaharap ako ngayon sa eroplano, at naghihintay na lumabas ang babaing tanging hinahangad ko na maging asawa ko nga.Ngunit hindi ko inaasahan ng biglang sumara ang pinto ng eroplano at inalis ang hagdan. Bakit?Tumatakbo namang
Chapter 11 (4) Disappointed(Angie POV)Isinuot ko na ang apron dahil sunod-sunod nga ang utos na ipinagawa sa akin ni Chef Nathan. Binalatan yung carrots at iba pang kailangan sa niluluto niya. Hiniwa-hiwa ang mga gulay, at di ko namalayan nasa likuran ako nito. Kung sa hiwaan lang naman napakabilis ko talaga.“Perfect. May experience ka na ba sa kusina?” Agad akong umiling. “O pumasok ka ba sa isang culinary school.” Umiling ulit ako bilang tugon. “Ibig mong sabihin, kaya mo itong gawin kahit hindi mo pinag-aralan ang maayos at tamang paghihiwa ng mga gulay? Nakita ko din na parang alam mo kung paano ang tamang pagbabalat ng mga gulay.”Ngumiti na lang ako dito, at inilagay na nga sa kumukulong tubig yung ilang sangkap. Ang akin lang kailangan ko na tapusin ang mga ginagawa ko dito dahil baka nag-aalala na sa akin si Mr. Choi, Grandma at yung mga katulong na itinalaga sa akin
Chapter 11 (5) Disappointed(Sayruz POV)Ito ang inabot ng pitong million na utang ni Angie? Ahahahaha. Natawa na lang ako. Siguro walang mabait na tao talagang umaangat sa lipunan dahil halata na nilang iniisahan na sila, wala paring ginagawa. Prinsipyo ata talaga ng mga mababait na tao yung… Kung binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.Katangahan ang tawag doon. F*ck! F*ck! Tsk. Sumasakit talaga Angie ang ulo ko sayo. At dahil dito sa nangyayari, parang kaagad kong nakalimutan ang tungkol sa pagtalikod ni Sasa ulit sa akin. Hindi ko na nga pinakingan ang voice message nito na iniwan niya. Tsk.Ang kailangan ko harapin, itong katotohanan na kinakawawa ng husto ang asawa ko. Maliit na higaan. Maliit na kusina, isang personal mini-ref, at ang pintong yun banyo. Pakiramdam ko talaga ang nakatira dito, maliit na tao.Binuksan ko ang mini-ref, at ano ang aasahan ko? May pagkain dito? Wal
Chapter 11 (6) Disappointed(Angie POV)“Alam mo ba kung ano nang oras?” Nasa harapan ako ng admin na hinihingan sana ng allowance. Di ko kasi aakalain na makakatulog ako, at lumipas nga yung oras. Namalayan ko na lang talaga madilim na ang paligid. “Ipagbukas mo na lang ang paglabas mo. May curfew sa lugar na ito. So far wala ka pang mga papelis na ibinigay sa amin, kaya hindi namin sigurado ang pagkatao mo. Ipa-bukas mo na lang yan Miss.”At napahikab ito sa harapan ko at tuluyan na akong tinalikuran. Tatawagin ko pa sana para nga sabihin talaga ang pagkatao ko dito ngunit inunahan na naman ako ng kaba at hiya.Bumalik akong bigo sa silid na ibinigay sa akin, at sa may pintuan naroroon si Mayvic. “Gigisingin sana kita, kaya lang ang himbing ng tulog mo.”“Naka-uwi ka na sa inyo?” Tumango ito.“Wala ka bang pamalit? Papahiramin kita, wait lang.&
Chapter 11 (7) Disappointed(Sayruz POV)Sino nga ba ang makakatulog sa situation ko? Angie, ikaw ba nakatulog na ng maayos? Masaya ka ba sa ginagawa mo ngayon sa akin. Sa tingin ko pinagtatawanan mo na kami ngayon.Alam mo ba na marami akong kailangan na gagawin sa kompanya? Alam mo ba na simula nang dumating ka sa buhay ko, biglang hindi ko na maibalik sa tamang agos ang kompanya. Ang dami nang pending dahil sa ginagawa mo, o siguro mas lalong dumami ang kailangan kong asikasuhin. Tapos daragdag ka pa.Alam mo Angie hindi sayo bagay maging kontrabida. Pagtatawanan lang talaga kita. Ikaw? Magiging kontra-bida? Nagpapatawa ka ba Angie? Ahahaha. Tignan mo nga ang sarili mo…. sakit ka sa ulo. Tsk.“Sayruz… Hangang ngayon hindi parin mahanap ang asawa mo ng tauhan ko.” Bigong bumalik si Grandma sa may sala, at ako, simula ng naupo sa kinaka-upuan ko, hindi ako umalis dito. &