"THANK you officer," ang nabungaran niya nang magising siya sa kuwarto nila ni Lestre. Hating gabi na pala. Bumalik sa isip niya kung ano ang nangyari kanina.
"Gising ka na pala," ani Lestre sa kanya na nakalapit na pala sa tabi niya. Pinilit niyang tumayo kaya tinulungan na siya nito. Nakakailang ang naging puwesto nila. They are too close together at naamoy niya na ang panlalaki nitong amoy. Nakaka-akit. His smell makes her feel good as if nothing happened."What happened?" agad niyang tanong dito. Wala na siyang alam sa nangyari kanina since hindi niya namalayan kung kailan siya nakatulog."Your sister Nora Nathaniel is now imprisoned and not allowed to be bail," tipid at maikling sagot nito sa kanya na ikinagulat naman niya."Ha? Kailan pa?" tanong niya rito. "Anong petsa na ba? Gano'n ba ako katagal nakatulog? Bakit daw siya nakulong?" sunud-sunod na niyang tanong dito. Natatawa naman nitong nilapitan siya at niyakap.ANG simpleng pananghalian ay na uwi sa isang date. This is the first time na nag date sila at hindi ito planado."Mahaba pa naman ang maghapon so, mamasyal muna tayo." Nang matapos silang kumain kanina ay ito ang sinabi ni Lestre. Mukhang seryoso ito kaya wala na siyang nagawa."Celestina," biglang pagbubukas nito ng usapin habang magkasama silang naglalakad sa malaki at malawak na garden Caseum Garden sa isang medyo malayo-layong lugar.Nahiwagahan pa nga siya dahil hindi niya na alam kung saang lupalop sila naroon. Mapuno kasi doon at medyo mabako ang mahabang daanan pero ganoon lamang sila kadali na nakarating sa pinuntahan nila. Doon sa may bandang matarik na daan na paakyat na rito sa Caseum garden ay masyado nang mahirap akyatin. "Stay still," sabi lang nito sa kanya at binuhat siya bridal style saka parang wala lang dito na umakyat at tumatalon-talon lamang. Sabi ng ilan, sikat daw itong garden sa mga turista ngunit pili lamang ang pinapa-akyat dahil kailanga
"ANO‽" umalingawngaw yata sa bawat sulok ng kuweba ang kanyang boses dahil sa lakas ng pagkakasabi niya. Sabi kasi nito kanina, "Umalis ako saglit at nagpunta sa City to buy foods. I don't want to end up eating you because of hunger. Otherwise, I'll be dead in agony." Spell creepy and sweet? Nakakatakot pero nakakakilig. Puwede naman palang mangyari 'yon ng sabay. First time niyang maranasan 'yon."So, gaano mo pala ako katagal iniwan dito?" tanong niya. Unconscious siya ng iwan nito kanina kaya hindi niya alam."Well, more than an hour?" tila sinusubukan nitong tantiyahin sa isip kung gaano nga ba siya katagal nito iniwan.Lalong sumama ang itsura ng kanyang mukha sa sinabi nito. Natigilan tuloy si Lestre at napatitig sa kanya.Ilang sandali pa ay binasag nito ang katahimikan ng gabi at humagalpak ng tawa. Nakakainis lang kasi. Guwapo pa rin ito habang nang-iinis at guwapo pa rin kahit tawang sira-ulo ang tawa nito. Sobrang bi
WALANG nagbukas ng gate para sa kanila, dahil halos wala nang matirang buhay sa bukana. Mayroon man ay duguan na rin ang iba at hindi na makagulapay, habang ang ilan naman ay nakikipaglaban pa. It feels dangerous everywhere she turn her eyes at bukod doon ay nagbabadya pa yatang umulan dahil madilim ang langit na para bang nakikiramay sa nakakalungkot na kasalukuyang nangyayari sa paligid. Puro dugo sa kahit saan at hindi niya maiwasang manginig sa takot. Ang mga nakikita niyang noon ay buhay at nagsisilbi sa mansyon, ngayon ay mga nakahandusay na sa sahig. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay wala nang buhay. Kabit-kabila ang sigawan, iyakan, mga tunog ng nababaling buto at halakhak ng kasamaan. Masangsang ang buing paligid at punung-puno ng pighati. Ang saya lang nila kahapon at kanina habang magkasama. Pero bakit sa isang iglap lamang ay biglang nagbago ang lahat?Naagaw nila ang pansin ng lahat nang sila ay dumating. Taga mansiyon man o mga nanloob ay nakatutok an
NAKALIGTAS ang mga driver, ang matandang butler at ang ilan pang mga tauhan ng mansyon. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay sugatan naman. Marami-rami ang nasawi at dahil doon ay dalawang araw nang mainit ang ulo ni Lestre. Wala rin itong pahinga marahil at ilang araw na nitong inaayos ang lahat upang magbalik na sa normal ang mansyon dahil sa rami na rin ng naging sira.Sabi naman ni Juris sa kanya noong mag-usap sila matapos ng engkuwentro ay nangyari na rin daw ang ganoong klase ng kaguluhan noon."Bakit mo pala kilala si Durango?" tanong nito sa kanya."Kasi beks, siya 'yung gustong umampon sa akin noon sa bahay ampunan. Natakot ako sa kanya kaya tumakas ako, dahil sa takot ko. Noon pa man, hindi ko na gusto ang pakiramdam ko sa matanda na 'yon eh." Nakita niya ang pagkagulat na bumalatay bigla sa mukha ni Juris ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin."Beks, sabihin mo nga . . ., Sa Marry God Child Orphanage ka ba nanggaling na ampunan?" tanong nito sa kanya bigla. Siya naman
"I'LL make sure na magkikita at mag-uusap din tayo sa susunod at ipapaliwanag mo sa akin ang lahat Celestina." Nginisihan siya nito kaya sinagot niya ito."In your f***ing dreams, Mr. Sylverstain. Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo." She greeted her teeth at kinarga ang anak niya paalis sa lugar na iyon. Susundan pa sana siya ng dalawa pero sinenysan niya ang mga ito na huwag nang subukan dahil baka pagsisihan pa ng mga ito.Nagpapasalamat siya na hindi na nagpumilit pa ang dalawa. Inis na napahugot na lamang siya ng marahas na hininga habang inaalala ang mga sinabi ni Lestre kanina sa engkwentro nila sa airport. How dare he do that‽ Pagkatapos ng ginawa nito limang taon na ang nakakaraan, magpapakita itong bigla sa kanya na para bang may claim ito sa kanyang buhay.Mahigit isang oras na silang nakaalis doon at naiinis siya dahil bakit ba kailangan pang magpakita nito agad sa kanya? It is not her original plan. Never in her dreams na ginusto niyang ipakita ang anak niya rito. Wala siya
KABADONG kabado si Celestina. Hindi niya nga rin maintindihan sa kanyang sarili kung bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya at hindi na nasanay. Dapat ay hindi na siya nakakaramdam ng ganito pero heto siya at nanlalamig ang mga kamay at talampakan.Dinala siya ng elevator sa last floor at tumambad sa kanya ang isang malawak na pasilyo. Bukod sa mahaba at malapad kasi ang area ng kinatatayuan ng building, itong floor na ito kasi ay mukhang anim lamang talaga ang opisina na mayroon. Kahit saang bahagi yata ng floor na ito madaan ang mga mata niya ay puro marmol na itim, puti, gray at cream brown ang kulay. May mga tag ang anim na pinto roon. Isa sa planning department, main meeting room one, main meeting room two, files and contract room, Mr. Arboleda's office and lastly, CEO/President-Owner na located sa pinaka dulo at pinakamalaking opisina also labeled as Room six.Maglalakad na sana siya patungo sa pinto na may nakasulat na Mr. Arboleda's office pero natigilan siya nang makitan
NARATNAN niyang tulog ang kanyang anak sa malaking kama nilang dalawa. Nakabukas pa ang laptop nito ngunit nang kalikutin niya na para sana tingnan ang activity nito buong oras na wala siya ay hindi niya na ma access iyon dahil naka lock. Nakunot naman ang kanyang noo. Naisip niya na baka may napindot ang bata kaya na lock. Tatanungin niya na lamang ito mamaya paggising kung natatandaan nito ang password. At kung hindi ay pabubuksan na lamang nila ito sa technician mamaya. Umaga pa naman kaya naisipan niya na bumaba muna ulit at magpunta sa kusina.Hindi niya kasi nadatnan si Caspiana pero nakita niya na nasa garahe naman ang sasakyan nito kaya malamang na nasa kuwarto pa ito at natutulog. Ten o'clock na kasi kaya naisip niyang magluto na ng pananghalian. Naisipan niyang magluto ng isang simple dish dahil siguradong paggising ng anak niya ay magugutom ito. At si Caspiana naman ay siguradong o-order na naman online. Sayang lang naman kasi mahal nga pero hindi naman masarap
WALANG nagawa si Celestina kung hindi ang papasukin si Lestre sa loob ng bahay. Kung hindi lang masamang ipakita sa bata ang away matanda ay kanina niya pa sinabon ang lalaki. Nuncang maka apak ito sa loob ng bahay na tinutuluyan niya."Ano bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka man lang tumawag muna sana na pupunta ka at paano mo nalaman ang address ko?" tanong niya rito dahil sigurado siya na hindi niya ibinigay ang address ni Caspiana. Hindi pa siya sira pala ipaalam dito kung saan sila nag-satay na mag-ina. Kaya lang ang dami na niyang sinasabi pero para naman itong walang naririnig, dahil abala ang loko na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan habang parang umaamoy-amoy pa ito. Malaya niya kasing awayin ang lalaki, dahil saglit munang umakyat ang anak niya at nagpalit ng damit. Masaya ang anak niya at hindi niya iyon kayang sirain dahil para sa kanya, si Leone ang lahat sa kanya. Ito lang ang nag-iisa at tangi niyang kakampi sa mundo at wala nang iba. Kaya nga
HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed
MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin
HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya
ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na
ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa
PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga
ILANG araw niya ring tinrabaho ang plano para sa proyekto at kagabi nga ay tinapos niya na ito. Maaga siyang nagbangon dahil may dadaanan pa siya bago magpunta LS Group. Kailangan niyang bumili ng motor dahil nahihiya na siyang palaging iniistorbo ang kaibigan para ihatid siya sa mga lakad niya.Sinadya niyang magsuot ng black leather jeans and black sando na humahakab sa kanyang katawan. Pinarisan niya ito ng leather semi formal blazer and black boots. para akma naman siyang magmaneho ng motor at makipag business appointment.Pinagtitinginan pa siya ng mga taong nababaan niya pagdating sa isang malaking tindahan ng mga luxury brand ng mga motor siklo at iba pang uri ng sasakyan. Name it, they are famous because they all have it except the low class. Dito pumupunta ang mga bigtime para bumili ng mamahaling sasakyan. Some of their products here are from abroad and they sometimes have newly launched from different manufacturers. They are known here as one o
WALANG nagawa si Celestina kung hindi ang papasukin si Lestre sa loob ng bahay. Kung hindi lang masamang ipakita sa bata ang away matanda ay kanina niya pa sinabon ang lalaki. Nuncang maka apak ito sa loob ng bahay na tinutuluyan niya."Ano bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka man lang tumawag muna sana na pupunta ka at paano mo nalaman ang address ko?" tanong niya rito dahil sigurado siya na hindi niya ibinigay ang address ni Caspiana. Hindi pa siya sira pala ipaalam dito kung saan sila nag-satay na mag-ina. Kaya lang ang dami na niyang sinasabi pero para naman itong walang naririnig, dahil abala ang loko na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan habang parang umaamoy-amoy pa ito. Malaya niya kasing awayin ang lalaki, dahil saglit munang umakyat ang anak niya at nagpalit ng damit. Masaya ang anak niya at hindi niya iyon kayang sirain dahil para sa kanya, si Leone ang lahat sa kanya. Ito lang ang nag-iisa at tangi niyang kakampi sa mundo at wala nang iba. Kaya nga
NARATNAN niyang tulog ang kanyang anak sa malaking kama nilang dalawa. Nakabukas pa ang laptop nito ngunit nang kalikutin niya na para sana tingnan ang activity nito buong oras na wala siya ay hindi niya na ma access iyon dahil naka lock. Nakunot naman ang kanyang noo. Naisip niya na baka may napindot ang bata kaya na lock. Tatanungin niya na lamang ito mamaya paggising kung natatandaan nito ang password. At kung hindi ay pabubuksan na lamang nila ito sa technician mamaya. Umaga pa naman kaya naisipan niya na bumaba muna ulit at magpunta sa kusina.Hindi niya kasi nadatnan si Caspiana pero nakita niya na nasa garahe naman ang sasakyan nito kaya malamang na nasa kuwarto pa ito at natutulog. Ten o'clock na kasi kaya naisip niyang magluto na ng pananghalian. Naisipan niyang magluto ng isang simple dish dahil siguradong paggising ng anak niya ay magugutom ito. At si Caspiana naman ay siguradong o-order na naman online. Sayang lang naman kasi mahal nga pero hindi naman masarap