Hindi nga siya nagsisinungaling dahil apat na oras ang lumipas ay nakarating na siya from Hong Kong. Ilang oras ba ang byahe mula roon papunta dito?
“Good evening, Master Javier.” Rinig kong bati ng mga guards sa kanya. Pababa ako ng hagdan mula sa kwarto at nakatingin sa kanya habang naglalakad. Nakatingin lang din siya sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa mga mata niya na ayaw bumitaw ng tingin sa akin.
“How are you here?” iyan ang una niyang tanong nang nagkalapit na kaming dalawa.
“I’m doing fine here, Javier. Ang akala ko ba nasa Hong Kong ka, why are you here?” Mahina kong tanong sa kanya dahil ayaw ko naman isipin ng mga empleyado niya na kung sino akong umasta para magtanong ng ganoon sa amo nila.
“I told you na uuwi ako at tinapos ko na rin kaagad ang meeting ko para makauwi agad at makausap ka,” he said.
Ganoon lang kabilis? Umuwi lang agad siya para lang makausap ako? Maayos naman ako kahit papaano pero aaminin kong mas okay kung nandito nga siya para kapag may mga itatanong ako ay sa kanya nalang.
“Have you seen your room already?” he asked. Gusto ko siyang sapakin, how dare he talking that his room is mine? Hindi ako komportable na nandoon ako sa kwarto niya.
“I’ve seen it but I want another room, is that possible?” tanong ko sa kanya na siyang kinakunot ng kanyang noo. He is confused.
“Another room? Why? You don’t like the room I’ve given you? Well, we can change the design if you want.” Agad akong umiling sa sinabi niya, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.
“No, the room is perfectly fine. Naisip ko lang na masyadong maaga kung magkasama tayong dalawa sa isang kwarto? Hindi pa tayo kasal at ayaw ko rin naman na may isiping masama ang mga empleyado mo rito,” paliwanag ko sa kanya.
Dahil iyon ang totoo, ayaw kong hindi maganda ang una nilang impression sa akin. As much as possible gusto kong i-build sa kanila una pa lang na maayos akong babae kahit alam ko rin naman sa sarili ko na hindi.“No, it’s okay. And that would be okay for them, wala naman silang pakealam kung nandoon ka sa kwarto ko at magkasama tayong dalawa. Kilala ka na nila, sinabi ko na sa kanila na magiging asawa kita at ituturing ka rin nilang amo and besides, Janiyah—huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako palagi rito sa bahay.”
Nagtaka naman akong tumingin sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi siya palagi nandito sa bahay niya? Sa sarili niyang bahay? Don’t tell me, mas busy siya sa trabaho? And where is his family? Bakit mga empleyado niya lang ang nandito sa malaking bahay na ito? Marami pa akong mga katanungan tungkol sa kanya pero alam ko naman na malabo kong malaman iyon mula sa kanya. De bale, aantayin ko na lang na biglaan kong malaman ang lahat ng iyon.
“So, are we good now na nasa kwarto kita?” tanong niya. Matagal bago ako sumagot pero sumang-ayon na lang din ako. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa trabaho ko sa kanya, kung paano ang paraan ko sa pagpapanggap na asawa niya.
“Yeah, that would be fine,” sagot ko.
Tumango siya at bumaling sa mga empleyado niya. “Magpahinga na kayong lahat, ako na ang bahala sa kanya.”
Pinagmasdan ko ang mga mukha ng mga tauhan niya, may iba na nagulat sa sinabi ni Javier ngunit agad ding nawala at saka sinunod na ang sinabi ni Javier. Sabay silang nagsi-alisan lahat sa harap namin.
“Let’s go, let us talk about the job.”
Ito na, malalama ko na kung ano ba talaga ang gagawin ko. Ito na rin ang tamang panahon siguro na magtanong sa kanya.
Umakyat na rin kami sa kwarto, pinauna niya akong pinapasok sa loob at pagkatapos niyang ibaba ang suot niyang coat, humarap siya sa akin. “Maliligo lang ako, antayin mo ako rito.”
Tumango ako sa kanya, “okay.”
Ilang minuto siyang nakatayo sa harap ko bago tuluyang umalis para pumasok sa banyo, kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya. “Problema no’n?”
Habang nag-aantay ako sa kanya, tinuloy ko ang paglibot sa loob ng kwarto. Marami pa akong hindi nakikita kanina dahil sa pagtawag niya, tulad na lang nitong may maliit pa na cabinet sa hindi kalayuan sa kama niya. I was about to open it pero naka-lock.
“What are you doing?”
Gulat akong tumingin nang marinig ang boses ni Javier sa likod ko, halos manlaki naman ang mata ko nang makitang towel lang ang suot niya at baba niya lang ang nakatakip. Umiwas ako ng tingin. “N-nothing, naglilibot lang ako sa kwarto mo.” Nauutal kong sagot at dahil sa pag-utal ko, gusto kong sampalin ang sarili ko.
What the hell am I doing?
“You’re not looking at me, ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking towel lang ang suot sa katawan?” tanong niya, umiling ako bilang sagot dahil hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako pero ito ang unang beses na nasa harap ko mismo ang lalaking nakasuot lang ng towel. “Then, why are you not looking at me?” he added.
Dahil sa sinabi niya, mabilis akong lumingon sa kanya, I looked at him directly in his eyes. “Magbihis ka muna, pwede ba iyon?” I asked.
Hindi ako komportable na makakausap siyang ganyan lang ang suot. Nagkibit balikat siya at saka pumunta sa kanyang walk-in closet at nagsimula ng magbihis. Inantay ko na lang siya, naligo na rin naman ako kanina habang nag-aantay sa kanya na halos apat na oras.
“I’m done…”
Bumaling ako sa kanya, nakasuot na siya ngayong itim na damit pantulog, terno. Lumunok ako ng dalawang beses at umiwas ng tingin nang makita ang kanyang mukha. Aaminin kong ang gwapo niya sa suot niya, basa pa rin ang kanyang buhok kaya pinunasan niya iyon ng tuwalya na nakasabit sa kanyang batok.
“Okay, ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko at saka umupo sa couch.
Nakita ko naman na kumunot ang noo niyang tinignan ako sa ginagawa ko. “Bakit dyan ka umupo?” tanong niya.
“Dahil upuan ito at dito ako matutulog, ikaw dyan sa kama mo—”
“What the hell are you talking about, Janiyah? You will not sleep on the couch. You will sleep in our bed at ako, sa couch kung gusto mong hindi tayo magkatabi matulog,” he said.
Wait, tama ba ang narinig at pagkaintindi ko? Gusto niyang matulog kami na magkatabi? But why? Ang bilis naman kung iyon agad ang mangyayari, hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko bilang asawa niya.
“Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong ipagawa, empleyado mo lang din naman ako kaya mas mabuti na susundin ko na lang lahat ng utos mo. Ano ba ang pag-uusapan natin?” sabi ko sa kanya.
Nababakas ko sa kanyang mukha na may gusto siyang sabihin o isagot sa sinabi ko pero pinigilan niya rin ang kanyang sarili and binuksan niya na ang topic na dapat naman talaga naming pag-usapan.
“Your job is to be my wife, since binabayaran kita ng malaki dapat makita at maramdaman ng lahat na asawa nga kita, hindi lang sa harap nila kundi na rin sa likod nila o kung walang nakatingin. You will act as my wife—”
“What? Bakit pati iyong walang nakatingin sa ating dalawa ay aacting ako bilang asawa mo?” pagtataka kong tanong.
Bumuntonghininga siya na tila ba para akong tanga na hindi maintindihan ang gusto niyang sabihin. “Para masanay ka kapag kaharap na ang mga tao, para hindi nagbabago ang plano kung sa harap lang nila ikaw umaakto na asawa ko. Naiintindihan mo ba ako?”
Umirap ako, tama rin naman siya pero hindi tama para sa akin, hindi ko naman alam paano maging asawa. Boyfriend nga wala ako tapos didiretso ako bilang asawa.
Tumango ako sa kanya para sumang-ayon na lang at para matapos na. “Yes, I got it. Gagawin ko iyon. Pero matanong ko lang, may day-off ba ako?” tanong ko.
Naalala ko rin kasi ang pamilya ko kung paano ko sila makikita. “Yes, you have. You can go home whenever you want pero hindi iyong may pupuntahan tayong mahahalagang occasion,” sagot niya.
“Ibig mong sabihin pwede akong umuwi sa amin kahit kailan ko gusto basta hindi lang sasabay sa plano mo na kasama ako?” tanong ko at tumango naman siya. Nilinaw ko lang dahil ayaw kong lumabag sa gusto niya, baka mabawasan pa ang sahod ko. “Okay, how about my salary?” Hindi ako nahihiya nang tanungin ko iyon.
Hindi naman nakatakas sa akin ang pagngisi niya, sigurado akong iniisip niya na ngayon na mukha akong pera. Totoo naman, kailangan ko iyon para sa pamilya ko at lalo na kay Lucy.
“Monthly income, free foods and everything in this house, you have your own driver and you will have allowance monthly para sa mga gusto mong bilhin sa sarili mo,” paliwanag niya na siyang dahilan ng pagkagulat ko.
“That’s too much, sapat na iyong magiging sahod ko na ibibigay mo monthly. Hindi ko naman kailangan ng driver at allowance dahil wala naman akong bibilhin din para sa sarili ko—”
“No buts, Janiyah. Kailangan mo iyon dahil asawa kita at dahil asawa nga kita, you will dress up yourself. Be presentable.” Seryoso niyang sabi.
He’s right, mayaman nga pala siya at hindi pwedeng mahalata ng mga tao na mahirap lang ang asawa niya. Tumango ako. “Okay, thank you. I will accept that.” Tipid akong ngumiti sa kanya.
Wala siyang reaction nang tumingin sa akin hanggang sa umalis siya sa harap ko, pinagmasdan ko lang ang kanyang ginawa. Kinuha niya ang isang unan sa kama at naglakad patungo sa couch para humiga roon. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko, para pa rin akong nanaginip sa nangyayari sa akin ngayon. Sana may sumampal sa akin at malaman na hindi ito totoo. Pumikit ako nang mariin, huminga ng malalim.
“Bakit ka pa nakatayo riya, matulog ka na. Maaga tayo aalis bukas, you need to fix yourself and be my wife. Your job will start tomorrow.”
Gaya ng sinabi ni Javier, umalis nga kami ng umaga. Ang sabi niya ay may pupuntahan kami pero hindi ko siya kasama palagi dahil may mga kailangan din siyang asikasuhin kaya dalawa sa mga helper niya ang sinama sa akin. Sina Girly and Sandy. Kung hindi ako nagkakamali, parang kaedad ko lang silang dalawa, twenty-seven years old. “Susunduin kayo ng driver para sa susunod na appointment mo,” sabi ni Javier nang huminto ang sasakyan sa isang mall. Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya kung ano ang ipapagawa niya sa akin. “Girly, this is the list. Make sure nasunod niyo iyan at matapos kayo agad bago sa susunod na appointment.” May inabot siya kay Girl. Gusto kong kunin iyon pero nandito pa siya, mamaya na lang kapag umalis na siya.Bumaling siya sa akin. “You’ll be okay here,” he said. Hindi iyon tanong kundi desisyon niya agad na magiging maayos ako sa kung ano man ang gagawin naming tatlo nina Girly at Sandy sa mall.“Yeah, susunod ka ba sa amin sa l
Natapos kami sa shop ni Hillary at hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi niya kanina na hindi siya ang pinili ni Javier na gawing asawa. Ako rin, hindi ko rin alam kung bakit dahil isa lang naman akong stranger sa buhay ni Javier. “Thank you, Hillary.” Ngumiti ako sa kanya. She hugged me. “Sana magustuhan mo lahat ng pinili kong damit para sa’yo,” she whispered. Yes, sobrang ganda lahat ng napili niyang damit para sa akin. No wonder kung bakit siya ang stylist ni Javier. Kahit simpleng suot lang ni Javier ay bagay sa kanya. “Mauuna na kami, Hillary. Maraming salamat ulit.”“Thank you rin, Janiyah. We’re friends already, right?” tanong niya. Ngumiti ako ng malawak at saka tumango. Wala namang masama na maging kaibigan ko siya, mabait din naman siya. “We are friends now,” I told her. Pagkatapos ko sa shop ni Hillary, pumunta naman kami sa restaurant. Wala sa list iyon pero tanghali na kaya kailangan muna naming kumain tatlo. “Bakit dito?” tanong ko kay Girly dahil kita kong ma
Dumating kami sa sinasabi niyang shop ng kaibigan niya. Ang buong akala ko ay matatahimik ang araw ko na kasama siya dahil hindi naman siya masyadong nagsasalita pero nagkakamali ako, dahil ang mga kaibigan niya ang salita nang salita. Ang dami nilang tanong at hindi pa ako nakakapili ng susuotin ko.“Grabe, ang ganda mo. Kamukha mo siya—”“Luella, stop it.” Suway ni Javier sa kaibigan niyang babae na kanina pa lumalapit sa akin. “Come here, Janiyah. Pumili ka na ng gusto mong gown.” Hinila ako ni Javier papunta sa tabi niya at binigay sa akin ang album na nakalagay ang mga pagpipilian.Habang tinitignan ko ang mga magagandang gowns, hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulungan na malapit lang sa akin. Tinignan ko si Javier, nasa malayo ko na siya dahil may kausap siya. “Yeah, kamukhang-kamukha niya. Siguro ang pinagkaiba lang ay simple at mahinhin si Janiyah.”“I know right, kambal niya kaya?”“I don’t think so—shit, si Javier.”Natigil sila sa pag-uusap nang tumabi ulit sa a
Dumating ang linggo ng aming kasal ni Javier, nagulat ako sa pagdagsa ng mga tao sa mansyon niya. Ang iilan ay pamilya niya at mga kaibigan. Para akong nasa ibang mundo na kung saan naliligaw ako dahil sila ang nakikita ko. I can say that this is not my life, this is not me. “Hey, have you seen Javier?” May lumapit sa aking lalaki na kasing tangkad lang ni Javier, he’s wearing a polo shirt at kita rin ang tattoo niya na kagaya sa tattoo ni Javier sa kanyang braso. Limang lalaking nandito ang nakita kong may tattoo sa braso nila.“Hey, I’m talking to you. Have you seen your boss?” tanong niya ulit.Boss? Akala niya ba kasambahay ako rito? Well, hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi pa naman ako pinapakilala ni Javier bilang asawa niya kaya siguro akala nila ay kasambahay ako.“Oh, I’m sorry. Hindi ko pa siya nakita,” sagot ko. And yes, what I said is true. Hindi ko pa nakita ulit si Javier simula noong dumami na ang bisita sa mansyon niya.Ang sabi niya sa akin noong isang ara
So, this is the day I am waiting for. At bukas ay kasal na agad namin ni Javier. Ang bilis ng pangyayari!Si Javier ang nagmaneho, hindi siya nagdala ng guards at driver at nasa front seat din ako nakaupo. Ito ang unang pagkakataon na siya ang magmamaneho at kaming dalawa lang ang magkasama. Pakiramdam ko ito na rin ang unang beses na palaging hindi ako magiging komportable. “Ang tahimik mo,” panimula niya nang ilang minuto na ang katahimikan sa aming dalawa. Wala naman akong sasabihin kaya hindi ko rin alam kung ano ang bubuksan kong topic.“You too, Javier. Kanina ka pa tahimik, ayaw ko naman maunang magsalita dahil wala rin naman akong sasabihin,” sagot ko. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya, traffic sa daan kaya tumigil pa ang kotse. I can feel that he looked at me kaya bumaling din ako sa kanya na sana hindi ko na lang ginawa. Bakit ba ganoon? Simpleng tingin niya lang ay para na akong nakukuryente. “Are you sure na ayos lang sa’yo pumunta tayo ngayon sa bahay ng pamilya ko?”
Hanggang sa pag-uwi ko hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na kinausap si Javier dahil nag-iisip ako kung paano ko ayusin ang gusot na ito. Bukas na ang kasal namin ni Javier at gustong makita ng Lolo niya ang pamilya ko? No, hindi pwede. Hindi ko naman sinabi sa kanila, hindi ko pa nga alam kung kumusta na sila, nagpalit ako ng sim card para hindi muna nila ako ma-contact. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko sa pamilya ko pero ayaw ko silang madamay sa kung anong buhay ang pinasok ko. “Hey, you should sleep early. Maaga tayo bukas…”Hindi ko pinansin si Javier, humiga na lang ako sa kama na hindi siya tinitignan. Hanggang sa ilang oras ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Bumangon para tignan si Javier, natutulog siya sa couch. God, hindi ko na alam! Hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ko talaga pero nahihirapan na ako. Siguro magpapalusot na lang ako sa pamilya ni Javier bukas, bahala na!Kinabukasan, nagising ako na parang ayaw kong bumangon at umalis
At the reception, nasa isang kwarto ako kasama ang pamilya ko at si Javier. Hindi ako makatingin sa pamilya ko o kahit kay Javier. Gusto ko na lang isipin na isa itong bangungot. “Maiwan ko muna kayo…Janiyah.” Tumango ako kay Javier. Nang makalabas siya sa kwarto, tumingin na ako sa pamilya ko. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay hindi ko na napigilan na lumabas. Kanina ay dumiretso kami ni Javier sa reception at sa isang private room kung nasaan kami ngayon kasama ang pamilya ko. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Javier ang mag-uusap pero nagkamali ako dahil bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilya ko.“Anong nangyayari?” unang nagsalita si Liam. Yumuko ako, hindi ko pa rin silang kayang tignan. “Janiyah, dalawang linggo kang nawala at malalaman namin na ikakasal ka pala kay Javier na pinakilala mo sa amin na boss mo?” si nanay, bakas sa boses niya na nahihirapan siyang magsalita. Her voice broke.“Mom, Dad, Liam… I’m sorry kung tinago ko ang tungkol—”“Bakit mo nga ba tina
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Javier na masama ang tingin niya sa kanyang pamilya. Rinig ko na ang mga bulungan at iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao. Curious.“Auction Club? Ano ang ibig mong sabihin, Lolo?” tanong ni Hannah. Napayuko ako at pinikit ang mga mata, hindi pwedeng malaman ng mga tao ang trabaho ko noon. “Yes, nalaman ko kasi na si Janiyah, ang asawa ni Javier ay mahilig sa mga auction. Mag-bid. In fact, iyon nga ang nagustuhan ko kay Janiyah dahil ganoon din ang pamilya niya. Malalaki ang mga binibigay nilang donation sa iba’t ibang organisasyon…: paliwanag ng Lolo ni Javier.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko na rin pinansin ang pagsagot ng mga tao, ang mga palakpakan nila na para bang bilib na bilib sa ginawa ko dahil lang sa sinabi ng Lolo ni Javier. Kahit ang pamilya namin ni Javier ay nagtataka sa ginawa niya.“Dad, what are you doing?” tanong ng father ni Javier. Hindi siya sinagot ng Lolo ni Javier, bagkus nagsalin siya ng wine sa wine glas
Natahimik ang linya, nag-aantay si Lara na sumagot si Angela pero hindi pa rin. Nagkatinginan naman sina Angela at Javier nang marinig lahat ng sinabi ni Lara. “Lara…” Angela spoke. “Thank you for telling me this. I appreciated and I am so sorry na nasama kayo sa gulo namin. Thank you. Don’t worry, pinapatawad ko na kayo and I will see you soon after everything,” mahabang sabi ni Angela.“Thank you, Angela. Please go faster…delikado ang mga taong kasama ni Janiyah ngayon,” Lara said at binaba na ang tawag. Bumalik siya kay Aaron. Tinignan siya ng masama ni Aaron.“What did you do?!” galit na sigaw ni Aaron.“I just did what I need to do and that is the right thing do you, Aaron. This must be end. Hindi pwedeng habang buhay kang sumusunod sa gusto ng mga taong walang ginawa kundi sirain ang buhay mo…” seryosong sabi ni Lara at tinalikuran si Aaron. ***“We need to hurry, Javier. Baka nakatakas na sila. Lara said kasama nila si Janiyah and they are planning to escape!” nag-alalang sab
Lumabas silang tatlo sa security room at sinimulan ang paghahanap maliban kay Periyah dahil bumalik siya sa kwarto ni Liam at sinabi niya na rin ang lahat ng nangyayari. Liam insisted to hel Javier and Angela to find Janiyah pero pinigilan siya ni Periyah. “Tutulong tayo kung maayos ka na—”“I am find now, Periyah. My sister needs me. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang habang ako ay nandito, nakahiga. I need to do something, I need to help them!” he shouted. Nagpalit siya ng damit mula sa hospital gown to a simple shirt and pants at nagmamadaling lumabas. Wala na ring nagawa si Periyah kundi sumunod kay Liam. “How can we find them kung hindi natin alam kung saan sila pupunta, Javier?” tanong ni Angela nang makasakay sila sa kotse ni Javier. Si Javier ang nagmamaneho at si Angela naman ang nasa front seat.“I alreay asked for a help from my team. You’ve mentioned about the girl who is with you. Her name is Jessa, right? Do you have someone we can rely on for helping that woman?”
“Janiyah?” Nagtatakang tanong ni Javier nang makabalik siya sa ward room ni Janiyah at nakita niyang wala si Janiyah sa kama nito.Agad siyang nagmamadaling hanapin sa loob ng comfort room pero walang kahit anino ni Janiyah ang naroon. Nakaramdam na siya ng kaba, wala rin naman siyang napansin na may lumabas kanina sa kwarto ni Janiyah. “Damn it!” galit niyang sigaw. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Angela dahil si Angela lang ang pwede niyang asahan sa ngayon sa kadahilanan na hindi pa rin nagigising si Liam. “Where are you? Nariyan ba si Janiyah sa condo mo?” tanong ni Javier kay Angela.“What?” Kunot noong tanong ni Angela. “What are you talking about? Bakit naman siya pupunta rito kung nariyan siya sa hospital—”“She’s missing!” sigaw ni Javier dahilan para maputol ang sinasabi ni Angela.“What?” nanlaki ang mga mata ni Angela nang marinig niya ang sinabi ni Javier. “Papunta na ako riyan. Baka nasa garden lang o pinuntahan si Liam sa kwarto nito,” sabi naman ni Angel
FLASHBACKS***“Samuel, anong gagawin natin sa bata? May tama siya ng baril…” Umiiyak na sabi ni Laura habang bitbit ni Samuel ang batang babae na nakita nila kanina lang. Noong una ay umiiyak ang batang babae at hinahanap ang magulang niya, nagkagulo sa park kung saan naroon ang pamilya niya at sa hindi inaasahang pangyayari, nawalay ang batang babae mula sa magulang niya. And the couple saw the little girl. Pero habang kausap nila ang batang babae na umiiyak, napansin ni Laura na may dugo sa gilid ng tiyan ng batang babaae. “Dadalhin natin siya sa hospital. Hindi ko alam kung paano niya tiniis ang sakit ng bala sa katawan niya…” hinihingal na sabi ni Samuel. Nagtagumpay naman silang madala ang batang babae sa hospital. Binantayan at inalagaan nila ang batang babae hanggang sa magising ito. “Anong pangalan mo?” mahinahong tanong ni Laura sa batang babae. Nakatingin lang ang batang babae sa kanilang dalawa, walang naiitindihan sa nangyayari. Hindi niya rin masagot ang tanong ni La
“Oh God, please wake up.. Please please…” Umiiyak na sabi ni Angela habang hawak niya ang kamay ni Janiyah.Dumating din naman agad ang ambulance na tinawagan ni Angela. Hindi niya rin magawang tawagan si Javier dahil nanginginig ang kamay niya. She is holding her phone sa isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ni Janiyah na walang malay at duguan. The medic team assisted them.“How is she? May pulse pa ba siya?” Kinakabahang tanong ni Angela sa nurse. “Hindi pa namin mahanap ang pulse niya but don’t worry malapit na tayo sa hospital,” sagot ng nurse. Mas lalong umiyak si Angela sa sinabi ng nurse. Gulat namang bumaling si Angela sa phone niya na hawak niya lang nang biglang tumunog. Tumawag si Javier. Dahan-dahang sinagot ni Angela ang tawag, kinakabahan pa rin siya dahil nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.“Angela…why did you call? Hindi ko nasagot ang tawag dahil nasa meeting ako kanina. May problema ba? Nagkita na ba kayo ni Janiyah? She said sh
Tumawa ng malakas si Jessa na tila ba natutuwa siya sa reaction ni Angela dahil sa sinabi niya. “You did not expect that to happen?” Jessa asked, still laughing.Hindi na maipinta ang mukha ni Angela dahil sa naramdamang galit nita kay Jessa. Gusto niyang saktan si Jessa pero tila ba pinipigilan siya ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya lang din mapigilan ang pagtulo ng luha niya. “Papatayin kita sa ginawa mo…” gigil na sabi ni Angela at dahan-dahan siyang lumapit kay Jessa, atras naman nang atras si Jessa, hindi pa rin natatakot sa posibleng gawin ni Angela sa kanya. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pag-traydor sa akin at sa pagpatay kay Lawrence,” dagdag ni Angela. Jessa smirked, “hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo, Angela. I just came here to tell you that you made me do it. You made me kill your brother.” Simpleng sabi ni Jessa na tila ba wala lang sa kanya ang lahat. Mas lalong nakaramdam ng galit si Angela. Her right hand Jessa betrayed her, hindi niya i
“Doctor, what happened to my son? What happened to him? Bakit siya nagkaganoon?” sunod-sunod na tanong ni Laura.“Mataas ang lagnat niya at kailangan niya pang magpahinga but the good thing is nagising na siya. From time to time, we need to check on him,” paliwanag ng doctor at nagbigay pa siya ng mga instructions para kay Liam kung ano ang mga dapat gawin bago siya magpaalam at umalis ng kwarto kasama ang tatlong nurses. Lumapit si Laura kay Liam. “Ang init niya,” she said nang hawakan niya ang noo ni Liam at ang kamay. Tumutulo na rin ang mga luha ni Laura, hindi niya na mapigilan ang umiyak. ‘Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya kung bakit siya nilagnat ng ganito kataas. Kahit minsan hindi ko hinayaan na may manakit sainyong mga anak ko, kahit lamok ay hindi ko hinayaan na dumampi sa balat ninyong tatlo. Makakapatay ako ng tao kapag nalaman kong sinasaktan nila ang mga anak ko….” mahabang sabi ni Laura, huminto siya saglit sa pagsasalita at pinunasan ang luha sa pisngi
`Pagkatapos nina Periyah at Javier sa puntod ni Hillary, hinatid na ni Javier si Periyah sa kanila at agad na rin siyang bumalik sa hospital. Saktong pagkarating niya sa ward room ni Liam, nandoon na rin ang magulang ni Liam at si Lucy na nakatayo na, wala na siya sa kanyang wheelchair.“Javier…” banggit ni Janiyah nang makita niya si Javier na kakapasok lang sa loob ng ward room. “Hey…” Ngumiti naman si Javier sa kanya at lumapit sa kanya. Binati niya rin ang magulang ni Liam. Umiiyak si Laura at sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Liam. Bago pa lang sila makarating sa hospital, umiiyak na si Laura dahil sa nalaman na may nangyari kay Liam. Si Janiyah mismo ang tumawag sa kanila para ipaalam ang tungkol kay Liam at nang nasa hospital na sila, si Janiyah na rin nagsabi kung ano ba talaga ang ginagawa ni Liam noong nasa ibang bansa si Liam. Nagulat ang pamilya ni Liam kaya sinisi ni Laura ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napabayaan niya si Liam.“Mom, si Liam
Bumuntong hininga si Periyah at saka tumango sa kanilang dalawa. “Promise me na ako ang una ninyong tatawagan kapag nagising siya, okay? I will just take a rest, change and anything pero babalik kaagad ako rito pagkatapos,” paliwanag naman ni Periyah.“We promise,” Janiyah said at niyakap ng mahigpit si Periyah. “Thank you for loving my brother. Ang swerte niya sa’yo,” she added.Hindi alam ni Periyah kung ano ang mararamdaman niya dahil sa sinabi ni Janiyah. Naalala niya lang si Liam at si Angela dahil sa sinabi ni Janiyah.“Thank you…” Periyah said to Janiyah at nagpaalam na.Hinatid na siya ni Javier dahil ang dala niya namang ko