Binuhat ni Javier si Angela at dinala sa kwarto nito, inayos niya muna ng higa si Angela bago lumabas ng kwarto at bumalik sa living room para linisin ang kalat. Tinawagan niya rin si Liam para sabihin na nasa condo unit niya lang si Angela, tinawagan niya rin si Janiyah.“Huwag ka ng mag-alala, nandito lang siya sa condo unit niya. She’s drunk when I saw her,” sabi ni Javier.“Thank God…thank you, Javier.” Nakangiting sabi ni Janiyah.“I love you wife, huwag ka ng mag-alala. She’s fine now,” Javier said at nagpaalam kay Janiyah. Binaba niya na ang tawag at bumalik sa kwarto ni Angela.Ngayon ay mahimbing na natutulog si Angela, pinagmasdan lang siya ni Ja
Marami ng police at iba pang miyembro ng group ni Javier para magtulungan na hanapin si Janiyah at ang anak niya. Hindi alam ni Javier kung bakit umalis pa si Janiyah sa loob ng kotse kahit na sinabi niya na huwag umalis pero ginawa pa rin ni Janiyah.“Javier,” tawag ni Angela kay Javier. Nang nalam niya ang nangyari agad siyang pumunta sa bahay ni Javier. “May news na ba kay Janiyah at Everette?” Nag-alalang tanong niya.Pero imbis na sagutin siya ni Javier, bigla siyang nilapitan ni Javier at hinawakan sa dalawnag balikat. “Ikaw ang gumawa nito sa kanila, hindi ba? Ilabas mo sila!” galit na sigaw ni Javier.“Javier, nsasaktan ako. What the hell?” totoong nasasaktan si Angela sa ginawa ni Javier dahil hinigpitan ni Javie
Nang makarating sina Liam at Angela sa condo unit ni Angela, walang nagsalita sa kanilang dalawa ulit. Dito sila dumiretso dahil ginagamot ni Angela ang mga sugat ni Liam, kahit na gusto ni Angela na dalhin si Liam sa hospital ayaw ni Liam dahil ayaw niyang malaman ng pamilya niya ang nangyari sa kanya at ayaw niya rin ipaalam sa pamilya niya na nawawala si Janiyah at ang anak nito.Habang si Angela naman ay tahimik dahil iniisip niya ang sinabi ni Liam kanina sa loob ng kotse. Para sa kanya, imposible na si Aaron ang gagawa nito kay Janiyah. Naguguluhan siya pero sa pagkakataon na ito, lahat ng tao sa paligid ay dapat niyang paghinalaan. Kahit siya sa sarili niya ay siya ang pinaghinalaan ng mga tao na gumawa nito.“Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Liam nang hindi niya na natiis ang katahimikan ni Angela.&nbs
Pagpasok nila sa malaking bahay, walang tao kahit anino ay wala rin silang makita. “Sigurado ba talaga na ito ang lugar? We can’t see anyone here,” sabi ni Liam.All of them are holding guns.“I am sure, Liam. Hanapin natin kung saan naka-pic ang location ni Janiyah. She’s not still moving kaya nandito pa siya,” sagot naman ni Javier.Siya ang nangunguna maglakad at sinundan lang siya ng mga tauhan niya sa bawat sulok ng bahay. Isa-isa rin nilang pinasok ang kwarto hanggang sa nakarinig sila ng iyak ng bata. Lahat sila ay natahimik, tumigil sa paglalakad at pinakinggan kung saan galing ang iyak. DDahan-dahang naglakad si Javier kasama si Liam sa nag-iisang kwarto kung
Habang nakahiga si Janiyah sa higaan niya sa hospital, hawak ni Javier ang kamay niya. Javier is crying while looking at her. Maraming mga pasa at sugat si Janiyah sa mukha at buong katawan niya na hindi malaman ni Javier kung saan ito nanggaling o kung paano ito nagawa ng taong kumuha kay Janiyah.“I promise you…papatayin ko ang gumawa nito sa’yo,” mahinang sabi ni Javier. Pagkatapos operahan ang mga sugat ni Janiyah dahil tila hiniwa ang gilid ng tyan niya, agad na rin siyang nilagay sa hospital ward na para kay Janiyah. Hindi pa umuwi si Javier sa kanila dahil ayaw niyang iwanan si Janiyah. Hindi pa rin nagigising si Janiyah. “Javier…”Napaligon si Javier sa pintuan nang may tumawag sa kanya. It was Angela. Tinignan niya si Angela na puno ng galit, tumayo siya at humarap kay Angela. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Javier kay Angela ngunit naroon pa rin ang galit. Ayaw niyang makita si Angela.“I want to see her. Kumusta siya?” malungkot na tanong ni Angela at nakat
“W-what?” Nauutal na tanong ni Liam, hindi makapaniwala sa sinabi ni Angela. “How could that happen? Does that mean that Aaron is the culprit?” dagdag niyang tanong. Hindi makapagsalita si Angela sa tanong ni Liam, hindi niya rin naman alam kung paano iyon nangyayari. “I don’t know, Liam. That is why I’m finding something that we can use to prove…” sabi ni Angela.Hindi na rin nagsalita ulit si Liam, hinayaan niya na lang si Angela na maghanap sa loob ng kwarto, sumali rin siya sa paghahanap kahit hindi niya alam kung ano ang hahanapin niya.“Shit, bakit wala?” inis na sabi ni Angela habang naghahanap pa rin. Tumayo si Liam at lumapit sa kanya para magtanong na dahil nalilito na siya. “Ano bang hinahanap mo?” tanong ni Liam.Huminto si Angela, bumaling kay Liam at saka tumayo. “I can’t find my old phone. This is Aaron’s room, naalala ko dito ko nilagay ang old phon ko pagkatapos kong iwanan si Javier,” paliwanag ni Angela.Kumunot lang ang noo ni Liam nang biglang lumabas ng kwarto
Maagang nagising si Liam kahit na inaantok pa siya, nagulat pa ang kanyang magulang at si Lucy nang makita siyang lumabas sa kwarto niya.“Umuwi ka kagabi? What are you doing here? And what happened to your face? May nakaaway ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Laura kay Liam. Umiwas ng tingin si Liam kina Laura at Samuel, bahagyang tinago ang mukha. Ito na nga ba ang sinasabi niya, kaya ayaw niyang makita ng magulang niya ang mukha niyang maraming pasa. “This is nothing, Mom. And yeah, I came here last night, gusto ko lang din kayong makasama—”“Hmm, that’s new of you. Kasama mo ba si Janiyah at si Everette?” Nakangiting tanong ni Laura. Bahagya namang tumingin saglit si Liam sa magulang niya and he was about to answer his mother’s question nang biglang lumabas si Angela sa kwarto at saka sabay na bumaling ang pamilya ni Liam.“Janiyah! Mabuti naman sumama ka kay Liam,” sabi ni Laura at lumapit kay Angela. Niyakap ni Laura si Angela dahilan para magulat si Angela. Palihim na tumingi
“Hindi pa rin ba siya nagigising?” tanong ni Javier ni Lyssa nang makabalik siya sa hospital. Si Lyssa na lang ang naiwan na samahan si Janiyah dahil hindi na bumalik si Hannah. “Yeah, the doctor and the nurse checked her from time to time. They said she is stable pero hindi pa rin nila alam kung kailan magigising si Janiyah,” paliwanag ni Lyssa. Ngumiti si Javier sa kanya ng tipid. “Thank you, Lyssa for accompanying her. You can take a rest now, I can handle this…”“Are you sure? How about Everette?” Nag-alalang tanong ni Lyssa. Iniisip niya si Everette dahil baka umiyak na naman ang bata na wala sa tabi niya ang magulang niya.“He is now fine, he’s with my mother. Don’t worry about it. How about you? Maybe you have something to do? I am good here, Lyssa. Thank you again,” mahabang sabi ni Javier. Tinignan ni Lyssa si Javier na may lungkot sa mukha at saka tumango. “Alright, if you need something just call me, okay?” nakangiting sabi ni Lyssa.Tumango lang si Javier at niyakap si
Natahimik ang linya, nag-aantay si Lara na sumagot si Angela pero hindi pa rin. Nagkatinginan naman sina Angela at Javier nang marinig lahat ng sinabi ni Lara. “Lara…” Angela spoke. “Thank you for telling me this. I appreciated and I am so sorry na nasama kayo sa gulo namin. Thank you. Don’t worry, pinapatawad ko na kayo and I will see you soon after everything,” mahabang sabi ni Angela.“Thank you, Angela. Please go faster…delikado ang mga taong kasama ni Janiyah ngayon,” Lara said at binaba na ang tawag. Bumalik siya kay Aaron. Tinignan siya ng masama ni Aaron.“What did you do?!” galit na sigaw ni Aaron.“I just did what I need to do and that is the right thing do you, Aaron. This must be end. Hindi pwedeng habang buhay kang sumusunod sa gusto ng mga taong walang ginawa kundi sirain ang buhay mo…” seryosong sabi ni Lara at tinalikuran si Aaron. ***“We need to hurry, Javier. Baka nakatakas na sila. Lara said kasama nila si Janiyah and they are planning to escape!” nag-alalang sab
Lumabas silang tatlo sa security room at sinimulan ang paghahanap maliban kay Periyah dahil bumalik siya sa kwarto ni Liam at sinabi niya na rin ang lahat ng nangyayari. Liam insisted to hel Javier and Angela to find Janiyah pero pinigilan siya ni Periyah. “Tutulong tayo kung maayos ka na—”“I am find now, Periyah. My sister needs me. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang habang ako ay nandito, nakahiga. I need to do something, I need to help them!” he shouted. Nagpalit siya ng damit mula sa hospital gown to a simple shirt and pants at nagmamadaling lumabas. Wala na ring nagawa si Periyah kundi sumunod kay Liam. “How can we find them kung hindi natin alam kung saan sila pupunta, Javier?” tanong ni Angela nang makasakay sila sa kotse ni Javier. Si Javier ang nagmamaneho at si Angela naman ang nasa front seat.“I alreay asked for a help from my team. You’ve mentioned about the girl who is with you. Her name is Jessa, right? Do you have someone we can rely on for helping that woman?”
“Janiyah?” Nagtatakang tanong ni Javier nang makabalik siya sa ward room ni Janiyah at nakita niyang wala si Janiyah sa kama nito.Agad siyang nagmamadaling hanapin sa loob ng comfort room pero walang kahit anino ni Janiyah ang naroon. Nakaramdam na siya ng kaba, wala rin naman siyang napansin na may lumabas kanina sa kwarto ni Janiyah. “Damn it!” galit niyang sigaw. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Angela dahil si Angela lang ang pwede niyang asahan sa ngayon sa kadahilanan na hindi pa rin nagigising si Liam. “Where are you? Nariyan ba si Janiyah sa condo mo?” tanong ni Javier kay Angela.“What?” Kunot noong tanong ni Angela. “What are you talking about? Bakit naman siya pupunta rito kung nariyan siya sa hospital—”“She’s missing!” sigaw ni Javier dahilan para maputol ang sinasabi ni Angela.“What?” nanlaki ang mga mata ni Angela nang marinig niya ang sinabi ni Javier. “Papunta na ako riyan. Baka nasa garden lang o pinuntahan si Liam sa kwarto nito,” sabi naman ni Angel
FLASHBACKS***“Samuel, anong gagawin natin sa bata? May tama siya ng baril…” Umiiyak na sabi ni Laura habang bitbit ni Samuel ang batang babae na nakita nila kanina lang. Noong una ay umiiyak ang batang babae at hinahanap ang magulang niya, nagkagulo sa park kung saan naroon ang pamilya niya at sa hindi inaasahang pangyayari, nawalay ang batang babae mula sa magulang niya. And the couple saw the little girl. Pero habang kausap nila ang batang babae na umiiyak, napansin ni Laura na may dugo sa gilid ng tiyan ng batang babaae. “Dadalhin natin siya sa hospital. Hindi ko alam kung paano niya tiniis ang sakit ng bala sa katawan niya…” hinihingal na sabi ni Samuel. Nagtagumpay naman silang madala ang batang babae sa hospital. Binantayan at inalagaan nila ang batang babae hanggang sa magising ito. “Anong pangalan mo?” mahinahong tanong ni Laura sa batang babae. Nakatingin lang ang batang babae sa kanilang dalawa, walang naiitindihan sa nangyayari. Hindi niya rin masagot ang tanong ni La
“Oh God, please wake up.. Please please…” Umiiyak na sabi ni Angela habang hawak niya ang kamay ni Janiyah.Dumating din naman agad ang ambulance na tinawagan ni Angela. Hindi niya rin magawang tawagan si Javier dahil nanginginig ang kamay niya. She is holding her phone sa isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ni Janiyah na walang malay at duguan. The medic team assisted them.“How is she? May pulse pa ba siya?” Kinakabahang tanong ni Angela sa nurse. “Hindi pa namin mahanap ang pulse niya but don’t worry malapit na tayo sa hospital,” sagot ng nurse. Mas lalong umiyak si Angela sa sinabi ng nurse. Gulat namang bumaling si Angela sa phone niya na hawak niya lang nang biglang tumunog. Tumawag si Javier. Dahan-dahang sinagot ni Angela ang tawag, kinakabahan pa rin siya dahil nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.“Angela…why did you call? Hindi ko nasagot ang tawag dahil nasa meeting ako kanina. May problema ba? Nagkita na ba kayo ni Janiyah? She said sh
Tumawa ng malakas si Jessa na tila ba natutuwa siya sa reaction ni Angela dahil sa sinabi niya. “You did not expect that to happen?” Jessa asked, still laughing.Hindi na maipinta ang mukha ni Angela dahil sa naramdamang galit nita kay Jessa. Gusto niyang saktan si Jessa pero tila ba pinipigilan siya ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya lang din mapigilan ang pagtulo ng luha niya. “Papatayin kita sa ginawa mo…” gigil na sabi ni Angela at dahan-dahan siyang lumapit kay Jessa, atras naman nang atras si Jessa, hindi pa rin natatakot sa posibleng gawin ni Angela sa kanya. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pag-traydor sa akin at sa pagpatay kay Lawrence,” dagdag ni Angela. Jessa smirked, “hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo, Angela. I just came here to tell you that you made me do it. You made me kill your brother.” Simpleng sabi ni Jessa na tila ba wala lang sa kanya ang lahat. Mas lalong nakaramdam ng galit si Angela. Her right hand Jessa betrayed her, hindi niya i
“Doctor, what happened to my son? What happened to him? Bakit siya nagkaganoon?” sunod-sunod na tanong ni Laura.“Mataas ang lagnat niya at kailangan niya pang magpahinga but the good thing is nagising na siya. From time to time, we need to check on him,” paliwanag ng doctor at nagbigay pa siya ng mga instructions para kay Liam kung ano ang mga dapat gawin bago siya magpaalam at umalis ng kwarto kasama ang tatlong nurses. Lumapit si Laura kay Liam. “Ang init niya,” she said nang hawakan niya ang noo ni Liam at ang kamay. Tumutulo na rin ang mga luha ni Laura, hindi niya na mapigilan ang umiyak. ‘Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya kung bakit siya nilagnat ng ganito kataas. Kahit minsan hindi ko hinayaan na may manakit sainyong mga anak ko, kahit lamok ay hindi ko hinayaan na dumampi sa balat ninyong tatlo. Makakapatay ako ng tao kapag nalaman kong sinasaktan nila ang mga anak ko….” mahabang sabi ni Laura, huminto siya saglit sa pagsasalita at pinunasan ang luha sa pisngi
`Pagkatapos nina Periyah at Javier sa puntod ni Hillary, hinatid na ni Javier si Periyah sa kanila at agad na rin siyang bumalik sa hospital. Saktong pagkarating niya sa ward room ni Liam, nandoon na rin ang magulang ni Liam at si Lucy na nakatayo na, wala na siya sa kanyang wheelchair.“Javier…” banggit ni Janiyah nang makita niya si Javier na kakapasok lang sa loob ng ward room. “Hey…” Ngumiti naman si Javier sa kanya at lumapit sa kanya. Binati niya rin ang magulang ni Liam. Umiiyak si Laura at sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Liam. Bago pa lang sila makarating sa hospital, umiiyak na si Laura dahil sa nalaman na may nangyari kay Liam. Si Janiyah mismo ang tumawag sa kanila para ipaalam ang tungkol kay Liam at nang nasa hospital na sila, si Janiyah na rin nagsabi kung ano ba talaga ang ginagawa ni Liam noong nasa ibang bansa si Liam. Nagulat ang pamilya ni Liam kaya sinisi ni Laura ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napabayaan niya si Liam.“Mom, si Liam
Bumuntong hininga si Periyah at saka tumango sa kanilang dalawa. “Promise me na ako ang una ninyong tatawagan kapag nagising siya, okay? I will just take a rest, change and anything pero babalik kaagad ako rito pagkatapos,” paliwanag naman ni Periyah.“We promise,” Janiyah said at niyakap ng mahigpit si Periyah. “Thank you for loving my brother. Ang swerte niya sa’yo,” she added.Hindi alam ni Periyah kung ano ang mararamdaman niya dahil sa sinabi ni Janiyah. Naalala niya lang si Liam at si Angela dahil sa sinabi ni Janiyah.“Thank you…” Periyah said to Janiyah at nagpaalam na.Hinatid na siya ni Javier dahil ang dala niya namang ko