Nasa mansyon lang ako at si Javier ay lumalabas para magtrabaho. Isang linggo na ang lumipas simula noong umuwi kami mula sa Hong Kong. Ang daming nangyari sa araw ng kasal namin hanggang sa araw ng honeymoon namin. Hindi ko pa rin nakakausap ang pamilya ko kaya iyon ang plano ko ngayong araw. Sinabi naman sa akin ni Javier na kung may pupuntahan man ako ay magpapahatid na lang ako sa driver ko na binigay niya para sa akin. “Sasama ka?” tanong ko kay Sandy na nakabihis. Tumango siya at ngumiti.“Yes Ma’am. Iyon po ang utos ni Sir Javier na sasamahan kita kung may pupuntaha ka po.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman kailangan na samahan pa ako dahil bibistahin ko lang naman ang pamilya ko. “I’m sorry, Sandy. Pero ayos lang naman kung hindi mo ako samahan. I can handle myself, and I am sure walang mangyayari sa akin kasi pupunta naman ako sa pamilya ko,” paliwanag ko sa kanya na nakangiti. Ngumiti rin siya sa akin sabay iling. “Alam ko po iyon, ang utos po sa amin ni Sir J
Dahan-dahan akong umalis sa yakap namin ni Javier, tinignan ko siya ng may pagtatataka sa aking mukha. “Anong nangyayari?” Iyan ang unang lumabas sa bibig ko. Dahan-dahan din akong tumingin sa paligid ko at nandoon pa ang mga taong nakatayo kanina. “I’ll explain inside, let’s go.” Hinawakan ni Javier ang kamay ko at inaya pumasok sa loob kung nasaan kammi. Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya, naghiwalay na rin ang mga tao na tila ba bumalik sa kanya-kanya nilang ginagawa at parang walang nangyari. Pinaupo ako ni Javier sa sofa, kaharap ang lamesa na katulad sa loob ng opisina niya sa bahay. “This is my office. Here, drink water.” Inabot niya sa akin ang isang glass ng tubig. Kinuha ko ito at ininom, ramdam ko pa rin ang panginginig sa aking katawan dahil sa nangyari kaya naramdaman kong tumabi sa akin si Javier at hinawakan ang kamay ko.“I’m sorry…” iyan ang lumabas sa bibig niya na pinagtataka ko, tinignan ko lang siya ng seryoso. “I’m sorry kung nadamay ka.”“What do you mean
Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko, ang kaninang bumibilis na tibok ng dibdib ko ay mas lalong bumibilis ngayon. Iyong takot na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maintindihan na para bang ito na ang huling araw ko.Totoo ba talaga itong nakikita ko? She is Angela? And what? I am her twin sister? So, hindi ako tunay na anak ng magulang ko? Pero paano? Paano ako napunta sa pamilya ko ngayon at nalayo sa totoo kong pamilya?“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pakawalan mo na ako.” Nauutal kong sabi. Pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanya pero wala akong maatrasan, lock na rin ang pintuan. Nilapit niya pa sa akin lalo ang mukha niya. “Alam kong alam mo ang sinasabi ko, Janiyah…hmm, iniisip mo rin siguro na tunay akong patay gaya ng mga tanga sa paligid mo, tama ba?” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Yes, she’s already dead. Iyon ang sabi ni Javier at ng ibang tao sa paligid ko pero ano ang nakikita ko ngayon.“Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo sa akin pero wala kang makukuha sa
Sa isang kotse nakasakay ako na kasama si Angela, si Periyah at ang dalawang lalaki sa tabi ko. Si Periyah ang nagmamaneho habang nasa harapa nakaupo si Angela. Hindi mawala ang masamang tingin ko sa kanilang dalawa sa harap, Periyah were smirking at me. Alam kaya ni Liam kung anong klaseng tao ang kaibigan niya? Biglang pumasok sa isip ko ang rason kung bakit hindi niya pinakilala sa amin dati si Periyah dahil hindi maganda ang ugali nito pero imposible kung alam ito ng kapatid ko. Hindi ko rin kakayanin kung pati siya ay gumagawa ng mali. Hindi pwede. Hindi ko na maiwasan isipin ang mga ganoong bagay na paghinalaan ang mga tao na nasa paligid ko. “Ang tahimik mo yata, Janiyah?” Angela said with a smirked on her face, bumaling siya sa akin. Seryoso lang ang tingin ko sa kanya at hindi sinagot. “Huwag mo ng isipin na makakatakas ka sa amin ngayon, kami na nga mismo ang maghahatid sa’yo, can’t you see it? You should appreciate our kindness,” she added. “Hindi ko kailangan ang kabait
Hindi agad siya nakasagot, nakatingin lang siya sa akin na gulat na gulat at tila nagtataka kung ano ang ibig kong sabihin. Ngumiti ako sa kanya at sumubo ng pagkain. “I’m just kidding, Javier. Naisip ko lang na para masanay ko ang sarili ko tungkol sa buhay mo ay kilalanin ko ang buong ikaw,” paliwanag ko na naging palusot ko na rin. Uminom muna siya ng tubig bago ako sagutin. “I’m sorry, nabigla lang ako sa sinabi mo dahil hindi ko inasahan na you would request it.” Even I, hindi ko inasahan na agad akong makakabalik sa’yo dahil lang sa gusto ni Angela. Gusto kong sabihin sa kanya na buhay si Angela at ang masamang plano ni Angela pero hindi ko pwedeng gawin iyon dahil pamilya ko rin ang mapapahamak. I was about to say something when he spoke. “Well I guess you’re right, dadalhin kita roon and ipakilala sa kanila as my wife.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Papayag siya sa request ko? Pero bakit? “Really? But why?” hindi ko mapigilan magta
Hindi agad ako nakapagsalita, nakatayo lang kaming dalawa at nagkatinginan sa isa’t isa. Hindi ko alam kung mali ang narinig ko mula sa kanya o baka dahil lang sa ingay ng tubig. “Anong sabi mo?” Nauutal kong tanong, diretso pa rin ang tingin sa kanya. Napaatras ako nang lumapit siya lalo sa akin kaya nagkadikit ulit ang balat naming dalawa sa isa’t isa na siyang dahilan ng pag-init ng pisngi ko. Para na naman akong nakuryente kahit malamig na dahil sa tubig mula sa shower. “I know you heard me, Janiyah pero uulitin ko ulit. I like you,” bulong niya sa akin. “I like you, Janiyah…” Dahan-dahan niyang dinikit ang mukha niya sa mukha ko, dinikit niya rin ang ilong niya sa ilong ko. Ang bilis na naman ng tibok ng dibdib ko na tila ba hinahabol ako ng kung ano. Dumapo ang kamay niya sa butt ko na mas lalong kinabigla ko, hinaplos niya ang likod ko na siyang dahilan ng pagkaramdam ko ng sensayon sa katawan ko. “Javier…” I moaned as he kissed my ears. Halos mawalan na ako ng lakas sa g
Nagising ako nang masakit ang katawan, hindi ko magalaw ng maayos kaya dahan-dahan akong umayos ng higa at bumaling sa gilid ko. I found out that he is not beside me anymore, I was about to react pero nang makita ko ang papel na nasa tabi ko kumunot ang noo ko. Is this a letter?Kinuha ko ang papel at binuklat. Indeed, this is a letter from him. I read it using my eyes. Dear my love, Janiyah… I’m sorry kung umalis na ako. May emergency lang sa kumpanya and they need me. But don’t worry, uuwi agad ako para sunduin ka. For now, prepare yourself and wear the dress I bought for you dahil susunduin kita para pumunta sa pamilya ni Angela…See you, my wife. I love you.Love,Your HusbandTumingin ako sa paligid para hanapin ang sinabi niyang dress, nakita ko naman agad ito na naka-hanger sa labas ng walk-in closet. Umalis ako ng kama para puntahan ang damit. It’s a red Asymmetrical dress. Wow, this is so elegant. I don’t know if this dress suits me but I like it. Hindi lang itong dress ang
Inaya na kami Ni Ma’am Cecille na pumasok sa loob ng bahay ngunit hindi pa rin naalis sa isipan ko ang binulong sa akin ni Lawrence kanina. Why the hell is he calling me Aliah?“Pasensya na, hindi ko alam kung ano ang paborito mong pagkain kaya pinahanda ko na ang posibleng gusto mong kainin.” Nakangiting sabi ni Mrs. Jude. Tinignan ko ang pagkain sa lamesa, sobrang dami nga na tila may okasyon pero hindi ko pa naman natitikman ang ibang nakalagay sa lamesa.“Ayos lang po, Mrs. Jude. Pwede naman sa akin maliban lang sa hipon,” sagot ko. Nanlaki naman ang mata ni Mrs. Jude, nagkatinginan din silang mag-asawa at si Lawrence. “Really? Mabuti na lang ay hindi kami nagpahanda ng ulam na may hipon,” Mrs. Jude said. Mukhang alam naman siguro nila na allergic ako sa hipon dahil anak nga nila ako, hindi ba? Hindi na ako magugulat kung iyon nga ang iniisip nila. Umupo na kami sa dining table, katabi ko si Javier, kaharap ko naman si Mrs. Jude at katabi niya si Lawrence habang si Mr. Jude ay
Natahimik ang linya, nag-aantay si Lara na sumagot si Angela pero hindi pa rin. Nagkatinginan naman sina Angela at Javier nang marinig lahat ng sinabi ni Lara. “Lara…” Angela spoke. “Thank you for telling me this. I appreciated and I am so sorry na nasama kayo sa gulo namin. Thank you. Don’t worry, pinapatawad ko na kayo and I will see you soon after everything,” mahabang sabi ni Angela.“Thank you, Angela. Please go faster…delikado ang mga taong kasama ni Janiyah ngayon,” Lara said at binaba na ang tawag. Bumalik siya kay Aaron. Tinignan siya ng masama ni Aaron.“What did you do?!” galit na sigaw ni Aaron.“I just did what I need to do and that is the right thing do you, Aaron. This must be end. Hindi pwedeng habang buhay kang sumusunod sa gusto ng mga taong walang ginawa kundi sirain ang buhay mo…” seryosong sabi ni Lara at tinalikuran si Aaron. ***“We need to hurry, Javier. Baka nakatakas na sila. Lara said kasama nila si Janiyah and they are planning to escape!” nag-alalang sab
Lumabas silang tatlo sa security room at sinimulan ang paghahanap maliban kay Periyah dahil bumalik siya sa kwarto ni Liam at sinabi niya na rin ang lahat ng nangyayari. Liam insisted to hel Javier and Angela to find Janiyah pero pinigilan siya ni Periyah. “Tutulong tayo kung maayos ka na—”“I am find now, Periyah. My sister needs me. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang habang ako ay nandito, nakahiga. I need to do something, I need to help them!” he shouted. Nagpalit siya ng damit mula sa hospital gown to a simple shirt and pants at nagmamadaling lumabas. Wala na ring nagawa si Periyah kundi sumunod kay Liam. “How can we find them kung hindi natin alam kung saan sila pupunta, Javier?” tanong ni Angela nang makasakay sila sa kotse ni Javier. Si Javier ang nagmamaneho at si Angela naman ang nasa front seat.“I alreay asked for a help from my team. You’ve mentioned about the girl who is with you. Her name is Jessa, right? Do you have someone we can rely on for helping that woman?”
“Janiyah?” Nagtatakang tanong ni Javier nang makabalik siya sa ward room ni Janiyah at nakita niyang wala si Janiyah sa kama nito.Agad siyang nagmamadaling hanapin sa loob ng comfort room pero walang kahit anino ni Janiyah ang naroon. Nakaramdam na siya ng kaba, wala rin naman siyang napansin na may lumabas kanina sa kwarto ni Janiyah. “Damn it!” galit niyang sigaw. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Angela dahil si Angela lang ang pwede niyang asahan sa ngayon sa kadahilanan na hindi pa rin nagigising si Liam. “Where are you? Nariyan ba si Janiyah sa condo mo?” tanong ni Javier kay Angela.“What?” Kunot noong tanong ni Angela. “What are you talking about? Bakit naman siya pupunta rito kung nariyan siya sa hospital—”“She’s missing!” sigaw ni Javier dahilan para maputol ang sinasabi ni Angela.“What?” nanlaki ang mga mata ni Angela nang marinig niya ang sinabi ni Javier. “Papunta na ako riyan. Baka nasa garden lang o pinuntahan si Liam sa kwarto nito,” sabi naman ni Angel
FLASHBACKS***“Samuel, anong gagawin natin sa bata? May tama siya ng baril…” Umiiyak na sabi ni Laura habang bitbit ni Samuel ang batang babae na nakita nila kanina lang. Noong una ay umiiyak ang batang babae at hinahanap ang magulang niya, nagkagulo sa park kung saan naroon ang pamilya niya at sa hindi inaasahang pangyayari, nawalay ang batang babae mula sa magulang niya. And the couple saw the little girl. Pero habang kausap nila ang batang babae na umiiyak, napansin ni Laura na may dugo sa gilid ng tiyan ng batang babaae. “Dadalhin natin siya sa hospital. Hindi ko alam kung paano niya tiniis ang sakit ng bala sa katawan niya…” hinihingal na sabi ni Samuel. Nagtagumpay naman silang madala ang batang babae sa hospital. Binantayan at inalagaan nila ang batang babae hanggang sa magising ito. “Anong pangalan mo?” mahinahong tanong ni Laura sa batang babae. Nakatingin lang ang batang babae sa kanilang dalawa, walang naiitindihan sa nangyayari. Hindi niya rin masagot ang tanong ni La
“Oh God, please wake up.. Please please…” Umiiyak na sabi ni Angela habang hawak niya ang kamay ni Janiyah.Dumating din naman agad ang ambulance na tinawagan ni Angela. Hindi niya rin magawang tawagan si Javier dahil nanginginig ang kamay niya. She is holding her phone sa isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ni Janiyah na walang malay at duguan. The medic team assisted them.“How is she? May pulse pa ba siya?” Kinakabahang tanong ni Angela sa nurse. “Hindi pa namin mahanap ang pulse niya but don’t worry malapit na tayo sa hospital,” sagot ng nurse. Mas lalong umiyak si Angela sa sinabi ng nurse. Gulat namang bumaling si Angela sa phone niya na hawak niya lang nang biglang tumunog. Tumawag si Javier. Dahan-dahang sinagot ni Angela ang tawag, kinakabahan pa rin siya dahil nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.“Angela…why did you call? Hindi ko nasagot ang tawag dahil nasa meeting ako kanina. May problema ba? Nagkita na ba kayo ni Janiyah? She said sh
Tumawa ng malakas si Jessa na tila ba natutuwa siya sa reaction ni Angela dahil sa sinabi niya. “You did not expect that to happen?” Jessa asked, still laughing.Hindi na maipinta ang mukha ni Angela dahil sa naramdamang galit nita kay Jessa. Gusto niyang saktan si Jessa pero tila ba pinipigilan siya ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya lang din mapigilan ang pagtulo ng luha niya. “Papatayin kita sa ginawa mo…” gigil na sabi ni Angela at dahan-dahan siyang lumapit kay Jessa, atras naman nang atras si Jessa, hindi pa rin natatakot sa posibleng gawin ni Angela sa kanya. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pag-traydor sa akin at sa pagpatay kay Lawrence,” dagdag ni Angela. Jessa smirked, “hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo, Angela. I just came here to tell you that you made me do it. You made me kill your brother.” Simpleng sabi ni Jessa na tila ba wala lang sa kanya ang lahat. Mas lalong nakaramdam ng galit si Angela. Her right hand Jessa betrayed her, hindi niya i
“Doctor, what happened to my son? What happened to him? Bakit siya nagkaganoon?” sunod-sunod na tanong ni Laura.“Mataas ang lagnat niya at kailangan niya pang magpahinga but the good thing is nagising na siya. From time to time, we need to check on him,” paliwanag ng doctor at nagbigay pa siya ng mga instructions para kay Liam kung ano ang mga dapat gawin bago siya magpaalam at umalis ng kwarto kasama ang tatlong nurses. Lumapit si Laura kay Liam. “Ang init niya,” she said nang hawakan niya ang noo ni Liam at ang kamay. Tumutulo na rin ang mga luha ni Laura, hindi niya na mapigilan ang umiyak. ‘Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya kung bakit siya nilagnat ng ganito kataas. Kahit minsan hindi ko hinayaan na may manakit sainyong mga anak ko, kahit lamok ay hindi ko hinayaan na dumampi sa balat ninyong tatlo. Makakapatay ako ng tao kapag nalaman kong sinasaktan nila ang mga anak ko….” mahabang sabi ni Laura, huminto siya saglit sa pagsasalita at pinunasan ang luha sa pisngi
`Pagkatapos nina Periyah at Javier sa puntod ni Hillary, hinatid na ni Javier si Periyah sa kanila at agad na rin siyang bumalik sa hospital. Saktong pagkarating niya sa ward room ni Liam, nandoon na rin ang magulang ni Liam at si Lucy na nakatayo na, wala na siya sa kanyang wheelchair.“Javier…” banggit ni Janiyah nang makita niya si Javier na kakapasok lang sa loob ng ward room. “Hey…” Ngumiti naman si Javier sa kanya at lumapit sa kanya. Binati niya rin ang magulang ni Liam. Umiiyak si Laura at sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Liam. Bago pa lang sila makarating sa hospital, umiiyak na si Laura dahil sa nalaman na may nangyari kay Liam. Si Janiyah mismo ang tumawag sa kanila para ipaalam ang tungkol kay Liam at nang nasa hospital na sila, si Janiyah na rin nagsabi kung ano ba talaga ang ginagawa ni Liam noong nasa ibang bansa si Liam. Nagulat ang pamilya ni Liam kaya sinisi ni Laura ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napabayaan niya si Liam.“Mom, si Liam
Bumuntong hininga si Periyah at saka tumango sa kanilang dalawa. “Promise me na ako ang una ninyong tatawagan kapag nagising siya, okay? I will just take a rest, change and anything pero babalik kaagad ako rito pagkatapos,” paliwanag naman ni Periyah.“We promise,” Janiyah said at niyakap ng mahigpit si Periyah. “Thank you for loving my brother. Ang swerte niya sa’yo,” she added.Hindi alam ni Periyah kung ano ang mararamdaman niya dahil sa sinabi ni Janiyah. Naalala niya lang si Liam at si Angela dahil sa sinabi ni Janiyah.“Thank you…” Periyah said to Janiyah at nagpaalam na.Hinatid na siya ni Javier dahil ang dala niya namang ko