POV SANDRA Pagdating ni Doktora Renata sa kabilang operating room na kinalalagyan ni Sandra ay nagsimula na ito sa operation na kanyang gagawin. Kasabay na sinasagawa ang pag-opera kila Sandra at Amelia. Excited si Sandra at ngingiti-ngiti pa to kay Doktora Renata hindi naman na ito pinansin ng doktor at agad na nag proceed sa kaniyang gagawin. Tinurukan agad siya ng general anaesthesia sa kanyang spine, Nang tumalab ito ay pinatulog na din siya ng Doktor. Nang masiguradong tulog na ito ay nagsimula na itong biyakin ang kanyang tiyan at inilabas na ang bata mula sa kanyang sinapupunan. Inabot ni Doktora Renata ang baby sa Pedia na kasama niya. "uwaaaaaa!" matinis ng pag-unga ng sanggol. narinig ito nila Arnaldo. Napapatingin sila sa pinto, alam nilang lumabas na ang baby ni Sandra. Binulungan naman ni Doktora Renata ang nurse na magpapalit sa mga bata. Hindi nila alam kung anong sinabi nito. Basta abala silang lahat sa pag-sasara sa sugat ni Sandra. Dala naman ng nurse ang sanggol,
SA HOSPITAL ROOM NI SANDRAMakalipas ang tatlong oras ng pag stay sa recovery room ay nailagay na si Sandra sa kanyang silid. Nagising na ito ngunit groge pa siya sa mga anaesthesia na itinurok sa kanya ni Dra.Renata. Nasa loob ng silid na iyon ang mga magulang nila ni Arnaldo. Nakaupo ang mga ito sa coach at nag-aabang na tuluyan siyang magising. Bukod dito lahat sila ay excited sa pagdala ng nurse sa kanilang apo. Dumating naman si Kenzo at may dala itong ballloons at teddy bear para sa baby, may dala din itong flower para naman kay Sandra. Magalang na binati ni Kenzo ang mga tao sa loob ng room na iyon. Kaya naman gusto talaga ito ng pamilya ni Arnaldo, lagi itong andyan para sa kanyang kaibigan. Hindi pa nga rin nagigising si Sandra ay nakiupo na din ito sa mga ito.Pagbalik ni Arnaldo sa loob ng ospital ay nakabangga niya ang isang lalaki na may kasama namang dalawang lalaki na naglalakad sa pasilyo. Muntik pang tumalsik ang kanyang dalang paper bag na may lamang pagkain dahil sa
SA LOOB NG ROOM NI AMELIANarinig ni Ian at Sophia ang mahinang katok muna sa pintuan ng silid kung saan nila hinihintay si Amelia. Pinagbuksan naman kaagad ito ni Ian. Hinatid na ng mga nurse si Amelia sakay ng stretcher. Malaki niyang ibinukas ang hawi ng pintuan para hindi mahirapang maipasok ng mga staff ng ospital ang stretcher ni Amelia. Medyo nakamulat pa ito pero groge pa rin siya sa mga gamot na itinurok sa kanya. Pipikit-pikit pa ang mata nito. Ng mailipat siya sa kanyang bed ay nagpasalamat naman ang mga kaibigan niya sa mga nag-assist na mailipat si Amelia. Inabutan pa ito ng tag 100 pesos ni Sophia. Nang makaalis na ang mga staff ay isinarado na ni Sophia ang pinto. Nilapitan nila ang kaibigan , kinakamusta ito ni Ian dala ng pagka-groge nito sa gamot ay kung ano -ano ang sinasabi ni Amelia sa kanila. Inaangal nito sa kanyang mga kaibigan ang pamamanhid pa ng pang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pinuntahan naman kaagad ni Sophia ang nurse station at tinanong ang tungko
Makalipas ng apat na araw ay pinayagan na ni Dra. Renata na madischarge si Sandra at ang baby nito. Samantalang si Amelia naman ay dinis-charge ng Doktor makalipas ang pang limang araw nito. Binigyan na din ng Doktora ng date ng Schedule ang mga ito para sa monthly check up ng mga sanggol. Sinigurado ni Dra. Renata na hindi mag-pang abot sina Sandra at Amelia. POV SANDRAAng bilis na nagdaan ng araw naka- isang buwan na kagad ang sanggol ni Sandra. Araw na ng pagbalik niya sa clinic ni Dra. Renata. Hindi naman siya nahirapan mag-intindi sa kanilang anak dahil may yaya naman silang kinuha para mag-alaga sa bata. May sarili ding kwarto ang kanilang baby at kasama nitong natutulog ang yaya doon. Nag-ayos ng maganda si Sandra para sa check-up ng kanyang anak. Inayusan naman ng yaya ang baby, hinanda na din nito ang mga kakailangan ng sanggol sa kanilang byahe. Vaccination day din nito kaya paniguradong lalaganatin ang baby kaya naman pinaghandaan na niya ito. Nagdala na siya ng mga gamot
Nang matapos ang mainit nilang pagtatalik ay agad na nagtungo sa banyo si Sandra kailangan niyang magmadaling makabalik kung saan niya iniwan sila Mia. Kailangan pa niyang dalhin kay Renata si Noah. Nagpaalam na siya kay Tim at humahangos na siya pababa. Hindi na rin sumama si Tim sa kanyang pagbaba. Binalikan kaagad ni Sandra sila Mia. Nagpa-order muna siya ng kape dito bago sila tuluyang pumunta sa clinic.Hindi rin kalayuan ang clinic sa condo unit nila kaya mabilis na nakarating ang mga ito at nakaabot sila sa oras ng kanilang appointment. Pinapasok na sila ng Assitant ni Dra. Renata. Kagaya ng mga routine check-up lamang ang ginagawa nito sa new born . Tinignan lang din nito ang temperatura ni Noah bago sana ito ma bakunahan kaya lang nilalagnat ito kaya inabisuhan sila ni Dra. Renata na next visit na lang bakunahan ang sanggol. May mga gamot na din naman itong dala na pinakita ni Mia sa doktor kaya hindi na niya ito niresetahan.Pagbalik ng mansyon ay diniretso na nila si Noah
Dahil sa pagiging abala ni Amelia sa pag-alaga sa kanyang new born baby ay hindi na niya namalayan ang mabilis na pagdaan ng araw. Kailangan na pala niyang mag report sa kaniyang opisina. One week na din siyang hindi pumaposok mula ng matapos ang period ng kanyang maternity leave. Hinahanap na siya ng kanyang boss pati sila Ian at Sophia ay kinukulit na ni Ms.Isabel,. Kung sabagay wala talaga siyang planong bumalik na sa kanyang opisina. Pero hindi niya alam kung paano niya sisimulang sabihin ito sa mga kaibigan. Desidido na siya sa kanyang plano. Mas kakayanin niyang magalit ang mga ito sa kanya kapag sinabi niya ang kanyang plano kesa mawala ang kanyang anak. Mas hindi niya kakayanin kung nagkataon."sis! si Ms. Isabel panay na follow-up sayo. Tinatawagan ka daw niya at mine-message pero hindi ka sumasagot sa kanya." tanong ni Ian sa kaibigan pagdating sa trabaho. "kutchi- kutchi sa baby na yan! pwera buyag kamukha ka talaga ni Daddey Ninang mo." Nilalaro nito si Anthony habang ki
“Sis! Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Ian kay Amelia Humahagulgol pa rin itong sumagot sa kaibigan “huhuhu! Nung gabing hindi ako nakauwi kagad?! Nung halos umaga na kong nakauwi. “ nagsimulang mag kwento si Amelia sa kanyang mga kaibigan. Hindi na din niya mapigilan ang kanyang emosyon. “Ibig mong sabihin nung bago ka manganak?! Yung pinuntahan ka namin sa ospital?!” Pag uusisa sa kanya ni Sophia. “Oo ! Huhuhu” “Diba sabi mo kaya ka nasa ospital kasi na over fatigue ka at muntik ka ng mabangga” naguhuluhan sina Ian at Sophia sa mga sinasabi ni Amelia sa kanila. Gusto nilang maliwanagan “Oo mga sissy! Sorry hindi ko sinabi sa inyo ang totoo. Ayoko kasing madamay kayo. Nung araw na yun pauwi na talaga ako ng bahay tapos nung nakaliko na ako sa may stop light pakiramdam ko sinusundan ako ng van na itim. Huhuhu” matindi man ang takot ay tinuloy na ni Amelia na magkwento sa kanyang mga kaibigan. “Sis!” Hinaplos ni Ian likod ng kaibigan “Tapos nun akala ko naman nakikip
“Hello Regan, si Amelia to!?” Bungad ni Amelia sa kausap niya sa kabilang linya. Napatayo naman si Regan sa kanyang pagkakahiga. Matutulog na sana siya ng mga oras na yun ng biglang nag ring ang kanyang telepono! Agad niya itong sinagot ng makita niyang si Amelia ang nasa kabilang linya. “Amelia?! How are you? Napatawag ka?! How is Anthony doing?” “Im good Regan, isa isa lang namiss mo ata ako. ok naman din si Anthony tulog na sya ngayon. Napatawag ako tungkol sa in-offer mo?” “Syempre naman ang tagal na ng huli tayong nakapag-usap. Masyado ka ng naging abala. That’s good. Nakikinig ako. Nakapag desisyon ka na ba? Sana naman good news PLEASE!” “Haha! Ikaw talaga. Sige para matuwa ka My answer is YES!” Masayang pagbabalita niya kay Regan“Hindi nga?! Naku seseryosohin ko yan!”“Oo nga. Ayaw mo ata. Sige wag na lang.” “Oh wow Amelia. Hindi naman sa ganon syempre gustong gusto ko. Great to hear that! Kailangan ka talaga ng company namin. Kailangan kita dito ang hirap kung wal