Pinasundo na din ni Veronica sng dalawa sa kwarto upang makasabay ang mga itong mag breakfast. At dahil naka ready na din naman sila. Bumaba na din ang mga ito sa Dining area.Nakangiti namang sinalubong ni Veronica ang dalawa. Maganda ang ngiting ibinigay nito sa anak na matagal tagal ding hindi nakita ni Arnaldo. Ok na rin sa kanya atleast nakikita nilang masigla ulit ang kaniyang ina. Si Gener naman, kagaya ng dati ay tahimik lang . Binati din naman nito si Sandra at ang anak.Ng makapag almusal sila ay inaya nitong si Veronica ang kanyang pinakamamahal na si Sandra upang sumama ito sa kanyang mag shopping. Samantalang si Arnaldo ay nagpaalam na din sa kanyang magulang at kay Sandra na papasok na din siya sa kanyang opisina.Bumaling si Veronica kay Sandra.“Naku iha! Dalasan mo ang pagdalaw mo dito sa bahay namiss kita! Alam kong hindi ka naman kayang tiisin ni Arnaldo. Hindi ko nga maintindihan sa batang iyan anong pumasok sa kokote niya at nagdala ng babae dito.“ malambing pero
Kumabog nang matindi ang dibdib ni Sandra. Hindi niya alam ang gagawin ng muli niyang buksan ang kanyang telepono. Nakita niya ang napakaraming messages at missed calls mula kay Tim. Alam niya ang sitwasyon na kakaharapin niya kapag ganito na ang binata. Bihira niyang makitang magalit ito pero nakakatakot ito sa mga kaya niyang gawin.Binasa niya isa-isa ang mga message nito.Hindi pa man siya nakakatapos sa kanyang pagbabasa at nagulat na siya ng biglang may bumangga sa kanyang balikat habang si Veronica ay abalang nagsusukat ng kanyang napiling accessories at shoes. Napatigil siya sa pagbabasa ng mga messages . Kagagalitan sana niya ang lalaking nakabanggaan niya ng balikat. Ng magsasalita na siya ay nakita niyang si Tim ito. Hindi na nakakapagtakang nasundan siya nito dahil alam niyang may tracker ang kanyang phone. Connected ito sa phone ni Tim. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Hindi naman ito gumawa ng eksena sa loob ng store ngunit tinuro nito ang cp. Alam na niya ang susu
Sa loob pa lang ng elevetor paakyat sa Condo ay nag-iisip na ng mga idadahilan si Sandra. Tinitignan niyang maigi ang kanyang sarili sa salamin na nakapaligid sa elevator. Lalo na ang parte ng kanyang leeg at bandang dibdib . Natatakot siyang baka namarkahan iyon ni Aranldo.Pagbukas ng elevator ay dumiretso na siya kaagad sa kanyang Condo Unit. Kagaya ng kanyang inaasahan andoon na si Tim, nakaupo ito sa sofa at nakangisi sa kanyang pagpasok."come sweetheart!" naka dikwatro ito ng paa sabay hampas sa tabing space nito hudyat na maupo siya sa tabi nito.Mabilis na umupo naman itong si Sandra sa tabi ng kanyang partner. Matamis ang ngiting binigay niya dito. Humalik kagad siya sa mga labi nito. Nilandi agad niya ang kanyang partner para hindi na ito makapag-tanong pa."hi sweetheart kanina ka pa? buti na lang mabilis akong nakaalis sa tabi ng matandang iyon.(tinutukoy niya si Veronica) haist alam mo sweetheart kung hindi lang talaga itong si Veronica ang magiging susi kung bakit hindi
Tinapos na din nila ang paliligo, matapos ang matinding bakbakan . Nakahinga naman ng maluwag si Sandra ng alam niyang nawala na ang galit ng kanyang partner. Matindi ang selos nito kay Arnaldo, bakit nga ba hindi. Napakagwapo naman kasi talaga ni Arnaldo bukod pa dito napaka ganda ng kanyang katawan. Makikita sa kanyang pananamit ang matikas nitong katawan na alam mong banat sa pag-gym.Ng makabalik sila sa silid upang magbihis. Lumabas itong si Tim at naghanda ng kanilang maiinom. Pinasunod na din nito kagad si Sandra sa kanya. Mabilis din naman itong nagbihis at sumunod sa kanya sa salas."sweetheart! ano ng susunod na plano mo? napaniwala mo ba naman itong si Arnaldo na may ngyari na sa inyo" binuhusan ni Tim ng alak ang basong kapit ni Sandra.Tinungga muna ni Sandra ang inuman sa kanyang baso bago siya sumagot dito. "sa tingin ko naman naniwala talaga sya, malakas ang hinalo ko sa inumin niya kaya bagsak siya kagabi. Kaya ikaw sweetheart wag ka ng mag-isp ng kung ano-ano. Tayo l
AMELIAHindi mo maintindihan ang nararamdaman ko. Ilang araw na din kasing hindi maayos ang pakiramdam ko magmula ng gabing hinaluan ng mga kaibigan kong loko-loko ang aking inumin. Masakit ang mga kasu-kasuan ko tila lagi akong tinatrangkaso. Lalo na pagdating sa umaga, matinding pagkahilo ang nararamdaman ko , minsan ay nasusuka pa ako. Marahil ay sinisikmura ako. Grrrrrr naiinis talaga ako sa isiping ginawa sakin iyon ng mga kaibigan ko. Parang gusto ko silang kalbuhin. Pero naiisip ko pa rin ang lalaking nakasama ko ng gabing iyon. Sino kaya sya?! nakakainis din kasi hindi ko masyadong matandaan ang kanyang itsura. Balak ko sanang pauwiin ng maaga at makipagkita kila Ian at Sophia, gusto kong sabunin tong dalawang ito. Busy din naman kasi kami sa trabaho namin. Madami kasing trabaho dito sa opisina na hindi ko pedeng iwanan, isa kasi ako sa inaasahan pagdating sa finance monitoring. Kaya kahit na nilalagnat-lagnat ako ay pumapasok pa rin ako. May ilang araw ng ganito ang aking p
Kumain na din ng Pizza at Burger sila Ian at Sophia. Favorite naman nila ang chicken wings na binili nitong si Sophia. Hindi matapos ang kwentuhan at tawanan nilang magkakaibigan, puro kalokohan ang mga ibinibida ni Ian na ngyari sa kanya nitong mga nagdaang mga araw. Kaya naman pala lagi itong wala sa kanilang bahay dahil nawiwili na itong makipag-date sa bagong boylet na nakilala nito. Hindi naman mapakali itong si Amelia sa tuwing maamoy ang chicken wings na dala ni Sophia. Pakiramdam niya ay mabaho ito. Ayaw niyang mapalapit ito sa kanya dahil sa amoy pa lamang nito ay tila babaliktad na ang sikmura niya. Hindi naman niya sinasabi ito sa kanyang mga kaibigan dahil baka sabihan siyang maarte. Inabutan siya ni Ian ng chicken wings napansin kasi nilang hindi siya dumadampot dito samantalang ito ang paborito niyang kainin. Tumanggi naman siya sa alok na iyon ng kaibigan.Napansin nilang nagbago ang mood ng kaibigan pagdating sa pagkain, medyo namumutla din ito na pinag-alala ng dalaw
Balisang-balisa si Amelia na naghihintay ng resulta ng kanyang Pregnancy Test. Paikot-ikot siya sa loob ng CR. Hindi siya mapakali. Samantalang sa labas naman ay nakaabang ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng pinto ng banyo. Nakatingin sila Ian at Sophia sa pinto. “Sissy na-gu-guilty ako sa ginawa natin kay Amelia. Bakit ba kasi tayo pumayag sa mga lalaking yun. Hindi naman natin kilala mga iyon.” Malungkot na bulalas ni Sophia. “Ako din sis nakokonsensya. Bakit ba kasi dinamay pa natin si Amelia sa kalokohan natin?! Kawawa naman kaibigan natin kung sakaling buntis nga sya walang ama ang magiging anak niya!” inis sa sariling napapabuntong hininga si Ian. “Tingin mo sissy may laman kaya yung tiyan niya?” “kasi sis sa nakikita ko kay Amelia ganyang-ganyan ung mga senyales nung nagbuntis ate Marineth ko!. Diba ilang araw na daw siyang nahihilo saka nag acid reflax tapos nilalagnat lagnat din. Parang morning sickness yan ee!” “Oo nga napansin ko nga din na parang namumut
Humahulgol naman bigla ng iyak si Amelia. Panay ang pag-iyak nito sa naging resulta. Inalo ito ng kanyang mga kaibigan. “Sis! Its ok! Everything will be fine” malungkot na wika ni Sophia. “Huhuhu! Pano na ko sis! Naguguluhan ako. Anong gagawin ko ngayon?! Huhuhu “patuloy na pag iyak nito. “hindi ka namin papabayaan sis! Andito lang kami para sayo.” Paninigurado ni Ian “Oo nga sis. Tutulungan ka namin , sorry sis! Kung hindi dahil sa kalokohan namin ng gabing yon hindi sana mangyayari lahat ng ito sayo. Huhuhu!” Umiiyak na sabi ni Sophia. Hindi na nito mapigilan na maiyak ng dahil sa guiltness na nararamdaman. Panay pa rin naman ang iyak ni Amelia ngunit ng makita niya ang mga kaibigan na sinisisi nito ang kanilang mga sarili ay naawa din siya sa mga ito. Mabait ang kanyang mga kaibigan. Karamay na niya ang mga ito noon pa man. Alam niyang hindi siya pababayaan ng mga ito gaya ng pagdamay nito sa kanya ng araw na pinaslang ang kanyang mga magulang na magpasa-hanggang ngayon