PABALIBAG na isinara ni Edwin ang pinto pagkapasok sa loob ng silid ng asawa. Tamang naabutan niyang pinupunasan ni Kailani ang mukha ni Amber. Nilapitan niya ang mga ito at pahablot na inagaw ang hawak ng dalaga at itinapon iyon sa sahig.Inaasahan na ni Jenny ang hindi magandang gagawin ni Edwin pero hindi niya ini-expect na gawin nito iyon sa harap ng asawa nito. Bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha nang hilahin nito ang kaniyang buhok at sinampal ng malakas ang kaliwa niyang pisngi."Uhmmmm... Ahhhhh Je...."Mabilis na pinandilatan ni Jenny ng mga mata ang ginang at umiling. Hindi nito maaring bangitin ang kaniyang pangalan sa harap ng ibang tao na wala ang kaniyang pinsan.Naikuyom ni Amber ang isang kamay at tumulo ang mga luha dahil wala siyang magawa para tulungan ang dalaga. Doble ang sakit na nadarama niya sa nakikita at naririnig na masasakit na salita mula kay Edwin. "Ang bilin ko sa iyo ay ang alagaan lang at bantayan ang asawa ko! At hindi kasama sa pinapatrabaho ko sa
Mabilis na bumalik ng opisina si Edwin nang wala na sa paningin ang anak.Napapiksi si Jenny mula sa kinaupuan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabuti na lang at naitago na niya ang cellphone na gamit kanina. "Bakit hindi mo pa inaayos iyang mukha mo?" Nandidilat ang mga mata na singhal ni Edwin sa dalaga."Nabitawan ko po at natapon kaya hindi ko na ginamit." Pagdadahilan ni Jenny sa matanda."Punyeta, ginagalit mo ba talaga ako, ha?!""Boss, huwag!" Maagap na nahawakan ni James ang kamay ng matanda bago pa iyon makalapat sa makinis na mukha ng kaibigan. Dali-dali siyang sumunod kanina dito nang mapansin na galit ito.Galit na nilingon ni Edwin ang mapangahas na taong humahawak sa kaniyang brasong nanatiling nakaangat sa ere."Huminahon po kayo, Boss. Nasa paligid lang ang anak mo at si Jenny. Huwag niyo na dagdagan ang pasa niya sa mukha dahil tiyak na mahalata na iyan." Paliwanag ni James dito upang hindi maghinala sa kaniyang biglaang pagsulpot. Biglang huminahon si Edwin at da
Muling bumalik sa silid ng ina si Yazed at naabutan niya doon si Jenny na tahimik lang nakaupo sa tabi ng ina. Nagbabasa ito ng libro tungkol sa negosyo. Ang ina ay nanatiling tulog na ipinagtataka niya."Nariyan ka na pala." Magiliw na bati ni Jennelyn sa binata. Kung nasa ibang sitwasyon lang siya ay kanina pa niya naitapon ang libro na hawak lang naman niya. Wala siyang hilig magbasa lalo na at wala siyang naiintindihan sa librong iyon. Isa pa niyang ikinainis ay halatang nagtutulog-tulogan lamang ang ginang at ayaw siyang kausap.Ngumiti si Yazed sa dalaga at lumapit dito. "Pasensya na kung natagalan ako ng pagbalik. Sana ay hindi ka nainip.""Huwag mo ng isipin iyan. Hindi ko nga namalayan na kanina pa pala ako dito mag-isang nakaupo dahil nalibang ako sa binabasa kong libro." Pagsisinungaling ni Jennelyn kay Yazed.Lalong lumawak ang ngiting sumilay sa labi ni Yazed. Natutuwa siya dahil pursigido ang dalaga na matuto agad sa pamamalakad sa negosyo."Sigurado akong naririnig ka n
"Hindi po pwede ang gusto ninyo, Tito Edwin. May proseso tayong dapat sundin bago maipasa kay Jenny ang lahat ng ari-ariang naiwan ng mag-asawang Garcia." Lihim na nagpupuyos ang kalooban ni Edwin sa galit dahil sa hindi pagsang-ayon ng abogado sa kaniyang suhestyon. Gusto niya sanang ipagkatiwala na lang nito kay Jackie ang desisyon sa iba pang ari-arian. At bilang abogado ay pipirma ito, patunay na si Jennelyn nga ang tunay na tagapagmana ng mga Garcia."Matagal pong nawala si Jenny at hindi natin nasundan ang kaniyang paglaki. May sinusunod po akong tagubilin ng aking ama bago pa siya namatay. Bilang ikalawang taong nangangalaga sa interest ng tagapagmana, tungkolin kong mapasakamay ito sa tamang tao.""Ano ang ibig mong sabihin? Sa tono ng iyong pananalita ay mukhang pinagdududahan mo ang pagkatao ng inaanak ko?" may bahid ng galit ang tono ni Edwin at hindi nagugustohan ang takbo ng pag-uusap nila ng abogado.Tahimik lang nakikinig si Yazed at hinihimay ang mga bagay na pinupunt
Sandaling napatitig si Dexter sa tagapag-alaga ng ginang nang magsalubong ang kanilang mga paningin."De-dex..." tawag ni Amber sa binata.Mabilis na lumapit si Dexter sa ginang at masaya siya dahil nakaya na nitong bumangit ng ibang pangalan. "May kailangan po ba kayo, Tita?""Jen..ny!" Ramdam ni Dexter ang pilit na paggalaw ng palad ng ginang upang gumanti sa paghawak niya sa kamay nito. Nilingon niya si Kailani, nanatili ito sa pintuan at ang atensyon ay tila ba nagmamatyag sa paligid. "May problema po ba kay Jenny?" Tumango si Amber sa binata at umaasam na naintindihan siya nito.Napaisip si Dexter at muling pumasok sa isipan ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Lalo na ang ikinikilos ng ginang sa harap ni Jenny."He..lp!" Nangunot ang noo ni Dexter nang maintindihan ang binigkas ng ginang. "Ligtas na po si Jenny kaya huwag na po kayong mag-alala." Malungkot na nakipagtitigan si Amber sa binata. Pakiramdam niya ay bigla siyang napagod dahil sa pagsusumikap na mabigkas ang ilan
MULA sa pinagkublinan ay tinanaw ni Sasha ang pagpasok ni Dexter sa gate ng bahay nito. Siniguro niya lang ang paligid na walang kaaway bago nagpasyang bumalik sa tinitirhan.Lumingon si Dexter nang maramdaman na walang nang nagmamasid sa kaniyang likuran. Kahit walang nakikita ay malakas ang pakiramdam niyang may nagmamatyag sa kaniya mula sa malayo. Hindi lamang siya nagpahalata kanina. Tinawagan ni Dexter ang kaibigang detective upang paimbistigahan ang nangyayari."Pupunta ako ngayon diyan, samahan na muna kita dahil mukhang hindi lang si Jenny ang puntirya ng sumusunod sa inyo kanina." Sagot ni Micko kay Dexter.Nawala na rin naman ang antok ni Dexter kaya hinintay niya ang kaibigan. Wala pang thirty minutes ay dumating ito."Nakapagtaka, bakit alam ng ina ni Yazed na may hindi magandang mangyayari kay Jenny?" nagtatakang tanong ni Micko sa kaibigan.Nahulog din sa malalim na pag-iisip si Dexter. Maging siya ay kanina pa ginugulo ng isipan tungkol sa ina ni Yazed. "Mas mabuti p
LUMABAN ng pakipagsukatan ng tingin si Jenny kay Yazed nang magkaharap na sila ng upo."Gusto ko lang ipaalam sa iyo na mula sa araw na ito ay ako na ang magpapasahod sa iyo. Wala kang ibang sundin kundi ang utos ko lamang. Hindi ka na hawak ng aking ama kaya ayaw kong makitang lumalapit ka pa sa kaniya. Kapag nilabag mo ang unang rules ko ay hindi ako mangingiming tangalin ka sa iyong trabaho, maliwanag ba?"Nakahinga ng maluwag si Jenny dahil sa kundisyon ng binata. "Dapat na ba kitang pasalamatan dahil nakawala na ako sa bakal na kamay ng iyong ama?" hindi napigilan ni Jenny ang maging sarkastiko sa kaniyang pananalita."Hindi ko alam kung bakit sinaktan ka ng aking ama. Pero dapat ka ngang magpasalamat kung hindi mo gustong manatili sa tabi niya." Aroganteng sagot ni Yazed dito. Napailing na lamang si Dexter nang maabutan ang dalawa na mukhang gustong sakalin ang isa't isa. Iniwan na ni Yazed ang dalaga nang makita ang kaibigan. Pumasok siya pansamantala sa kaniyang silid at may
"Hijo, may lakad ba kayo ni Jenny ngayon?" tanong ni Edwin sa binata."Iwan niyo po muna kami ni James, Dad." Sa halip ay sagot niya sa ama. "Huwag mong kalimutan na tauhan ko siya." Babala ni Edwin sa anak bago iniwan ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito kay James. Pero may idea siya na dahil iyon ang ginagawang pakipaglapit ng binata kay Kailani. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi mabasa ang paraan ng titig ni Yazed kay Kailani kapag hindi nakatingin dito ang babae. "Ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ni James kay Yazed nang sila na lang ang naiwan."Stay away from her!"Pumalatak si James at tumikwas ang dulo ng kaniyang labi. "Parte pa rin ba iyan ng trabaho niya?""Wala ka na doon, ang gusto ko ay layuan mo si Kailani kung gusto mong manatili sa trabaho mo!" seryuso ang mukha ni Yazed. Ilang araw na rin niyang napapansin na naging malapit ang dalawa. Hindi niya iyon nagustohan."Ayaw kong napapabayaan niya ang trabaho nang dahil sa iyo." Paglilinaw
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l