Share

KABANATA 01

Author: INKOFTHEFOX
last update Last Updated: 2021-05-09 14:11:25

“Celes, baby, me and your daddy wants to tell you something.”

Napatingin ako kina mommy at daddy na nasa harapan ko nang marinig ang boses ni mommy. Ibinaba ko ang lapis na hawak ko at itinigil ko muna ang pag do-drawing sa malapad na canvas para harapin sila.

“Ano po iyon?” kunot-noong tanong ko sa kanila.

Their faces were serious. Minsan ko lang makitang seryoso ang dalawa kaya ibig sabihin no’n ay seryoso rin ang sasabihin nila.

Tumingin ako kay mommy at binigyan niya lang ako nang makahulugang tingin na para bang sinasabi niyang, “Brace yourself, anak.”

Napabaling ako kay daddy nang tumikhim siya bago magsalita, “You’re getting married, Celes.”

Apat na letra lamang ang salitang binitawan ni daddy ngunit para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko iyon.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Ako? Ikakasal? Joke ba ‘to?

“I beg your pardon?” I blinked. I can’t process what he’d just said on my mind. His word keeps repeating and repeating but I can’t just process it.

“You’re getting married, Celeste,” ulit ni daddy.

Napapikit ako at nanginginig ang labi na nagsalita, “P-Pero masyado pa po akong bata para mag-asawa, daddy. Hindi pa po ako handa,” nakatingin ako sa mga mata ni daddy habang binabanggit iyon, baka sakaling bawiin niya ang sinabi niya.

“Ilang taon ka na ba anak?” si mommy naman ang nagtanong.

Naguguluhan man ay sumagot pa rin ako, “26 po.”

“See? You’re already in the right age to get married na, anak. Hindi ka na bumabata pa,” aniya at tipidakong nginitian.

Napa-iwas naman ako nang tingin. Gusto kong magtampo sa kanila. Gusto kong humindi ngunit hindi ko ‘yon kayang gawin sa kanila. I don’t want to disappoint them.

“When?”

“As soon as possible,” ‘yon lang ang sagot ni daddy at lumabas na sila nang silid.

Napatulala ako sa kawalan. Hindi sa hindi ko pinangarap ikasal pero hindi pa talaga ako handa.

Ni hindi ko pa nga naranasan ang umibig tapos malalaman kong ikakasal na lang ako bigla?

Kahit ayaw ko ay hindi ko kayang salungatin ang desisyon nang mga magulang ko.

Sa kanila ako namulat, sila ang dahilan kaya narito ako ngayon. Kung wala sila ay wala rin ako.

Alam ko namang ginagawa nila iyon para sa ikabubuti ko, pero ikabubuti ko nga ba?

Ayokong matali sa lalaking hindi ko naman mahal. Papaano ko siya pakikisamahan? I don’t want to enter a loveless relationship!

Napabuntong-hininga ako nang may maalala. Ni hindi ko manlang natanong kung sino at anong pangalan nang magiging asawa ko.

Pinilit kong tapusin ang dino-drawing ko para may mapaglibangan naman ako kahit papaano. Nagugutom ma’y ayokong lumabas nang kuwarto.

Hindi ko pa sila kayang harapin dahil baka ano pa ang masabi ko.

Ayaw ko.

Ayaw ko pang ikasal.

Ngunit saglit..

Napatingin ako sa dino-drawing ko, napangiwi ako nang mapapangit ko lang iyon! Paano ko na lang kaya ito pipintahan?

Napapikit ako saglit at kinuha ang aking cellphone na nasa bedside table para tawagan si Ericka, ang kaibigan ko para may makausap naman ako kahit papaano. Gusto ko lang kasing ilabas ang nararamdaman ko.

“Hello, Celes! Kumusta ang lovelife?” nakangiti siya nang nakita ko ang mukha niya sa screen.

Napangiwi ako sa tanong niya. “I’m getting married.”

Halos malaglag ang panga niya sa sinabi ko. “A-Ano? U-Ulitin mo nga?”

“Ikakasal na ‘ko kako.”

Kumurap-kurap siya kaya napatawa ako. “Hala? Hindi ako makapaniwala, papaanong…”

“Hindi rin ako makapaniwala, Ericka. K

Kakasabi lang sa akin kanina nina mommy at hindi pa ko handa. Ano na lang kaya ang gagawin ko?” problemado kong sabi habang nakatingin ng maigi sa screen, umaasa na may maa-advice siya sa akin.

“Ano bang pangalan nang mapapangasawa mo? ‘Pag ayaw mo at pogi ‘yan sa akin na lang!” biro niya tila pinapagaan ang pakiramdam ko.

Napatawa naman ako. “Sira, ano ngang gagawin ko?”

“Go with the flow na lang, kaya mo bang tumanggi sa mga magulang mo?”

Umiling ako. Hindi ko kaya, masyado ko silang mahal para hindian.

“Naman pala, just trust them, Celes. Hindi sila magdedesisyon nang ikapapahamak mo lalong-lalo na ang mommy mo. Mom knows the best nga ‘di ba?” she smiled at me, a genuine one.

Ngumiti ako pabalik, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Nagpaalam kami sa isa’t-isa bago ko pinatay ang cellphone ko, sakto namang pagkalam nang sikmura ko.

Nagugutom na talaga ako.

Tumayo ako at napagdesisyunan nang bumaba. Akmang pipihitin kona sana ang seradura nang bumukas iyon at nakita ko si mommy na nag-aalala ang tingin sa akin. May dala rin siyang tray na puno nang pagkain. Mas lalong tumunog ang tiyan ko kaya sabay kaming napatawa. Biglang natunaw ang pagtatampo ko.

“Akala ko hindi ka na bababa, pasensiya na anak, ha? Kung biglaan, para rin naman sa iyo ‘yon” she smiled warmly at me.

“Naiintindihan ko po,” sabi ko na lang.

Inaya ko siya papasok sa loob. Ibinaba niya muna ang tray sa bedside table ko at umupo sa malambot na mattress nang kama.

“Mom, how can I live in the same roof with him? I don’t want to tie a knot with a man I don’t even love,” I initiates out of nowhere.

“Anak, I’m really sorry but this is your father’s decision and I agree with him. This also for you, you are only our daughter and we don’t want to risk you. This is for your sake, Celes, trust us. We have enemies outside and they want to take you away from us. And this man who will you marry is powerful and can protect you more than what we can do. I’m sorry, baby. Don’t worry, he’s a good man and I’m sure he can take care of you. We only want what’s good for you. You know how much we love you, right? Always keep on your mind that we love you so much,” she gave me a reasurred smile.

Tumango-tango naman ako. Okay seventy five percent payag na ako pero.. “Mabibisita ko pa rin po ba kayo ni daddy? Hindi ko po kayang mawalay sa inyo, eh,” nakanguso kong sabi.

Sixteen na ako nang bumukod ako sa kanila nang kuwarto, noong una pa nga’y hindi ako makatulog pero kalaunan ay nasanay din naman ako.

Hindi lang talaga ako sanay na mapalayo sa kanila kasi hindi ko talaga kaya.

Tumawa naman si mommy at niyakap ako. “Ofcourse, baby ikakasal ka lang naman, eh. Hindi ka ki-kidnap-pin palayo sa amin.”

Hinayaan niya muna akong kumain at nang maubos ko iyon ay nagtanong muli ako sa kaniya.

“Sino po ba ang mapapangasawa ko? Hindi niyo naman po kasi sinabi kanina,” ani ko habang nahihiyang nakangiti.

“Why? Do you asked?” taas-kilay na tanong sa akin ni mommy na namimilosopo ngunit kapagkuwan ay tumawa rin.

“Malalaman mo mamaya, Celes. Hala siya, mauna na akong bumaba, ha? Mag aayos pa ako kasi dapat maganda ako mamaya. You should take a bath again and wear something fancy, may pupuntahan tayo” hinalikan muna niya ako sa pisngi at kinuha ang pinagkainan ko bago bumaba.

Tatlong palapag ang bahay namin at modern style iyon. Sa ikatlong palapag ang kuwarto ko habang sa ikalawa naman ang kina mommy at daddy.

Ang totoo niyan dalawa sana kaming magkapatid ngunit nakunan si mama dahil sa stress. We have many enemies when it comes to bussiness, they are always competing with us.

Buntis no’n si mama, limang buwan na, kinuha iyon na pagkakataon nang mga kalaban para sugurin kami.

Some pulled their investment in our company. They ruined our family name. They played dirty.

Muntikan nang bumagsak ang kumpanya namin at problemadong-problemado ang mga magulang ko. Gusto ko mang tumulong ay wala naman akong alam pagdating sa bussiness.

Minsan na akong trinain ni daddy dahil ako ang tagapagmana pero hindi ko talaga kaya. Hindi para sa akin ang bussiness world.

Sa sobrang daming problema ay nakunan si mama. Namatay ang kapatid ko sa loob nang tiyan niya.

Halos mawalan kami nang pag-asa no’n mabuti at tinulungan kami nang mga Salvatore. Sila ang dahilan kung bakit umangat muli ang kumpanyang pinaghirapang itayo nang mga magulang ko.

Utang na loob namin sa kanila iyon, hanggang ngayon naman. Salamat sa diyos at tinulungan nila kami. Simula noon ay naging magkaibigan na sina papa at si Jack Salvatore. Tinutulungan nila kami at tinutulungan din namin sila, kumbaga ay magkakampi ang mga kumpanya namin.

Naputol ang iniisip ko nang may maalala, kailangan ko pa pa lang maligo.

Matapos maligo ay naghanap ako nang maisusuot. Iyong floral dress ang pinili ko, hanggang itaas ng tuhod ko ang haba no’n.

Medyo hapit iyon sa akin kaya pag yumuko ako ay luluwa na ang hinaharap ko. Napabuntong-hininga na lang ako, tinatamad na akong hubarin pa ang suot ko at maghanap ulit nang iba kaya ito na lang. Pinaresan ko iyon nang three inches na kulay pulang pumps.

Hindi ko na kailangan pa nang make up para gumanda, hindi naman sa pagmamayabang pero natural ang ganda ko.

Ang sabi ni mommy ay may pupuntahan kami kaya kahit ayoko ay naglagay pa rin ako nang make up, light nga lang.

Kulay brown at may konting maroon ang eye shadow ko, natural ang kilay ko kaya hindi na kailangang ahitan pa iyon. Matangos ang ilong ko kaya hindi na kailangan ng noseline. Hazel ang mga mata ko kaya hindi na kailangan pa ng contact lens. Natural na kulay pula at plump ang labi ko kaya hindi na kailangan ang lipstick do’n pero linagyan ko pa rin. Makapal ang pilik mata ko kaya vaseline na lang ang nilagay ko ro’n para tumayo naman at magmukhang kaaya-aya kahit papaano. Iblinower ko naman ang buhok bago iyon brinaid at pinatungan ng putting laso.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin na nasa harapan at agad napangiti.

Ang ganda ko!

Nag-selfie muna ako at ipinost ‘yon sa i*******m. Wala pang isang minuto ay nakalimang daang heart na iyon. Napangiti naman ako, ang ganda ko talaga- biro lang.

Kinuha ko ang Gucci purse ko para may panlagyanan ako nang card at cellphone ko bago bumaba.

Nakita ko naman na kanina pa pala naghihintay sina mommy at daddy.

Pinuri naman nila ako na ang ganda ko raw. Alam ko naman iyon at hindi na nolakailangan pang ulit-ulitin sa akin dahil nasasaktan ako. Truth hurts!

Limousine ang sinakyan namin kaya hindi ko maiwasang magtanong. Madalang lang kasi nila itong gamitin kaya nakakpagtaka talaga.

“Saan po ba tayo pupunta at limousine ang ginamit na ‘tin?” hindi naman nila ako sinagot kaya napa-ismid ako. Ang snobber naman ng mga magulang ko!

Mayamaya pa ay tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Masasabi kong mamahalin iyon dahil kitang-kita naman sa loob at ilang beses na kaming kumain dito at talagang luluwa talaga ang mga mata mo sa presyo.

Pagpasok namin ay walang tao, nirentahan siguro.

Dalawang palapag ang restaurant na ito kaya naghagdan pa kami at halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang mga Salvatore na naka puwesto sa mesa at upuan na nasa gitna.

Doon ay may napagtanto ako. Damn! Don’t tell me? Ayaw kong mag-conclude.

Bumalik ang mata ko sa harapan, magarbo ang disenyo no’n at may stage rin sa gitna.

Nahihiya akong umupo sa harapan nila ngunit bago iyon ay b****o muna ako sa mag-asawang Salvatore. Ngiting-ngiti sila habang nakatingin sa akin.

“Good evening po, tito, tita,” I smiled and greeted.

“Good evening din sa’yo, ija,” they greeted back.

“Wait a minute, my son is already on his way with Loreen,” ani ni tito Jack Salvatore.

Si Loreen ang babaeng anak nila- na siyang bunso kaya overprotective ang pamilya sa kaniya. Well, what can I expect? We’re talking about the Salvatores right now. Mga bigatin!

Ilang sandali pa ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy niyang son.

Damn! Hindi ako magkakamali! Bakit ba hindi ko naisip ito?

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang magtama ang mga mata namin. Ramdam na ramdam ko ang paninigas at panginginig ng katawan ko sa magkahalong kaba, hiya at takot.

Bakit… Hindi kaya siya ang mapapangasawa ko?

Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa amin at umupo sa harapan ko nang hindi man lang ako tinatapunan nang tingin. Parang gusto ko na lang lamunin ng mesang nasa harapan ko.

Tumayo sina tito Jack at daddy, sabay silang nagtungo sa stage habang may hawak na microphone.

“Okay, mic taste! Ehem! Good evening, ladies and gentleman,” panimula ni tito jack na nakangisi kaya napakunot ang noo ko, kami lang naman ang nandito, eh.

“We are here today to gather the- joke lang eto na,” si daddy naman ngayon. Halos nagtawanan naman lahat nang nandoon at wala pa man ay alam ko na ang sasabihin nila.

Napabuntong-hininga ako at napasulyap kay Lexus na hindi inaasahang matamang nakatitig sa akin.

Siya ang mapapangasawa ko.

Hindi nga ako nagkakamali dahil ini- announce nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi naman nagsasalita si Lexus na nasa harap ko, mukhang tutol din siya tulad ko.

Paano na kaya ang magiging buhay namin? Papaano namin pakikisamahan ang isa’t-isa? Hindi naman kami masyadong magkakilala.

They both congratulated us. Ngumiti na lang ako.

Pero kahit papaano ay napanatag ako na siya ang mapapangasawa ko, at least our family knew each other.

And….

Yes, I’m going to marry a billionaire named Lexus Clark Salvatore.

Good luck to me.

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Ronie Oadcin
Ganda Ng wento
goodnovel comment avatar
Rhoda Nocalan
newbie here
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
goodluck Celeste sana maging mabait sayo ang mapapangasawa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 02

    Matulin na lumipas ang mga araw. Isang umaga, nagising na lang ako na araw na pala ng kasal ko. Dahan-dahan akong naglakad papuntang altar habang akay-akay ako nina mommy at daddy. Sa simbahan ginanap ang kasal namin habang sa isang kilalang resort na pag-aari ng mga Salvatore gaganapin ang reception. Tahimik akong naglalakad kahit na nangangatog ang tuhod ko habang taimtim na pinapakinggan at sinasaulo ang liriko ng wedding song namin. "I'm so happy, Celes," boses iyon ni mommy na naluluhang naglalakad sa tabi ko. Tipid ko na lamang siyang nginitian. Masaya rin naman ako. Masaya akong nakikitang masaya sila. Sapat na 'yon para ituloy ko 'tong kasal at huwag tumakas. Habang sinasabayan ang tugtog ng musika ay para bang may nagtulak sa akin na magtaas ng tingin at bumaling sa altar na hindi ganoon kalayo ang distansya sa akin.

    Last Updated : 2021-05-09
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 03

    I feel hot. That's what I'm feeling right now. The feeling is nostalgic at para akong maiiyak na matutuwa na ewan. The way he move his lips while caressing my body. The unfamiliar sensation- na para ba akong kinukuryente. "Ahh," hindi ko napigilang mapadaing nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. This is new to me, ni nood, basa o rinig ay wala akong kaalam-alam. Someone says, I'll learn from the experience na lang. He bit my lips making my mouth parted in shock. He get that chance to insert his tongue inside. Our tongue started battling and I can't help but to grip his arms tighter. He groaned before trying to explore my mouth. Our kiss becomes deeper and deeper. Lips to lips... Tongue to tongue, lips to lips, our salivas were mixing together. The way he kiss me was like a drug. It was addicting.

    Last Updated : 2021-05-09
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 04

    Simula nang may mangyari sa amin ay dikit na siya nang dikit sa akin. Lumiliban na rin siya sa kaniyang opisina dahil ayaw daw niya akong maiwang mag-isa sa aming bahay. Sa iisang kuwarto na rin kami natutulog dahil iyon ang gusto niya. Napangiti ako, masyado siyang hands on sa akin, pati ang paghuhugas ng pinagkainan ay siya na rin ang gumagawa dahil ayon sa kaniya ay ayaw daw niya akong mapagod. Ano bang nakakapagod sa paghuhugas ng pinagkainan? Kakaunti lang naman iyon dahil kami lang dalawa. Pero siyempre, ako pa rin ang nagluluto dahil hindi siya marunong sa gawaing iyon. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Matulin akong napabalikwad mula sa pagkakahiga dahil may naaamoy akong kakaiba. Amoy na parang mayroong nasusunog. Sa kaba ay napatingin ako sa tabi ko at napansing wala si Lexus doon. San naman kaya nagpunta? Dahil sa pagmamadali ay tanging roba lamang ang nasuot ko bago bumaba. I

    Last Updated : 2021-05-21
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 05

    "Hey, tahan na," marahan na pang-aalo niya sa akin. Hinalikan niya pa ako sa ulo, at saka hinagod-hagod ang likod ko. Kahit papaano ay kumalma ako. Sapat na ang mga bisig niya para mapanatag ako. Muntikan na akong mamatay...Hindi iyon mawala sa aking isipan. Pinaupo niya ako sa malambot na sofa bago naglakad papuntang kusina. Napatitig ako sa bintang pinagsilipan ko kanina. Nandoon pa rin ang katawan noong lalaki. Dilat pa ang mga mata nito. Mariin akong napapikit. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, papaano kapag wala si Lexus? Papaano kung hindi siya dumating kaagad? Papaano kung hindi niya naunahang mabaril iyong lalaki? Edi sana, pinaglalamayan na ako ngayon. Iiyak ba siya kapag nawala ako?Pero hindi ko pa naman siguro oras, hindi ba? Mabait naman ako eh. Sinusunod ko ang mga payo ng mga magulang ko at naging mabait ako sa lahat. Tumutulong din ako sa m

    Last Updated : 2021-05-21
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 06

    "Why are you looking at me like that?" kapagkuwan ay tanong ko. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako pinaglalamayan. "Why are you wearing that?" kunot-noo niya ring tanong imbis na sagutin ang tanong ko habang nakaturo ang daliri sa kulay pink na robang suot ko. Anong mali sa roba ko? "Bakit hindi? Natural lamang dahil kakatapos ko lang maligo." "Oh, tapos?" walang emosyong tanong niya na siyang ikinaawang ng labi ko. "Alangan namang lumabas akong naka h***d? Tanga ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Iyon ba ang gusto niya? "Bakit hindi, asawa naman kita," sagot pa niya na parang masasagot no'n ang lahat ng katanungan ko. Napatampal ako sa aking noo. Jusko! "Kainis ka! Bahala ka sa buhay mo!" Nagdadabog akong umalis doon at saka tinungo ang walk-in-closet sa may gilid. Nakaka

    Last Updated : 2021-05-28
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 07

    Pagkatapos dumating ng mga in-order namin ay tumungo na kami sa sala para i-prepare ang iba pang kakailanganin. Ayaw pa sumali nila daddy at tito noong una kaya kinailangan pa namin silang pilitin. "Ang kj niyo naman, mga oldies! Ngayon lang ito, eh!" si loreen iyon, may pagka-bitch itong babaeng to kaya gano'n siya magsalita. "Sige na, hon" si mommy naman iyon habang si tita ay kinukumbinsi rin ang asawa. Napaungos lang si Lexus sa tabi ko kaya binalingan ko siya. "Hey, are you okay?" marahang tanong ko. He looked bored kasi. "Antagal nila, naiinip na ako," sagot niya. Napatawa ako at ginulo-gulo ang kaniyang buhok. Dahan-dahan siyang nagsumikaik sa akin at ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. "Ang bigat mo, mister." "Bakit pag nakapatong ako sa iyo ay hindi ka nagrereklamo, misis?" N

    Last Updated : 2021-05-28
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 08

    "Saan tayo pupunta?" "I will let you decide for that,"he said and started the engine of the car. Kinagat ko ang hintuturo ko para mag-isip. Saan ba? Wala naman kasi akong ibang alam na mapupuntahan maliban sa mall. "Ikaw na lang mag-isip, wala kasi akong maisip, eh." Sinuklay ko ang buhok at tumingin sa may bintana. "Ano wala kang isip?" pang aasar niya pa kaya iinirapan ko siya. Alam ko naman na joke lang 'yon pero mabilis lang talaga akong mapikon. "Bingi ka ba?" He chuckled at my reaction. "No, I'm just joking. I just want to make you laugh." "Mukha ba 'kong natatawa?" "Sabi ko nga," pagtiklop niya kaya napangisi ako. "Saan nga tayo pupunta?" muling tanong ko at ang sumunod niyang sinabi ay hindi ko inaasahan. Dahilan upang lumuwa ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

    Last Updated : 2021-05-28
  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 09

    Si Lexus naman ay umiling-iling habang ako ay nangangamatis na. "Hala, hindi! Mamamasyal kasi kami! Ang judgemental mo, ha." Tumango-tango siya, kunwari ay naniniwala. "Sige, sabi mo eh. By the way, siya pala ang asawa mo, girl?! Ang suwerte mo grabe! Ahhh," pabiro pa siyang umungol kaya natampal ko siya sa braso. "May nakita akong mga men in black sa labas kanina. Tauhan nyo ba ang mga 'yon, sir? Pinigilan ba naman akong kumatok dito, eh mabuti at may picture kami ni Celes at iyon ang pinakita ko. Pinayagan naman nila ako kahit papaano, nqkakainis nga lang. Mukha ba akong others?" mahabang sabi niya kaya napatingin ako kay Lexus na may nanlilisik na mata. "Sorry." Ngumiti siya at saka nag-peace sign sa akin. Napa uh-oh naman si Ericka saka nagpaalam na lalabas na, "Goodbye na, bespren! See you when I see you!" Napailing-ling ako, akala ko talaga kung sino siya kanina,

    Last Updated : 2021-05-28

Latest chapter

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   WAKAS

    I punched the wall in front of me. I won't marry that girl. I’m still enjoying my life, damn it! Fuck! Celeste Hara, huh? Her name sounds familiar to me. I hurriedly left the room without glancing or saying anything at Ericka. Why should I? She’s just nothing compared to Celes, her bestfriend. I drove my Mercedes Benz until I reach our house. I goddamn need to talk to my Father. I need to stop him! “Oh, umuwi ka?” he sarcastically said. My jaw clenched. “I don’t want YET to get married.” He made a face. “Hindi ka na bumabata pa. You need to settle down, son.” “Oh, tapos?” “That girl needs help and marrying her can save her from death.” I remained my face emotionless. “Why me? I’m not the only man in this world who can help her.” I don’t even know her, so wh

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 30

    Nakaupo ako sa kama nang biglang sumulpot sa harapan ko si Lexus na halos wala ng saplot! “The fuck are you doing?” I asked when he started grinning. Napatingin ako at sa katawan niya hindi ko maiwasang mapalunok! Apat na taon. Apat na taon. Ilang sandali pa ay bigla siyang kumanta ng The Eve by EXO na siyang ikina-awang ng labi ko. Oh My God! Umarko ang katawan niya sa harapan ko at nagsimulang gumiling. Halos manginig ang buong katawan ko sa gulat. Nalaglag ko pa ang panga ko. Si Lexus? A Billionaire? Gumigiling sa harapan ko? He rolled his arms on the air habang tumataas-baba ang dibdib niya. Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na siya. Nakaupo lang ako roon, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayari. Isa pa, putang ina. Exo songs, huh? Imbis na mahiya sa akin ay itinaas niya lang ang kamay niyang hanggang sa ul

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 29

    “Mommy will it fit me?” she asked while holding the Barbie designed pink backless dress I picked for her. “Let's see, baby.” Pumasok kami sa fitting room at pinasuot sa kaniya iyon. Nang maisuot ay dali-dali siyang lumabas at nag-pose sa harapan ni Lexus. “Daddy, am I beautiful?” Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Napa-ikot ako ng mata. Malamang! Galing siya sa akin, eh kaya maganda siya. “Of course, my princess.” Ngumiti pa si Lexus. “More than mommy?” pang-aasar pa ng anak ko. Sumasakit ulo ko, ah! “You are both beautiful, period.” Natawa ako sa sagot niya. Pagkatapos naming pumili ng damit niya ay pumunta kami sa may toy section. Hawak-hawak ko si Lexi habang hawak naman ni Lexus ang push cart habang nakaakbay sa akin. Kung titignan mo ay para kaming

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 28

    “Binugbog nila ako. Hindi pinakain at palaging pinapahirapan pero tiniis ko lahat ng iyon kaysa naman ikaw ang masaktan. Gustong-gusto na kitang makita pero hindi pwede kasi papatayin ka nila. Nang malamang nakauwi ka na galing sa hospital, napanatag ako kasi alam kong poprotektahan ka ng mga magulang mo. Saka lang ako pinayagan na lumabas ng selda para papirmahin ka. Kaya pala nila ako dinakip ay dahil hindi mo napirmahan ang annulment natin. Nang makita kong maayos na ang kalagayan mo ay nakahinga ako nang maluwang. Sabi ko sa sarili ko,sawakas magiging malaya ka na, asawa ko. Sobrang sakit, sobrang sakit sa- sa akin na makita kang pinipirmahan iyon pero wala akong magagawa dahil nasa likod ko ang mga tauhan nila. Pinilit nilang isama sa akin si Ericka para raw mas lalo kang masaktan. Nang umalis ka ay saka lang nila ako pinakawalan. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa iyo, Celeste. Hindi ako makakain ng maayos dahil inaalala ko kung okay ka lang ba? Kung kamusta na kayo ni baby? A

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA TWENTY-SEVEN

    “Gising ka na,” mahinang sabi ko na tila hindi makapaniwala. Napatitig ako sa mukha niya. Walang nagbago, guwapo pa rin sa paningin ko iyon nga lang ay medyo pumayat siya ng kaunti. Siguro dahil na rin sa ilang buwan niyang pamamalagi sa hospital na tanging dextrose lang ang nagpapalakas sa kaniya at ibang mga gamot. “Yeah, kanina pa.” He smiled weakly bago inalalayan si Lexi pababa ng kama. Nanlaki ang mga mata ko, baka mabinat siya! Pero imbis na sawayin siya ay nanatili na lang akong tahimik. I don't know how to open a conversation between us. “I want to cry, Celeste,” kagat-labing sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit naman gusto niyang umiyak? Dramahan na naman ba kami rito? Tumakbo papalapit sa akin ang anak ko at saka ako hinalikan sa labi. “Mommy, I’m so happy! Papa God heard my wishes! He granted it! I’m so happy! I want to cry!” masaya nitong sabi haban

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 26

    "Are you ready?" tanong ko kay Lexi habang hawak-hawak ang kamay niya. Nauna kaming umuwi ni Lexi nang malaman ko ang nangyari kay Lexus. Hindi ko kasi maiwasang mag-alala. Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin naman kami. At tatay siya ng anak ko. Next week pa uuwi sina mommy. Nag-commercial flight na lang kami dahil sa pagmamadali. Nang makarating kaming NAIA ay nasa waiting area na sila Kuya Lace at Loreen. Sila ang nagpresintang sumundo sa amin kaya sino ako para tumanggi?. Buhat-buhat ko si Lexi habang hawak ko ang maleta namin. Kumaway-kaway sila kaya napangiti ako. Na-miss ko sila, sobra-sobra. "Mommy are they my Daddy's siblings?" nagniningning ang matang tanong niya kaya tumango ako. Tinapik niya ang kamay ko para bumababa na at saka tumakbo papunta kina Kuya Lace. "Hey! Look on your way, Lexi!" sigaw ko dahil nababangga siya ng mga ta

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 25

    Four years had passed… Pinagmasdan ko ang batang tumatawang naglalakad habang akay-akay nina Mommy at Daddy. Napangiti ako, mahirap magpalaki ng bata lalo na kapag sobrang kulit. Mabuti at nariyan ang mga magulang ko para tulungan ako. Nang ipanganak ko siya ay napakalaki niya. Tapos iyakin, gabi-gabi ay umiiyak. Ilang buwan din akong puyat. Mahirap magdalang-tao ng siyam na buwan, mahirap manganak pero kinaya ko para sa anak ko, para kay Akeisha Lexi Hara. Worth it lahat ng paghihirap ko nang mailuwal ko siya. Napakagandang bata. Iyon nga lang ay kamukha niya ang papa niya. Nakakainis lang. Ako iyong naghirap tapos iyong ama iyong kamukha? Hah! Unfair, nasaan ang hustisya? Napailing-iling na lang ako, sa apat na taon na iyon, ni anino niya ay hindi ko nakita. Wala siyang paramdam at kung tutuusin nga ay inaakala kong patay na siya. “My! My!” sigaw ng anak ko nang makit

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 24

    “Where are you going?” tanong ko kay mommy nang makitang bihis na bihis siya. Oo, nakauwi na ako. Sa anim na araw na iyon hindi niya ako dinalaw. At oo, umasa ako. “Mag go-grocery, anak. Wala si Celyn, eh,” nginitian niya ako at lumabas na. Si Celyn ang isang katulong namin dito, rinig ko kanina ay sinamahan daw niya iyong anak niya para magpa-enroll. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay, si Daddy naman ay pumasok sa opisina. Ang mga katulong ay naka-out lahat at tanging bodyguards lang ang nasa labas. Napatulala ako sa kulay kremang pader. Masakit pa rin. Wala eh, mahal ko, eh. Sa bawat araw na lumipas hindi siya mawala-wala sa isip ko. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para hindi niya ako iwanan?

  • The Billionaire's Wife (Tagalog)   KABANATA 23

    Four Days Later…. Iminulat ko ang mata ko ngunit naipikit ko rin iyon dahil sa liwanag. Puros puti ang nakikita ko sa paligid at andaming nakatusok sa kamay ko. Kung ganoon ay buhay pa pala ako. Napatingin ako sa crucifix na nasa taas ng kama ko. Bakit hindi mo pa ako kinuha, Papa God? Ano pa po ba ang silbi ko rito? Pagod na pagod na kasi talaga ako, eh. Tapos ang bigat ng dibdib ko na parang pasan-pasan ko ang buong mundo. Nang ilibot ko ang tingin ko ay nakita ko si mommy nakaupo malapit sa pintuan at mukhang may ka-text. Nang makita niyang gising na ako ay tumakbo siya papalapit sa akin at saka ako niyakap. “Anak ko, gising ka na!” hikbi niya. “Iyong anak ko, mommy?” natatakot na tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin. “Ma, iyong anak ko po,” pang uulit ko Naalala kong dinu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status