Share

Chapter 49: Medyo SPG

Penulis: Isaacrys
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-01 19:44:48

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Judd na ngayon ay maganang kumakain dito sa kusina.

Masasabi ko na halos nakuha lahat ni Shayla sa kanya kahit ang nagdala sa loob ng ilang buwan lamang.

"Tigilan mo nga ayan!" Suway ko kay Judd ng dilaan nito ang kutsara.

Para tuloy nagsi-akyatan na sa buo kung mukha ang aking dugo dahil pakiramdam ko ang pag-init ng aking pisngi na tiyak kung namumula na at daig pang kamatis.

"Alin?" Patay malisya na tanong niya sa akin. Napairap na lang ako bago tumayo at hinanggit ang kutsara niyang hawak tsaka nilagay sa lababo. Kumuha naman ako ng baso at tubig sa ref na siya ko namang binigay kay Judd.

"Matutulog na ako, dyan ka nalang matulog sa sofa." Sabi ko pa at hindi naman ito umimik kaya nilagpasan ko na lang at umakyat ako sa sariling kwarto upang ikuha siya ng kumot.

Halos mapatalon naman ako ng biglang magsara ang pintuan at nakita ko doon si Judd na nakatayo. May ngiti na naman sa labi habang naglalakad palapit at nahiga sa kama.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 50: Happy Family

    Isang linggo ang lumipas na maayos at tahimik ang aming pamumuhay ni Judd. Walang Kassy at Jacob na nagpapakita ngunit hindi ko naman maiwasan ang mag alala para kay Kassy kahit na may nagawa itong mali sa akin sa nakaraan. "I fired Doc. Sugie." Bungad ni Christine ng makalapit ito sa aming pwesto dito sa maliit na kubo sa harap ng bahay. "Why did you do that?" Hindi makapaniwala na tanong ni Tita Jasmin sa kanyang pamangkin. "Lahat naman ng tao nagkakamali." sunod na sabi pa nito. "Look, halos lahat tayo ay mag alala sa sakit ni Sam tapos wala naman pala talaga siyang sakit." Nai iling na sagot pa ni Christine. "Deserve." Anang boses ni Judd kaya agad ko naman itong siniko. Pasimple pang nagpunta sa may likod ko si Judd at niyakap ako. Hindi naman maiwasan na mapangiti ako dahil sa sweet gesture niya na ginagawa sa akin. Yung akala ko na hindi ko na mararamdamang muli ang maging masaya sa piling ng tao na talagang hinangad mo buong buhay mo. Pero heto na, nasa harapan mo na at l

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-02
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 51: TIME

    Wala kaming ibang ginawa sa loob ng MOA kundi ang mag gala. Nakakatuwa lang isipin na hindi naman kami ganito kasaya noon pero heto, masasabi ko na umaapaw sa kaligayahan ang aming puso ni Judd dahil nakikita namin na masaya ang nagiisa naming anak. Sunod naman naming pinuntahan ay ang amusement park, kung saan-saan kami pinapad hanggang sa mapagod at antukin na si Shayla dahil na rin sa pagod. "Wifey." Tawag sa akin ni Judd, napalingon naman ako sa kanya na ngayon ay maiging nakatuon ang mga mata sa daan. "Hmm." Himig na sagot ko. "Nothing." Sagot niya sa akin. "Trip mo lang?" Tanong ko pa at hindi maiwasan na matawa ng mahina. "Masaya lang ako." Mababang tono na sagot pa niya sa akin. Hinawakan ko naman ang isa niyang kamay at hinaplos ayon. Bahagya akong sumandal sa kanyang balikat. "Mas masaya ako, dahil sa lahat ng nangyari sa buhay natin ay heto tayo ngayon. Maayos at pilit na ginagawang matatag ang ating pamilya." Sagot ko bago nagpakawala ng isang malalim na buntong h

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-02
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 52: Tragedy

    Sintomas na hindi ko dapat nararamdaman kaya nag umpisa na akong kabahan. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin na ngayon ay ito'y ipinagkaloob sa amin ni Judd. Hindi ako nagsisisi pero hindi ko naman maiwasan ang kabahan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking hawak na kahon, may laman itong patay na palaka na siyang nakapag paduwal sa akin. Nandidiri man ay kinuha ko pa rin ang papel na naiipit ng patay na palaka at binasa ang nakasulat doon. 'SHAYLA' yan ang nakasulat sa papel at kung hindi ako nagkakamali ay sulat mula sa dugo ayon. Hindi man dugo ng tao marahil ay dugo na rin yun ng palaka na nasa box. Ginusumot ko ang papel at itinapon sa basurahan pati na rin ang kahon na naglalaman ng patay na palaka. Kung hindi ko alam ang dahilan at ang katotohanan about kay Kassy marahil ito na ang aking pinagbintangan na may pakana ng dead threat na ito ngunit mali. Nag iisa lamang ang aming kaaway walang iba kundi si Jacob. Ngunit saan ko siya hahanapin? I also texted

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-03
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 53: Intention

    Nagising ako sa isang kwarto na ang tema ay kulay puti, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan at ako lamang mag isa ang nasa loob. Walang iba, walang Judd na kasama. Sinulyapan ko pa ang swero na nakakabit sa aking kamay at hindi mapigilan ang hikbi na kumawala sa aking labi. Naalala ko pa ang bata sa aking panaginip, hindi ko man lang nakuha ang pangalan nito hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.Hinaplos ko pa ng bahagya ang aking puson upang damahin yun ngunit umaasa na sana ay nandito pa ang bata na babago pa lamang mabubuo. Pero may pag asa ba na maligtas ito sa ganung uri ng aksidente? Hindi mapigilan na tanong ko sa aking sarili.Napalingon naman ako ng biglang magbukas ang pintuan at iniluwa noon si Judd. Nang makita niya akong nakatingin sa kanyang pwesto ay agad niya akong dinaluhan at tinanong. "May masakit ba sayo? Kamusta ang pakiramdam mo?" Magkasunod niyang tanong sa akin. Itinuro ko naman ang tubig malapit sa aking higaan na nakapatong sa isang

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-03
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 54: Lipstick

    Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig mula sa labas. Sa pagmulat ng aking mata ay dilim agad ang bumungad sa akin kaya kinapa ko naman ang lamp sa may side table. Chineck ko pa ang aking cellphone kung anong oras na at alas syete na pala ng gabi. Masyadong napahaba ang aking pagtulog at hanggang ngayon ay wala pa rin si Judd sa aking tabi. Ipinilit ko naman ang sarili na maisakay sa wheelchair bago napagpasyahan ang lumabas ng kwarto kahit mabagal at mahirap. Ngunit naisip ko rin na mahihirapan ako sa handan at baka mausisa pa ay mahulog lamang ako at mabalian na naman. "Mommy!" Tawag ko ngunit wala namang sumasagot. Madilim at halos hindi ko makita ang nasa baba ng hagdan. "Judd!" Tawag kung muli ngunit halos magitla naman ako sa presensya ni Bryle. "Saan ka galing? Bakit ka nandito? Nasaan sila mommy at Shayla?" Madami kung tanong kay Bryle bagkus hinawakan lang niya ang aking likod upang alalayan. Binigyan rin niya ako ng sapat na pwersa upang makatayo at inakay pababa ng

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-05
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 55: Jacob is missing

    Hindi maipinta ang mukha ni Judd habang kumakain. Tahimik lang naman ako na nakaupo habang siya ay pinagmamasdan, si Shayla naman ay nasa sala habang naglalaro kasama si Mommy Jasmin dahil inihatid na muna siya ni Christine dito kanina. Medyo nakakautay na rin naman ako sa paglalakad mag isa. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko kahit alam ko na naman ang sagot."Saan mo nabili ang lipstick na yun?" Napakagat ako sa labi upang pigilan ang tawa. "Why?" I asked ngunit umiling siya sa akin. "Look at my face, wifey." Humagalpak ako ng tawa dahil sa pag padyak ni Judd na parang bata. Halos malagutan ako ng hininga kakatawa habang naka hawak pa sa aking tiyan. "Daig ko pang sinampal ng isang daan na manok, ang hirap tagtagin! Kailangan kong ipasara ang store na pinagbilihan mo!" Nang gagalaiti niyang sabi sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang tawanan siya ng ilang minuto kulang na lang ay ihampas ko ang aking ulo kautasan sa kanya. Wala na naman akong sinabi at hinintay na lang s

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-06
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 56: Who's Victor?

    Maaga akong nagising at tumayo na sa higaan, agad akong nakaramdam ng hapdi sa aking sikmura at ang biglaang pagsuka na laway lang din naman ang isinusuka. Nang matapos ako ay halos manghina naman dahil doon. Napaangat ang tingin ko kay Judd na may binibigay sa aking tubig. Kinuha ko naman ayon at ininum. Dahil sa panghihina ay inalalayan naman niya ako sa pagtayo at inakay papunta sa may kama. "Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Judd at mababakas ang pag aalala sa kanyang mga mata at base sa toni ng kanyang pananalita. "I'm okay, husbie. Pregnancy Hormones lang ito." Sagot ko at nagpakawala ng ngiti upang ipakita na ayos lang naman talaga ako. Hinaplos niya ang aking buhok bago hinalikan ang aking noo na ikinapikit ko naman. "Let's eat, wifey. Naghihintay na ang anak natin sa baba." Pagyayayakag sa akin nito at tumayo naman ako. Inalalayan pa ako ni Judd sa pagbaba sa may hagdan hanggang sa makaupo ako sa harap ng hapag. "Sinong nagluto nito?" Tanong ko. "Pupunta raw di

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-07
  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 57: Plan

    "Bakit tayo nandito? Wala pa naman tayong dalang gamit." Sabi ko sa kanya. "Don't worry, ipinahanda ko yun kay Nay Loleng pati na rin ang gulay na niluto niya sayo ipinadala ko na rin." Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa kanyang sinabi. Naglakad lang kami ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang cottage, halos lahat nandito ultimo kanyang mga kaibigan at sa tabi ng mga ito ay siyang nag gagandahang babae. "Anong meron?" Hindi ko mapigilang itanong. "Nag request kasi si Shayla, so sino ba naman ako para hindi tupadin yon. Mas marami, mas maganda." Sagot sa akin ni Judd. "Without knowing me?" Nakataas kung kilay na tanong. "Hindi mo ba nagustuhan?" Halata sa boses ang pagkalungkot. Napatingin naman ako sa mga tao na nasa loob ng kabuuan ng cottage lahat sila ay nakatingin sa amin I cleared my throat and sigh."Nagustuhan ko, husbie." Sagot ko at sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi. Ngayon ay may kanya-kanya silang ginagawa sina Justine naman ay nagluluto ng mga pag

    Terakhir Diperbarui : 2022-07-07

Bab terbaru

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    SPECIAL CHAPTER 3

    Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    SPECIAL CHAPTER 2

    Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    SPECIAL CHAPTER 1

    Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 65: THE END

    After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 64: Happy and complete

    Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 63: Giving birth for triplets

    "Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 62: They sister

    Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 61: Where they are?

    Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang

  • The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)    Chapter 60: Good actress

    Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy

DMCA.com Protection Status