Lahat ng pangyayari na dumaan at dadaan pa sa ating buhay, mahirap man o madali ay hindi natin dapat takasan, pwede naman tayong magpahinga ngunit paghandaan ang pagdating ng panahon na masasabi na nalagpasan natin ang lahat ng pagsubok na nagpahirap sa buhay natin. Nagising si Samantha na ang puting kisame ang bumungad sa kanya. Marahan siyang kumurap ngunit ang mga katawan niya ay hindi niya agad maigalaw. “Hey, are you okay?” Ani ng isang boses habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nang tingnan naman niya ang lalaki ay hindi niya kilala kung sino ito. “Christine, call the doctor now!” taranta na sigaw ng lalaki ngunit nananatili pa rin siyang nakatingin sa kisame. Chineck siya ng doctor at tinulungan na makaupo. May ilang tao na nakapalibot sa kanya habang napukaw ng mga mata niya ang isang lalaki na maiging nakikipag usap sa doctor.“Sino sila, doc?” Halata na natigilan ang lahat dahil sa kanyang sinabi. “Sam. What are you saying?” Tanong sa akin ng isang lalaki. “Me? I’m jus
Another pain.Kaya nga ako nag panggap na walang naalala kasi akala ko kahit papaano ay mawawala yung sakit na mararamdaman ko ngunit mali parin pala ako. Imbis ipagamot ang sarili ay mas inuuna ko ito kahit para kay Shayla lang, sa anak namin ni Judd. Imbis na pumunta sa mall upang ibili ng damit si Shayla at ang ina ni Judd ay mas napag pasiyahan ko ang umuwi na lang. May inutusan na lang ako na bumili ng mga damit nila at gamit, para sakaling makita ko sila ay may nakahanda ng gamit para sa kanila. Nagtimpla ako ng kape, bago nagpunta ng sala at binuksan ang tv. Habang sumisimsim ng kape ay nakarinig naman ako ng tunog ng doorbell sa labas. Chineck ko muna ang cctv at si Christine ang nakatayo mula doon. May pinindot naman ako upang automatic na magbukas ang gate at sumunod noon ang ilang katok sa pintuan. I opened the door habang may suot naman na ngiti sa labi ito ngunit hindi aabot sa kanyang tenga. "What are you doing here?" Walang buhay kung tanong. Ngumiti naman ito ngu
“Angela, handa na ba ang lahat sa conference room?” Tanong ko sa aking sekretarya. Noong una ay halos hindi ko pa ito makilala dahil talagang tinagtag niya ang malaki at bilog niyang salamin. Naglagay din siya ng light make up na talaga namang nakapagpadagdag sa angkin niyang ganda. “Yes po ma’am. Maayos na maayos.” Nakangiti niyang sagot sa akin. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at umastang may ibubulong. “Nandoon na rin si Ms. Tolentino na mukang dracula.” Napatawa naman ako ng bahagya sa kanyang paglalarawan about kay Kassy. “Ikaw talaga, tiyak ko na magugulat na lang siya kapag nakita ako” Na iiling ko na sambit. “Sa ganda niyo ba naman ma’am ay sadyang magugulat yun. Baka tumakbo pang palayo.” Hagikhik ni Angela sa isang sulok.“Let’s go.” Yakag ko at nanlaki naman ang mga mata niya. “Isasama niyo po ako?” Magalang na tanong nito at halos hindi makapaniwala.“Oo naman, papunta pa lang tayo sa exciting part.” Ngiti ko pa na akala mo naman ay bata si angela na kinikilig at ma
Napakagat naman ng labi si Samantha dahil sa ngiti na nakapaskil sa labi ni Justine. Kapag minamalas naman nga! Bulong ng kanyang isip. “What?” Mataray niyang tanong sa mga ito.“Anong ginagawa mo, Sam?” Maang-maangan naman na tanong sa kanya ni Christine. “What do you think?” Maarte pa niya na tanong. Umiling naman si Christine at ang nakakabugnot na pagmumukha ni Justine ay talaga namang masarap ng pukpukin ng martilyo. Basta nakakakagigil na yung itsura. Daig pang nahuli ka nitong nakikipagtalik kung makangiti. Naglakad si Samantha at nilagpasan lamang ang dalawa. “Wait.” Habol sa kanya ni Christine ngunit hindi naman siya tumigil at nag tuloy-tuloy lang hanggang sa marating nila ang office niya. “Ano?!” Medyo iyamot niyang tanong sa dalawa. “Tell us the truth!” Inis na rin na sabi ni Christine. “Truth, what?” Tanong niya sa mga ito. “Nag aaksaya lang kayo ng oras dito Christine.” Dugtong pa niya at hindi maiwasan na mapataas ang kilay ng irapan siya nito. “You can’t fool
Masaya niyang pinagmamasdan ang kanyang anak na si Shayla habang nakaupo sa isang maliit na sofa at naglalaro ng laruan na kanyang dala-dala. Gabi na sa labas at napagpasyahan niya ang umuwi na. “Ayaw mo bang magpalipas muna ng gabi dito?” Tanong sa kanya ng kanyang tiya Jasmin. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung didito muna o hindi. Ngunit kalaunan ay pinigilan siya ng kanyang anak na gusto siya nitong makatabi na matulog. Itinext niya din si Luigi na pumasok dito sa loob kapag naka tyempo na wala na si Jacob. Mukha kasing nagkakasundo ang dalawa at hindi na magtataka si Samantha kung pati si Luigi ay makaaway niya.“Saan siya natuloy ngayon?” Tanong niya kay Luigi. “Medyo malayo naman mula rito at doon kami nagpunta kanina.” Seryoso niyang sabi. “May pupuntahan raw ito bukas ngunit hindi niya nasabi kung saan. And I heard him talking someone at his phone at may nabanggit na pangalang Julius.” Natigilan naman siya sa sinabi ni Luigi. “Julius?” Paninigurado pa niya.“Yes, at
Huminga muna ng malalim si Samantha bago nagtungo sa harap ng gate. Kinakabahahan naman siya habang naglalakad hanggang sa makarating siya doon. "What are you doing here?" Mataray at walang buhay niyang tanong. Para namang may kung anong magnet ang mga titig ni Judd sa kanya kaya nag iwas agad siya ng tingin. "Gusto kitang makasama." Parang may kung ano namang bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang sinabi ni Judd. Agad na? "What are you saying?" Naitanong niya at pinilit na tatagan ang sarili upang hindi bumigay. "Can you please open the gate? Alam kung naalala mo ako." Nasupil naman niya ang bibig at parang may kung ano ang bumara sa kanyang lalamunan. "Umalis kana, hindi ko alam ang sinasabi mo." Patay malisya niyang sagot at tinalikuran na ito. Ngunit hindi ko inasahan na makikita ko si Tita Jasmin sa harap ng pintuan. Nakatingin sa akin at halata na nangungusap ang mga mata nito. "Mom?" Napapikit ako ng mariin sa binigkas ni Judd. "Samantha hindi mo na kailangang magp
Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Judd na ngayon ay maganang kumakain dito sa kusina. Masasabi ko na halos nakuha lahat ni Shayla sa kanya kahit ang nagdala sa loob ng ilang buwan lamang. "Tigilan mo nga ayan!" Suway ko kay Judd ng dilaan nito ang kutsara.Para tuloy nagsi-akyatan na sa buo kung mukha ang aking dugo dahil pakiramdam ko ang pag-init ng aking pisngi na tiyak kung namumula na at daig pang kamatis. "Alin?" Patay malisya na tanong niya sa akin. Napairap na lang ako bago tumayo at hinanggit ang kutsara niyang hawak tsaka nilagay sa lababo. Kumuha naman ako ng baso at tubig sa ref na siya ko namang binigay kay Judd. "Matutulog na ako, dyan ka nalang matulog sa sofa." Sabi ko pa at hindi naman ito umimik kaya nilagpasan ko na lang at umakyat ako sa sariling kwarto upang ikuha siya ng kumot. Halos mapatalon naman ako ng biglang magsara ang pintuan at nakita ko doon si Judd na nakatayo. May ngiti na naman sa labi habang naglalakad palapit at nahiga sa kama.
Isang linggo ang lumipas na maayos at tahimik ang aming pamumuhay ni Judd. Walang Kassy at Jacob na nagpapakita ngunit hindi ko naman maiwasan ang mag alala para kay Kassy kahit na may nagawa itong mali sa akin sa nakaraan. "I fired Doc. Sugie." Bungad ni Christine ng makalapit ito sa aming pwesto dito sa maliit na kubo sa harap ng bahay. "Why did you do that?" Hindi makapaniwala na tanong ni Tita Jasmin sa kanyang pamangkin. "Lahat naman ng tao nagkakamali." sunod na sabi pa nito. "Look, halos lahat tayo ay mag alala sa sakit ni Sam tapos wala naman pala talaga siyang sakit." Nai iling na sagot pa ni Christine. "Deserve." Anang boses ni Judd kaya agad ko naman itong siniko. Pasimple pang nagpunta sa may likod ko si Judd at niyakap ako. Hindi naman maiwasan na mapangiti ako dahil sa sweet gesture niya na ginagawa sa akin. Yung akala ko na hindi ko na mararamdamang muli ang maging masaya sa piling ng tao na talagang hinangad mo buong buhay mo. Pero heto na, nasa harapan mo na at l
Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos
Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s
Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia
After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking
Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur
"Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku
Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a
Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang
Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy