Share

Chapter 2

Isang buntong-hininga ang tahimik na pinawalan ni Patricia mula sa bibig nang sagutin ang pag-iingay ng cordless phone, nahuhulaan na niya kung sino iyon.

"Ma, sinabi ko naman sayo, I'm busy. Hindi ako pwede sa araw na yun."

Ilang araw na siya nitong kinukulit na ipakilala sa anak ng mayaman nitong amiga. Kilala niya ang babae. Well, who wouldn't? Retirong sikat na actress lang naman ang bagong amiga ng kanyang ina. Hindi naman sa sinasabi niyang social climber ang kanyang ina, pero halos ang lahat ng amiga nito ay kilalang tao sa bansa. Hindi sila kasing yaman ng mga ito, pero kilala ang kanyang ina bilang isang sexy na physical fitness trainer.

"I know you're busy, baby. But can you squeeze me in in your busy schedule this coming Sunday?" may halong pangungonsensyang sabi ng kanyang ina mula sa kabilang linya.

Naitirik na lamang ni Patricia ang mga mata sa ceiling.

"I know you're rolling your eyes right now. Ganoon yata talaga ang mga kabataan ngayon. Pagkatapos kang pahirapang umiri at masira ang figure mo sa pagbubuntis sa loob ng siyam na buwan, kapag lumaki na ay wala ng panahon sa'yo at isasantabi ka na lang."

"Mama," kung kaharap lamang ang ina ay pinandilatan na niya ito. Parang bata. "For the record, kaya kayo nahirapang umiri dahil ang laki-laki ko. At kaya nasira ang figure niyo ay dahil hindi kayo maawat ni Papa sa pagkain ng kung anu-ano noong ipinagbubuntis niyo pa lang ako. So, will you please cut the drama? You don't need to beg for my attention. I'll see you on Sunday."

"Thank you, baby?"

"Bye, 'Ma."

Nangingiti-naiiling na inilapag na lamang niya ang receiver sa cradle matapos ang pakikipag-usap sa ina. Kung mag-usap sila nito ay parang ang layo-layo nila sa isa't isa. Gayong ang naghihiwalay lang naman sa kanila ay bakod. Ang malaki nilang bahay sa Antipolo ay pinagawan ng extension ng kanyang ama sa likuran nang sabihin niya ritong ibig niyang magkaroon ng malawak at pribadong working space. Mayroon siyang sleeping quarters, pick-up kitchen at dalawang ekstrang working table para sa dalawa niyang artisan. Kapag may minamadali siyang trabaho ay bihira siyang makita ng kanyang mga magulang kahit halos nasa isang bahay lamang sila.

She owns the famous jewelry line La Vida. She designs and handcrafted her jewelry. And her works are already well-known both local and international. She started her business as early as eighteen years old. She has a knack for handcrafting fashion accessories. Mula roon ay na-develop ang husay niya sa paggawa ng mas intricate na designs. 

Nagsimula siyang mag-market sa kanyang mga kaklase sa eskuwela, kaibigan at mga kamag-anak. At nang lumakas ang presence ng social media, she also created her own website to sell her crafts. Hindi nagtagal, nakilala through on-line ang mga creations niya na kinailangan na niyang kumuha ng storefront para sa kanyang mga produkto.

Nahagod ni Patricia ang batok. Kung hindi pa tumawag ang kanyang ina ay hindi pa niya maaalalang hindi pa siya kumakain. Ganoon siya madalas. Lalo na no'ng mag-break sila si Luke. Inabala niya nang husto ang kanyang sarili sa trabaho. Hindi naman kasi ganoon kadaling itapon ang tatlong taong relasyon. At least sa side niya hindi iyon naging ganoon kadali. Kahit sinasabi niyang masaya na siya sa kung ano ang meron siya, may mga pagkakataong naroroon pa rin iyong munting kurot.

Pero sa ngayon, makalipas ang isang taon ay masasabi niyang unti-unti na siyang nakaka-move on sa dating nobyo. Kung meron man siyang madalas na maalala nitong mga nakalipas na araw, iyon ay ang lalaking nakatalik niya ng gabing 'yon. At aaminin niyang may mga gabing nag-iinit siya kapag naaalala ito. Na hindi miminsang napanaginipan niya ang lalaking 'yon sa ilang maiinit na tagpo. That when she wakes up, she finds herself wet and aching. Sa tuwing mangyayari 'yon ay napapahiya siya sa kanyang sarili. Kaya naman naisip niyang dapat na niyang paglaanan ng seryosong atensyon ang personal na buhay.

Hindi na siya bumabata. At kung ang tanging solusyon upang makatagpo siya ng prospect husband ay ang inireretong anak ng amiga ng kanyang ina, hindi siguro masamang subukan. Kung hindi siya nagkakamali, balita niya ay guwapo ang anak nito. Siguro naman ay hindi pahuhuli rito ang panganay na ayon sa kanyang ina, ay siyang gustong i-match sa kanya.

Matchmaking is no longer alien to them. Sa mga katulad niyang busy sa career at wala masyadong panahong mag-entertain ng mga manliligaw, normal na sa kanila ang kumuha ng matchmaker upang siyang humanap ng kanilang makakapareha. Mayroon siyang pinsan na nakasal sa ganoong sistema. Naisip siguro ng kanyang ina na hindi masama kung susubukan din niya. And she figured, heck, why not?

It's worth a try. Sinubukan niyang sundin ang puso niya noong una. But look where it led her. Heartbreak.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sunday came. When they came to the venue, saka lamang nalaman ni Patricia na ang pupuntahan nila ay opening ng cafe ng bunsong anak ng amiga ng kanyang ina. Naroroon daw ang panganay na anak nito. For some reason, she's having a bad feeling about the whole thing. Pero dahil naroroon na rin lang, nanatili na rin siya kasama ng ina. Tutal ay matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkasamang lumabas.

"Ian, I want you to meet, Patricia!" excited na bulalas ng amiga ng kanyang ina. "Patricia, please meet my son, Ian..."

Oh, so he's the one? Sa isip-isip ni Patricia.

Akmang maglalahad na siya ng kamay nang tanguan lang siya ni Ian. Muntik ng mapaawang ang mga labi niya. Hindi pa siya napahiya ng ganoon sa tanang buhay niya!

It was a very tense moment. Na binasag ng tinig ng isang lalaki.

Ang sabihing literal na tumigil ang pintig ng puso ni Patricia pagkakita sa may-ari ng boses ay kulang. Dahil ang lalaking 'yon ay walang iba kundi ang estrangherong nakatalik niya sa club may isang taon na ang nakakaraan!

"Hi, I'm Ian's friend, Casper Wales..."

Kung hindi pa sa pasimpleng pagsiko ng ina mula sa kanyang tagiliran ay hindi pa mahahamig ni Patricia ang sarili.

"H-hello... I'm Patricia," napilitan siyang tanggapin ang kamay na inilahad nito.

"Patricia...?" Hindi ba siya nito natatandaan? Ganon ba kadali kalimutan ang nangyari sa kanila?

"Chavez." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito saka binawi ang kamay na bahagya pa nitong pinisil. 

"Patricia Chavez, nice meeting you," tango ni Casper sa kanya. Patricia was expecting him to say something, kahit ano na magbubukas usapin sa nangyari one year ago, pero wala. She stared at him in a serious manner, at ganon din si Casper sa kaniya. "Do you know me?" Hindi na niya napigilan itanong.

Tumaas ang kilay ni Casper at dahan-dahang umiling. "I don't think so? Have we met before?"

That's impossible!

Nagpapanggap ba ito na hindi siya kilala? O sadyang hindi siya nito makilala? Baka marami na itong naka one night stand kaya hindi na halos matandaan ang lahat?

"You exactly look like him..." mahina man, pero alam ni Patricia na dinig iyon ni Casper.

"Oh, you knew each other?" Napalingon si Patricia sa kanyang ina at umiling.

"No, Ma. He's Ian's friend."

Hindi man nila na-achieve ang pinaka-purpose ng pagpunta nila roon dahil mukhang ayaw ni Ian sa kanya, pero kapansin-pansing parang natuwa pa rin ang kanyang ina. Mula nang makadaupang-palad nito si Casper ay hindi na naalis ang nakapaskil na ngiti sa mga labi nito kahit ng nakaupo na sila at kumakain sa cafe.

Her mother is in high spirit. Hindi man niya gusto ang tumatakbo sa isipan niya, pero mukhang iyon na nga iyon. Type ba ng mama niya si Casper?

Nang sabihin niya iyon dito habang papauwi na sila ay nakatikim siya ng batok sa kanyang ina.

"What?" muntik ng lumuwa ang kanyang mga mata.

"Crazy girl. Of course, I like him. For you."

"Despite our age, hindi nagbabago ang pagtingin ko sa Papa mo. At sigurado akong ganoon din siya sa akin. Kaya nga hindi ka na nagkaroon ng kapatid. Natakot siya na pagdaanan ko ulit ang hirap na pinagdaanan ko sa'yo. But you've grown up so fast. As soon as you turned seven, pakiramdam ko ay hindi mo na ako kailangan. And when you started your business, lalo ka ng nawalan ng panahon sa amin ng Papa mo. I want you have someone who can lean on, as husband."

Mahinag siyang natawa at napailing. "Pwede ba apo na agad, Ma? Wag na asawa?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status