********* LONG STORY. DETAILED NARRATION. If hindi po okay sa inyo ang mahahabang kwento at madetalyeng narration skip this story na lang po! maraming salamat po! RATED SPG STORY!
Read at your own risk. Maraming mature content ang kwento ni Thes at Luther. If umay na po sa mga spg skip na lang po ang story ha sayang ang coins. May mga terms rin na maaaring hindi magustuhan. Kaya po may warning na. Hehe. Masyadong bulgar ang ibang mga salita kaya if di po ninyo gusto ang ganito story, skip na lang po, ha? Thank you so much!
The Billionaire’s Sweet Psycho by: Pennieee
Therese Catalina Rivanez
Nirevise ko lang 'tong chapter 1. Inupdate ko na rin pero sa March pa rin tayo mag-start ng update, ha? Thank you so much. Take care!
Therese Catalina Rivanez
"How dare you disobey me?!"
Malakas na tumama sa aking pisngi ang kamay ni Mommy na ikinasinghap ko. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at agad akong napatingin sa paligid. Ang lahat ng mga katulong na narito ay sa akin nakatingin. Awa ang nakikita ko sa mga mata nila.
"You deserve it, Thes. Gusto mo kasi ng atensyon, now our mother is giving you the attention that you need."
I looked at Caitlin when I heard her say that. Nasa likod siya ng mommy habang nakangiti at nakatingin sa akin, na alam kong ikinatutuwa niya itong nangyayari.
Napakuyom ako ng mga kamay. Caitlin Rivanez. My perfect little sister. Mommy's favorite. She always gets away with everything while I get the blame for things I didn't even do or for simple even breathing.
"M-Mom..."
"Therese, how many times do I have to tell you to stay in this house?! Gusto mo talaga ng atensyon, eh!"
Umiling ako ng sunod-sunod. It was Daddy's celebration party for the success of his new product in the company. Bakit hindi ako maaaring lumabas? Gusto ko rin naman na makita ang saya sa mukha ni Dad habang nakikipag-usap sa mga taong sumuporta sa kaniya.
I should be there also because I was part of the success. I was the one who gave my dad the idea for that product. Narinig ko rin kanina sa isa sa mga katulong na hinahanap ako ng aking ama, that's why I changed immediately and went to the venue even though my mother told me not to come.
The reason?
Because of Caitlin again—my sister.
Tiyak na may mga may-ari ng famous brands na naroon para tanungin ako if I would like to return to modeling again. Pero matagal na akong nag-quit. Sinabi sa akin ni Mommy na ipaubaya ko na lang kay Caitlin ang modeling at mag-focus na lang ako sa pagbuo ng sarili kong mga businesses.
She also told me that she would support me.
Dahil sa kagustuhan kong maranasan ang pag-aalaga at suporta niya—isang bagay na hindi ko naranasan noong bata ako ay ginive up ko ang pangarap kong maging isang modelo. Para kay Caitlin. Para sa kanila.
So that I could get the love I had been longing for since I was a child.
"She just wants to be the center of attraction, Mommy. Tulad ng dati. Look at her gown," umismid si Caitlin habang nakatingin sa akin. "Pareho pa kami ng kulay. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong ginagaya ni Thes, eh."
Umiling akong muli. The gown she was wearing was my personal design—I gave it to her so we could have the same style and color. It was a twinning gown since she's my sister. Ako mismo ang nagdisenyo ng suot naming pareho, at regalo ko iyon sa kaniya last month when she made another success in her modeling career.
"C-Caitlin, the gown you are wearing was my gift last month. I was the one who designed—"
"This? I don't think so, Thes. This was given by a close friend."
Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Nang makita kong napahawak sa sintido si Mommy, mukhang sumasakit ang ulo niya ay lumapit ako. Hinawakan ko siya sa braso, pero itinulak niya ako na naging dahilan ng pag-atras ko.
"M-Mommy, are you okay?" I still asked worried.
It's been almost 5 years...
Because of the love that I wanted, the attention I longed for, I gave up my dream. Pero hanggang ngayon, ang pagmamahal at atensyon na iyon ay hindi ko pa rin nakukuha mula sa kanila. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko—
What did I do? Why can't they love me?
Mommy was so proud of Caitlin's achievements, but never in mine. Marami na rin akong nakuhang tagumpay, kahit noong teenager pa lang ako, pero kahit isang beses, hindi ko narinig si Mommy na naging proud siya sa akin.
"Stop. Don't come near me. You will be the reason for my early death, Therese."
Tumulo ang mga luha ko doon at napahikbi ako.
"Omg, don't say that, Mommy. Magiging sobrang sikat na modelo pa ako sa buong mundo, hindi ba? You can't die early!" sabi ni Caitlin.
Napaatras ako nang makita kong bumaling si Mommy kay Caitlin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ng aking kapatid, at saka iniangat ang isa niyang kamay upang haplusin ang pisngi nito.
"Just remain by my side, honey. Ikaw na lang ang nagpapasaya kay Mommy ngayon."
When Mommy looked back at me, the smile was gone, and so was the gentle gaze she had given my sister earlier. Ganito palagi kapag sa akin na siya nakatingin. Walang emosyon, na para bang hindi niya ako anak. Na para ba akong... ibang tao.
"What are you still doing here, Therese?"
"M-Mommy... I am sorry. Hindi ko na po uulitin. Susundin ko na po kayo sa susunod."
Imbis na sumagot ay tinalikuran nila akong pareho.
I took a deep breath and slowly walked out. I wiped away the tears that fell down my cheeks. After getting into my car, I headed to TC Bar---sa bar na pagmamay-ari ko.
Hindi na ako nagpalit ng damit. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin ng sasakyan. Nagpapasalamat talaga ako at may waterproof makeup na. Kahit na umiyak ako, hindi kumalat ang makeup ko.
"Ma'am Therese."
Tumango lamang ako sa mga bouncer nang batiin nila ako.
When I entered my bar, the people inside looked at me. Maybe because of my gown. Hindi naman kasi pang-party ang suot ko.
"Dennis, bigyan mo ako ng hard drinks. Gusto ko magwalwal ngayong gabi."
"Ma'am Therese, ipapahanda ko ho ba ang room ninyo sa bar?"
Umiling ako. "No, uuwi ako after."
Napabuntong-hininga ang bartender ko. Kilala na nila ang ugali ko. Alam nilang kahit madalas akong malasing, lagi pa rin akong nakakauwi ng maayos.
"Ito po, Ma'am Therese."
As soon as the drink was placed in front of me, I drank it right away. The heat burned down my throat, making me blink as it settled in my stomach. Hindi ako nasiyahan. I poured another glass and drank again.
Ganito naman ako palagi.
Iinom kapag nagalit sa akin si Mommy. Iinom kapag nalulungkot ako sa buhay ko. Pakiramdam ko, ito rin ang maaga kong ikamamatay.
I will divert the loneliness in partying, drinking alcohol. Magpapakalasing hanggang sa makatulog, para kahit papaano ay makalimot sa sakit at bigat ng buhay ko.
"Party!" sigaw ko sabay tayo.
I can feel the world spinning...
Putragis talaga. Sinasabi nila na maswerte ako? Swerte sa pera? Sa negosyo? No. Hindi iyon ang gusto ko.
Ang gusto ko ay pamilya.
M-Masayang pamilya.
"Hey, sweetness..."
When I felt a hand grab my waist, I quickly turned around. I smiled and danced, raised my hands, and let the music flow through my body. The man in front of me was also dancing. Then he moved behind me and started grinding his hard manhood against me.
Ay, ang bilis.
"Want to have some fun? Somewhere just the two of us?"
Umismid ako. Itinulak ko ito at itinaas ang aking hintuturo.
"No... no... I like it here."
Mabilis rin akong tumalikod at bumalik sa aking inumin pagkatapos kong isagot 'yon. Okay lang naman yung flirt-flirt but, I don't like one-night stands. Baka mabuntis pa ako, mas lalo nang madisgrasya ang imahe ko sa pamilya ko—lalo na kay Mommy. Ang natitirang pag-asa na maging maayos ang relasyon namin, baka tuluyan nang mawala.
"Ma'am Therese, tama na po siguro iyan? Baka po hindi na kayo makapag-drive?"
Hindi ko nasagot ang bartender dahil may kumuha ng alak na inaabot nito sa akin. Malabo na ang paningin ko, pero pamilyar ang amoy ng lalaking nasa harapan ko. Umusog ako palapit sa kaniya para mas maamoy ko pa ito.
Who is... this? So manly naman ng scent. I like it--no, I love it.
Idinikit ko ang sarili ko sa dibdib ng lalake at napangiti ako nang hindi naman ito lumayo.
Muli kong inamoy ang lalake, halos nakadikit na ang ilong ko dito. Nang iangat ko ang tingin ko ay naningkit pa ang mga mata ko.
Ang labo naman... pero kahit malabo, halatang gwapo, eh.
"Why are you looking at me, Catalina?"
The moment that deep, sexy baritone voice said my name, my eyes widened slightly, and my lips parted.
"Y-You k-know my name!" I stammered, my tongue already twisted from the alcohol. Ramdam ko na rin talaga ang pag-ikot ng paligid ko dahil sa kalasingan.
"Yes, and?"
I gasped. Ang lalim talaga ng boses niya pero pamilyar! and he smelled so good, kahit amoy niya... pamilyar rin, eh. Even though his face was blurry in my vision, I am really sure he was handsome!
"Gwapo ka..."I absentmindedly said with a smile, my pointer finger drawing circles on his chest.
The man leaned down toward me, and I caught the scent of alcohol on his breath. It was intoxicating. My gaze dropped to his lips. Slowly, I lifted my hand and traced my finger along the lower curve of his mouth.
Sht. They're so soft...
I licked my lips at the sensation.
"Just a taste..." I smirked.
I didn't know if it was the alcohol giving me courage, but I suddenly pulled him by the nape and pressed my lips against his. At talagang nababaliw na ako dahil nagustuhan ko ang paglapat ng mga labi ko sa kaniya. Ikinangiti ko rin na mukhang gusto rin niya akong halikan. He didn't resist, eh. He didn't pull away. Instead, his hand found my waist and pulled me closer.
Nang bumuka ang mga labi niya at gumalaw upang mas sakupin ang aking mga labi ko ay doon ako biglang natauhan. My eyes widened because of how he fully claimed my lips. Nagulart ako kaya itinulak ko siya.
At natauhan rin ako na parang nilayasan ako ng kalasingan pagkatapos na ito ang biglang kumilos sa halik na 'yon.
"W-What... I-I am sorry!" I stuttered. The man smirked and shook his head.
"Why sorry when I know you also like it?"
"Gusto ko nga pero--ay este, no! Hindi! Lasing lang ako!" I denied kahit ako ang unang humalik.
Napatayo ako dahil sa pagkagulat at dahil na rin sa kagagahan ko.
Hala ka. Unang beses ito. I fckng kissed a man I didn't know!
"Dennis! I am going home!" sigaw ko sa aking bartender.
Mabilis akong naglakad palabas at tinungo ko ang aking sasakyan sa parking. Nasa madilim na parte iyon. Gegewang-gewang ako na naglakad. Ang bilis ng aking paghinga, ang bilis rin ng tibok ng puso ko—parang lalabas na ito! Iba talaga ang ispiritu ng alak!
Nang nasa tapat na ako ng aking sasakyan ay napahawak ako sa mga labi ko. I bit my lower lip. Ramdam ko pa rin ang labi nung lalake kanina. Ang lambot, grabe, saka ang sarap naman niya humalik kahit sandali lang 'yon. Sakop kung sakop, eh!
Hindi na rin masama na nag-first move ako sa kaniya.
"Catalina."
"Ay kabayo!"
Mabilis akong lumingon nang marinig na naman ang boses ng lalakeng 'yon.
Hala ka sumunod!
Naningkit talaga ang mga mata ko nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin.
"A-Anong—b-bakit mo ako sinundan?"
"I will drive you home. You are drunk."
Huy hala baka kung saan niya ako iliko, eh! Grabe yung higop niya kaya sa mga labi ko kanina. Nashock talaga ako na nawala ang kalasingan ko!
"N-No need na! I can handle myself!" sagot ko at umiling pa ako sa kaniya. Nahihilo ako at malabo pa rin ang paningin pero maayos naman na gumagana ang isipan ko ngayon.
Nang nasa harapan ko na siya ay napatingin na naman ako sa mga labi niya. Ipinilig ko ang aking ulo at tinapik ng ilang beses ang magkabilang pisngi ko. Normal ba 'to? Na mga labi lang ng lalakeng 'to ang malinaw sa paningin ko?
Masarap pero tama na, Therese Catalina! Saka gutom na gutom ka ba sa halik? Hindi ka naman tigang--medyo lang!
Napahinto lang ako nang hawakan niya ang aking mga kamay.
"Why are you hurting yourself?"
Sobrang lapit na naman niya sa akin. Nakagat kong muli ang pang-ibabang labi ko nang mapadako na naman sa hindi mabilang na beses ang tingin ko sa mga labi niya.
Inaakit talaga ako... para akong tinatawag, eh.
"Eyes up here. Don't look at my lips like you wanted to kiss me again—"
"I wanted to," mabilis kong sagot habang nakatingin pa rin doon. I even licked my lips and swallow hard.
The need to kiss this man was too strong. My throat felt dry, and my heart pounded in my chest. His lips looked so tempting, and I wanted nothing more than to taste them again.
"Gusto kong... halikan mo ulit," I whispered, looking at him seriously, my vision finally clearing, and I started to recognize the man in front of me.
Nang makilala ko ang lalake sa harapan ko ay dahan-dahan na napaawang ang mga labi ko. Holy sht. T-This man... I smiled when a scene flashed in my mind.
"Catalina," he called my name as if he's warning me. Pero ngumiti ako at mas lumapit sa kaniya.
"Ayaw... mo ba?" I seductively ask.
Ngayon na nakilala ko siya ay mas nadagdagan ang kagustuhan ko na mahalikan ito.
Kaya pala... kaya pala pamilyar ang gagong 'to, eh.
His jaw tightened as he held my gaze. He didn't answer. Instead, he grabbed my hand and led me to the passenger side of my car.
"Wala... ka namang girlfriend, 'di ba? Kasi ako... wala naman akong boyfriend..."
Sht.
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya nang makapasok na ako.
"Bakit hindi mo ako sinasagot? Pag meron ay hindi ako sasama sa 'yo."
He didn't say a word. He walked to the driver's side, got in, and shut the door. Then, without warning, he grabbed the back of my neck and crashed his lips onto mine. Namilog ang mga mata ko dahil ang hinihintay ko ay sagot niya sa tanong ko.
"H-Hmm..."
What the hell!
I was too shocked to push him! But honestly? I had no intention of stopping him. Ito rin naman ang gusto ko! Sinabi ko na!
"Hmmm... nghh..."
Ohh... goodness! Good kisser talaga ang loko!
His kiss was deep and demanding, leaving me breathless. He even pulled me closer, not satisfied with the little space between us. Then, as if it still wasn't enough, he lifted me effortlessly and settled me onto his lap. Ngayon na nakaupo na ako sa kandungan niya ay ramdam ko na lalo ang maaari kong kahitnan.
Ikaw rin ang may gusto at nagbigay ng motibo, Therese Catalina.
"Ahmm... s-sandali..." I said when the kiss was too drowning for me. At napangiti talaga ako dahil tumigil, he's now moving slow, marunong makinig! Pero nang makabawi ako ay napasinghap ako at napakapit sa batok niya nang muling lumalim na ang halikan namin na dalawa.
We were kissing wildly. He was sucking my tongue, his hands roaming down my back.
"O-Ohh my gosh..." I gasped, my fingers gripping his muscled biceps for support.
His body was solid, warm, and dangerously intoxicating—just like his kiss. I could feel the tension in his arms, the way his muscles flexed beneath my touch as he held me close. Grabe, ganito ang gusto ko sa lalake...
"Fckng soft lips..." when I heard him groaned and let go of my lips, I gasped. Napaliyad rin ako nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko at halik-halikan ang parte na 'yon. Para siyang nagmamadali, eh, the way his mouth worked against my skin. Then I felt his fingers trailing down, slowly unzipping my gown.
When I felt that, my hands shot up, stopping him.
"W-Wait..."
I-Ito na ba 'yon? Huhubaran na ako, eh! Pero a-ayoko naman na dito sa sasakyan ang first ko, 'no!
Pero, hoy, Therese Catalina, you don't fckng do one-night stands!
Hindi nga, self! Pero wala na akong nararamdaman sa sarili ko na gusto kong tumigil kung ano man ang nangyayari sa pagitan namin ng lalakeng 'to. Pati chipipay ko, excited na, eh!
"You... don't want to continue?" tanong niya sa akin, at nakikita ko talaga sa mga mata niya na kung ayaw ko, hindi niya ako pipilitin. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at inilapat ko sa dibdib ko mismo.
"G-Gusto ko pero..." I bit my lower lip hard. "S-Sa bahay ko... d-doon natin ituloy."
His expression darkened, but he said nothing. Instead, he claimed my lips again, mas lumalim ang halik niya na tinugon ko, mas naging mapusok. Nang tumagal muli ang halikan namin ay nangamba ako na baka dito ako talaga matuluyan kaya naman ako na ang humiwalay at pagkatapos ay umiling ako sa kaniya.
"A-Ayoko dito sa sasakyan, L-Luther Rico..." and when I said his name---the name that I would never forget—he stilled. His gaze locked onto mine, and I caught the slight smirk that tugged at the corner of his lips.
Mukhang ikinangiti niya na naalala ko na siya, ha!
Nang humiwalay siya sa akin ay maingat niya akong ibinalik sa aking upuan. Nakatitig lang ako sa kaniya, habang ang kanang kamay ko ay nakahawak sa nangangatal kong mga labi.
And when he turned and looked at me after he started the engine, I could now fully see the darkness and lust in his eyes.
"Give me your address, Catalina."
W-Wala na talagang atrasan 'to!