Hindi ako ang tipo ng babae na pupunta sa bar para maghanap ng lalake na maikakama ko. Hindi naman ako ganoon katigang, 'no? Saka isa pa, kahit naman masama ang bibig ko at kung ano-ano ang lumalabas na salita sa akin ay close na close pa ang chipipay ko.
In short. Virgin pa ako.
"A-Ay sandali..."
Tumigil si Luther sa paghalik sa akin nang makarating kami sa silid ko sa aking bahay.
"Why?"
"Ang a-ano... hot na hot ka kasi masyado, pwedeng slow lang?" Medyo ngiwi ko pang tanong.
Napangisi naman siya at napalayo ng tingin. Nang makita ko ang perfect set of teeth niya ay napalunok talaga ako.
Ang gwapo ng gago talaga, eh.
Actually, hindi ko naman nga inaasahan na magkakaroon kami agad ng ganitong eksena Eh, I met him unexpectedly lang naman talaga sa bar ko because he's looking for my bestfriend Thaliana Tangi. Natatandaan ko pa, nasa malalang state ako at pinipilit ng mga lalakeng nakasayaw ko sa bar na sumama sa kanila. Then Luther Rico went to me at ipinagtanggol ako sa mga lalake na nais maka-score sa akin.
Lasing na lasing rin kasi talaga ako noon, nahimasmasan lang ako nang makita ko kung paano siya makipagsapakan sa mga lalake.
"B-Be careful!" sigaw ko.
But tthe man was so skilled and talagang nakakaiwas siya sa mga suntok at nakakaganti kahit mag-isa lang siya!
At ako? Ito! I can't stand straight. Nang umikot ang paningin ko ay napadausdos pa ako at napasandal sa pader sa gilid. Hindi lang ang paningin ko ang umiikot pati na rin ang sikmura ko. Ito na naman ako sa wasted moment of my life. Sa tuwing magkakaroon ng problema sa amin nila mommy at ng kapatid ko na si Caitlin ay nagpapakalasing ako.
Tangi noticed it earlier. Sigurado ako na napansin niya na hindi ako okay ngayon maya sumama rin siya sa akin. Dapat talaga gala ito para sa kaniya para nga sumaya siya kasi broken hearted siya kay Rozzean pero nabaliktad. Imbis siya ang nagpapakasaya ako pa talaga yung sobrang nagenjoy at ito nagpakalasing.
"H-Hey! Omg! Sa kaliwa mo!" My eyes widened and I shouted again because I saw a man holding a huge rock at handa na 'yong ipalo sa lalakeng nag-ala knight-in-shining armor ko.
Sht.
At mabuti na lang talaga magaling siyang makipagsapakan!
"Fck! sino ka ba?! That woman said that she's single! Kaya nga namin inaya sa mas magandang lugar, eh!" Sigaw ng isang lalake.
Umangat ang tingin ko nang marinig ang sinabi ng lalake.
Aba't! Pinupwersa kaya nila ako kanina! Saka hindi ako sasama sa kanila kasi ang papangit naman nila!
Nang mapatingin sa akin 'yong gwapong lalake na nagligtas sa akin ay napalunok ako at dahan-dahan na naglakad palapit sa kanila. Umiiling rin ako.
"S-Sinabi ko lang na single ako kasi nga LQ kami ng bebeko!" Sagot ko at tinuro pa ang mga lalake isa-isa.
Nang makalapit na ako sa gwapong savior ko ay kumapit rin ako sa braso nito.
"And n-now we are okay na! At ito..." sabay baling ko sa lalakeng nagligtas sa akin. I pressed my lips together and gulped when I met his grey eyes. Seryoso ang tingin niya sa akin.
"Tol, boyfriend pala," rinig kong sabi nung isang kupal.
"Tsk. Imposible, kilala ko 'yan, she's Therese, walang boyfriend 'yan."
Aba at kilala nga ako! Pero hindi ko naman pinagkakalat na wala akong boyfriend, ah?
"H-He's my boyfriend! nag-away lang *hik talaga kami kaya ko nasabing single ako! Boyfriend ko 'to and he's here to pick me up!"
Itinuro ko pa ang lalake na hawak ko at tumingin ako dito. Nang makita ko na nakatingin pa rin ito sa akin ay napalunok ako.
Aba at ang lintek talaga, ang guwapo. Mas guwapo sa malapitan. Walang ka-pores pores! Ang lips mapula pa sa akin. Tapos hanep na ilong 'yan, hindi ka madidisappoint kasi point na point.
"Chupi n-na mga pangit!" sabi ko pa at binalingan ang mga lalake kanina, iyong dalawa ay nasa lupa pa at nakahawak sa mga nasaktan na parte ng katawan. Dahan-dahan naman silang tumayo at saka nilapitan yung iba nilang kasama.
Kaso ayaw pa talagang tuminag ng mga hayop!
"Ano ba? Ano pa bang inaantay ninyo?! Alis—"
"Where's Thaliana, woman?" Napatigil naman ako sa pagsasalita nang maramdaman ko na inalis ng gwapong lalake ang hawak ko sa kaniya.
Pero hindi talaga 'yon ang nakakuha ng atensyon ko, kung hindi ang taong tinatanong niya.
Hinahanap niya si Tangi!
"Narinig mo ba ako? Where is Thaliana?" Ulit niya pa and when he started to speak again my eyes automaticlly focus on his lips. Napalunok pa ako nang makita kong basa 'yon.
"Woman—"
"Parang hindi naman kayo magkasintahan niyan, eh."
At kahit narinig ko ulit ang epal na boses ng isang kupal na namimilit sakin kanina ay ako napalingon dito dahil buong atensyon ko ay talagang nasa mga labi ng taong kaharap ko.
Thes, Kailan pa nakuha ang atensyon mo ng labi ng isang lalake?
"Hey, are you deaf? Where's Thaliana?"
Ano kaya ang lasa ng mga labi na 'to? Habang nakatingin ako sa lalake sa harapan ko ay binasa ko ang mga labi ko at ngumiti. Hindi naman na ako masyadong lasing, nawala na rin talaga ang tama ng alak sa akin at itong tumatakbo ngayon sa isip ko, hindi na dahil lang sa kalasingan ko.
"Damn. Are you okay?"
No... but I will be after I have a taste of those lips.
At nang may pumasok na kapilyahn sa isipan ko, lalo pa at naririto ang mga kupal na ayaw maniwalang boyfriend ko itong gwapong lalake sa harapan ko ay nilongon ko ulit sila.
"Boyfriend ko talaga ito!" sabi ko at itinuro ang lalake na hawak ko pa rin sa braso.
"Hindi kayo naniniwala?" Tanong ko.
"No. You are not in a relationship, Therese. I know you. Dati kang model at alam ko ang mga tungkol sa 'yo."
Wow! Nagresearch?
Napatawa naman ako.
"Are you playing around? I will let you use me but tell me where is Thaliana," bulong naman sa akin ng lalake. Napalunok ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Pero dahil rin sa sinabi niya ay napangisi ako kasi game naman pala siya!
I bit my lower lip and smiled widely to the men looking at us.
"Okay. So, hindi nga kayo naniniwala. Gusto ninyo ng proweba?"
Nilingon ko ang lalake na naghahanap kay Tangi at pagkatapos ay binitawan ko ito sa braso pero ikinulong ko naman ang mukha nito sa mga palad ko.
"What the—"
At hindi na nga niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil tumingkayas na ako at mabilis siyang hinalikan sa mga labi.
Holysht.
Sht!
And the moment my lips pressed against his, I proved, I was right. Ang lambot nga ng mga labi!
O-okay na, Thes! Nakatikim ka na!
Pero nang hihiwalay na ako ay naidilat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga kamay nito na kumapit sa aking baywang at sinakop rin ang mga labi ko.
"H-Hmm..."
Hala! Hindi ko inaasahan na tutugon siya!
Napakapit ang isang kamay ko sa kaniyang batok nang lumalim ang halik. A quick kiss was only in my mind earlier! Para lang malaman ko gaano kalambot ang mga labi niya pero g-grabe naman itong ginagawa niya! F-french kiss na ata ito!
"Nghnn... s-sandali..."
Shet! tongue to tongue agad!
And that was the night when I learned that the man's name is Luther Rico Valleje. Ang kapatid pala ni Rozzean--ang lalakeng iniibig ng aking matalik na kaibigan na si Tangi.
Naging malinaw ang imahe niya sa akin nang makabalik kami sa loob ng bar ko nang gabing iyon. Siya rin ang bumuhat sa akin kaya naging pamilyar ang kaniyang amoy.
Grabe rin 'yong kissing scene na pagtapos talaga wala na kaming mga kasama! Napalayas na yung mga lalakeng ayaw maniwala na boyfriend ko itong si Luther!
Eh, sino ba kasing hindi pa maniniwala kung halos higupin na ni Luther Rico ang mga labi ko? Talagang pagtapos niya akong halikan ay manhid na manhid ang pakiramdam ko sa lips ko.
Pero hindi lang ang mga labi niya ang pasok sa akin.
Luther Rico is tall, matangkad talaga at hanggang balikat lang niya ako. He has gray eyes that caught my attention. He has a great v-shape body, iyong dibdib niya ay napakalapad, na parang ang sarap humilig doon. Para siyang alaga sa workout! Ang sexy, eh. Feeling ko kaya niya akong buhatin habang—
My eyes widened when an R18+ scene invaded my mind.
Damn, Thes, ikalma mong gaga ka!
Kaso hindi ko talaga mapigilan!
Okay, going back! Luther also has a tribal tattoo on his right arm that made me want to trace with my tongue.
Tongue?!
Nanunuyo ang lalamunan ko sa mga naiisip ko. Pero aside from that, ang napansin at nagustuhan ko pa nang gabing iyon ay iyong suot niyang itim na polo shirt na naka-tuck in sa khaki pants niya. My chipipay was screaming everytime na maaalala ko how handsome and sexy he was that night. Kapit na kapit kasi ang sleeves ng polo niya sa muscles niya and his chest was defined because of the fit pero sa gawing tiyan ay loose ang t-shirt.
Tapos sa parteng baba ay uhm sht tight na at mukhang hindi lang siya sa mukha pinagpala pati na rin sa—
"Catalina."
"Ay, Catalina!" Gulat kong ulit sa pagtawag niya sa pangalan ko.
Muntik ko nang makalimutan na nasa gitna nga pala kami ng kasarapan!
"Uhm, yes?" Malambing kong tanong. Mabilis na bumaba ang tingin ko sa... hihi
Malalaman ko ngayon kung talagang pinagpala ka, Luther Rico.
Kami lang naman rin dito sa bahay ko. Sound proof pa ang kwarto ko. Puwede ako sumigaw sa sarap at ligaya kahit gaano pa kalakas.
What the hell, Thes! Wala pa nga!
"Are you still drunk? Do you still want to continue?"
Hindi naman ako sumagot.
Lumapit lang ako sa kaniya at hinila ko ang damit niya para mapalapit siya sa akin. Tapos unti-unti kong inalis ang butones ng suot niyang long sleeve polo at nang tumambad sa akin ang dibdib niya ay napa 'Oooh' talaga ako. Napakagat labi pa.
"Actions really speak louder than words," sabi pa ni Luther na ikinangiti ko. Nang maalis ko ang long sleeve polo niya ay inilapat ko ang aking mga kamay sa dibdib niya. Dinama ng palad ko iyon at bumaba ng dahan-dahan ang aking mga kamay.
Shet. Ang tigas... ng abs. Hmmm... Abs pa lang 'to! Wala pa ako sa exciting part!
"Mas into actions ako, eh..." mahina kong sagot sa kaniya.
At nang hapitin naman ako ni Luther sa baywang ay napasinghap ako lalo nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Narinig ko rin ang pagtunog ng zipper ng suot kong gown. Ibinababa niya iyong muli.
"I am... too..." sagot ni Luther.
I swallow hard, tapos yung pakiramdam ko, para akong masusuka sa kaba at excitement!
Fck. My virgnity will fly away na. Makakalasap na ako ng tuhog ng mainit na hotdog.
Bye-bye butterfly. Gosh!
"I hope you will not regret this night," sabi niya pa at iniangat ang mukha ko.
Aaahhh! Hinding-hindi kung makakalasap naman ako ng kakaibang klaseng ligaya!