Valid naman feelings mo, Thes. Kaya paktay ka talaga, Luther Rico! Hahahahahhaha from baby---to impakto ka ngayon! Thank you so much po for reading!
I think I've heard enough. Parang sapat na sa akin ang narinig ko para umalis ng sasakyan ni Luther at lumayo muna sa kaniya. My anger intensified, and jealousy and pain filled me when I heard what he said. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at alam ko na malapit nang magbadya ang mga luha. "Baby..."Napatango ako at napapikit ng mariin sandali. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kahit 'yon pa lang ang narinig ko, sobra na akong nasasaktan.He knows damn well that Thaliana Tangi is my best friend, at alam niya... a-alam niya na dapat niyang sinabi sa akin ito mula pa lang sa simula!"Catalina, I liked her, yes. But not in a way that I would steal her from my brother or that I truly wanted her to be mine. Hindi ganoon dahil alam ko kung ano ang lugar ko. Ayokong gumawa ng mas ikagagalit sa akin ni Cyron dahil nakita ko na kahit galit siya noon kay Thaliana, mahal niya pa rin ito. And i-it was a different feeling, not like this. Hindi katulad ng nararamdaman ko sa 'yo.""Kahit na
Kinabukasan ay magang-maga ang mukha ko. I can't even open my eyes because of crying so hard the whole night. Inis na inis ako kasi syempre, ang ganda na ng nangyayari sa pagitan namin ni Luther tapos biglang masisira ang moment namin na dalawa.At nagpapasalamat naman ako kay Rozzean dahil kung hindi niya 'yon nabanggit ay baka talagang mas tumindi pa yung galit ko kay Luther kung tumagal pa na nalaman ko. Nakita ko naman na talagang nagsisi ang boyfriend ko na 'yon--ex na pala. Napadaing ako at subsob sa unan ko nang marealize kong hindi na kami ni Luther. Gaga, desisyon mo 'yan. Panindigan mo.Nung umuwi ako ng bahay ay talagang nag-iiyak na agad ako kasi ang dami nang pumasok sa isipan ko noong mga panahon na hindi pa okay si Rozzean at Tangi--nung time na may gusto pa sa kaniya si Luther. Parang hindi ko rin matanggap na hindi ako ang unang babae na nagustuhan niya, eh, t-tapos bestfriend ko pa.Iba naman kasi talaga ang ganda ng kaibigan ko na 'yon, to the highest level. At kung
Hindi talaga ako nakipagbalikan. Pinandigan ko naman yung breakup namin ni Luther kahit pa feeling ko eh hindi niya sineseryoso. Parang chill-chill lang siya. Hindi ko siya pinapansin, hindi kami nagkikita, pero natatanaw ko siya minsan mula sa second floor ng bahay ko kapag nariyan siya sa labas, may hawak na bulaklak. Nanunuyo pa rin naman siya, madalas mag message at tumawag pero deadma ako. Ewan ko, nagustuhan ko na ata ang pagtatampo. Ilang araw pa lang rin naman. Syempre, baka isipin ni Luther na ganoon ako kapatay na patay sa kaniya kaya ang bilis ko siya patawarin."Sabihin mo ba naman na 'break na muna.'"Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglinis ng bahay ko. I have no plans for today. Tinatamad rin ako. Medyo magulo rin yung feeling ko—tinatamad pero naglilinis ng buong bahay. Naisipan ko rin magpalit ng mga kurtina. Hindi ko bet yung inilagay ng nag-ayos dito. Oo nga pala, ngayon ko lang napansin na okay na nga itong bahay ko. Sa bwisit ko ay ngayon ko lang napansin. A
Maaga akong umalis ng bahay dahil nakatanggap ako kagabi ng message kay mommy na doon ako magb-breakfast. And I was surprised, honestly. Ito ang unang beses na nangyari na inimbitahan niya ako na kumain kasabay nila, lalo na at ramdam ko na madalas ayaw niya akong makita. The words she said to me before made me feel like that. It cuts deep, and even after a few years had passed, the pain is still here, lingering.Pero sa hindi inaasahang pag-imbita niya na 'to, bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Baka nga maaayos pa ang pamilya namin. Baka naramdaman na rin niya na hindi lang iisa ang anak niya.Or maybe dad talked to her.Ngayon, nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Hindi pa rin ako bumababa sa kotse ko dahil sa kaba, I don't know. This is not a stranger's place but our own house. Pero siguro ay dahil na rin nga sa mga hindi magandang naranasan ko. Nang tumingin naman ako sa oras ay, 7:00 am na. Ang sabi ni mom ay 8:00 am ako pumunta. Hindi naman halata na excited ako, 'no?Napangit
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, kasabay namin ang daddy. His eyes are sparkling in happiness. I know, because he wanted to see this for a long time. Na maayos kami ng kapatid ko. At nakatingin lang siya talaga sa amin! Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa makaupo kami sa sofa. Then, he called a maid and asked me kung gusto ko ng coffee, and I just answered na hot choco na lang.“Oh, ako na ang gagawa! Ikaw po, Daddy? Coffee?” ang alok ni Caitlin.“Yes, anak. Thank you,” sagot ng daddy na may malawak na ngiti. Nang makaalis ang kapatid ko ay tumingin siya sa akin. Naka-ngiti pa rin ang dad mula kanina at pinapanood kami ni Caitlin habang papalapit.“I know you are shocked, Catalina.”Napayuko ako at tumango. Naglalaro ang mga daliri ko na nakapatong sa aking mga hita. Nang umangat ang tingin ko, bahagya akong ngumiti sa aking ama. Siya ang nakakaalam ng mga pinagdaraanan ko sa pagtanggap sa pamilya ito. Kahit hindi niya alam ang lahat ng hindi maganda na ginawa ng mom at n
Pagkatapos kong umiyak kay mommy ay inimbitahan niya ako na tumulong sa kusina. I was so happy. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko habang magkasama kami sa kitchen kanina. Para talaga akong batang unang beses lang nakapag-bonding kasama ang kanyang ina. But while I was with her, and I saw her smiling genuinely at me, and her voice had a softness I had never heard before when she called my name, I realized something.This was the mother I had longed for all my life, yet for some reason, she had hidden this side of herself from me for so long. At habang nakatingin ako sa kaniya, napagtanto ko ang isang bagay.What mom gave me was tough love. It wasn't the kind of love most children long for. Sometimes, it felt like harsh treatment—strict rules, painful words, and unfair judgments. But behind all of that, I know there was love.A love that didn't always feel warm or kind, but it was there, hidden behind the pain.Alam ko kung gaano kamahal ni Mommy ang pagmomodelo. Siya rin a
"So, ano nga? Hindi pwedeng ngiti lang. Sinabi mo sa akin kanina na ikukwento mo ang nangyari sa Cebu."Mukha namang nauhaw si Caitlin sa mga sinabi ko dahil inubos niya ang laman ng baso na hawak at ibinaba iyon sa bedside table.Nag-Indian sit rin siya sa harap ko habang nakaupo pa rin ako sa sofa sa tapat ng kama niya."Alam mo namang hindi rin ako papatalo sa'yo noon at alam mo ring hindi ko intensyon na agawin sa'yo ang boyfriend mo. Well, I mentioned that earlier. Pagkatapos ng nangyari, pinuntahan ko si Zack at ipinaliwanag ko sa kanya na siya pa rin ang lalaki na gusto ko. Nainis lang ako sa—""Pero hindi talaga ako natuwa sa ginawa mong 'yon kay Luther, Caitlin," pagpapatigil ko sa kaniya habang humalukipkip ako sa harapan niya. Ito at naalala ko na naman."I-I know.""I am very possessive when it comes to my man, at kung siguro ibang babae ang may gawa non at hindi ikaw, baka sa inidoro ko mismo isinubsob at hindi lang sa sahig."Sa mga sinabi ko pa ay nahuli ko na naman ang
It's a trap. I know it is.Hindi ako uto-uto pagdating sa kaniya.Minsan lang.Ano'ng akala sa akin ni Luther, na mapapa-oo niya ako at mapapasama sa bahay niya? Pwede ko namang kunin ang mga gamit ko sa susunod na araw. Isa pa, hindi naman ganoon karami ang mga 'yon, at sigurado akong nakasinop na lahat sa maleta ko. At baka nga naihanda na rin niya. Kilala ko na siya, eh. Pwede ko rin ipakuha na lang sa mga tauhan ko, o kaya kay Beauty. Matutuwa pa ang bruha na 'yon dahil makikita siya, oh, on second thought, huwag na lang kay Beauty. Baka anong gawin niya sa Luther ko.Napatikhim ako nang titigan naman ang kaharap ko, sabay kilos ng paa ko na nakapuwesto pa rin sa gitna niya. Medyo in-adjust ko 'yon, pero hindi ko naman inalis. Actually, hindi na nga niya hawak at humihimas na lang ang kamay niya sa legs ko."So, are you going home with me?" tanong niya. Nakangiti, at ang ngiti niya ay halata masyado para sa akin. Nakikita ko agad na may iba siyang nasa isip na gustong gawin! At ala