Huwag ka na magmadali, Thes. Hayaan mong gulpihin ni beauty yung kapatid mo. hahaha.
My heart ached because I was so nervous while driving. Ang bilis na rin ng pagpapatakbo ko ng kotse dahil sa seryosong hiyaw ni Beauty na gagantihan na niya ang kapatid ko. Malapit naman na ako at namatay na rin ng kusa ang tawag. Iyon ang dahilan kung bakit sobra nang tinatambol ng kaba ang dibdib ko. I know Caitlin is being a bitch right now well, she always is at hindi naman ako sa kaniya talaga nag-aalala, honestly, with what I heard she deserves Beauty's anger. Siya ang unang nanakita. Sa isipan ko ay dapat makatikim rin ang kapatid ko na 'yon para naman ma-realize niya ang mga mali niya but one of the reasons why I am not fighting back and why I was rushing to stop them is because of our mother. Na tiyak, makakarating agad sa mommy ang kung ano man ang mangyayari sa kaniya. I don't want Beauty to face my mother's wrath. Alam ko rin na kung lalaban si Beauty at masusugatan si Caitlin sa mukha, kahit gasgas lang ay aaksyon kaagad si mom. Hindi ko gustong dumating sa punto na 'yon
Luther Rico What I heard wasn't enough to know what really happened. But in just a few words and the sound of crying and shouting that I heard from Catalina, it was enough for me to grab the arm of the woman I saw who had just come out of her house. Sa itsura nito na nakakuyom ang mga kamay at hinihingal na dala ng galit ay alam ko na may ginawa itong hindi maganda. "Who are you? What did you do?" I tightly grabbed her arms that made her looked at me. "A-Anong… Bitawan mo nga ako! At ano ka ba ni Thes?!" She sounds so nervous, at ang mga mata niya ay naglulumikot at hindi rin makatingin sa akin. Now she looks even more guilty because of how she reacted. Wala pa akong binabanggit na pangalan kung sino ang ginawan niya ng hindi maganda pero lumabas na 'yon mismo sa bibig rin niya. My jaw clenched but when I saw that the woman wasn't going to answer me, I let go of her arm. "Don't ever come back here again and hurt Catalina," I threatened. She stepped back, still staring at me wh
It feels like deja vu. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nasa silid na ako ulit. Ramdam ko ang pamimigat at hapdi ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ng sobra. I remembered what happened earlier. Pumunta si Caitlin dito sa bahay ko at nagwala, inawat siya ni Beauty at nagkasakitan silang dalawa.Then when I arrived, she told me the reason why she was so mad. At maliban sa dahilan na pinipigilan ko na makilala siya bilang isang modelo, ang isa naman ay tungkol kay Zack."Things will not be better between us..." bulong ko habang dahan-dahan na bumabangon. Napatingin ako sa loob ng silid ko dahil patay ang ilaw. Then, I looked outside, sa may gawi ng bintana ko at may liwanag pa, ibig sabihin lang na hindi pa gabi.Napahimas ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Luther... he was here also. Umalis na ba siya? But no, I know he's still here. Hindi niya ako basta iniiwan, hindi siya basta aalis lalo na kung nakita niya ako sa ganoong sitwasyon.I was confident not because I know he's in love w
Hindi na kami inabot ng dilim sa bahay ko, nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman hinayaan ko na si Luther sa gusto niya. Ramdam ko rin naman na hindi siya basta papayag na manatili ako dito at kung ipagpilitan ko pa ay siguradong magdedesisyon siya na manatili at samahan ako. Ngayon nga ay kapapasok lang namin sa village nila. He was silent the whole ride at ako ay patingin-tingin lang sa kaniya. Kapag mapapansin ko na babalingan na niya ako ay saka ako iiwas. Ano kaya ang iniisip niya? Sa itsura niya kasi parang ang layo na ng narating niya, eh. Is it about me and Caitlin? Alam ko na iniisip naman niya ako at ang mararamdaman ko pero kapag nagtanong naman siya ay walang pagdadalawang isip na sasagot ko.Sa totoo lang nang bumaba kami galing sa silid ko habang dala niya ang maleta ko--na may laman na pa lang mga damit ko nung oras na 'yon, he was the one who arrange everything at hinihintay na lang pala niya talaga ako non na magising para makaalis kami.So, going back, pagkaba
Kahit ako ay hindi ko maunawaan kung bakit ko nga ba 'yon nasabi. Mag-asawa? Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napatingin kay Luther na kapapasok lang sa silid niya habang dala ang mga huling gamit ko.He’s well-built. His muscles strain against his shirt, and that damn tattoo makes his body look even sexier.The intense kiss ends at the living room. Naunawaan ni Luther na hindi nga pwede na may mangyari sa amin ngayon gabi dahil inulit ko sa kaniya na maaga ako aalis at nasabi ko na 'yon sa dad. And well, like the usual, sabi nga niya kapag ayaw ko ay hindi niya gagawin. Nakikiramdam rin siya eh, alam rin niya kapag 50/50 ako and this time, alam niya nga na seryoso ako.Isa pa, kakausapin ko si mommy. Kailangan ko na masabi sa kaniya ang ginawa ni Caitlin sa bahay ko."You okay?" malumanay niyang tanong ko. Tumango naman ako at."Thank you. Mag-aayos muna ako ng mga gamit ko." Naglakad siya papasok sa isang pinto at binuksan 'yon, that's when I realized that was his walk-in clo
I didn't inform anyone that I will be staying at Luther's house for a week. Nakaramdam pa nga ako ng lungkot nang mapagtanto na wala rin naman magtatanong sa akin. Not even dad. Because Beauty was the only one who always checked on me at home. It's not because she was the one who's cleaning my garden, but she knew I sometimes needed company. That's why she come to my home to check on me. Honestly, it's heartwarming. Even a simple act like that can have a big impact on someone like me who's dealing with mental health issues. I really appreciate what Beauty did. At si Tangi naman, my bestfriend, I understand that she's busy right now with Rozzean. Bebe time ba. Wala akong pagtatampo na naramdaman sa kaniya kahit kailan kasi hindi naman niya rin ipinaramdam sa akin na nakakalimutan niya ako kahit na hindi kami magdalas mag-usap. At nung panahon na hindi siya nagmemensahe para tanungin kung ayos lang ako ay nag-alala talaga ako ng sobra, pero hindi ko naisip na nakalimutan na niya ako. N
"You know that's not what I want," sagot ko at umangat ang kamay ko para iharap siya sa akin pero hinuli lang 'yon ni Luther. Pinagsalikop sa kaniya."Alam ko. Pero gusto ko rin malaman mo kung ano ang mga naisip kong gawin nang makita ko kung ano ang ginawa kanina ng kapatid mo."Luther was panting, and I could hear the sound of his breathing, which meant he was mad. Nagpipigil pa siya sa pakiramdam ko. Napalunok ako nang manuyo ang lalamunan ko. Kapag ganitong galit na siya ay nawawalan na ako ng salita. "And if she did this again, kapag nakita ko o nalaman ko na inulit niya pa 'to na guluhin ka at saktan ka, I will not hesitate to strip off everything she has right now. Wala akong ititira. All of it. I'll make sure your sister regret how she treated you."Umiling ako muli ng sunod-sunod. Nang maramdaman 'yon ni Luther ay hinarap niya ako, ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya."Makikilala ka ni mom s-sa ganoong paraan, Luther. Sigurado na malalaman rin niya ang relasyon na
The kiss was unexpected. Pero bakit ko rin ba nakalimutan ko na loko itong si Luther? Sinadya niya 'to. Sa klase ng paghalik niya, sa tunog non ay kapag naman kaming dalawa lang hindi niya ako ganito halikan. Ipinaparinig niya talaga! Ngayon natuto na ako na huwag sasagot ng tawag kahit sino pa kapag kasama siya dahil baka ulitin niya ito at halikan na lang ako ng basta-basta! Ibinaba ko ang cellphone ko at pikit ang mga mata na pinatay ang tawag dahil alam kong ongoing pa rin ang call. Nang maging malaya na pareho ang mga kamay ko ay kumapit ako sa batok ni Luther lalo nang iangat niya ako. And again, he placed me on his lap while he continue kissing me. Gumanti rin ako sa pagkilos ng mga labi niya, sinabayan ko siya. Nailapat ko rin ang isang kamay ko sa dibdib niya at ang isa ay nasa kaniyang batok. Pakiramdam ko ba ay dapat sandaling halik lang ang gagawin niya dahil nga nalaman niya na kausap ko si Zack, pero mukhang nag-eenjoy na ulit siya dahil ayaw na naman niya na bumitaw
Bwisit. Of course the car was obvious! Ang laki non at nakaparada talaga sa labas! Dapat talaga iniwan ko na lang sa kung saan 'yon, eh! O kaya doon ko muna dinala sa bahay namin! Bakit ba kasi naisipan ko pang ibalik dito sa aparment!"A-Ang kotse niya ay iniwan niya muna dito! Oo! Saka, ako ay hindi nagsisinungaling, Sir Pogi. Wala si Miss Catalina Thes dito. Sino naman ang nagsabi sa 'yo na nandito siya dahil mukhang naperahan ka?" napagsalikop ko naman ang mga kamay ko dahil sa narinig ko na boses ni Beauty, ni hindi ata siya natinag sa galit ni Luther Rico dahil sa tono niya. Sandaling katahimikan ang narinig ko pagkatapos non pero ang mas ikinaalarma ko nang sumunod ay nang magsalita ulit si Luther. "Jason, looked around the place."Nagkatinginan kami ni Karina sa loob ng banyo at napahawak siya sa braso ko. Mas namutla siyang lalo. Halata ang takot sa mukha. At ngayon halu-halo naman na rin ang nararamdaman ko dahil hindi na lang kaba na makita ako ni Luther dito kung hindi i
Beauty was looking at me, at kahit hindi siya magsalita ay alam kong gusto niyang malaman kung ano ang gagawin namin. Ramdam ko na rin ang kaba niya siguro nga dahil iniisip niya na baka mapasama rin siya sa pagkupkop sa akin dito nang hindi sinasabi kay Luther."D-Don't worry, Beauty. Hindi naman--"I was about to tell her that Luther Rico won't do anything to them pero napatigil ako dahil nga hinawakan niya ako sa kamay. Nagsalubong ang mga kilay ko at nagtataka akong nakatingin sa kaniya lalo nang hilahin niya ako sa likod, sa may malapit sa cr."Wait, Beauty. What are you doing? Kakausapin ko na lang na umalis siya dito."It's annoying that Luther would go this far, sana ay bigyan na lang muna niya ako ng time. Hindi ba obvious sa boses ko na 'yon ang kailangan ko? Mahal ko naman siya, eh, pero kailangan ko lang rin na magpalipas ng panahon dahil sobra na rin naman yung sakit na naramdaman ko para sa akin.Maybe for him, iniisip niya na maaayos namin kapag harapan na pinag-usapan
"Mayaman ka ano, hija?"Iyon naman ang ikinabaling ko sa lolo. Nakangiti siya at naroon pa rin ang kislap ng lungkot sa mga mata niya. Hindi rin siya nagtagal na nakatingin sa akin dahil ibinaba niya ang atensyon sa pagkain na kakaunti pa lang ang nababawas pero mukhang wala na siyang gana."Hindi naman po... medyo lang po.""Pero ang mga magulang mo, may kaya? Mayamang?" tanong niya pa.Doon naman ako napatango. Nakatingin lang ako sa lolo at sa bawat segundong lumilipas mas nangingislap sa lungkot ang mga mata niya. I suddenly felt like he went here so he could talk to someone, or to avoid being lonely. Kasi ako, ganito minsan... kapag alam ko nang mararamdaman ko na ang matinding lungkot pag naalala ko yung sitwasyon ko at ng pamilya ko, tumutungo na ako agad sa salon sa Mall or sa boutique ko. Yung hindi ako mag-iisa at may makakausap akong iba kasi kapag mag-isa ako, alam kong lalamunin ako ng pag-iisip, ng kalungkutan."May mga negosyo po ang daddy," sagot ko. "May company po.
It's been two days after I decided to stay here in Beauty's place. Dalawang araw na rin nang makita ko ang mga pulis at si Luther Rico sa bahay ko. At… haa dalawang araw na rin nang sabihin ko kay Beauty na hindi ako buntis na ikinalungkot niya dahil akala nga daw niya ay talagang nagdadalang tao na ako dahil sa mood ko. Ngayon naman ay narito lang ako sa apartment, hindi ako lumalabas at nauubos ang oras ko sa pakikipag-usap sa email sa mga tauhan ko kung ano na ang lagay ng mga negosyo ko. Nagsabi rin ako sa kanila na baka kahit sa susunod na buwan ay hindi ako makabisita dahil nga busy ako. Nagbilin na rin ako sa mga employees ko sa bar tungkol sa renovation na nagaganap. Hindi naman ako bored dito kila Beauty, actually. I like the experience of living in this kind of place while interacting to other people. Nagustuhan ko rin bumili sa tindahan, yung tatlong beses kang tatawag ng 'pabili po' bago may bumili na tindera. Saka enjoy rin 'yong panonood namin ni Beauty ng basketball k
I bit my lower lip. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko na ibinaba ni Beauty ang mga hawak niya at nilapitan ako. Ako naman ay nakayuko pa rin ang nakatingin sa nanginginig na mga palad ko. "Kulandra, kuha ka ng tubig," Beauty said. Pagka-utos niya non sa pamangkin ay hinawakan niya ang mga kamay ko at minasahe. "May nangyari ba pagkauwi mo sa bahay mo, Miss Thes? Nagkita kayo ni Sir Pogi?"Umiling ako kaagad. My lips are trembling too. Ibinukako ang mga labi ko pero hikbi agad ang lumabas sa akin kaysa paliwanag sa kung ano ang nangyari."Nahe-hurt naman ako makita ka na ganito, Miss Thes. Hindi ako sanay. Miss ko na yung makulit na amo ko. Pero take your time lang to be okay."Malungkot ang tono ng boses ni Beauty pagkasabi niya ng mga 'yon. At nang iabot na sa kaniya ni Karina ang tubig ay ibinigay niya rin 'yon agad sa akin. "Ito. Sa pamumula ng mga mata mo, eh, parang kanina ka pa naiyak rin. Uminom ka muna."I took the glass of water from her. Pagkainom ko doon ay saka a
Nothing bad happened to me while I was driving. Nakabalik naman ako sa apartment nila Beauty at Karina na maayos ako at hindi ako napahamak. Wala rin naman akong naperwisyo sa daan, pero napapreno ako kanina nang nakapasok na ako dito sa baryo dahil muntik na akong makasagasa ng tatlong bibe na tumatawid.Damn. That's so close. Nasaan kaya ang nanay ng mga 'yon? Paano kung hindi ko sila nakita? 'Di nadeads na sila. Konsensiya ko pa 'yon."I'm here na, Karina girl," sambit ko. Katulad ng paalam ko ay hindi ako magtatagal sa bahay ko. Dahil 'yong oras ko rin naman na sana na dapat ikinuha ko ng mga gamit ko ay hindi ko na nagamit dahil sa komosyon doon. I sighed deeply and placed my palm on the wall as I went up, hindi mawala sa isip ko si Luther."Tita Beauty, nakabalik na po si Miss Thes!"Hindi pa ako nakakapasok sa may apartment at paakyat pa lang ako ng maigsing hagdan nang marinig ko na rin ang pagsagot ni Karina. Nandito pa pala siya. Akala ko naman ay nakapasok na siya."Ay, sa
"I was worried...""But...are you really... okay?"Rinig kong dahan-dahan pa ang pagsasalita ni Luther. Nakaramdam naman ako ng kirot doon. I press my lips together. Huminga ako ng malalim at nanginig pa ang mga labi ko bago ko siya ulit sagutin. Pakiramdam ko kasi, lumalambot na naman ako.No... ayan ka na naman, Thes, nagiging mahina ka na naman."I'm fine. Mukha ba akong hindi okay?""Catalina--""Tayo ang hindi okay, Luther Rico at alam mo naman siguro ang dahilan, 'di ba?" I asked. Pointing about what happened in the past few weeks. Hindi ko na rin talaga napigilan, ito at inungkat ko na ulit.Hindi na nasundan pa ang tanong ko dahil tumigil muna ako sa pagsasalita. Sa isipan ko, baka sagutin na niya ako, baka sabihin na ni Luther ang tungkol sa kanila ng nanay niya, b-baka magkaroon siya ng ideya kung bakit ako nakipaghiwalay sa kaniya ng basta-basta. Again... I'm still giving him a chance.Another c-chance...Pero sa bawat segundo na lumilipas, sa bawat pagtibok ng puso ko, ay
I was breathing heavily. Nang sagutin ko na ang tawag ay nakatingin pa rin ako kay Luther. His hand, now out of his pocket, hung loosely by his side after I answered his call. Napansin ko rin na sandali siyang natigilan, his expression shifting slightly—from worry to relief, as if he had been waiting for me to answer after his numerous attempts of calling me.Alam na alam ko naman na ilang beses na niya akong tinatawagan, eh, na kahit "cannot be reached" at alam niyang off ang phone ko, I know... he's still trying. At dahil naman medyo na-appreciate ko 'yon ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, pero... matigas pa rin ang desisyon ko. Ayoko talagang magpakita.I wanted him to know in his own the reason why I was acting this way, na hindi lang ito basta pag-iinarte o hindi lang ako tinotopak.Napakahalaga sa akin ng mga bagay na tungkol sa kaniya, eh, and it hurts me to realize that I only know less... tapos kung ano pa ang importante, ang mahahalagang bagay na hindi ko alam na dapat ni
After parking my car, I grabbed my phone and opened it. Habang hinihintay ko itong magbukas ay lumabas na rin ako ng sasakyan at sumilip sa direksyon ng bahay ko. And there... tama nga ang naisip ko! My eyes tightly closed, and I let out a deep sigh."Luther... Rico..." mahina kong sambit nang makita ang boyfriend—ex-boyfriend—kong lumabas sa may gate ng bahay ko habang may kausap na pulis. Napatigil sandali ang tingin ko sa kaniya. I gulped seeing him look stressed. His hair, that was always brushed neatly up, was now down and messy. He was wearing a white t-shirt and faded blue jeans, paired with slides. He look... still fine for me but his eyes showed worry.Nakaramdam ako ng guilt at bigla akong nakonsensya dahil--No. No, Thes!Ipinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko.Tapos ka na magpadala sa kagwapuhan ni Luther, sa matatamis niyang mga salita. Alalahanin mo ang dahilan kung bakit ka galit at pinagtataguan siya! You’ve been through enough!But by thinking about it, siguro ay m