Mark’s POV “Where is she?” tanong ni Mama nang dumating ako sa meeting place namin. Tumingin siya sa paligid, luminga-linga na para bang may hinahanap. “Sino ang hinahanap ninyo?” Umupo ako at umorder ng makakain. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Galing pa akong South Korea. May business t
Brielle’s POV Kanina ko pa iniiwasan ang lalaking sunod nang sunod sa akin, pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin siya humihinto sa katatanong kung ano raw ang sasakyan niya patungo sa lugar na ‘yon, ano raw ang pangalan ko, trabaho, saan ako nakatira, at marami pang iba. Nandito ako ngayon s
Brielle’s POV “Saan ka ba ipinanganak?” tanong ko kay Mark habang kumakain ng isaw. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya, titig na titig sa mga tinitinda. “Italy.” “Wow! May dugo ka bang Italian?” “Oo.” Bahagya akong natawa nang amoyin niya ang isaw. Nagdadalawang-isip yata siya kung kakain
Brielle’s POV Nanatili akong tahimik habang tinatahak namin ang daan pabalik sa kwarto namin. Hindi rin ako makatingin ng maayos sa kaniya kasi ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Maingat niya akong pinaupo sa kama. “Kukuha lang ako ng gamot. Huwag kang lalabas,” bilin niya bago lumabas. Hind
Brielle’s POV “Tell that you are jealous, I will kiss you in front of her,” he whispered, dahilan kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. “No. Bakit naman ako magseselos?” Pilit kong nilalabanan ang matalim niyang pagtitig sa akin. “I’m not jealous,” pagdidiin ko sa huling salita. “Le
Mark’s POV Tulog na si Brielle nang matapos akong maligo. Tinawagan ko ang staff at inutosan silang ihatid sa kwarto namin ang mga pagkain. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila. Inayos ko ang mga pagkain habang si Brielle ay mahimbing na natutulog. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing sumas
Mark’s POV Madaling araw na, pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Si Brielle ay nakatulog kaagad pagkatapos namin kumain ng hapunan. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi ni Tito Raheel sa akin kanina. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Nakahawak lang ako sa phone ko, paulit
Mark’s POV Katatapos ko lang gamutin ang mga natamong sugat ni Brielle sa kaniyang katawan. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya matapos kong mapaamin sa nararamdaman ko para sa kaniya. Panay naman titig si Brielle sa akin kaya mas lalo lang akong hindi mapakali. Baka mas lalo lang siyang iiw
Brielle’s POV “Kailan ka ba talaga uuwi?” tanong ko kay Mark. Dalawang linggo na siyang nasa Spain, pagkatapos niyang kausapin ang sinasabing potential investors ay sa Italy naman siya pupunta. Sinandal ko ang ulo ko sa kama habang nag-iimpaki ng mga gamit kasi pupunta na ako sa London. “I d
“Dad!” sambit ko. “Why?” Ngumiti si Daddy. “Simula nang naging close kayong dalawa, nagkalaman ka na. Blooming ka rin araw-araw. In love ka na ba sa kaniya, Brielle?” “Alam n’yo, nagtataka ako kung anak n’yo ba talaga ako!” Pinagkrus ko ang aking mga braso. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at b
Brielle’s POV “Hold my hand,” bulong ni Mark nang nasa labas na kami ng restaurant na binook niya. “Why?” “Ayaw mo?” “Fine.” Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. May lumapit na tatlong staffs sa amin. “Good morning, Sir Mark. Dumating na po ang Del Fuego Family,” saad ng isang staff. Si
Brielle’s POV Pinagmasdan ko si Mark na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pareho kaming napuyat kagabi, pero maaga pa rin akong nagising. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at bumangon. Nagpasya akong maligo na lang muna habang natutulog siya. Pagkalabas ko sa banyo, t
Brielle’s POV “Sorry na,” paglalambing kay Mark at hinaplos ang kaniyang likod nang makalapit na ako. “First time kong may nilalambing. Worst, hindi ko pa boyfriend.” “I won’t forgive you.” “What?” Hinampas ko ang balikat niya kaya napasigaw siya. “Ikaw na nga itong nilalambing tapos ikaw pa ang
Brielle’s POV “Saan ka galing? Buong araw kang wala.” Nagkibit-balikat ako at hinarap si Mark. Sinara ko ang pinto. “Bakit mo tinatanong? Concern ka pala sa akin?” “Hindi ako concern sa ‘yo! Hindi lang ako sanay na hindi kita nakikita.” Tinakpan ko ang bibig ko nang mapagtanto ang sinabi ko. “I m
Brielle’s POV Tinitigan ko ang aking katawan sa malaking salamin habang si Mark ay nakayakap sa akin. Isubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Kanina ko pa gustong lumabas sa kwarto namin, pero palagi siyang nakasunod sa akin. “I’ll talk with your parents,” bulong niya sa tainga ko kaya bigla
Brielle’s POV Masakit ang aking buong katawan nang magising ako kinabukasan. Napalingon ako kay Mark nang yakapin niya ako ng mahigpit. “Good morning, Lion Queen,” he whispered, hinalikan niya ang ulo ko. “Lion Queen? Ginagawa mo na akong hayop.” Ngumisi siya at hinaplos ang aking buhok. “Ho
Brielle’s POV Nanigas ako nang bigla niya akong samahan sa bathtub. Para akong naging estatwa ng ilang minuto. “Sasamahan na lang kita para masanay ka na next time,” pilyong sabi ni Mark. Hindi ako makapagsalita. Niyakap ko ang aking sarili at pinikit ang aking mga mata. Ang init ng tubig ay