Share

Chapter 221

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-10-25 21:58:00

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ko ang malamig na hawakan ng pinto ng atelier. Parang isang malaking palaisipan ang nasa harap ko, at ako ang nag-iisang piraso na kailangang magkasya.

"Kaisha, ikaw ba 'yan?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Miss Chelsea, ang fashion designer na magha-handle sa akin, ay nakangiti at nakalahad ang kamay.

"Opo, Miss Chelsea," sagot ko at nakipagkamay sa kaniya.

"Pasok ka, halika," sabi niya at binuksan ang pinto.

Napaawang ang bibig ko sa ganda ng atelier. Ang mga dingding ay puno ng mga sketch at fabric swatches. Sa gitna, may isang malaking mesa na puno ng mga damit.

"Wow," bulong ko.

"Gusto mo ba ng kape?" tanong ni Miss Chelsea.

"Opo, salamat," sagot ko.

Habang naghihintay ng kape, sinabi niya sa akin ang mga gagawin ko sa fashion show.

"Ang tema ng show ay 'Architectural Designs,' Kaisha. Kaya ang mga damit ay magiging inspired sa mga iconic na gusali sa buong mundo," paliwanag niya.

Tumango lang ako kasi nasabi na sa akin ng boss ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Liezl P. Perales
tagal ng update ni author
goodnovel comment avatar
Jane BF Telao
last chapter na po ba ito?
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
Thank you sa update more pa plzz
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 222

    Inayos ko ang mga gamit ko at nagpasyang umalis na ng CR kasi biglang kumulo ang dugo ko nang makita ulit si Grace makalipas ang pitong taon. Ngunit bigla niyang hinila ang braso ko. "Ano ba?! Hindi mo ba ako titigilan? Inaano ba kita riyan?" Hindi ko na maitago ang namumuong galit na nararamdaman ko sa kaniya. "Expensive?" Ngumisi siya at pinagkrus ang mga braso niya. "Hindi ka naman sana kagandahan, pero bakit kaya siya pumatol sa 'yo?" "Ang taas naman ng bilib mo sa sarili, Grace? Ano naman sa 'yo kung expensive ang tingin ko sa sarili ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kaniya. Kung maldita siya, mas maldita ako. "Paano ka magiging expensive kung ipinagpalit mo siya kay Ben?" Umigting ang panga ko at pinigilan ang sariling matawa. "Ipinagpalit? At kay Ben pa? Ang dami mo namang oras sa pagbabasa ng mga maling impormasyon. Anyway, maiwan na kita kasi may naghihintay sa akin sa labas." Napamura ako nang hilahin niya ulit ang braso ko. Wala akong lab

    Last Updated : 2024-10-26
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 223

    Theodore Jasper's POV "Nakabalik na pala ng Pilipinas si Kaisha. Bakit hindi mo man lang kami sinabihan? Ang sabi ni Brielle nagkita raw kayo sa mall. Ano ang nangyari?" saad ni Mommy nang pumasok siya sa opisina ko. "Gusto ko siyang makita. Alam mo ba kung saan siya nakatira?" Tumango ako, hindi nasa computer ang atensiyon ko. "She's cold. I don't know kung gusto niya tayong makita." "Baka sa 'yo lang siya cold," natatawang sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko. "Ano? May asawa na ba siya?" Hinilot ko ang sentido ko. "May anak na rin siya. Ang bilis niyang nagpalit ng lalaki." "Really? Kailan pa? Kilala mo ba kung sino ang napangasawa niya?" "As far as I know, ako lang ang pinakasalan niya noon, Mom. Nakalimutan n'yo yatang ako ang napangasawa niya." "Iba 'yung noon, hijo. Ano? Nagsisisi ka?" "Super. Wala naman talaga akong kasalanan. Hindi ko alam na may nangyaring ganoon." "Kahit na. Nagbunga ang pagkakamaling 'yon, TJ. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi 'yon madaling ka

    Last Updated : 2024-10-26
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 224

    Nawala ako sa focus nang makita ang mga collections na sinuot ni Kaisha. Parang lalabas na ang kaluluwa niya. Kung wala lang sanang maraming nanunuod baka tumayo na ako upang takpan ang katawan niya. "Arch. Kaisha Montessori? Pamilyar ang pangalan niya." Tumingin si Mico sa akin. "'Di ba siya ang naging girlfriend mo -" Naputol ang sasabihin niya nang takpan ko ng tissue ang bibig niya. "Hindi mo naman kailangang sumigaw," saway ko kay Mico. "Really? So, siya pala ang dahilan kaya single ka pa rin hanggang ngayon?" "Mico, kung wala kang magandang sasabihin, pwede mo bang itikom ang bibig mo? Kasama natin ang anak niya. Baka magsumbong si Sevi." "Your ex-girlfriend is damn hot." Ginulo niya ang buhok ni Sevi. "Ang swerte naman ng ama nitong bata." "Tumahimik ka na nga lang. Kung hindi lang talaga tayo magkaibigan baka nasa bahay lang ako ngayon, natutulog." Tinakpan ko ang tainga ni Sevi at muling ibinalik ang atensyon ko sa stage. *** Kaisha's POV Muntik na akong mawalan ng b

    Last Updated : 2024-10-27
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 225

    Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Sevi. Sa tuwing nilalagyan ng ulam ni Theo ang plato niya, mabilis niyang iaangat 'yon. Hindi niya rin pinapansin si Theo kahit kanina pa ito nagpapapansin sa kaniya. Nasa pagkain lang ang atensiyon niya, hindi niya ginagalaw kaya sinuboan ko na lang. Sinulyapan ko ang anak ni Theo, nakatingin ito ng masama kay Sevi kasi panay ang pagpapapansin ni Theo kay Sevi. Nang matapos na kaming kumain, kinausap ako ng mga magulang ni Theo. Pinaubaya ko muna si Sevi sa mga kapatid ni Theo kasi gusto raw nila itong maka-bonding. Sinulyapan ko si Sevi at nakitang masaya siyang nakikipagkulitan sa kambal. Yumuko ako nang mapagtantong hindi alam ni Sevi na pamilya niya rin ang kaharap at nakakasama niya ngayon. Natatakot akong sabihan kay Sevi ang totoo na nagsinungaling ako sa kaniya. Na si Theo ang totoo niyang ama. Mas lalo lang akong natakot nang makita ang reaksiyon niya noong nalamang may anak na pala si Theo sa ibang babae. Ang bilis nagbago n

    Last Updated : 2024-10-28
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 226

    Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay ni Papa. Hinawakan ko ng mahigpit si Sevi nang mapansing malamig ang kamay niya. Walang ideya si Sevi na ngayong araw namin makikita ang pamilya ko lalong-lalo na si Papa. Ang alam niya lang ay may bibisitahin kami. Pagkarating ko sa sala, bigla akong nanibago nang mapansing ang loob ng bahay nila. Ang laki-laki ng pinagbago. Nawala ang ibang mga palamuti at kaunti na lang din ang nakikita kong mga kasambahay. Napatingin ako sa hagdanan nang marinig ang boses ni Tita Gretchen. Nagmadali siyang bumaba nang makita niya ako. Yumuko ako nang akmang yayakap siya sa akin. "Magandang araw po, Tita Gretchen," magalang kong pagbati sa kaniya. "Si Papa?" "Mabuti naman at napadalaw ka rito, hija. Matagal ka ng gustong makita ng Papa mo. Nasa taas siya kasama ang mga kapatid mo." Bumaba ang paningin niya kay Sevi. "Ito na ba ang anak mo, hija?" Umupo siya upang maka-level si Sevi. Kinurot niya ang pisngi ng anak ko. "What's your name,

    Last Updated : 2024-10-28
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 227

    Inirapan ko si Theo. Nagsisimula na naman siya sa mga biro niya. "Magbabayad na lang ako ng fifteen million kesa maging asawa mo ulit," saad ko. "Mas gugustuhin mo pa talaga ang magbayad ng ganoon kalaking pera kesa piliin ang libre?" Tumawa siya at pinagkrus ang mga braso niya. "Kesa naman bumalik sa 'yo!" "Well, ikaw ang bahala. 'Yon lang ang pwedeng maging tawad sa lupa. Fix na ang fifteen million. Libre naman kung papayag kang maging asawa ko ulit." "Tigil-tigilan mo ako samga biro mo kasi hindi nakakatuwa. Hahanap na lang ako ng ibang lupa," saad ko at padabog na naglakad upang puntahan si Sevi. Nakasalubong ko si Margareth, may kausap siya sa phone niya. Binaba niya ang tawag nang makita ako. "Nakapag-usap na po ba kayo ng maayos, Ma'am?" tanong ni Margareth. "Hindi ko itutuloy ang pagbili ng lupa." Umawang ang labi ni Margareth. Bigla siyang namutla. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" Tumingin siya sa phone niya. "Margareth, kailangan na ni Mama ng gamot. Pauwi ka na ba? S

    Last Updated : 2024-10-28
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 228

    Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain namin kasi panay ang paglingon nina Rain at Dylan sa amin. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko kay Sevi nang mapansing nakatingin sa akin si Theo. "So, ikinasal nga kayo?" pagbasag ni Rain sa katahimikan. Hindi ako makasagot kahit ang dali lang ng tanong niya. "Rain, mamaya na lang. Kasama natin ang anak ni Kaisha?" "Anak niya sa ikalawang lalaking pinakasalan niya?" Tinaasan ako ng kilay ni Rain. "Paano nangyari 'yon? Hindi naman pwedeng magpakasal ang isang tao kung -" "Kumain na lang tayo, Rain. Ang dami mong tanong. Look at her, parang nahihiya na tuloy," sabi ni Dylan pagkatapos niyang alisin ang lahat ng buto sa kinakaing isda ng asawa niya. Iniba na lang namin ang usapan para mabawasan ang tensiyon na namamagitan sa amin ni Theo. Napag-usapan namin ang mga naging buhay namin pagkatapos mag-aral. Ngiti lang at pagtango ang naiambag ko kasi si Theo at ang pagkakaroon ko ng stable na trabaho lang naman ang nagbago sa akin. "Ano pala a

    Last Updated : 2024-10-28
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 229

    "Ate Bella, kayo po muna ang bahala kay Sevi mamaya. Baka gagabihin ako sa pag-uwi. Marami kasi akong tatapusin sa opisina," bilin ko sa isang kasambahay namin pagkatapos kong kumain ng umagahan. Bumaling ako kay Sevi na abala sa paghigo ng kaniyang gatas. "Huwag lang malikot. Tatawag ako mamaya kapag hindi busy." Hinalikan ko ang noo at pisngi niya. Tiningnan niya lang ako ng blangko kaya hindi ko mapigilang magtaka kung may nagawa ba akong mali sa kaniya. "May problema ba, anak?" Mabilis siyang umiling. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. "Take care, Mom," bulong niya, pero ramdam ko ang pagiging malamig ng anak ko sa akin. Simula nang bumalik kami sa US biglang nagbago si Sevi. Hindi ko na ulit nakita ang pagiging hyper at clingy niya sa akin. Palagi siyang tahimik. Nagsasalita lang siya kapag may tinatanong ko. Hindi siya umimik. Naninibago ako sa mga ikinikilos ng bata. Ilang araw na rin akong hindi makapag-focus sa trabaho ko - sa kaiisip kay Sevi, na baka may dinaramdam

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   To all my beloved Readers

    January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 391

    Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 390

    Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 389

    Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 388

    Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 387

    Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 386

    Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 385

    Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 384

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status