Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain namin kasi panay ang paglingon nina Rain at Dylan sa amin. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko kay Sevi nang mapansing nakatingin sa akin si Theo. "So, ikinasal nga kayo?" pagbasag ni Rain sa katahimikan. Hindi ako makasagot kahit ang dali lang ng tanong niya. "Rain, mamaya na lang. Kasama natin ang anak ni Kaisha?" "Anak niya sa ikalawang lalaking pinakasalan niya?" Tinaasan ako ng kilay ni Rain. "Paano nangyari 'yon? Hindi naman pwedeng magpakasal ang isang tao kung -" "Kumain na lang tayo, Rain. Ang dami mong tanong. Look at her, parang nahihiya na tuloy," sabi ni Dylan pagkatapos niyang alisin ang lahat ng buto sa kinakaing isda ng asawa niya. Iniba na lang namin ang usapan para mabawasan ang tensiyon na namamagitan sa amin ni Theo. Napag-usapan namin ang mga naging buhay namin pagkatapos mag-aral. Ngiti lang at pagtango ang naiambag ko kasi si Theo at ang pagkakaroon ko ng stable na trabaho lang naman ang nagbago sa akin. "Ano pala a
"Ate Bella, kayo po muna ang bahala kay Sevi mamaya. Baka gagabihin ako sa pag-uwi. Marami kasi akong tatapusin sa opisina," bilin ko sa isang kasambahay namin pagkatapos kong kumain ng umagahan. Bumaling ako kay Sevi na abala sa paghigo ng kaniyang gatas. "Huwag lang malikot. Tatawag ako mamaya kapag hindi busy." Hinalikan ko ang noo at pisngi niya. Tiningnan niya lang ako ng blangko kaya hindi ko mapigilang magtaka kung may nagawa ba akong mali sa kaniya. "May problema ba, anak?" Mabilis siyang umiling. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. "Take care, Mom," bulong niya, pero ramdam ko ang pagiging malamig ng anak ko sa akin. Simula nang bumalik kami sa US biglang nagbago si Sevi. Hindi ko na ulit nakita ang pagiging hyper at clingy niya sa akin. Palagi siyang tahimik. Nagsasalita lang siya kapag may tinatanong ko. Hindi siya umimik. Naninibago ako sa mga ikinikilos ng bata. Ilang araw na rin akong hindi makapag-focus sa trabaho ko - sa kaiisip kay Sevi, na baka may dinaramdam
Naabotan ko si Sevi sa living room na nanunuod ng palabas sa TV. Namilog ang mga mata ko nang makita kung ano ang pinapanuod niya. “Sevi…” mahinang sambit ko nang makita ang pamumuo ng mga luha niya habang pinapanuod niya ang balitang tungkol kay Theo. “Anak ng mag-asawang Del Fuego na si Engr. Theodore Jasper Del Fuego ay hindi pa rin nakikita ng mga rescuers. Dalawang araw na nilang pinaghahanap ang katawan ng binate, pero hanggang ngayon wala pa ring balita kung buhay pa ba ito o nasawai kasama ang ibang mga pasahero ng sinasakyan niyang eroplano,” saad ng news caster habang pini-play ang video sa screen kung saan bumagsak ang eroplano. “Is he my real dad, Mom?” tanong ni Sevi na siyang ikinagulat ko. Tumayo siya at pinatay ang TV. Dumapo ang paningin ko sa photo album na matagal ko ng hindi nakita. Bigla akong kinabahan nang kunin ‘yon ni Sevi at binuklat isa-isa ang pahina. Kinuha niya ang mga larawan namin ni Theo noon. Npakagatlabi ako nang makita ang larawan na hinalikan ak
Lumiban ako sa trabaho kasi biglang nagkaroon ng lagnat si Sevi. Ramdam ko ang pag-iwas ng anak ko sa akin. Si Ate Bella lang ang gusto niyang makita at makausap. Upang makabawi sa kaniya, ipinagluto ko na lang siya ng paborito niyang pagkain at inutosan si Ate Bella na ihatid kay Sevi. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang walang laman ang bowl na nilagyan ko ng pagkain.“Itinapon niya po, Ma’am. Alam niya po kasing kayo ang nagluto kasi nakita niya po kayo sa kusina nang saglit siyang lumabas ng silid niya,” sabi ni Ate Bella kay mabilis nawala ang ngiti sa labi ko.Bumuntong-hininga ako. “Ayos lang po. Masama pa rin po kasi ang loob niya sa akin. Kayo po muna ang bahala sa kaniya. Ate Bella.”Umupo ako sa couch habang nanunuod ng balita. Dalawang linggo na ang nakaraan simula nang nag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Theo at hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa habang pinapanuod sa TV ang pamilya niyang nagluluksa sa sinapit ni T
Pinasadahan ko ng tingin ang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Theo. First time kong papasok kaya hindi ko mapigilang kabahan lalo na't kakausapin namin ang CEO ng kompanya ngayon. "Sino pala ang nagbabantay ng anak mo ngayon. 'Di ba sinama mo si Sevi?" tanong ni Kimberly sa akin nang nasa lobby na kami. "Dinala ko rin ang Yaya niya. Wala rin kasi akong ibang kakilala rito. Ayaw ko rin iwan ang bata kahit kanino lalo na't ngayon ko lang makakasalamuha. Mahirap na baka malagay sa panganib ang buhay ng anak ko," sagot ko. "Kung sa bagay. May punto ka rin. Nasaan pala ang pamilya mo? Alam mo pamilyar ang mukha mo, Kai," saad ni Jessa habang inaayos ang damit niya. "Parang nakita na kita noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan 'yon." "Baka kamukha ko lang," natatawang sabi ko. Ako ang pinakabata sa aming apat. Si Kimberly naman ang pinakamatanda. May mga sarili na rin silang mga pamilya at dito lang din nakatira sa Pilipinas. Akala rin nila maaga akong nawalan ng asawa.
Namilog ang mga mata ko nang itulak ni Grace si Mommy Anabelle para lang makalapit sa akin. Napamura ako nang hilahin niya ang buhok ko at kinalmot ang iba’t ibang parte ng katawan ko. Nakita kong tinulongan ni ni Daddy Raheel ang asawa niya bago lumapit sa amin upang ilayo kami sa isa’t isa. Habng ang anak naman ni Grace ay nagsimula ng umiyak.“Ang kapal-kapal ng mukha mong pagsabihan akong kabit!” sigaw ni Grace at hinila ang buhok ko, na para bang makakalbo ako sa ginagawa niya.“Kabit ka naman talaga! Kung sino ba ‘yung kabit, siya pa ang matapang!” sigaw ko at sinakal siya.“Anabelle, tumawag ka ng guard!” utos ni Daddy Raheel na kaagad naman sinunod ni Mommy Anabelle kasi parehong walang gustong magpatalo sa aming dalawa ni Grace. Hindi ako papayag na saktan niya lang ako ng ganoon kadali.“Bitawan mo ako! Idedemanda talaga kita kasi pumatol ka sa asawa ko! Ikaw ang dahilan kaya nagkahiwalay kami!” Pumatong ako sa tiyan niya nang mapahiga siya sa sahig at pinaulanan ng malalaka
Malakas na pagsigaw ni Sevi ang gumising sa akin nang makatulog ako habang may ginagawang trabaho sa laptop ko. Napatingin ako sa kaniya habang kinukusot ang mga mata ko.“Mommy, look! They found him!” sigaw niya habang nagtatalon sa saya.Curious akong napatingin sa TV. Biglang nawala ang antok ko nang makita si Theo na sinusubokang kuhanan ng pahayag ng mga reporters, pero pinipigilan sila ng pamilya ni Theo. Napatingin ako sa calendar. Mahigit isang buwan din nilang Hinahanap si Theo. Nakinig na lang ako sa balita. Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya nang makita ang reaksiyon ni Sevi. Ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya.Ayon sa balita, natagpuan si Theo ng mga residente sa isang Isla sa Thailand, malayo sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano. Siguro kaya siya napunta roon dahil sa malalakas na alon ng tubig dagat. Hindi siya kaagad nakilala ng mga nakakita sa kaniya kasi may sugat daw ang ibang parte ng katawan ni Theo.Napatingin ako sa phone ko nang mapansing may tumat
Nang magising si Mommy Anabelle ay kaagad niyang hinanap sa amin si TJ. Sinubokan niyang lumabas ng silid, ngunit pinigilan siya ni Daddy Raheel. "Gusto kong makita at makausap ang anak ko," pamimilit niya sa amin. "Magpahinga ka muna. Nagpapahinga na rin si TJ. Ang sabi ng doktor ay intindihin na lang natin si TJ kasi hindi niya alam ang mga sinasabi niya. May amnesia siya. It will takes time bago mabalik ang mga alaalang nakalimutan niya," sabi ni Daddy Raheel. Hinalikan niya ang noo ng kaniyang asawa. "Grandma, are you okay?" tanong ni Sevi na kapapasok lang ng kwarto. "Yes, Sevi. Medyo hindi lang mabuti ang pakiramdam ko." Bumaling si Mommy Anabelle sa akin. "Anong oras na ba? Kumain na ba kayo?" "Mag-a-alas kwatro na po ng hapon," sagot ko. Umahon siya sa kama. "Ilang oras pala akong nakatulog?" Napahawak siya sa ulo niya at tumingin sa kaniyang asawa. "I need to see him, Raheel. Hindi ako papayag na malason ni Grace ang isipan ng anak natin. Kailangan niyang lum
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng