Share

Chapter 234

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-30 16:37:17

Malakas na pagsigaw ni Sevi ang gumising sa akin nang makatulog ako habang may ginagawang trabaho sa laptop ko. Napatingin ako sa kaniya habang kinukusot ang mga mata ko.

“Mommy, look! They found him!” sigaw niya habang nagtatalon sa saya.

Curious akong napatingin sa TV. Biglang nawala ang antok ko nang makita si Theo na sinusubokang kuhanan ng pahayag ng mga reporters, pero pinipigilan sila ng pamilya ni Theo. Napatingin ako sa calendar. Mahigit isang buwan din nilang Hinahanap si Theo. Nakinig na lang ako sa balita. Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya nang makita ang reaksiyon ni Sevi. Ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya.

Ayon sa balita, natagpuan si Theo ng mga residente sa isang Isla sa Thailand, malayo sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano. Siguro kaya siya napunta roon dahil sa malalakas na alon ng tubig dagat. Hindi siya kaagad nakilala ng mga nakakita sa kaniya kasi may sugat daw ang ibang parte ng katawan ni Theo.

Napatingin ako sa phone ko nang mapansing may tumat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Grace Joy Pontejo
ai..ano ba Yan... Ayan napala mo kaisha pakipot ka kac.
goodnovel comment avatar
Mel's Channel
habaan nyu nmn ang update
goodnovel comment avatar
Mary Rose Mallillin
Ay suuussss pina haba na nman ang kwent9ooo tsdkkk
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 235

    Nang magising si Mommy Anabelle ay kaagad niyang hinanap sa amin si TJ. Sinubokan niyang lumabas ng silid, ngunit pinigilan siya ni Daddy Raheel. "Gusto kong makita at makausap ang anak ko," pamimilit niya sa amin. "Magpahinga ka muna. Nagpapahinga na rin si TJ. Ang sabi ng doktor ay intindihin na lang natin si TJ kasi hindi niya alam ang mga sinasabi niya. May amnesia siya. It will takes time bago mabalik ang mga alaalang nakalimutan niya," sabi ni Daddy Raheel. Hinalikan niya ang noo ng kaniyang asawa. "Grandma, are you okay?" tanong ni Sevi na kapapasok lang ng kwarto. "Yes, Sevi. Medyo hindi lang mabuti ang pakiramdam ko." Bumaling si Mommy Anabelle sa akin. "Anong oras na ba? Kumain na ba kayo?" "Mag-a-alas kwatro na po ng hapon," sagot ko. Umahon siya sa kama. "Ilang oras pala akong nakatulog?" Napahawak siya sa ulo niya at tumingin sa kaniyang asawa. "I need to see him, Raheel. Hindi ako papayag na malason ni Grace ang isipan ng anak natin. Kailangan niyang lum

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 236

    Grace’s POVNaibato ko ang phone ko sa galit nang malamang hindi pumirma si Kaisha sa annulment nilang dalawa ni TJ. Imbes pirmahan ang mga dokumento upang ma-solo ko na si TJ, idedemanda niya ako. May posibilidad na makulong kaming dalawa ni TJ sa gagawin niya. Hindi ako pwedeng makulong. Hindi ko sila hahayaang makuha nila ulit si TJ sa akin.“Kasama po ni Arch. Montesorri ang mga magulang ni Engr. Del Fuego, Ma’am.” Lumuhod siya sa harapan ko.“Gawin mo ang lahat, Atty. Santillan, kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Siguradohin mo na mapipirmahan ‘yan ni Kaisha bago matapos ang buwan na ‘to!” galit na sigaw ko at padabog na lumabas sa kaniyang opisina.Para akong sasabog sa galit. Ano ba ang gusto ni Kaisha? Babawiin niya ulit si TJ? Kailangan niyang pirmahan ang mga dokumento bago nila ako idemanda.Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ni TJ. Naabutan ko si Dra. Rachel na nagmo-monitor kay TJ habang ito ay natutulog.“Napainom mo na ba siya ng gamot?” tanon

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 237

    Kaisha’s POVPalabas na ako ng kompanya nang mapansing may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang paglalakad ko patungo sa parking lot at kaagad na pumasok sa loob ng kotse na pinahiram sa akin ni Brielle para may magamit ako sa trabaho. Namilog ang mga mata ko nang may makita akong lalaki sa back seat, may hawak na kutsilyo at sinubokan akong saksakin, pero nakailag ako.Inagaw ko ang kutsilyo sa kaniya, pero masyado siyang malakas. Humugot ako ng malalim na hininga bago kinagat ang kamay niya at nagmadaling lumabas ng kotse. Tumakbo ako ng mabilis nang mapansin ang tatlong lalaking humahabol sa akin. Tinawagan ko si Mommy Anabelle, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Napamura ako nang makita ang itim na kotse na humahabol sa akin.“Tulong!” sigaw ko, ngunit tahimik at madilim ang paligid. Dinial ko ang numero ni Atty. Tulfo, pero ganoon pa rin.Takbo lang ako nang takbo at hindi ko na alam kung saan na ako nakarating. Nagtago ako sa malaking basurahan. Tinakpan ko ang ilong ko kasi

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 238

    Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng bahay nila Mommy Anabelle. Labag sa loob ko ang kagustohan nilang bumalik ako sa bahay nila, pero kailangan ko itong gawin para sa anak ko. Susubokan ko kung makakatulong ba ang pagtira ko sa bahay nila upang maibalik ang mga alaala ni Theo.Pagdating namin sa living room ay bumungad sa amin ang mag-asawang sina Rain at Dylan na nanunuod ng palabas sa TV. Nakakunot ang noo ni Rain habang nakatutok sa pinapanuod nila habang minamasahe ni Dylan.“Rain?” sambit ni Mommy Anabelle nang makita niya ang mag-asawa.“Oh my God! I missed you so much, Tita Anabelle!” saad ni Rain at mabilis na tumakbo papalapit sa amin.Namilog ang mga mata ko nang muntikan na siyang madulas. Bigla akong kinabahan kasi ang laki-laki na ng tiyan niya at baka mapano ang bata kapag nadulas siya.“Dahan-dahan, hija. Ang likot-likot mo. Para ka namng hindi buntis!” sabi ni Mommy Anabelle pagkatapos niyang yakapin si Rain.“Mabuti naman at umuwi na kayo. K

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-01
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 239

    Sinabi ko kina Mommy Anabelle at Daddy Raheel ang tungkol sa gamot na pinapainom ni Dra. Rachel kay Theo. Hindi makapaniwala si Mommy Anabelle na naisahan siya sa ginawang panloloko ni Grace. Sinisisi niya ang sarili niya sa kapabayaan kasi hindi niya raw naisip ang tungkol sa gamot dahil malaki ang tiwala niya kay Dra. Rachel.Umupo si Mommy Anabelle sa kama ng anak niya habang mahimbing itong natutulog. Hinawakan niya ang kamay ni Theo at hinalikan. Pinunasan niya ang namumuong luha sa mga mata niya. “I’m so sorry, TJ. Hindi ko alam na magagawa niya ang bagay na ‘yon sa iyo. Patawarin mo sana ako dahil hindi kita naalagaan ng maayos.” Suminghap siya at tumingin sa akin. “Simula ngayon, ako na ang magiging doctor ng anak ko upang makasiguro ako na gagaling siya.”Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon. Pumasok sina Rain at Dylan. Sumunod naman ang mga pinsan at family friends ng Del Fuego.“Kumusta na siya?” tanong ni Tito Knight, kaibigan ng mga magulang ni Theo.“Dadalhin namin

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-02
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 240

    “Hindi siya ang ama ng bata,” saad ng doctor, binigay sa amin ang resulta ng DNA Test. Tumingin siya sa akin. “Sevi Montessori is his son,” dagdag ng doctor. Napatakip ako ng bibig habang niyayakap nina Mommy Anabelle at Daddy Raheel. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa magandang balita. “I can’t believe it. All these years pinaniwala niya kami na anak nila ang batang ‘yon,” saad ni Mommy Anabelle, kumalas sa pagyakap sa akin. “Pagbabayaran ng babaeng ‘yon ang paninira sa reputasyon ng anak ko.”Para akong nakalutang sa ulap nang mabalitaan ang sunod-sunod na magandang balita. Pansamantalang nakakulong si Grace kasi nanalo kami sa kaso. Madadagdagan ang taon ng pagkakulong niya kapag naibigay na namin ang DNA test result nina Theo at Macky. Pakiramdam ko biglang nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko kasi hindi pala nila anak si Macky.Isa sa mga nakasama kong modelo na under kay Miss Chelsea ay lumapit sa akin at inamin na ibang lalaki raw ang nakabuntis kay Grace. Is

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-03
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 241

    Sa loob ng limang buwan ay naging maayos naman ang buhay namin. Nakapag-adjust na rin ako sa environment at bagong tahanan namin ni Sevi. Hindi ko lang matanggap ang bagong treatment ng mga kasama ko sa akin. Nakikita nila ako bilang hindi nila ka-level. Napansin ko ang paglayo nila sa akin, pero hindi ko na lang masyadong iniisip ang pagbabago nila dahil pareho naman kaming nandito para sa trabaho. Babalik din kami sa US pagkatapos ng aming mga trabaho rito sa kompanya. Papasok na ako ng elevator nang may napansin akong pamilyar na lalaking nakasakay sa kabilang elevator. Medyo nahuli ako ng ilang minute kasi hinatid ko pa si Sevi sa bagong paaralan na pinapasukan niya. I had no choice, but to transfer him dito sa Pilipinas dahil mukhang matatagalan pa kami sa aming trabaho rito. Hindi ako pwedeng wala sa unang araw ni Sevi kasi isa iyon sa mga pinakaimportanteng bagay na nangyari sa buhay niya – ang mag-aral sa bagong paaralan. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-04
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 242

    Grace’s POVNapahawak ako sa pisngi ko matapos akong sampalin ni Mark. “Ano ba ang pwede kong gawin? Hayaan na lang ang babaeng ‘yon?” singhal ko.“Hindi kita tinulongang makalaya upang gumawa ka na naman ng eksena, Grace. Hinding-hindi ka ba talaga titigil hangga’t hindi natatali ang pangalan mo sa mga Del Fuego?” Nagsindi ng sigarilyo si Mark. Napamura ako nang hilahin niya ang buhok ko. “Tinulongan kita kasi naaawa ako sa anak natin. Pwede bang tigilan mo na ang anak ni Tito Benedict? Alam mo rin naman kung sino talaga ang pipiliin ni TJ kapag Bumalik lahat ng kaniyang alala!”“’Yan lang ba ang ikinagagalit mo sa akin dahil anak siya ni Mr. Chua o naaawa ka sa kaniya?” Tumayo ako at inalis ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko. “Akala mo ba hindi ko alam kung bakit mo ako iniwan noon?”“Shut up, Grace!” sigaw niya sa akin.“You like her. Your father killed her adopted parents. Hindi sila namatay dahil sa sakit.” Ngumisi ako nang mapansin ang pamumutla ng mukha niya. “Akala mo ba hi

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-04

Bab terbaru

  • The Billionaire's Substitute Bride   To all my beloved Readers

    January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 391

    Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 390

    Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 389

    Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 388

    Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 387

    Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 386

    Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 385

    Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 384

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status