Kitang-kita sa mukha ni Lola Celestial ang namumuong galit para sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Kaya n'yo ba ako pinauwi para lang dito?" Ngumisi ako at kinagat ang labi ko. "I won't. Hindi ninyo ako mapipilit." Hinubad ko ang suot kong makapal na jacket at dahan-dahang itinaas ang suot kong damit upang ipakita sa kanila ang tiyan ko. "I'm pregnant. I can't fulfill the responsibility that I have in this family." "I don't care if you're pregnant , Kaisha," saad ni Ben. Humakbang siya papalapit sa akin. Bumaling siya kay Papa. "I still want to marry you kahit may bata sa sinapupunan mo." "Baliw ka na ba? Ayaw nga kita maging kaibigan, maging asawa kaya? Ganiyan ka ba ka desperada na mapasaiyo ako?" Tumawa ako at binaba ang damit ko. "Kung hindi ninyo kayang tanggapin ang desisyon ko, hindi ko na problema 'yon. I can live without you all. Lumaki ako na wala kayong lahat sa tabi ko. Kaya huwag ninyo akong utosan na pakasalan ang taong 'yan dahil hin
Binigyan ko ng pagkakataong kilalanin si Ben at magbago nang mapansin ang pagiging mabuti niyang tao sa akin nang bumalik ako sa US. Kahit papaano, may nakikita naman akong character development niya. Ibang-iba na siya ngayon kung ikukumpara ko siya sa dating Ben na nakilala at kinatatakutan ko. Tinulongan niya akong magsimula sa sarili kong mga paa habang ipinagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral sa London. Minsan ay bumibisita siya sa akin, pero hindi ko siya pinapapasok sa apartment kasi may natitirang trust issues pa rin ako sa kaniya. Hindi madaling kalimutan ang ginawa niya sa akin noon, pero sinusubokan ko palitan ng magandang alaala ang nangyari sa amin noon. "Uminom ka na ba ng vitamins?" tanong ni Ben. Sa Skype kami nag-uusap, halos araw-araw siyang tumatawag sa akin. Hindi ako makapaniwalang magiging close friends ko ang taong kinamumuhian ko noon. "Iinom ako mamaya. Pinapakain ko pa si Sevi," sagot ko at sinuboan ang aking anak. Napasinghap ako habang pinagmamasdan si Se
Nag-file ako ng leave upang makauwi ako ng Pilipinas, pero hindi ako pinayagan ng boss ko. Sa halip, ako ang pinili niyang magiging representative sa isang kompanya na pupuntahan ko sa Pilipinas. Dadalo ako ng fashion show kung saan ibibida namin ang mga Architecture Designs ng aming kompanya. Ako raw ang magiging model kasi ako lang daw ang pinakabatang empleyado sa kompanya. Nakahanda na ang lahat ng susuotin ko. Kukunin nila kaagad ang size ng katawan ko upang ma-adjust kaagad ang susuotin ko baka raw hindi magkasya. Nabalitaan ko na successful ang operasyon ni Papa. Abot langit ang pasalamat ko kasi walang masamang nangyari sa kaniya. Kahit masama ang loob ko sa kaniya, excited pa rin akong makita siya. Matagal ko na siyang napatawad at ang pamilya niya. Hindi ko rin naman dinibdib ang mga panunumbat nila sa akin noon kasi expected ko na ang mga sasabihin nila. Napabuga ako ng hangin matapos kong ayosin ang mga gamit ni Sevi. Isasama ko siya sa Pilipinas. Magbabakasyon kami roon
Theodore Jasper's POV Hinabol ko sila Kaisha kahit na mahapdi ang pagkagat ng batang karga-karga niya sa kamay ko. Masamang nakatingin ang bata sa akin nang maabutan ko sila. "Kaisha, let's talk," pagmamakaawa ko. It's been seven years, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. I'm still into her. Hindi ko aakalaing makikita ko siya ngayon. Perfect timing talaga ang pagsama ko kay Brielle ngayon. Binaba niya ang bata at hinarap ako. Ngumiti siya sa akin. Napatitig ako sa kaniya. Napakagat-labi ako nang dumapo ang paningin ko sa labi niya. I miss her so much. Gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako. "Lumayo ka sa akin bago pa ako sisigaw ng tulong, Theo. Tahimik na ang buhay ko. Matagal na tayong wala. Ano pa ba ang pag-uusapan natin?" malamig niyang sabi. Para akong binuhosan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi na siya 'yung Kaisha na nakilala ko noon. She's different now. Ramdam ko ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Para bang nandidiri siya sa akin at kinamumuhian niya
Sinulyapan ko si Sevi na mahimbing na natutulog. Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada upang ayosin ang pagkabalut ng suit ko sa katawan niya. Napatitig ako ng ilang segundo kay Sevi nang magdilat siya ng mata. Bumangon siya at tumingin sa bintana. "Where are we?" curious niyang tanong at binuksan ang bintana. "Malapit na tayo sa condo ninyo. How can we contact your mother? We should inform her kung nasaan ka. Baka nag-aalala na 'yon." Umupo si Sevi ng maayos at may kinuha sa bulsa niya. "She's an architect. Here's her calling card. We can contact her using this." Ibinigay niya sa akin ang calling card ni Kaisha. Binuhay ko ulit ang makina nang kotse habang tinatawagan si Kaisha. Binagalan ko ang pagmamaneho nang sagutin niya ang tawag ko. Ibinigay ko kay Sevi ang phone ko. "Mommy, I already found a father!" diretsong sabi ni Sevi na siyang ikinagulat ko. Muntik kong maapakan ang break. "What? A father? Where are you, Sevi? I've been looking for you inside the mall," nag-aal
Pagkauwi ko sa bahay kaagad kong binuksan ang social media accounts ko. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nag-open ng account. Binubuksan ko lang kasi ito kapag gusto kong i-stalk si Kaisha, pero naka-block ako sa kaniya at naka-private na rin lahat ng social media accounts niya. Nagbabasakali pa rin ako na may makitang update galing sa kaniya. Bumagsak ang balikat ko nang makitang ganoon pa rin ang account niya. Walang new updates galing sa kaniya. Siguro may bago na siyang account. Kinuha ko sa drawer ang photo album na naglalaman ng mga larawan namin ni Kaisha. Ang bigat-bigat ng dibdib ko habang tinitingnan ang mga larawan namin noon. We were happy and inlove back then, pero ngayon para niya na akong kinamuhian sa laki ng galit niya sa akin. But I can't blame her for that. I made a mistake. She thought that I cheated on her, pero never naman akong nagloko sa kaniya. Dumapo ang paningin ko sa wedding picture namin ni Kaisha. Palihim akong napangiti habang inaalala ang ar
Nagising ako na wala si Sevi sa tabi ko. Bumangon ako at tiningnan ang phone sa bedside table, ngunit hindi ko nakita ang phone ko. Dali-dali akong bumangon upang i-check kung nasaan si Sevi. Nagkalat kasi ang aming mga gamit sa sahig. Paglabas ko ng silid, napahinto ako sa paglalakad nang makitang nagkukulitan si Sevi kay Theo sa kusina. Napalunok ako nang dumapo ang paningin ko sa katawan ni Theo. Tanging apron lang ang nakatakip sa katawan niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa maganda niyang katawan. Kitang-kita ang malaki niyang biceps. Napailing ako sa naisip ko. Tumikhim ako upang agawin ang atensiyon nilang dalawa. Nagulat si Sevi nang makita niya ako at mabilis na nagtago sa likod ni Theo. Napalunok ako nang alisin ni Theo ang apron sa katawan niya at kinuha ang itim na long-sleeved. Parang nag-slow motion ang paligid habang pinagmamasdan. "Stop staring at me, Kaisha," he smirked, dahilan kaya bumalik ako sa sarili ko. "Kapal ng mukha mo. Kay Sevi ako
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ko ang malamig na hawakan ng pinto ng atelier. Parang isang malaking palaisipan ang nasa harap ko, at ako ang nag-iisang piraso na kailangang magkasya."Kaisha, ikaw ba 'yan?"Napalingon ako sa nagsalita. Si Miss Chelsea, ang fashion designer na magha-handle sa akin, ay nakangiti at nakalahad ang kamay."Opo, Miss Chelsea," sagot ko at nakipagkamay sa kaniya."Pasok ka, halika," sabi niya at binuksan ang pinto.Napaawang ang bibig ko sa ganda ng atelier. Ang mga dingding ay puno ng mga sketch at fabric swatches. Sa gitna, may isang malaking mesa na puno ng mga damit."Wow," bulong ko."Gusto mo ba ng kape?" tanong ni Miss Chelsea."Opo, salamat," sagot ko.Habang naghihintay ng kape, sinabi niya sa akin ang mga gagawin ko sa fashion show."Ang tema ng show ay 'Architectural Designs,' Kaisha. Kaya ang mga damit ay magiging inspired sa mga iconic na gusali sa buong mundo," paliwanag niya.Tumango lang ako kasi nasabi na sa akin ng boss ko
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng