Lumapit si Brielle sa amin. "Kuya Dylan, pwede po bang hiramin si Daniel? Maglalaro lang kami kasama ang mga kapatid ko." "Sure, Brielle," saad ni Dylan at binigay ang bata kay Brielle. Nagtungo kami sa kusina ni Dylan. Napag-usapan namin ang ginawa ni Theo sa kaniya bago niya sinabi kung nasaan ako. Tawa lang ako nang tawa habang kinukwento sa akin ang mga sinasabi ni Theo. Gusto niya raw sana itong asarin, pero hindi niya na nagawa kasi binugbog siya. "All I can say is, he loves you, Kaisha. He's willing to do everything sa araw na 'yon para lang mahanap ka. And to be honest, I don't like you. You're not attractive to me." Tumawa siya kasabay ng pag-iling ng ulo niya. Inubos niya ang juice sa baso niya. "Ang sakit mo naman magsalita. Pero salamat kasi naging honest ka sa akin. Pinagselosan ka pa ni Theo dati kasi baka raw ipagpalit ko siya sa 'yo." Sinalinan ko ng tubig ang mga baso namin. "He's obsess with you." "He's not obsess with me, Dylan. Ganoon lang talaga siya. Hindi
Palagi kong nahuhuli ang masamang pagtitig ng mga pinsan ni Theo sa akin nang nasa sementeryo na kami. Hindi ko na lang sila pinansin kasi ayokong pumatol sa mas bata sa akin. Kung ayaw nila sa akin para sa pinsan nila, hindi ko kailangang ipagsiksikan ang sarili ko upang tanggapin nila. Sapat na ang pagpapahalaga ni Theo sa akin. Nang makabalik na kami sa bahay nila, narinig kong pinag-uusapan nina Jasmine at Fyang si Rain. Hindi ko intensyon ang makinig sa kanila, pero umigting ang tainga ko nang mapagtantong tungkol pala sa viral na video nina Rain at Theo ang pinag-uusapan nila. I found out that they planned it. They help Rain kasi alam nilang may gusto ito kay Theo, pero palaging nare-reject. It was Jasmine's birthday nang mangyari 'yon. Nasa loob sila ng bar nagpapakasaya habang naglalaro ng truth or dare. Nang tumama kay Rain ang bote, mabilis siyang sumagot ng dare. Inutusan siyang halikan ang lalaking gusto niya habang nakatutok ang lahat ng phones ng mga kaibigan nila at p
Ang lakas ng hangin sa mukha ko habang nakatingin sa dagat. Parang gusto kong tumalon at lumangoy agad sa asul na tubig. Pero hindi pwede, kailangan kong maghintay."Kaisha, tara na! Ang ganda ng view rito, oh!" sigaw ni Theo mula sa likuran ko. Nasa pier kami ngayon, at nakikita ko ang buong Isla ng Siargao. "Oo nga, ang ganda!" sagot ko, habang nakangiti. Ang ganda ng mga puno ng niyog na nakapalibot sa buong isla, parang mga payong na nagsisilbing proteksyon sa init ng araw. At ang kulay ng dagat! Parang isang malaking asul na canvas na pininturahan ng iba't ibang shade ng turquoise at azure."Excited ka na ba para sa opening ng beach resort namin?" tanong ni Theo."Oo naman! Ang ganda pala ng Siargao, hindi ko akalain na ganito kaganda.""Sabi ko naman sa 'yo eh! Ang ganda ng Siargao. Pero mas maganda ang beach resort namin, promise!" sabi ni Theo ng nakangiti."Ang yabang mo naman! Pero excited na ako makita. Gusto ko na mag-swimming!""Mamaya na, magpahinga muna tayo. May welc
Tatlong araw lang kaming nanatili sa Siargao kasi kailangan namin umuwi kaagad upang asikasuhin ang pagpapakasal namin ni Theo. Masaya ako kasi ikakasal na kami, pero naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ako natatakot na makita ulit ang biological parents ko. Ang kinatatakutan ko ay ang sinabi ni Tita Anabelle na baka ipapakasal ako sa ibang lalaki dahil 'yon ang isa sa mga tradisyon ng Chinese. Mas lalo lang akong nawalan ng ganang makilala at makita ang biological parents ko. Si Benedict Chua raw ang biological father ko. Pagmamay-ari niya ang isa sa pinakamalaking factory ng palm oil sa Pilipinas. May sarili na siyang pamilya. Matagal niya na raw akong hinahanap simula noong malaman niyang nagbunga ang pagkakamaling nagawa nila ng biological mother ko. Si Myrna Madelo naman ang biological mother ko. Asawa ng isang gobernador sa lungkod ng Makati. Kasalukuyang nakakulong ang half-brother ko matapos itong manggahasa at pumatay. Pinagmasdan ko ang mga larawan ng sinasabing biol
Pikit na pikit ang mga mata ko habang nakikinig sa mga binabasang verses ng reader sa loob ng Sto. Niño Chapel. Sobrang tahimik ng simbahan. Wala kang ibang maririnig kung 'di ang boses ng nagbabasa o 'di kaya ay boses ng pari at ang tunog ng electric fan na umaandar. First time namin magsimba ni Theo bilang isang mag-asawa kahit na sekreto ang pagpapakasal namin. Tanging pamilya niya lang ang nakakaalam sa nangyaring kasal dahil ayaw rin ng pamilya niyang gulatin ang buong media na maagang nag-asawa ang panganay nilang anak. Wala rin naman issue sa amin ang secret wedding namin kasi para 'yon sa ikabubuti naming dalawa ni Theo. Napatingin ako kay Theo nang ipagsiklop niya ang mga kamay namin. Nakapikit ang mga mata niya habang seryosong nakikinig sa sinasabi ng pari. Sinulyapan ko ang mga kapatid niya, seryoso rin sila. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagkalam nito. "I'm hungry," sambit ko kay Theo. "Katatapos lang natin kumain. Gutom ka na naman?" natatawang tanong
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng kotse upang kausapin ang biological parents ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita sina Myrna Madelo at Benedict Chua na nakatayo sa labas ng gate. Pinapalibutan sila ng mga reporters at pilit naman pinapaalis ng mga guwardiya. "Kaisha, tawagan mo ako pagkatapos ninyong mag-usap. Pupuntahan kita," bilin ni Theo bago niya binitawan ang kamay ko. Kinausap ko ang guwardiya na lalabas muna ako upang kausapin sina Myrna at Benedict. Gumawa sila ng daan upang makalapit ako sa taong gustong kumausap sa akin. "Anak..." usal ni Benedict Chua nang makalapit na ako sa kanila. Sinubokan niyang hawakan ang kamay ko, ngunit ako na mismo ang umiwas. Iginiya nila ako patungo sa kotse nila at pumasok kami sa loob. Napapikit ako nang bigla akong yakapin ni Myrna ng mahigpit. "Patawarin mo ako, hija, kung -" "Kung inabandona mo ako noon?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Ngumisi ako. "Para saan pa ba ang paghahanap ninyo sa a
Nagpasya si Benedict na ihatid na lang ako pauwi sa bahay nila Theo kung hindi pa raw ako handang makilala ang pamilya niya. Tahimik lang ako sa biyahe. Hindi ko maalis sa isipan ko ang nakita ko. Una, kay Rain. Tapos ngayon naman ay sa babaeng hindi ko kilala. Pero gusto ko pa rin pakinggan ang paliwanag niya. "Call me kung may problema ka, hija. Here's my calling card," saad ni Benedict at inabot sa akin ang calling card niya na kaagad ko rin namang tinanggap. Tumango lang ako at lumabas na ng kotse. Wala na ring mga media sa labas ng gate ng bahay. Tahimik at tanging mga guwardiya ang nakikita ko. Nag-angat ako ng tingin sa langit nang biglang kumulog. Mukhang hindi maganda ang panahon. Pumasok ako sa gate. Binati ako ng mga guwardiya nang makapasok na ako. Napatingin ako sa garahe nang makita ang kulay pink na sports car. Ngayon ko lang 'yon nakita kaya curious ako na baka may bisitang dumating. Hinanap ko kaagad si Theo nang makapasok na ako sa bahay nila. Magtatanong na sana
Theodore Jasper's POV Napahawak ako sa pang-ibabang labi ko matapos akong suntokin ni Daddy ng malakas. Hinihila siya ni Mommy papalayo sa akin habang nakahawal naman sa akin ang mga kapatid ko. "Raheel, that's enough! Pakinggan muna natin si TJ!" singhal ni Mommy. Bumaling siya kay Grace. "Umuwi ka muna sa inyo, hija. I'm so disappointed. Hindi ko aakalaing ikaw ang sisira sa relasyon nilang dalawa. Ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Kaisha!" "Sorry po, Tita," mangiyak-ngiyak na sabi ni Grace at kinuha ang bag niya bago lumabas ng bahay. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, TJ? Pinalaki ka namin ng maayos. Paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo na huwag kang magpapaiyak o mananakit ng babae kasi may kapatid ka rin na babae! Pero anong ginawa mo kay Kaisha? Sinaktan at pinaiyak mo siya! Ano sa tingin mo ang gagawin niya nang makita ang kumakalat ma video ninyong dalawa ni Grace? Sa tingin mo ba babalikan ka pa niya Sinayang mo siya! Mahal na mahal ka ng asawa mo, pero niloko mo pa rin siya
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng