Nang makarating siya ay dumiretso na siya kaagad sa front desk at tinanong ang asawa niya. Kinuha naman ng isang babae ang susi na iniwan ni Darlyn. “Nagcheck-out na po siya kanina pa, Sir. Pinapabalik na lang niya ang susi po ng kotse na ginamit niya.” sagot ng babae sa kaniya. Napapikit na lang s
Lumipas ang mga buwan, hindi na nila nakita si Darlyn. Simula ng umalis ito ay wala na silang balita sa kaniya. “Darlyn!” rinig na naman ni Darlyn sa pangalan niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa office ng Boss niya dahil gumamit na naman ng speaker ang Boss niya para tawagin siya. Rinig na rini
“Darlyn, anong nangyari?” pangungulit pa rin sa kaniya ng mga katrabaho niya. Sinundan pa talaga siya sa pwesto niya. “Gwapong suplado talaga si Sir. Di bale ng napagalitan ka, nasilayan mo naman ang maganda niyang mukha ng malapitan.” Tila kinikilig pang saad ng mga katrabaho niya kaya napapangiwi
Napaupo na lang siya sa sahig at tipid na ngumiti. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Sinusubukan niyang iba/on ang lahat sa pamamagitan ng alak. Umaasa siyang makakarating kay Darlyn ang kalagayan niya baka sakaling maaawa sa kaniya ang asawa niya at bumalik ito sa kaniya. Nang hindi na na
Nakangiting nilanghap ni Darlyn ang preskong hangin.‘It’s been almost two years, 1 year and 8 months.’ Aniya sa isip niya. Hindi siya makapaniwalang ganun lang kabilis na lumipas ang mga araw. Hindi niya alam kung tuluyan na ba siyang nakamove on pero kaya niya ng sabihin na hindi na siya nasasakta
***Sumapit na ang araw ng pag-alis nila. Nagdala lang ng ilang mga gamit si Darlyn dahil tatlong araw lang naman sila sa Boracay. Sa Cabanatuan pa sila magmumula at babyahe pa sila patungong Clark airport.Nagkakape pa lang si Darlyn ng makarinig na siya ng busina sa labas ng apartment niya. Hindi
Nang masiguro ni Darlyn na wala na si Frank ay saka siya lumabas ng hotel. Dalawang taon na ang nakalipas, ngayon lang siya lumabas sa lugar na pinagtataguan niya pero ito pa ang nangyari. Muling nagcross ang landas nila ni Frank.“Darlyn!” malakas na sigaw ni Joanna sa kaniya. “Kanina ka pa namin h
Ibinabad niya ang sarili niya sa warm water. Wala naman siyang problema pero pakiramdam niya may problema siya. Para bang ang bigat bigat ng pakiramdam niya. Ilang minuto siyang nagbabad sa tubig hanggang sa mapagdesisyunan niyang magbihis.Nang makalabas siya ng kwarto nila ay pinuntahan niya ang i
I just want to thank you everyone for reading my stories. Dito ko na po tatapusin ang story ng The Billionaire's Son. Maraming salamat po sa paghihintay sa bawat update ko. Sana suportahan niyo rin po ang iba ko pang story at gagawin pang story. Thank you so much everyone. I'm not good at giving so
“Magiging Daddy na ako!” masaya niyang saad. Ibinaba niya si Darlyn saka siya tumakbo palabas ng cottage nila.“Everyone, magiging Daddy na ako!” malakas niyang sigaw kaya naagaw ang atensyon ng ibang guest ng resort.“Congratulations sir!” sabay-sabay na wika sa kaniya ng mga guest. Hindi maipaliwa
Paglabas niya ng Starbucks ay siya ring pagbangga ng ilang sasakyan sa pwesto ng Starbucks. Kapag nagkataon na nasa loob pa siya ng Starbucks siguradong hindi siya makakaligtas dahil ang pwesto niya kanina ay nasa tabi ng glass wall.Bumalik na silang dalawa sa office at tulala pa rin si Frank. Hina
“Inihatid mo ba si Darlyn sa Starbucks sa Pasay?” tanong niya na ikinailing naman ni Erickson.“Siya po ang nagdrive sir,” sagot niya na ikinatango na lang ni Frank saka siya nagscroll sa social media niya habang sumisimsim ng mainit na kape. Pinapanuod niya ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng ba
Hindi siya masyadong nagtrabaho sa maghapon. Hindi na siya makapaghintay na sabihin kay Frank na magkakaanak na ulit sila pero gusto niya surprise.Nang hindi nakatawag si Frank sa kaniya ng lunch, alam niyang busy ito sa meeting. Nang mag-uwian ay nagpahatid na lang si Darlyn kay Erickson at sa bah
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil sa halong kaba at saya.“I think, it’s been two months?” hindi niya siguradong sagot. Napangiti naman ang doctor sa kaniya dahil siguradong nakalimutan ni Darlyn ang tungkol sa period niya.“Sa tingin ko, hindi ako ang kailangan mong bisitahin ngayon ku
Maaga pa lamang ay nagising na si Darlyn nang tila ba hinahalukay ang sikmura niya. Mabilis siyang tumakbo papasok ng cr para sumuka. Inaantok namang sumunod si Frank dahil alas singko pa lang ng umaga.“Are you okay? May nakain ka bang hindi maganda kagabi?” paos pa niyang tanong. Hindi pa niya mai
“Ikaw ang may sabi na wala akong ilalabas na pera kapag sumama kaming mag-asawa rito pero bakit tinitipid mo ako?” nang-aasar na namang wika ni Frank. Napapakamot na lang si Axel sa noo niya. Akala niya ay tuluyan ng magiging seryoso sa buhay si Frank dahil sa nakalipas na taon hindi na ito nagbibi
Nililingon paminsan-minsan ni Darlyn ang asawa niya, salubong ang kilay ni Frank na tila ba malalim ang iniisip niya.“Gaya ng sabi ng ate mo, ngayon niya lang ulit nakasama ang anak niya. Pwede mo pa naman pag-isipan, kung gusto mo ba talaga siyang ipakulong.” Pangbabasag ni Darlyn sa katahimikan n