Pinuntahan ni Angeli ang hotel para kausapin ang manager. Nakilala naman siya kaagad ng mga nasa front desk sa lobby. “Magandang araw mo, Miss Ford.” Bati ng mga nasa front desk. “Where’s your manager?” diretsong tanong ni Angeli. “He’s still busy Ma’am, nasa function hall pa po kasi siya dahil m
Dumiretso siya sa kakilala niyang marunong baguhin ang lahat. Ibinigay niya ang USB saka iyun inilagay sa laptop. “Gusto kong alisin mo ang lalaking yan na pumasok sa kwarto. Tapos kung kaya mong iedit pa, gusto ko sanang nagmumukhang naglalampungan itong dalawang ito.” turo niya kay Sandra at Juli
Nang makita naman ni Sandra si Angeli ay nilapitan niya ito. Nagulat na lang si Sandra nang bigla siyang sampalin ni Angeli. Ano bang nagawa niyang kasalanan? “Ano bang problema mo?!” naubusan na rin ng pasensya si Sandra kay Angeli. Wala siyang nagawang kasalanan kay Angeli pero kung magalit ito a
“Julius,” tawag ni Kate kay Julius nang lapitan niya na rin ang kaguluhan. Blangko ang mukha ni Kate, hindi naman na siya nagtataka kung nagawang lapitan ni Julius si Sandra dahil hindi niya na mababagong minahal ni Julius ang ex niya. “Sandra,” nag-aalala na rin ang tinig ni Kate nang makita niya
Ilang oras na ang lumipas simula nang ipasok sa emergency room si Sandra pero hindi pa rin siya nagigising. Nakaupo si Rocco sa gilid ng kama ni Sandra habang hawak-hawak niya ang isang kamay ni Sandra. Hindi niya yun binibitawan at kahit na gusto niyang balikan si Angeli para sana makausap ito hind
Hindi na napigilan ni Eduard ang galit niya at kwenelyuhan si Rocco. “Anong ginawa mo sa anak ko?! Hindi naman ako nagkulang ng pagpapayo sa inyong dalawa lalo na sayo at lalaki ka pero bakit wala ka man lang pinakinggan sa mga sinabi ko?!” galit na galit niyang sigaw kay Rocco. Sa sobrang gulat d
“Ano bang ginawa kong masama? Dapat nga magpasalamat ka pa dahil inaalis ko sa buhay ng Boss mo ang katulad ni Sandra. Hindi siya makakabuti para kay Rocco!” “Ikaw ang malilintikan kapag dumating na si Sir Rocco. Ano bang nangyayari sayo? Hindi ko makita ang dahilan para guluhin mo silang dalawa! I
Hindi pa nakontento si Sandra sa sampal niya kay Angeli kaya sinampal niya rin ang kabilang pisngi ni Angeli. Napaawang na lang ang labi ni Angeli dahil sa ginawa ni Sandra. “Ano bang problema mo?! Buhay ka pa pala? Bakit hindi ka na lang tumira sa hospital?!” isa pang sampal ang lumipad sa pisngi