Hindi maalis alis kay Matt ang pangamba na iiwan siya ni Zeinab kapag nalaman nito ang totoo. Walang nakakaalam nito maliban na lang sa pamilya niya at sa mga San Diego. Pagkahatid ni Matt kay Zeinab ay dumiretso na siya ng uwi sa bahay nila. Nadatnan niya ang ina na naghihintay sa sala ng bahay nila at nanonood ng telebisyon."Magandang gabi po" bati ni Matt sa ina. Napalingon si Marta sa pinanggagalingan ng boses."Oh Hijo andito ka na pala. Halika na at may inihanda akong masarap na hapunan para sayo" aya ni Marta sa anak at tumayo na ito para lapitan ang anak. Nakangiting hinawakan ni Marta sa kamay ang anak saka iginiya papunta sa kusina.Nag iisang anak si Matt ng mag asawang sina Marta at Benny Arellano. Si Matt ay isang menopausal baby. Medyo may edad na si Marta nang manganak kay Matt dahil sa may edad na din sila nang magpakasal ng asawa niyang si Benny."Ma, si Papa po?" tanong nito na hinahanap ng mga mata ang ama."Nasa mansyon. Ipinatawag ni Greg, may iuutos ata" sagot n
"HAPPY fourth year anniversary, Babe!" masayang bati ni Zeinab kay Matt. Nagulat si Matt na naunang bumati sa kanya si Zeinab. Ito ang mahalagang okasyon nilang dalawa ni Zeinab, ang petsa na official na naging sila.Napangiti si Zeinab at binigyan ng halik sa pisngi si Matt. Hindi niya akalain na tatagal sila ng ganoon, nang apat na taon. Matt is her first boyfriend at unang lalaking minahal niya ng totoo."Okay lang iyon, ano ka ba" sagot ni Zeinab. Napangiti si Matt at hinawakan ang kamay ni Zeinab."Wala din naman akong regalo sayo. Alam mo naman nagtitipid ako" dugtong na sabi ni Zeinab."My girlfriend is so stingy" sabay pisil sa ilong ni Zeinab."Hindi ako kuripot, nagtitipid lang" pagtatama ni Zeinab. Natatawa naman si Matt sa tinuran ng girlfriend niya."What ever it is. I still love you. And happy fourth year anniversary, Babe" sabay lahad ng regalo nito kay Zeinab at may bouqet of red roses pa. Akala siguro ni Zeinab ay nakalimutan na niya ang araw ng anniversary nila.Napa
MANGHANG MANGHAN si Zeinab sa mga nakikita sa loob ng mamahaling hotel na nirentahan ni Matt para sa kanilang date. Anniversary nila ito kaya dapat lang na ibigay ni Matt ang kung anong makakapagpaligaya sa babaeng mahal niya."Do you like it?" tanong ni Matt habang nakatingin kay Zeinab na palinga linga sa paligid.Ito ang unang beses na makakaapak siya sa pinakamahal at pinakamagandang hotel. Kaya nga gulat na gulat siya na dito siya dinala ni Matt ngayong anniversary nila."I dont like it. I love it!" masayang sagot ni Zeinab na hindi maalis alis ang paghanga sa buong paligid."Babe, ang mahal dito. Bakit dito pa tayo magcecelebrate ng anniversary natin?" tanong ni Zeinab habang inaalalayan siyang maupo ni Matt."Anything for my girl and the love of my life" sagot ni Matt sa nakangiting si Zeinab. At umupo na kaharap si Zeinab. Saka hinawakan ni Matt ang kamay ni Zeinab na nakapatong sa mesa.Nang may lumabas na waiter at dinala ang menu. Iniabot ng waiter ang menu kina Zeinab at
MAAGANG pumasok si Matt sa kompanya. At sa pagpasok niya ay nasa loob ng opisina niya ay nasa loob na si Greg na prenteng nakaupo sa swivel chair."How was your date last night?" tanong nito na may pang uuyam. Siya ang dahilan kung bakit sa pinakamahal na hotel ginanap ang anniversary date nila Matt at Zeinab.Greg pay all the expenses in the hotel. And giving his car to Matt. Dahil sa kahilingan ng Mommy niya. Hindi siya makatanggi kapag ang Mommy na nito ang nagsabi sa kanya. And Mrs. Marlyn know about the relationship between Matt and Zeinab.Marlyn admire Matt. Dahil sa pagiging masigasig nito at pagiging matalino. May direksiyon ang buhay. Hindi kagaya ng anak niya na lagi na lang nagliliwaliw at hindi inaasikaso ang mga kompanya nila. At dahil nag iisang anak nila si Greg ay kay Matt nila ipinamahala ang ibang kompanya nila. They trust Matt so much."It's was fun. Salamat pala dahil nag enjoy ng sobra ang girlfriend ko" walang ngiti na sagot ni Matt. Alam na niya kung bakit ito
"WHAT is this Greg na sinugod mo daw si Matthew sa opisina niya?" tanong ng Daddy niyang si Rigor."Dad, opisina ko din po iyon. At masama bang dumalaw ako sa kompanya ko" may sarkastikong sagot ni Greg."Sa iyo sana, kung ikaw ang humahawak at ikaw ang nag aasikaso. Pero anong ginagawa mo. Puro pambabae at pagtatravel ang inaatupag mo" pangaral ni Rigor sa anak."Huwag niyo na po akong sermonan. At kung iyon lang ang sasabihin niyo sa akin maigi pa na matulog na lang ako""Iyan! Diyan ka magaling, kundi ang takasan lahat ng problema mo. Wala nang direksiyon ang buhay mo. At sinasayang mo lang ang ibinibigay namin ng Mommy mo na pag asang magiging maayos ka pa. Katulad ng naipangako mo nuon nuong nasangkot ka sa gulo" mahabang litanya ni Rigor."Dad, please I'm tired and gusto ko na pong magpahinga. Bukas niyo na lang po ako pagalitan" pag iiwas na pakiusap ni Greg.Walang nagawa si Rigor kundi hayaan ang anak na umalis sa harapan niya at pumunta sa kuwarto nito. Hindi na niya alam pa
DUMALAW ang magnobyo sa bahay nina Julieanne. Ipinatatawag daw siya ng kapatid. Kaya isinama na niya si Matt para ipakilala sa kapatid niyang si Julieanne."Hi Ate Julieanne!" bati ni Zeinab kay Julieanne at niyakap ang kapatid. Pagkatapos magbatian nina Zeinab at Julieanne ay napansin ni Julieanne ang lalaking kasama ng kapatid."Ate, boyfriend ko po si Matt" pakilala ni Zeinab kay Matt. Napataas ang kilay ni Julieanne. Mukhang walang ikinukuwento ang kapatid niya, sa kanya."Hello Mrs. Samson" bati ni Matt dito. Mukhang kilala ni Matt si Julieanne. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa asawa nitong si John Smith Samson."Hmm, kilala mo ang asawa ko?" tanong ni Julieanne. Tumango ng ulo si Matt at ngumiti dito."Oh I'm sorry. Pasok kayo. Napasarap tayo dito sa labas" natatawang naalala ni Julieanne na nasa labas pa pala ang bisita niya. Natawa na din si Zeinab sa kapilyuhan ng kapatid.Julieanne is five months pregnant. At nagkaroon pa ito ng isa pang anak na lalaki, si Jacob. He i
PAUWI na sila at ihahatid pa ni Matt si Zeinab sa bahay nito. Tahimik lang si Matt na nagmamaneho ng sasakyan."Pasensya ka na sa kakulitan ni Ate" sabi ni Zeinab."Okay" tipid na sagot ni Matt. Hindi ito lumilingon kay Zeinab.Iniisip ni Matt ang mga pinag usapan nila ni John. May isa pang nakakaalam ng totoong pagkatao niya at hindi malabong mangyari na malaman din ito ni Zeinab."Babe, may iniisip ka ba? Kanina ka pa tahimik" punang tanong ni Zeinab at hinawakan ang kamay ni Matt. Pinisil niya ito na ikinalingon ni Matt.Iginilid ni Matt bigla ang sasakyan at inihinto. Saka hinarap si Zeinab. Kinabig niya ito at hinalikan ng mapusok. Ikinagulat iyon ni Zeinab pero napapikit siya at tumugon. Nang tumugon si Zeinab ay naging dahan dahan na si Matt at naging passionate.Hindi na din napigilan ni Zeinab ang sarili at ikinawit na ang mga kamay sa leeg ni Matt. Nakalimot si Matt at humawak sa balikat ni Zeinab pababa sa bewang nito.Naramdaman ni Zeinab ang mga kamay ni Matt sa kanyang t
Lulan sila Matt at Zeinab ng sasakyan ng binata. Halos ayaw bitawan ni Matt ang kamay ni Zeinab. Panaka naka ay hinahalikan nito ang kamay ng dalaga."Babe, magfocus ka na muna sa pagdadrive" saway ni Zeinab kay Matt."I'm sorry, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Kasi masaya ako na umoo ka. Dahil kung hindi ka umoo mabuti pa mawala na lang ako" sagot ni Matt.Natigilan si Zeinab."Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Siyempre oo ako, matagal ko yata hinintay na magpropose ka sa akin" saway ni Zeinab dito.Napangiti si Matt saka nilingon saglit si Zeinab."I love you!" sabi ni Matt saka bumaling na ng tingin sa daan.Kilig na kilig naman si Zeinab. Matt is the most sweet and mature guy na nakilala niya. Hindi siya nagkamali nang pumayag siyang magpakasal dito."We're here" sabi ni Matt saka inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Zeinab."Tomorrow night pupunta kami dito sa bahay niyo kasama ang mga magulang ko. Mamanhikan kami at hihingiin ko ang kamay mo sa Mama mo" sabi ni
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia