PAUWI na sila at ihahatid pa ni Matt si Zeinab sa bahay nito. Tahimik lang si Matt na nagmamaneho ng sasakyan."Pasensya ka na sa kakulitan ni Ate" sabi ni Zeinab."Okay" tipid na sagot ni Matt. Hindi ito lumilingon kay Zeinab.Iniisip ni Matt ang mga pinag usapan nila ni John. May isa pang nakakaalam ng totoong pagkatao niya at hindi malabong mangyari na malaman din ito ni Zeinab."Babe, may iniisip ka ba? Kanina ka pa tahimik" punang tanong ni Zeinab at hinawakan ang kamay ni Matt. Pinisil niya ito na ikinalingon ni Matt.Iginilid ni Matt bigla ang sasakyan at inihinto. Saka hinarap si Zeinab. Kinabig niya ito at hinalikan ng mapusok. Ikinagulat iyon ni Zeinab pero napapikit siya at tumugon. Nang tumugon si Zeinab ay naging dahan dahan na si Matt at naging passionate.Hindi na din napigilan ni Zeinab ang sarili at ikinawit na ang mga kamay sa leeg ni Matt. Nakalimot si Matt at humawak sa balikat ni Zeinab pababa sa bewang nito.Naramdaman ni Zeinab ang mga kamay ni Matt sa kanyang t
Lulan sila Matt at Zeinab ng sasakyan ng binata. Halos ayaw bitawan ni Matt ang kamay ni Zeinab. Panaka naka ay hinahalikan nito ang kamay ng dalaga."Babe, magfocus ka na muna sa pagdadrive" saway ni Zeinab kay Matt."I'm sorry, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Kasi masaya ako na umoo ka. Dahil kung hindi ka umoo mabuti pa mawala na lang ako" sagot ni Matt.Natigilan si Zeinab."Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Siyempre oo ako, matagal ko yata hinintay na magpropose ka sa akin" saway ni Zeinab dito.Napangiti si Matt saka nilingon saglit si Zeinab."I love you!" sabi ni Matt saka bumaling na ng tingin sa daan.Kilig na kilig naman si Zeinab. Matt is the most sweet and mature guy na nakilala niya. Hindi siya nagkamali nang pumayag siyang magpakasal dito."We're here" sabi ni Matt saka inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Zeinab."Tomorrow night pupunta kami dito sa bahay niyo kasama ang mga magulang ko. Mamanhikan kami at hihingiin ko ang kamay mo sa Mama mo" sabi ni
HUMAHANGOS na nilapitan ni Matt si Zeinab na nakaupo. Niyakap niya ito habang walang pake ang dalaga nang naramdamang lumapit siya. Buong higpit na niyakap ni Matt si Zeinab. Wala lang kibo pa din si Zeinab at ni hindi man lang humarap kay Matt."Babe, I'm sorry kung may mali man akong nagawa" pagtatangis ni Matt.Sinalag ni Zeinab ang mga kamay ni Matt at nakakawala siya sa yakap ng binata."Umalis ka na" mahinahon pang taboy ni Zeinab kay Matt."Babe, please listen first" pagmamakaawa ni Matt."Sinabi kong umalis kana! Hindi mo ba naiintindihan iyon, ha!" bulyaw ni Zeinab na itinataboy pa din si Matt."Catherine is just my ex, my past. Ikaw na ang future ko, Babe. At mahal na mahal kita"Napalingon si Zeinab kay Matt. Namumula ang mga mata nito na halata ang mga pag iyak kanina."Just listen to my explanation" ani Matt. Pagkatapos ay sinubukam nitong hawakan si Zeinab sa kamay. Pero iniiwas nito ang kamay niya."Sige magpaliwanag ka. Bibigyan kita ng chamce na magpaliwanag. At kapag
NAGHAHANDA na si Zeinab sa pagdating ni Matt at ang mga magulang nito. First time niya mamemeet ang mga magulang ng nobyo kaya kailangan niyang maghandang mabuti. Ayaw niyang madissappoint sila sa kanya. Lalo na si Matt.Pinagsisihan ni Zeinab na hindi siya agad nagtiwala kay Matt. At nangyari ang mga iyon kaninang umaga. Ngayon naliwanagan na siya at hindi na ulit magagalit ng ganoon. Hindi na din siya magseselos ng walang dahilan."Ate, para kang nasisilihan diyan. Umupo ka nga. Saka bakit ba pinag ayos mo pa kami ni Mama? Si Kuya Matt lang naman ang dadating" ani Zia.Napalingon si Zeinab. Hindi niya kasi sinabi sa kanila kung ano ang tunay na pakay ni Matt ngayong gabi. Sorpresa sana para sa kapatid at sa Mama Alicia niya. Nakikinita na niya ang magiging reaksiyon nila kapag sinabi na ni Matt iyon sa Mama Alicia niya."Wala lang. Siyempre dapat okay din ang pananamit niyo ni Mama kapag dumating na si Matt" sagot ni Zeinab na nangingiti.Nagtatakang tumingin si Zia sa kapatid. Para
"ARE you happy, my soon to be wife?" tanong ni Matt kay Zeinab na nakayakap sa likuran ng dalaga."Oo naman. Ikaw ba naman ang mapapang asawa ko. Sinong hindi matutuwa niyon?" sagot ni Zeinab na ikinakunot ng noo ni Matt."You mean na puwedeng hindi ako ang magiging asawa mo. May naisip ka pa ba na iba?" salubong ang kilay na saad ni Matt."Huh, saan nanggaling iyon? Parang ang layo ng sagot ko sa iniisip mo" saway nito kay Matt.Humarap si Zeinab kay Matt habang yakap pa din siya ng binata."Mr. Matthew Liam Arellano, wala na pong ibang lalaki na laman ang puso ko, kundi ikaw lamang po" inis na dagdag ni Zeinab."Galit ka ba, Babe?" tanong ni Matt at pinisil ang ilong ni Zeinab.Napabuga ng hangin si Zeinab."Ganyan ba ang pakiramdam ng malapit ng ikasal nagiging malawak ang imagination. Kung ano anong naiisip at sinasabi" ani Zeinab.Napatawa si Matt at niyakap pa ng mahigpit si Zeinab. Sobrang lapit na ng katawan ni Zeinab kay Matt."Mahal na mahal lang kita. Sobrang naeexcite na a
ARAW ng kasal nina Zeinab at Matt. Ang kasal nila ay gaganapin sa isang malilit na simbahan, ang Regina Rica Church. Imbitado ang mga kaibigan at ibang empleyado ng San Digz Publishing Company. Ang mga kapatid ni Zeinab ay kompleto din kasama ang mga asawa nila at mga anak. Si Zia ang maid of honor ni Zeinab. At si Greg ang tatayong bestman ni Matt. Kahit ayaw ni Greg ay napilitan na din siya dahil sa Mommy niya."Ate, ang ganda ganda mo talaga. Bagay na bagay kayo ni Kuya Matt" buong paghanga na sabi ni Zia sa kapatid. Napangiti si Zeinab at pinipigilang umiyak.Kinakabahan siya sa mangyayari mamaya. Ngayon ang araw ng kasal nila at mamaya lang ay magiging Mrs. Zeinab Alfonso Arellano na siya.Nang lumapit ang Mama nila."Anak, dapat maging mabuti kang asawa at lahat ng magiging pagsubok niyo ay dapat harapin niyo ni Matt ng nakahawak sa kamay ng isat isa. Huwag susuko ng bigla. Pag iisapan ang lahat ng desisyon na gagawin dahil may asawa ka nang kasama at hindi na nag iisa" payo ni
PAGKATAPOS ng kasal ay dumiretso na sila sa reception. Ang saya nina Matt at Zeinab ngayong kasal na sila at totoong mag asawa na sila."Hindi ako makapaniwalang Misis mo na ako" sabi ni Zeinab kay Matt habang sila'y magkayakap na sumasayaw."I love you Mrs. Arellano" sabi naman ni Matt. At hinalikan ang asawa sa labi.Nagpalakpakan ang mga taong andoon. Sobrang sweet ng bagong kasal. At nang matapos sa reception ay dumiretso na ang mag asawa sa condo ni Matt.Buhat buhat ni Matt si Zeinab habang pumapasok sa loob ng condo niya. Natatawa si Zeinab sa asawa. Pakiramdam niya ang bigat bigat niya pero wala lang iyon kay Matt."Ibaba mo na ako, Babe" sabi ni Zeinab sa asawa. Nakangiti lang si Matt sa kanya at hinalikan pa nito sa labi si Zeinab bago ibinababa."Mabigat ba ako?" inosenteng tanong ni Zeinab."No, para sa akin magaan ka. At kahit mabigat ka pa bubuhatin pa din kita, Babe" sagot ni Matt.Napatawa naman ng malakas si Zeinab. Saka hinampas nito sa dibdib ang asawa."Ikaw talaga
SA loob ng isang linggong na nakasama ni Zeinab si Matt sa iisang bahay ay mas nakilala pa niya lalo si Matt. Napakabait ng asawa niya. Maalaga at sweet sa kanya. Halos ayaw siyang pagtrabahuhin sa loob ng condo. Si Matt ang gumagawa ng lahat ng gawain sa loob ng condo.Si Zeinab ay kain, tulog lang ang ginagawa. Ang katwiran ni Matt ay kapag nag umpisa na siyang pumasok sa kompanya ay si Zeinab na ang gagawa ng lahat ng gawin sa bahay. Kaya binibigyan niya ng pagkakataon ang asawa na nagpahinga.Pinagmamasdan ni Zeinab si Matt habang naghuhugas ng pinagkainan nila. Gusto niya na siya na sana ang gumawa niyon pero ayaw ni Matt.Tiningnan niya ito mula sa paa nito pataas sa binti. Bilugang hita na napapalibutan ng konting balahibo. Ang puwet ni Matt na matambok."Hala! Bakit matambok ang puwet niya?" tanong ni Zeinab sa sarili saka tumayo at sinisilip ang umbok ng puwet niya."Nakakainis pati ba naman sa puwet lamang siya sa akin" nasabi niya ulit sa sarili.Umupo siya ulit at itinuloy
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia