Chapter Thirty “I’ll just go ahead and check on my cousins. Do you want to come with me or…”Tatango na sana ako bilang tugon sa tanong ni Dylan ngunit nang nahagip ng mga mata ko na nakatingin sa akin ang mga Tito at Tita ni Dylan na para bang naghihintay ng tiyempo na mawala si Dylan sa tabi ko, agad na nagbago ang dapat kong isagot kay Dylan.“Go ahead. I’ll just stay here,” sagot ko at tipid na ngumiti si Dylan.Bahagya namang kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko na para bang hindi niya inaaasahan na magpapaiwan ako ngunit nang mapansin na seryoso ako sa sinabi ko ay wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at mapailing na lamang. “All right. Babalik din ako kaagad,” he remarked as he leaned closer to my direction and kissed my cheeks. Kaswal na tumango naman ako at umayos na ng upo. After Dylan left, I quickly reached out for a drink. Habang umiinom naman ay agad kong napansin ang nakatingin sa aking magpipinsan: sina Danielle, Maurice, at Iverson. Kapwa nakataas
“Oy, oy! Grabe na ‘yan, Layla. Magdahan-dahan ka naman.”Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita nang muli si Mr. Dwayne Fontanilla at inawat ang nanay ni Dylan. Lumingon siya sa gawi ko at kinamot ang ulo. “You’re free not to answer her question,” sambit niya sa akin.I looked towards him confusedly because… I’m really planning to answer her question. Kung ang pagsagot ko sa tanong niya ay ang ikakagaan ng loob niya sa akin, then why not?“Dwayne’s right, Kaia.” Wala sa sarili naman akong napalingon sa gawi ni Tita Monika nang muli na siyang magsalita. “You don’t have to answer Layla’s question. She’s just too shock upon finding out that Dylan already have a new girlfriend. Alam mo naman siguro ang nangyari sa kaniya… or not?”Agad akong tumango bilang sagot sa tanong niya. “I know Brielle po,” sagot ko na siya rin namang nakapagpatango sa kaniya. Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang pasimpleng pagtingin ng mga Tito at Tita ni Dylan sa isa’t-isa nang sabihin kong kilala ko s
“What do you think of this dress? Bagay ba?”Nag-angat ng tingin sa akin si Dylan na kanina pa abala sa cellphone niya. Noong pumasok kasi ako sa fitting room ay nakatingin na siya sa cellphone at animo’y may kung anong pinagkakaabalahan tapos ngayon naman na nakalabas na ako, nasa cellphone niya pa rin ang focus ng kaniyang mga mata.He looked towards me but he immediately cleared his throat. Niluwagan niya ang suot na necktie at umayos ng upo kaya naman agad na nagtagpo ang aking mga kilay. “Bakit? Hindi ba maganda?” tanong ko sa kaniya at kapagkuwan ay tiningnan muli ang sarili ko sa salamin. My lips pouted as I looked towards him once again. “Maganda naman, ah?”Dylan groaned. “May sinabi ba akong pangit?”“Wala ka rin naman sinabing maganda.”“Are you comfortable wearing…” He cleared his throat once again as he roamed his eyes all around my body. “That?”Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at sa halip ay tiningnan
“Why don’t you sleep first? Matagal pa bago maluto ‘tong mga ‘to,” suhestiyon ni Dylan habang naghihiwa ng sibuyas. Tinaasan ko siya ng kilay nang marinig ang tanong niya. “Nah. I want to admire you while cooking. Ngayon lang kita nakitang nagluluto tapos palalampasin ko pa ba?” tanong ko pabalik.Dylan let out a soft chuckle as he shake his head. “Come on. Puwede naman kitang ipagluto ulit next time. Magpahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag luto na.”“Sa ating dalawa, ikaw ang pagod. Hello, wala naman akong trabaho, ano. Ikaw nga ‘tong galing sa trabaho tapos sinamahan mo pa akong magshopping kanina. Ngayon naman, ipinagluluto mo pa ako. Hindi ka pa ba pagod?”He lifted his shoulder in a half shrug that made me let out a harsh breath. “Magpahinga ka muna,” pirming sambit niya kaya naman hindi ko na mapigilan pang magtaka. Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya naman tinaasan niya ako ng kilay.“Umamin ka nga…” panimula ko at hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. “May p
“So what about it?” kalmadong tanong ko kay Aziel pabalik. Hindi nakatakas sa aking tainga ang sunod-sunod niyang pagmura sa kabilang linya na para bang inis na inis na siya nang marinig ang sinabi ko. Tulad kanina, I just heaved a deep sigh in return.“Is it true? Totoo ngang may relasyon kayo ng lalaking iyon?”“I don’t think my relationship with Dylan concerns you, Aziel. Kung ano man kami—whether we’re in a relationship or enemies, wala ka nang dapat pang ikabahala roon.”“Kaia—““I have to go. Kung ‘yan lang din naman pala ang sasabihin mo sa akin sa halip na mag-sorry ka, then maybe we should just talk some other time. Saka na kapag kalmado ka na,” mahinahong sambit ko at akmang papatayin nang muli ang tawag nang muli na naman siyang magsalita.I heard him sigh. “You’re mad at me because I didn’t tell you about my relationship with Brielle back then. Tapos ngayon, gagawin mo rin naman pala ang ginawa ko. Bakit ka nagagalit sa akin kung magkaparehas lang naman tayo?”Hindi kaaga
“Why don’t you go ahead and take a rest first?”I was pulled out of my own reverie upon hearing Dylan’s words. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay abala na sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin.Wala sa sarili akong napalunok habang nakatingin sa kaniya. Mula nang sinabi niya kanina ang plano niya ngayong gabi, hindi na ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Am I afraid? Certainly no. Am I looking forward to it? Maybe. Malakas akong bumuntong hininga bago tuluyang tumayo mula sa aking kinauupuan. I awkwardly cleared my throat. “Pupunta na ako sa kuwarto mo,” I trailed off as I bite my lips out of embarrassment. “Sumunod ka nalang.”I heard him let out a soft chuckle that’s why I immediately turned my back on him and went straight to the staircase. Dali-dali akong umakyat sa second floor at agad na dumiretso sa kuwarto niya. Hindi ko mapigilang maghabol ng hininga nang makapasok ako sa kuwarto ni Dylan dahil halos lakad-takb
Naputol ang tulog ko matapos maramdaman ang malumanay na paghalik sa aking noo. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino iyon dahil wala naman akong ibang katabi kung hindi si Dylan. I can’t help but to moan when he kissed the side of my neck, making me open my eyes to look towards him. Agad na nagtagpo ang aming mga mata at agad niya rin naman akong nginitian.“Good morning,” bati ko at nagbaba ng tingin upang humikab. I yawned against his bare chest before I looked towards him once again. “Kanina ka pa gising?”Dylan slowly nod his head in return. Napalabi naman ako dahil doon. “Bakit hindi mo ako ginising? May pasok ka yata ngayon tapos hindi mo ako kaagad ginising. Baka ma-late ka sa trabaho mo,” reklamo ko at akmang hihiwalay na sa kaniya ngunit sa halip na hayaan akong humiwalay ay mas lalo niya pa akong hinila palapit sa kaniya.He tightly hugged me, making me feel his naked body under the comforter that’s covering us. I can’t hel
“Anong ginagawa ng Mama mo rito?” Mahinang bulong ngunit halos pasigaw na tanong ko kay Dylan. Agad akong napabalikwas ng bangon at mabilis na tinakpan ang aking hubad na katawan. Bahagya namang napasigaw si Dylan dahil inagaw ko sa kaniya ang kumot ngunit agad ko rin siyang pinanlakihan ng mga mata. Baka marinig kami sa labas! Hindi alam ng nanay niya na rito na ako sa bahay niya nakatira at lalong hindi rin naman alam ni Brielle na ‘magkarelasyon’ na nga kami ni Dylan. Hindi nila kami puwedeng makita… “Why are you panicking?”Nag-angat ako ng tingin at kunot-noong tumingin kay Dylan. He casually got out of the bed and wore his boxers as if he’s not bothered by the fact that his own mother and his ex-girlfriend is outside. “Anong bakit hindi ako nagpapanic? Nasa labas ang Mama mo saka si Brielle—“ “And?” He cut my words off. Tumayo siya mula sa kama na boxers la
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
“I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa. Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata. Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?” Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
“Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?” Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
“Thalia, may naghahanap sa ‘yo sa labas!”Agad kong pinunasan ang basa kong kamay dahil abala ako sa paghuhugas ng pinag-kainan namin ni Paige nang marinig ang boses ng kapitbahay namin sa labas. “Sino ho bang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kapit-bahay namin matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.“Hindi ko kilala kung sino pero mukhang dayo. Nandoon sa may dalampasigan. Kanina pa ‘yon dito at nag-iikot-ikot. Mabuti na lamang at natanong ko kung sino ang hinahanap niya.”Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sagot niya. Dayo? Sino namang dayo ang maghahanap sa akin?Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino marahil ang naghahanap sa akin. Baka sinundan ako nina Brielle at Sir Aziel! Alam nila ang address ko dahil nakasulat iyon sa resume ko. Isa pa, sa pagkaka-alaala ko ay pina-imbestigahan nila ako kaya naman nakasisiguro akong alam na nila kung saan ako nakatira.Lumingon ako kay Paige na ngayon ay abala sa panonood ng TV. Kami lamang ang narito sa bahay
“Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko kayong sorpresahin, hindi ba?” mahinahong tanong ko pabalik. Inismiran niya lamang ako bago siya umupo sa kama naming dalawa. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. Palagi naman kaming magkatabing matulog noon pero ngayon, iniisip ko palang, parang naninibago na ako kaagad. “Iyon lang ba talaga ang dahilan mo o may iba pa?” “Ano namang ibang magiging dahilan ko bukod doon?” Hindi ko na naitago pa ang pagka-inis dahil sa tanong niya. Lihim akong umirap at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng mga gamit ko.“Akala ko, umuwi ka lang dito para sa birthday ni Paige. Bakit halos dala mo na yata ang lahat ng gamit mo?”Muli akong tumigil sa ginagawa ko at hindi kaagad nakasagot sa ta
Natulog na ako mula nang makausap ko sina Brielle at Sir Aziel. Kailangan ko ring magpahinga para maihanda ko ang sarili ko dahil babalik na ako sa isla kinabukasan—bagay na hindi ko muna sinabi kina Brielle at Sir Aziel sapagkat alam kong pupunta sila sa bahay nina Dylan at baka sabihin nila kay Dylan na aalis na ako. May parte sa akin na ayaw umalis at kausapin na lamang si Dylan tungkol sa nangyari. Alam ko naman na sa pagkakataong ito, naniwala na si Dylan na ang babaeng iyon ang totoong Kaia. Malamang, paniniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Alam niya ang nangyari sa buong buhay ni Kaia Clemente samantalang ako… wala akong ibang alam maliban na lamang sa magkamukha kaming dalawa. Gusto kong i-message si Tres at sabihin sa kaniya na sunduin nila ako sa pier pag-uwi ko pero naalala kong wala pala sa akin ang telepono ko kaya’t hindi ko siya ma-itext. Mukhang wala akong choice kung hindi ang surpresahin na lamang sila n