Ipinatawag na siya sa katulong para makasabay kumain sa dining. Napilitan siyang bumaba dahil nakakahiya namang sa kwarto lang siya maghapon. Nang bumaba siya'y pilit niyang itinago ang inis kay Anthony.
Napuno naman ng masayang kwentuhan nila Margarita at dalawa pang pinsan nitong si Ellise at Tiffany ang dining room.
"Come and join me at the pool," wika ni Tiffany sa kanya kinabukasan. Ito lang at si Margarita ang madalas niyang makita sa bahay dahil estudyante pa lang ang pinsang ito ni Anthony. Si Olive at Ellise ay tumutulong na sa mga gawain sa iba't ibang opisina ng Falcon."Dito lang ako, wala akong dalang swimsuit," sagot niya ng umupo sa hang chair sa gilid ng pool.
Matapos ang tatlumpung minutong paglangoy ay umahon na si Andrea. Si Tiffany ay may bisitang dumating sabi ng katulong kaya nauna nang umahon. Umakyat siya sa silid at nagbanlaw sa banyo. Nang matapos magbihis ay bumaba siya at hinanap si Anthony. Ang sabi ng katulong ay nag-ikot ito sa hacienda sakay ng kabayo.Ni hindi man lang nagpaalam sa kin!Saad niya sa sarili. Sa inis niya'y sa hardin siya nagtuloy at tinanaw na lang ang kagandahan ng paligid. Napakaraming halaman ang may b
Pinagmasdan niya si Anthony habang patuloy ito sa paglangoy. Hindi niya alam pagkatapos ng pagpapanggap nilang ito kung ano ang mapapala niya. Nagpapadala siya sa damdamin niya sa dating kasintahan.Nang marating ni Anthony ang kinaroroonan niya'y muli siya nitong hinila sa tubig sa pagkabigla niya. Nawalan siya ng panimbang at napasandal sa dibdib ng binata. Hinapit siya nito sa likod at dinala sa mas malalim na parte ng pool.
Narinig ni Andrea ang sunod sunod na katok kinabukasan. Kahit dinadala siya ng pinaghalong antok at pagod ay napilitan pa rin siyang buksan ang pinto. Si Margarita ay tumuloy sa loob ng kwarto niya."Maaga tayong pupunta ng Puerto Princesa, Andrea." Nang hindi sinasadyang mapatingin ang ina ni Anthony sa kama na may bakas sa nangyari kagabi. Pinanlamigan siya ng buong katawan sa kahihiyan at lahat yata ng dugo sa katawan nya'y napunta sa ulo niya. Napatingin sa kanya ang ginang kaya nagyuko siya ng paningin.
Isang navy blue Nike tshirt at puting short ang isinuot ni Andrea na sinipat pa ang sarili sa salamin bago bumaba sa hardin. Masaya siyang tila maghapon niyang makakasama si Anthony ngayon dahil wala itong binanggit na aalis ito. Gusto niyang isiping tuluyan nang nawala ang pagkailang sa kanilang dalawa at umaasa siyang tuluyan na silang magkakaayos.Naabutan niya itong kausap ang ilang tauhan sa may hardin na kaagad namang ngumiti nang makita siyang paparating.
Si Anthony ay nakatanaw lang kay Andrea mula sa balkonahe. Hindi niya maipaliwanag ang nakita nitong lungkot at galit sa mata ng dalaga kanina bago ito lumabas ng silid. He cursed himself for being arrogant and selfish. Ipinagkaloob ni Andrea ang sarili sa kanya kahit wala siyang ipinangakong kahit na ano. Ngayon ay nag-iisa ito sa dilim at malamig sa labas. Pero alam niyang kahit babaan niya ito'y hindi rin naman siya kakausapin ni Andrea. Bukas ay kakausapin niya ang ina tungkol sa mga lumabas na balita.Kinabukasan ay tangh
Alas otso ng gabi ng naisin ni Andrea na maghanap ng coffee shop na malapit sa tinutuluyang hotel. Kung ang iba'y hindi nakakatulog kapag nagkakape, sa kanya ay baligtad. Coffee soothes her nerves when tensed or confused. At lalo kapag hindi siya dalawin ng antok.Luckily ay may starbucks siyang nakita doon. Mangilan-ngilan lang ang tao na halos nakasubsob lahat sa laptop o teleponong hawak. Nakasuot siya ng jacket na may hood, at salaming wala namang grado. Dumeretso siya sa counter at umorder pagkatapos ay naghanap ng pwesto
Tanghali na ay wala pang balita si Anthony kung nasaan na si Andrea. O kung pabalik na ba ito. Gusto niyang liparin ang Puerto Princesa pero paano kung nasa daan na ito pabalik ng Dumaran?Damn, Andrea, why are making this hard for both of us?In desperat
Pagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.
Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.
Kinabukasan ay maaga sila sa clinic ng OB-Gyne na kaibigan ng mga Falcon. Sa hapon ay nasa hotel naman sila para asikasuhin ang kasal. May meeting din itong pinuntahan na kasama siya. Habang pauwi sila ay nakita niyang tumatawag sa telepono nito si Maddox. Agad niyang iniwas ang mata."Yes, honey?" sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "No, I can't tonight," wika pa nito na kung para saan ay hindi niya alam. "I'll be there tomorrow morning."
Nakatitig si Andrea kay Anthony habang ang huli ay nasa balcony at tinatanaw ang matatayog na mga gusali sa lungsod. Nang lumingon ito'y agad naman niyang iniwas ang tingin."Come here," wika nito saka iniabot ang kamay. Lumapit naman siya at hinawakan ang nakalahad nitong kamay. Iniyakap ni Anthony ang braso nito sa kanya. "Why were you staring at me?" tanong nito.
"Why, Andrea?" mahina pa rin ang boses nito nang magtanong. "Hindi mo gustong ipaalam sa akin ang ipinagbubuntis mo? Wala ba akong karapatang malaman?"Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan dahil sa kawalan ng isasagot. "You don't want me..." halos pabulong niyang wika."Don't want yo
"Hindi ba iyon makakasagabal sa kontrata ni Miss Andrea kung ikakasal kayo?" tanong ng isang reporter."Her manager and I are settling the issues," kampanteng wika ni Anthony. "May mg endorsements si Andrea na ako na ang makakapareha niya. I don't think that our wedding would be a problem.""Per
Nagising si Andrea na kumakalam ang sikmura. Nakayakap pa rin sa baywang niya ang braso ni Anthony at masarap pa ang tulog nito. Alas dies na ng umaga.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito saka tumayo at nagtungo sa kusina para lamnan ang tyan ng sandwich na inihanda ni
"Hindi mo kailangang um-attend sa interview sa akin, Anthony," mahina niyang wika."Nasabi ko na sa manager mo na sasamahan kita. Kumain ka na ba?" masuyo nitong tanong na nagtungo sa kusina at binuksan ang ref."Marami kang trabaho sa hacienda, hindi kita gustong abalahin."
Wala pang isang oras ay kumatok na ang manager niya sa pinto na ikinagulat niya. Ni hindi pa siya nakaka-recover sa pag-uusap nila kanina. At ngayong umaga ay tila hinahalukay ang tyan niya. Ipinagpaliban muna niya ang pagkain para hindi madagdagan ang nararamdamang bigat sa tyan."Nakapag-usap na ba kayo ni Anthony kung ano ang idadahilan niyo sa pagkansela ng inanunsiyo niyong kasal?"