Kinabukasan alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Hailey dahil kailangan niya pang mag review para sa gaganapin nilang examination mamayang alas nwebe. Nang dahil sa problema na iniisip niya kagabi ay hindi niya na nagawa pang mag aral.
Kinuha niya ang kanyang libro at binitbit ito papalabas ng kwarto, nadatnan niya ang kaibigan na tulog na tulog pa rin sa sala. Maingat niyang inilapag ang mga libro na dala sa sofa para hindi makagawa ng ingay, ayaw niya naman magising ang kaibigan. Dahan dahan niya itong nilapitan at kinuha ang kumot na nahulog at ikinumot sa dalaga.
Pagkatapos ay dumiretso na siya ng kusina at nagsimula ng magluto ng agahan nila, mabilis lang naman itong natapos dahil hotdog, bacon at pancakes lang naman ang niluto niya. Inihain niya ito sa lamesa at ng matapos siya ay magtimplauna siya ng kape bago magsimulang kumain. Ilang minuto lang nagtagal ang kanyang pagkain dahil na din siguro sa pagmamadali dahil kailangan niya pang mag aral, hindi siya pwedeng bumagsak dahil mawawala ang pagiging schoolar niya. Iniligpit niya muna ang kanyang pinagkainan at mabilis na nagtungo sa sala dala ang kanyang kape. Inilapag niya sa maliit na mesa ang tasa na may lamang kape at umupo sa bakanteng sofa, mabilis niyang kinuha ang libro at nagsimula ng magreview.
Halos dalawang oras din ang ginugulo niya sa pag aaral, pagpatak ng alas syete trenta ay niligpit niya na ang kanyang mga libro at pumasok na sa kanyang kwarto at inayos ang kanyang mga gamit at saka pumasok ng cr para maligo. Halos kalahati ng oras din ang lumipas bago siya nakapag ayos ng sarili. Nang tumingin siya sa orasan ay nakita niyang mag aalas otso ng ng umaga kaya kailangan niya ng umalis.
Paglabas niya ng kwarto ay tulog na tulog pa rin ang kanyang kaibigan, mukhang nagpuyat na naman ito kakapanood ng k-drama kaya napailing na lang siya, nag iwan siya ng note sa kusina para rito at nagpasyang umalis na.
Nang makalabas siya ng apartment ay nagsimula na siyang maglakad papuntang sakayan ng jeep, malapit lang din ito sa kanyang tinutuluyan kaya hindi siya gaanong nahihirapan, makalipas ang limang minuto na paglalakad at nakarating din siya at saktong may papaalis na jeep kaya agad na siyang sumakay dito para hindi malate.
Saktong alas otso-trenta ng dumating siya sa University na pinapasukan, pagpasok niya pa lang ay bumungad na sa kanya ang mga estudyante na nakakalat sa loob, merong busy sa pag aaral, meron naman na busy sa pagkwekwentuhan sa mga kaibigan at meron din naman na parang wala lang pakialam kahit na exam pa. Hindi niya na lang binigyang pansin ang mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang silid nila.
Kung tatanungin niyo kung nag aaral ang kanyang matalik na kaibigan na si Jade? Ang sagot ay oo, nag aaral ito sa isang mamahaling unibersidad at wala itong pasok ngayong araw kung kaya ay nasa kanyang apartment.
Nang nasa harap na siya ng pintuan ay wala siyang ingay na naririnig mula sa loob, mukhang seryosong nag aaral ang mga kaklase siya. Pumasok na lamang siya at umupo sa kanyang silya para maghintay na kanilang professor. Hindi din nagtagal ay dumating na rin ito insaktong alas nwebe at mag simula na nga ang kanilang pagsusulit.
Halos tatlong oras din ang lumipas ng natapos ang eksaminasyon nila Hailey, mabuti na lamang at halos lahat ng nireview niya ang lumabas dahil kung hindi tiyak na babagsak ito. Pagkalabas ng kanilang professor ay sumunod na rin ang iba pa niyang mga kaklase.
Inayos naman ni Hailey ang kanyang gamit sa bag bago lumabas ng kanilang silid, mag aalas dose na din ng tanghali at kailangan niya ng pumunta sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Hindi naman kalayuan 'yon sa kanya University at doon na din siya kumakain dahil libre din naman.
Mag aalas dose-trenta na ng tanghali ng dumating siya sa restaurant, agad siyang dumiretso sa locker para ilagay ang kanyang bag at nagbihis ng kanilang uniporme bilang waitress. Agad siyang pumunta sa kusina para kumain muna ng tanghalian bago magsimulang magtrabaho.
"Oy ang aga mo ah, wala pa namang ala una." bungad ng isa nilamg chief.
"Wala na naman kasi akong gagawin sa University kaya pumunta na lang ako kaagad dito." sagot niya
"Oh siya, kumain kana diyan." saad nito at bumalik nasa kanyang ginagawa
Kumuha naman agad ng pagkain si Hailey para kumain na at makapagsimulang magtrabaho. Maswerte na lang siya dahil libre ang pagkain dito kaya kahit papaano nakakadagdag tipid iyon sa kanyang pang araw araw, hindi naman sa mahirap siya, may pera din naman siya sa savings niya pero ayaw niya itong galawin dahil bigay ito sa kanya ng mga magulang at simula nung umalis siya sa puder ng mga ito ay hindi niya tinangkang galawin ito, para walang masabi ang mga ito sa kanya.
Pagkatapos niyang kumain ay nag ayos na siya para makapagtrabaho.
"Ley, ikaw na kumuha ng order ng number 23." wika ng isa niyang kasamahan.
Agad naman siyang tumango at naglakad papunta sa table ng costumer. Nakita niya ang isang lalaki na may kausap na isa pang lalaki, hindi niya makita ang itsura dahil nakatalikod ito sa kung saan siya.
Nang makalapit na siya sa mga ito ay, "Hi excuse me, goodafternoon Sir, may I take your order?" aniya habang nakangiti.
"Killian nakapili kana ba ng kakainin mo? Para makaorder na tayo habang pinag uusapan ang business proposal." tanong ng lalaki sa kausap
Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ni Hailey ng marinig ang sinabi ng lalaki. Napatingin siya gilid niya at halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makitang si Killian na mataman ding nakatingin sa kanya habang nakangisi.
Napalunok siya ng sunod sunod. 'Jusko! Bakit pati ngayong araw makikita ko ang pagmumukha ng lalaking ito, ano bang kasalanan ang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito.'- isip niya
Ibinalik niya na lang ang tingin niya sa lalaking una niyang nakausap para maiwasan ang tingin na ibinibigay sa kanya ng binata.
"Can I have one rice and one of your best seller seafood, one vegetable salad and a pineapple juice." biglang turan ni Killian na agad din naman niyang sinulat ng hindi ito tinitingnan.
"How about you Sir?" tanong nito sa isang kasama ni Killian
"One beer stick, one rice, one slice of red velvet cake and one soda please." sagot naman nito
"Thank you Sir." aniya ni Hailey at aalis na sana ng biglang magsalita si Killian na ikinatigil niya
"Is that how you treat your costumer here?" biglang salita ulit ni Killian
Napatingin naman ang dalaga sa kanya na parang nagtatanong.
"Next time pagkumausap ka ng costumer show your respect to them, huwag 'yong hindi ka nakatingin sa kumakausap sayo. Don't act stupid, woman!" madiin na saad nito
Halos mapayuko siya dahil sa hiya na nararamdaman, mabuti na lamang at hindi kalakasan ang pagkakasabi nito at tanging silang tatlo lang ang nakakarinig.
"Hey man, chill! Huwag mo naman ipahiya si Ms. Beautiful." tapik sa kanya ng kasama na mukhang kaibigan niya.
Bumaling naman ito kanya pagkatapos. "You can go now Miss." anas nito at tumango naman siya at umalis na para kunin ang inorder ng mga ito.
Hindi din naman nagtagal at nahanda na ang mga pagkain na inorder ng mga ito, hindi na nakakapagtaka kung bakit mabilis ang pagluto at pag aayos sa mga ito dahil parehong bilyonaryo ang costumer at maliban pa doon ay pamangken ng may ari nito si Killian.
Pinakisuyo ni Hailey sa isa niyang kasamahan na waitress na siya na lang ang maghatid ng order ng mga ito, nagtataka man ang kasamahan niya ay hindi na ito nagtanong dahil mukhang excited din naman ito na makita ng harap harapan ang costumer nila.
Uno/Premiere POV Habang kumakain sila at hindi niya mapigilan na tanungin ang kaibigan dahil sa kanyang nasaksihan kanina. They are rivals in all aspects pero hindi magbabago na matalik na kaibigan niya si Killian at Vaugh. "What's with the scene?" He spoke Napahinto naman sa pagkain si Killian at tumingin dito na parang nagtatanong kung ano ang kanyang ibig sabihin. "Com'on KB you know what I mean." dagdag usisa nito "It's non of your business Premiere stop asking me." asik nito na ikinatawa naman ng kaibigan "Sounds interesting." bulalas nito "And what do you mean by that?" Killian asked "Nah ah! Nakakapanibago lang kasi, na parang mainit ang ulo mo sa babaeng yun. Maganda naman siya at mukhang mabait pero kung tratuhin mo dinaig pa may malaking kasalanan sa iyo." pagpapaliwanag ng kaibigan "Just finish your foods so that we can continue the proposal! Hindi yung kung ano ano pinagsasabi mo na wala namang kwent
Ilang beses ng pabalik balik ang dalagang si Hailey sa kanyang kwarto, mabuti na lang at wala siyang pasok at day off niya naman sa trabaho. Hindi siya magkandaugaga dahil ito na ang araw na sinabi ni Killian na kailangan niyang magbayad dito pero wala pa siyang sapat na pera.Iniisip niya na paano kung takasan niya na lang ito, pero alam niyang hindi niya 'yon pwedeng gawin dahil mahahanap at mahahanap lang siya nito. Ano nga ba ang magagawa niya.Ilang oras pa ang nakalipas bago niya napagpasyahan na harapin si Killian at kausapin, hihingi siya na palugit dito dahil wala naman siyang iba lang choice. Sana lang ay maging mabait ito sa kanya ulit gaya nung una nilang pagkikita.Agad na nag ayos si Hailey para napuntahan na agad ang binata, alam niyang nasa opisina ito dahil martes pa lang kaya doon na lang siya didiretso. Bago pa siya umalis sa kanyang tinutuluyan ay nagpadala muna ito ng mensahe sa kanyang kaibigan na sa hapon na lang sila magkita dahil m
Inis na inis si Hailey habang nakaupo pa rin sa upuan ng opisina ni Killian, habang ang binata naman ay halatang tuwang tuwa dahil sa nakikitang itsura ng dalaga.Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Hailey na babawiin ng binata ang sinabi nito pero ilang minuto ang nakalilipas ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya.Habang ang binatang si Killian naman ay labi ang saya na nararamdaman dahil sa nakikitang reaksyon sa dalaga, alam niya no'ng una pa lang na hindi niya agad mapapapayaga ito pero dahil sa matalino siya ay gagamitin niya ang nalaman niya tungkol sa dalaga kung sakaling hindi ito pumayag.Maya maya pa ay tumingin ito ng mataman kat Killian. "Seryoso kaba talaga sa sinasabi mo?" tanong nito sa binata"Do you think I am joking?" sagot naman ng binata"Bakit ako? Sa dinami dami ng babae riyan na yayain mong magpakasal, bakit ako pa? At paano kung hindi ako pumayag?" seryosong tanong ni Hailey"It's none of your business! Take
Killian POVNang makalabas si Hailey ay mabilis ko itong sinundan, akala niya gano'n na lang lahat. Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan siya. At saktong nasa elevator pa lang siya kaya pinigil ko ang pagsara nito.Magtatanong pa sana siya ng pumasok na ako at tumabi sa kanya. Habang siya naman ay mataman na nakatingin sa akin."A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya"Hindi porket nakapirma kana ng kontrata ay ayos na ang lahat," sabi ko"What do you mean?" naguguluhang tanong nito"Sumama ka sa akin." maiksing saad ko"What? At bakit naman ako sasama sa'yo? Tapos na ang usapan natin at sa pagkakatandan ko wala naman na dapat tayong pag usapan.""Magpapakasal tayo ngayon din. Pinahanda ko na ang lahat sa abogado ko at ninong kung judge," anas ko sa kanya na ikinagulat naman niya"Ano?? Ikakasal ngayon? Seryoso kaba? Hindi nga ako nakaayos tapos sasabihin mong magpapakasal ngayon?"Tiningnan ko naman
Jade POVIlang beses na akong tumingin sa orasan ko dahil hanggang ngayon ay wala pa ang kaibigan ko. Kanina pa ako nandito sa cafe at ang sabi niya ay hapon na kami magkita dahil may importante siyang pupuntahan, pero mag aalas trese na at wala pa rin siya.Kinuha ko ang telepono ko sa aking bag para tawagan siya, mahirap na baka hindi ako siputin ni Hailey masasabunutan ko talaga siya.Tinawagan ko na siya at nakatatlong ring lang ay sinagot niya naman ka agad."Hoy babae, nasaan kana? Alam mo bang ilang oras na akong nahhihintay rito?" bungad ko pagkasagot nito ng tawag."Malapit na ako huwag kang magmadali diyan. Sinabi ko na sa'yo kanina na huwag kang pumunta ng maaga," sagot niya sa akin"Excuse me? Mag aalas tres na kaya baka hindi mo alam. Hapon na!" iritang turan ko. Minsan talaga nakakainis din itong bestfriend ko."Ito na nga pababa ng ng taxi. Masyadong mainit ang ulo mo. Babye na!" wika nito at ibinaba ang tawagAn
Kinabukasan ay maagang nagising si Hailey kahit na inaantok pa ito dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa kanila ng binatang si Killian oras na magsama na sila sa iisang bahay.Ilang beses niya pang inikot ang kanyang mga mata para masiguradong wala na siyang naiwan pa sa gamit niya, nalulungkot siyang isipin na iiwan niya na ang kanyang apartment pero kahit na gano'n ay hindi niya naman tuluyan itong lilisanin. Nagpaalam lang siya sa may ari na uuwi lang siya sa kanyang kamag anak laya huwag niyang paupahan sa iba dahil patuloy niya pa rin itong babayaran kahit na hindi siya dito uuwi muna pansamantala.Nasa malalim siyang pag iisip ng marinig niya ang bosena ng isang sasakyan na nanggaling sa labas kaya dali dali siyang pumunta sa binata para silipin kung sino 'yon. Nang makita niya kung kanino kotse 'yon ay pumunta na siya sa pinto para pagbuksan ang taong nasa labas.Nakita niyang lumabas sa kotse si Killian kaya n
Simula ng tumira si Hailey sa bahay ni Killian ay naging maayos naman ang lahat, madalas gabi na kung umuwi ang binata dahil marami itong ginagawa sa opisina habang siya naman ay pumapasok at nagtatrabaho din sa restaurant. Nagkakaroon din ng oras na nakakausap niya ito pero madalas pa rin itong nagsusuplado pero hinahayaan niya na lang dahil likas naman na ito sa ugali ng binata. Ngayong araw ay wala itong pasok ay wala siyang pasok at day off niya rin sa trabaho kaya nagpasya siyang maglinis ng bahay at ayusin ang mga gamit, hapon na ng matapos si Hailey kaya naramdaman niya ang sobrang pagod. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng meryenda at kumain muna at ng matapos ito ay nagpasya siyang magluto ng hapunan, alam niyang maaga uuwi si Killian dahil nagsabi ito kanina no'ng bago ito umalis. Habang nagluluto siya ay nakarinig siya ng busina ng sasakyan senyales na nandiyan na ang binata. Agad siyang pumunta ng pinto para salubungin ito.
Killian POV Nang matapos ako sa pagreview ng mga papeles na sinend sa aking ng sekretarya ko ay nakaramdam ako ng gutom kaya napagpasyahan kung bumaba na lang para kumain. Nakita ko sa bintana ng kwarto na malakas ang ulan sa labas kahit wala namang bagyo. Nang makalabas ako sa kwarto ay napatingin ako sa kwarto ni Hailey hindi ko alam kung nasa loob naba siya o nando'n pa din sa baba, alam kung nasaktan ko siya sa sinabi ko kanina pero alam niya naman ang ugali ko at sinabi ko nasa kanya na huwag niyang gagalawin o babaguhin ang ayos ng mga gamit dito sa bahay pero sadyang matigas ang ulo niya. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina, nakita kung nakahanda na ang pagkain. Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi, madalas ganito si Hailey mahilig siyang tumambay sa kusina at hindi ko maipagkakailang masarap siya magluto. Nagsimula na akong kumain at hindi nga ako nagkamali masarap talaga ang luto niya kaya naparami ako ng kain, madalas na rin akong kumai
Sabay sabay naman sila sa pagtayo ng may marinig na iyak ng isang bata na nanggagaling sa loob ng delivery room. Biglang naghalo na parang bola ang kaba na nararamdaman ni Killian kanina at nakahinga na siya ng maluwag. Hindi niya mapigilan ang mapayakap sa katabing si Premiere dahil sa sobrang saya na nararamdaman. "Stop hugging me bro." biro naman ng kaibigan. Masaya silang magkakaibigan pero alam nila na mas nangingibabaw ang kasiyahan na nararamdamn ni Killian, alam nilang hindi nito nasaksihan ang panganganak ni Hailey sa kanilang panganay na si Kian kaya gano'n na lang ang labis na saya na nararamdaman nito ngayon. Bumukas naman ang pinto ng delivery room at lumabas ang doctor kaya mabilis na lumapit sa kanya si Killian. "Kamusta ang mag ina ko doc.?" tanong niya dito. Malapad na ngiti naman ang iginawad ng doctor sa kanya. "They are both safe Mr, Neilsen you don't need to worry. Congratulations to your new baby girl and you can see the booth of
Naging masaya ang buhay ni Hailey at at nagpakasal silang muli ni Killian, simple lang ang naging kasal nila dahil na din sa kagustuhan ng dalaga dahil ayaw niya ng masyadong magarbo dahil para sa sa kanya ay sapat ng nandiyan ang kanilang mga magulang at mga kaibigan. Naalala niya pa ang naging pag uusap nila ni Gian ilang araw bago ginanap ang kanilang kasal, humingi ito ng tawad sa kanilang mag asawa sa maling nagawa at nangako na hindi na nito uulitin sadyang mahal niya lang ang kanyang kapatid kaya pinili niyang maghiganti kay Killian dahil sa pananakit nito kahit ang totoo naman ay si Chandria ang nang iwan sa binata. Hindi akalain ni Gian na ang plano niyang paghihiganti lang ay hahantong sa puntong nahulog na ng tuluyan ang loob niya kay Hailey at minahal niya ito ang kaso ay hindi na pwede dahil kasal ito kay Killian at dahil mabait si Hailey ay pinatawad niya ito at gano'n din si Killian. "Baby bilhan mo naman ako ng mangga." anas ni Hailey ka
Hailey POVNagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko, hindi ko na katabi si Killian kaya mukhang siya ang nagbukas ng binata. Hindi man lang ako ginising. Nakakainis talaga minsan ang lalaking 'yon.Bumangon na lang ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Baka nasa baba na ang asawa k ko kasama ang anak namin dahil wala naman siyang pasok sa kompanya ngayon, pero hindi ko inaasahan na maaga siyang magiging lalo na't palaging late naman itong magising kapag sabado at linggo.Na matapos na akong maligo at nakapagbihis na din ay lumabas na ako ng kwarto para hanapin ang mag ama ko, pero halos maikot ko na ang buong bahay ay wala akong nakita na kahit isa man lang sa kanila. Nasaan na kaya ang mga 'yon?Nadatnan ko ang yaya ni Kian na nagdidilig ng halaman, nagtaka ako dahil ang alam ko ay dapat ang anak ko lang ang bantayan niya pero bakit nandito siya sa bahay pero wala naman si Kian.Lumapit ako sa kanya at napatingin naman ito sa
Hailey POVKasalukuyan na kaming nasa kwarto ng asawa ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa bawat titig na ibinibigay sa akin ni Killian. Napapakagat ako sa labi ko para maitago ang kabang nararamdaman ko.Suddenly Killian held me closer to him, magsasalita pa sana ako ng bigla niya na akong hinalikan sa labi, pakiramdam ko ay malulunod ako sa halik na iginagawad sa akin ng asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko, hindi naman bago sa akin ang ganitong bagay dahil ilang beses na din namin itong nagawa at may anak na din kami."Hmmmm!" mas lalo kung naramdaman ang paglalim ng mga halik niya sa akin, ipinasok niya sa bibig ko ang kanyang dila ng hindi ko man lang namamalayan.Habang ang kanyang mga kamay ay unti unti ng naglalakbay sa loob ng suot kung damit. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ng dahil dito, nakakaramdam na din ako ng init sa bawat paghimas ng asawa ko sa aking katawa
Hailey POVSimula ng unti unti ng naging maayos ang kalagayan ko ay bumalik na din ang sigla ng pamilyang meron kami. Nagkaayos na din kami ng asawa ko, no'ng gabing nakita ko siyang umiiyak sa loob ng banyo ay nasaktan ako. Alam kung sobrang hirap ng pinagdaanan niya simula ng ma hospital kami ni Kian.Hanga ako sa asawa ko dahil kahit na alam kung nahihirapan at napapagod siya ay hindi siya sumuko hanggang sa maging maayos ng tuluyan ang pamilya namin. Alam ko na din ang lahat ng tungkol kay Gian, napag usapan namin ni Killian na palampasin na lang ang nangyari at huwag ng magsampa ng kaso. Naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n siya dahil sa kapatid niyang nasaktan.Sa mga magulang ko naman ay nagkausap na din kami, humingi sila ng tawag lalo na si Daddy sa nagawa niyang paglayo sa aming mag ina kay Killian. Nagkaayos na din sila ng asawa ko no'ng mga panahong hindi pa ako okay. Madalas na din nila hiramin si Kian dahil namimiss nila ang anak ko, sa
Killian POVGabi na ng makauwi ang mga kaibigan namin at ngayon ay dalawa na lang kami ng asawa ko ang natitira dito sa baba dahil kanina pa naiakyat si Kian ng kanyang yaya, kumuha ako ng mag aalaga sa anak ko para hindi na mahirapan pa si Hailey kapag gumaling na siya.Pagtingin ko sa oras ay malapit na mag alas nwebe kaya tumayo na ako. "Baby akyat na tayo sa taas para makapagpahinga na. It's getting late." ani ko kay Hailey at pinatay na ang tv.Binuhat ko na lang siya paakyat at iniwan ang wheelchair sa baba, okay naman ang mga binti niya pero hindi pa siya nakakalakad ng maayos katulad ng dati. Pagpasok namin sa kwarto ay inihiga ko na siya sa kama at nilagyan ng kumot."Matulog kana para makapag pahinga kana ng maayos." anas ko at hinalikan siya sa pisngi.Agad niya namang ipinikit ang kanyang mga mata habang ako naman ay humiga na sa tabi niya. Hinintay ko muna siyang makatulog ng tuluyan bago pumikit.Sa kalagitnaan ng tulog k
Killian POV Isang linggo na ang lumipas ng makalabas ng hospital ang anak at asawa ko, kagaya ng sabi ng doctor ay magaling na si Kian maliban sa asawa ko na hanggang ngayon ay may mga benda pa din at kailangan niyang mag wheelchair. Wala namang nagbago, bumalik na ang dating sigla ng anak ko kaya mas naging panatag ako. Maliban na lang sa asawa ko na naging tahimik at minsan na lang umimik, madalas din siyang tulala at kapag kinakausap ko siya ay tanging tango o iling lang ang sinasagot niya. Noong mga unang araw namin dito sa bahay ay madalas ko siyang nakikitang umiiyak at palaging nananaginip tuwing gabi na sinisisi niya sarili niya at galit daw ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa para sa asawa ko dahil sa nangyayari, hindi ko lubusan nakakaramdam ng saya dahil pakiramdam ko ay hindi pa din maayos ang pamilya ko. At sa mga magulang niya naman ay ilang beses na din silang bumisita dito, kinausap na din nila si Gian at humingi ito ng tawad
Hailey POVNandito pa rin ako ngayon sa hospital at nagbabantay sa anak ko, kasama ko ngayon si Vaugh dahil wala naman daw siyang gagawin kaya dito niya na lang naisipan na tumambay. Kakaalis lang ni Killian dahil pupunta ito sa opisina.Habang nagbabalat ako ng mansanas ay napansin ko na naiwan niya ang isang folder kaya mabilis ko itong kinuha para ihabol sa kanya, mukhang hindi pa naman siya nakakalayo dahil wala pa isang minuto siyang nakaalis."Vaugh, ikaw na muna magbantay dito ha? Saglit lang ako ihahabol ko lang ito kay Killian baka kasi kailangan niya." paalam ko dito.Tumango lang ito at mabilis na akong lumabas. At dahil wala pang available na elevator dahil puro lahat paakyat ay naghagdan na lang ako, sinubukan ko pang tawagan ang asawa ko pero hindi naman ito sumasagot. Ang ginawa ko ay dumaan na lang ako sa hagdan para maabutan pa siya.At dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang basang sahig sa hagdan dahilan para mad
Killian POVNagmadali akong umalis sa hospital, ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako pupunta sa opisina kung hindi ay kikitain ko ang binayaran ko para mag imbestiga at ngayon ay nandito ako sa harap ng bahay ng mga magulang ni Hailey, bago ako pumunta dito ay nakipagkita muna ako sa imbestigador na binayaran ko at alam ko na ang totoo.Kanina pa ako kating kati na puntahan ang lalaking 'yon pero kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan namin ng mga magulang ng asawa ko. Kahit naman na hindi kami ngayon okay ni Hailey ay hindi naman ibig sabihin no'n ay hahayaan ko na lang ang lahat.Dalawang beses ko lang pinindot ang door bell at agad itong nagbukas, binati pa ako ng katulong nila dahil kilala naman na nila ako pero naglakad lang ako diretso sa loob."Nasaan sila Mama at Papa?" tanong ko."Nasa sala po sila sir Killian."Agad naman akong naglakad papunta kung nasaan sila at nakita ko ang mga ito na nag uusap. Natigil lang sila