Chapter 1
Mireya's POV “Good day, Teacher. Good day, Classmates. See you tomorrow.” Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang mga estudyante ko na nililingon ang isa’t isa habang bumabati. “Wait for your parents muna sa gate bago kayo umalis, okay?” Ngumiti pa ako sa mga ito kaya sunod-sunod ang tango nila. Panigurado kasing tatambay muna ang mga ito sa playground dito sa school bago sila magsisi-uwi. Doon na nila hihintayin ang kani-kanilang sundo. May mga guard naman at masiyado namang magiging okupado ang mga isip nila sa paglalaro. Dito rin nag-aaral ang anak ni Senator Del Juan kaya may pailan-ilan ding nakakalat na gwardiya niya. Public lang ang school dito ngunit dahil kilala si Senator sa pagiging humble, halos lahat ng kaniyang anak ay rito nagtapos ng elemetarya. I’m Grade 1 teacher right now at estudyante ko rin ang anak nitong si Miguel. Kaya kompletong-kompleto rin talaga ang lahat ng facilities at gamit na mayroon dito. Dahil na rin sa madalas niyang pag-sponsor. Some of the elementary teachers want to come here dahil sulit na sulit ang bayad. “Hi, Ma’am,” bati ni Sir Deo, isa sa mga co-teachers ko rito. Tipid ko lang siyang nginitian at hindi na rin nilapitan pa dahil alam ko namang bandang huli’y wala rin itong importanteng sasabihin. “May kasabay ka bang umuwi, Ma’am?” tanong pa niya sa akin. “Meron, Sir. Ako ang kasabay niyan,” anang isa sa mga kaibigan kong guro na agad na lumapit sa akin. That’s Hyacinth, my bestfriend since college. Wala namang nagawa si Sir Deo kung hindi ang mapakamot ng ulo at umalis sa classroom ko. Hyacinth on the other hand sit casually on one of my pupils’ sit. “Beh! Hindi ako makakasabay today. Monthsary namin ng jowa ko, Girl. Alam mo naman, need din ng kaharutan this day dahil sa sobrang daming tinatapos!” aniya kaya natawa naman ako bago napatango. “It’s fine. Just call me kung nakauwi ka na. Baka kung saan ka na naman dalhin niyang nobyo mo,” ani sa kaniya kaya ngumiti lang siya sa akin bago tumango. “See you tomorrow, Mireya!” aniya bago kumaway. Isang ngiti lang ang pinakawalan ko bago siya hinayaang umalis. Palabas na sana ako nang makita ko ang notebook ng ilang estudyante ko. Punit-punit na ang sa ilan. Hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga dahil wala rin akong perang pambili kung sakali. Kinalkal ko lang ang ilang notebook na walang sulat mula sa mga estudyante ko dati. Naging abala ako sa pagtatagpi-tagpi niyon gamit ang ilang yarn na narito rin sa classroom. Nakagaqa ako ng limang notebook kaya napangiti na lang ano bago ipinangalan ‘yon sa ilang estuyante kong kapos talaga sa buhay. Hindi ko naman na namalayan ang oras at hindi napansin na madilim na pala. Nag-inat-inat lang ako bago tumayo sa pagkakaupo ko. Wala na ang mga bata nang makalabas ako. Natigilan lang ako sa paglalakad nang makarinig ng iyak mula sa playground. Imbes na matakot ay agad akong nagtungo roon sa ideyang may batang hindi pa nasusundo ng kaniyang magulang. Hindi ko agad nakita ang bata dahil nakatago ito sa bahay-bahayan sa loob. “Miguel!” Agad na napaawang ang mga labi ko nang makita ko siya. “Anong ginagawa mo riyan, Miguel?” tanong ko sa kaniya. “Teacher…” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak ngayon. “Someone lock me here po…” aniya na hindi pa rin humihinto sa kaiiyak ngayon. “Shh… don’t cry… Teacher Reya is here…” ani ko na nginitian pa siya. Patuloy lang ito sa paghagulgol kaya naman hinaplos ko lang ang kaniyang buhok. “Where’s your body guard and your Yaya?” tanong ko sa kaniya. Mas lalo lang siyang naiyak dahil do’n kaya naman ginulo ko lang ang buhok niya. “They left me…” aniya pa kaya hinawakan ko na ang kamay niya. Balak na ihatid na lang ito sa kanilang bahay dahil hindi rin sumasagot ang Yaya niya sa tawag ko. “Oh, Ma’am, nandiyan pa po pala kayo?” tanong sa akin ng guard dito sa school. “Ah, opo.” Alanganin lang akong ngumiti dahil hindi ko pa rin napapatahan si Miguel. Nag-abang lang kami nang masasakyan sa sakayan nang mahinto ako dahil may tumapat na van sa harap namin. Napaawang lang ang aking labi lalo na nang bigla na lang nilang hinila papasok si Miguel. Hindi agad ako nakapagsalita subalit agad ko ring hinawakan ang kamay ng isang humila rito. Nakapagtataka ring bigla na lang tumahimik si Miguel at wala ng iyak na maririnig dito. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko at ramdam na ramdam din ang dagundong ng tibok ng puso. Takot na kung ano ang ginawa nila sa bata. “Sino kayo?” malakas kong sigaw na hindi pa rin binibitawan ang lalaki. Pilit naman akong tinutulak nito. I was taekwando player when I was in high school kaya nagawa kong labanan ang lalaki subalit may isa pang lalaki ang tumulong dito. Mga armadong lalaki. Itinutok ng isa sa akin ang baril baho ako nagawang sipain ng isa. Nang tuluyang bumagsak. Hindi ko hinayaan na makaalis ito. Agad kong hinawakan ang kaniyang binti. Baka kung anong mangyari kay Miguel! “Tonta! Ang tagal niyo!” malakas na sigaw ng nasa loob. “Dakpin niyo na rin ‘yan! Papatayin tayo ni Boss!” Isang tinig pa ulit ang sumigaw mula roon. Sa inis ng lalaki’y kinaladkad niya lang ako papasok sa loob ng van bago niya tinali ang kamay at paa ko. Nakatutok pa ang isang baril sa aking tagiliran. Agad na ring pinaharurot ng lalaki ang sasakyan. Nahinto lang ako nang tuluyang mapagmasdan ang paligid. Hindi ko alam kung van ba talaga ito dahil mukha siyang palaruan. Napakaraming laruan at mayroon pang pool na punong-puno ng mga bola. Napakagat lang ako sa aking labi habang pinagmamasdan si Miguel na nalilibang na nag-dadive sa maliit na swimming pool na ‘yon. “Teacher, look at me!” Alanganin lang akong ngumiti sa kaniya at tinago ang pagkakatali sa aking mga kamay. Nagkunwari lang akong nakikipag-usap kay Miguel habang pinakikinggan ang mga nakamaskara. “Nakuha na po namin, Boss, pero—” Hindi natuloy ng isa ang kaniyang sasabihin. “Opo, Boss. Papunta na ho. Tiba-tiba tayo nito kay Senator, Boss.” Humalakhak pa ang lalaki ngunit agad ding natahimik at mukhang may sinabi ang kaniyang kausap. Hindi ko naman na silang napigilan pang tignan lalo na’t mukhang hindi sila tauhan ni Mayor. “Sino kayo?” mariin na tanong ko sa mga lalaking nakamaskara nang pang-clown. Hindi naman sila nagsalita. Mukhang wala rin talagang balak na pansinin ako. Isang masamang tingin lang ang pinakawalan mo. “Tell me, kalaban kayo ni Senator?” tanong ko na walang balak tantanan ang mga ito hangga’t hindi sila nagsasalita. “If you’re senator’s enemy, you don’t have to use the kid.” I don’t know if they are good or not. Who can even tell that, right? Look how they change the atmosphere in this van. “Ano ba? Manahimik ka na lang kaya, Miss?” tanong nito. Wala akong balak na gawin ‘yon lalo na’t alam kong buhay ng bata ang kapalit ng lahat ng ‘to. Agad pang napaawang ang labi ko nang maramdaman ang pagdiin niya ng baril sa tagiliran ko. “Isa pang salita, siguraduhin mong ‘yon na ang huling habilin mo,” aniya sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at isang masamang tingin pa rin ang ibinigay ko. “Piringan mo!” sabi ng isang lalakinat nagtulakan pa sila. “Anong ginagawa niyo?!” malakas kong sigaw nang makitang tinakpan nila ang bibig ni Miguel at unti-unti itong napapikit. Hindi na rin ako nakasigaw pa lalo na nang unti-unti akong napapikit dahil tinapat din nila sa akin ‘yon. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, basta ang alam ko’y nagising na lang ako bigla sa isang madilim na kwarto habang may posas at nakatali na ang paa ngayon. Napaawang ang labi ko nang tuluyan nang nagkaroon ng wisyo. Sinubukan kong manlaban ngunit wala akong lakas. “Bobo! Papunta na si Boss! Papatayin niya tayo! Nagdala ka pa ng isa pang isipin!” sigaw ng ilang lalaki kaya sinubukan kong tignan ngunit halos wala akong makita sa sobrang dilim. Tila mga bulto lang. “Tanga! Kung hindi mo ‘yan dinakip, isa pang magsusumbong! Edi ang plano naman natin ang napuryada! Mas lalo tayong papatayin ni Boss!” Napangiwi ako dahil wala atang balak tumahimik ang mga ito. “Si Boss na ang bahala riyan. Siya na ang papatay riyan! At ano bang malay mo kung sakaling may pakinabang pa?” tanong pa ng isa. Patuloy lang ako sa pakikinig sa mga ito ngunit hindi ko rin maiwasan ang iritasiyon sa akin. Para bang ang dali lang sa kanila ang pumatay na para bang normal lang sa usapan ng mga ito ang usapang ganoon. Napakuyom lang ako ng kamao nang unti-unting lumabas ang mga ito. Sinubukan kong pagmasdan ang paligid. Walang anumang bintana na paglalabasan. Isang pinto lang ang mayroon. Ilang minuto ang lumipas nang may pumasok na grupo rito sa loob. Hindi ko alam kung panibago ba o hindi ngunit nakumpirma ko na bago nga ‘yon nang magsalita ang mga ito. Halos masuka ako sa mga usapan ng mga ito. Umahon ang galit mula sa akin. “Ang legs niyon, ang sarap himas-himasin lalo na kapag kunwari ayaw pero ang totoo’y sarap na sarap naman talaga!” “Dapat sinama mo ako para tig-isang butas tayo! Lalo na’t hindi na ‘yon makakapanlaban!” natatawang saad ng isang lalaki. Panay ang halakhak nila roon. “Ayos lang ‘yan. Dito na lang tayo! Balita ko’y maganda ang naiuwi nina Herrera,” anang isang lalaki. Unti-unti silang lumapit sa akin. “Gising na!” anang isa nang apakan ako sa kamay at pinigilan ang maglikha mg ingay ngunit hindi ko rin nagawa dahil bahagyang ininda ang sakit. Nakatanggap pa ako ng sampal mula sa mga ito na para bang pinaglalaruan lang. Tila ba naiinip lang kaya nagawa akong saktan. Panay pa ang tawanan ng mga ito. Tila gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot. Panay rin ang ubo ko dahil sa usok mula sa mga ito. May asthma ako at swerte na lang talaga kung hindi ako mamatay rito. Hindi na ako makahinga dahil halos lahat sila’y mukhang nagsisigarilyo. “Baka puwede namang tikman ‘to. Wala pa naman si Boss.” Tumawa pa sila at isa-isang sumang-ayon. Kahit hindi na ako makahinga’y nagawa ko pa ring manlaban nang may magtangkang humawak sa akin. Kahit na nakatali’y nagawa ko pang kagatin ang kamay nito na ikinagalit nila. Sabunot at sampal ang natamasa ko sa mga ito. “Tangina niyo, Totoy! Parating na si Boss! Hindi na kayo natuto!” malakas na sigaw ng isang tinig na mukhang kakapasok lang. Pakiramdam ko’y bibigay na ang mga mata ko. Sa takot at sa hika. Hindi pa ako makagalaw sa aking kinauupuan sa takot at galit na nadarama. Mas masasahol pa ang mga ito sa hayop. Nangingilid ang luha ko ngunit itinago ko ‘yon sa maskara ng galit na nadarama. Nagawa ko pang sumipa muli ng isang beses kaya sasampalin pa sana ako ng lalaki ngunit agad nahinto nang may magpaputok ng baril. Patuloy lang ako sa paghahabol ng hininga. Kasabay ng pagliwanag ng buong lugar ang pagdating ng isang lalaki. My vision was too blurry for me to see the guys face. But I tried to look at him. He wasn’t looking at me but I can feel how intense his eyes is. Isang putok pa ng baril ang ginawa nito na naging dahilan kung bakit tuluyang umingay ang paligid at ang takot na namuo sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay.Chapter 2 Mireya’s POV“Uh…” Napatingin ako sa paligid nang magising. I was trying to say to myself that it’s just a dream but it wasn’t lalo na nang makitang nasa parehong kwarto lang ako. Ang kinaibahan lang ay maliwanag na ngayon ay mayroon na rin akong kumot. Wala na ang tali sa paa subalit naroon pa rin ang kamay. I was about to move nang makita ko ang isang taong papasok sa loob. Tinignan niya ako sandali bago nilapitan ang isang lalaking sa tingin ko’y bantay ko. Nakamasid lang ako. Hindi sumigaw o ano dahil paniguradong magsasayang lang ako ng tinig at sakit lang ng katawan ang aabutin. Lumabas na ang lalaking nagbabantay habang siya’y nakatingin sa ilang dokumento. “Are you one of senator's person?” tanong niya. He wasn’t looking at me. Hindi niya ba alam na you need to look at the person before talking to them? Hindi ko pinansin ang tanong nito. Baka hindi ako ang kaniyang kausap
PrologueMireya's POV“You still haven’t find him?” Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa imbestigador na pinsan ko. Si Kellan.“If I did, you’ll be the first one to know. Ano naman ang akala mo sa akin?” tanong niya na humalakhak pa bago siya humiga sa sofa ko.“I told you that you can’t come back here if you won’t be able to bring some information about them to me,” ani ko na walang balak na tigilan siya kung walang maibibigan na impormasiyon tungkol sa anak ko.“It’s been 4 years, Mireya. Kung gusto talagang ipakita sa ‘yo ng boyfriend mo, nariyan na sana ito. Nag-jowa ka nang makapangyarihan tapos ngayon ay nagrereklamo ka rito.” Humalakhak pa siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. “Hindi ko ‘yon nobyo!” “Bakit ka galit? Hindi mo nobyo pero nagkaanak kayo? Nice, huh?” May pang-aasar pa sa mukha niya habang tinitignan ako kaya hindi ko maiwasan ang iritasiyon sa kaniya. “Shut up! Just focus on finding my son. Get out.
Chapter 2 Mireya’s POV“Uh…” Napatingin ako sa paligid nang magising. I was trying to say to myself that it’s just a dream but it wasn’t lalo na nang makitang nasa parehong kwarto lang ako. Ang kinaibahan lang ay maliwanag na ngayon ay mayroon na rin akong kumot. Wala na ang tali sa paa subalit naroon pa rin ang kamay. I was about to move nang makita ko ang isang taong papasok sa loob. Tinignan niya ako sandali bago nilapitan ang isang lalaking sa tingin ko’y bantay ko. Nakamasid lang ako. Hindi sumigaw o ano dahil paniguradong magsasayang lang ako ng tinig at sakit lang ng katawan ang aabutin. Lumabas na ang lalaking nagbabantay habang siya’y nakatingin sa ilang dokumento. “Are you one of senator's person?” tanong niya. He wasn’t looking at me. Hindi niya ba alam na you need to look at the person before talking to them? Hindi ko pinansin ang tanong nito. Baka hindi ako ang kaniyang kausap
Chapter 1Mireya's POV“Good day, Teacher. Good day, Classmates. See you tomorrow.” Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang mga estudyante ko na nililingon ang isa’t isa habang bumabati. “Wait for your parents muna sa gate bago kayo umalis, okay?” Ngumiti pa ako sa mga ito kaya sunod-sunod ang tango nila. Panigurado kasing tatambay muna ang mga ito sa playground dito sa school bago sila magsisi-uwi. Doon na nila hihintayin ang kani-kanilang sundo. May mga guard naman at masiyado namang magiging okupado ang mga isip nila sa paglalaro.Dito rin nag-aaral ang anak ni Senator Del Juan kaya may pailan-ilan ding nakakalat na gwardiya niya. Public lang ang school dito ngunit dahil kilala si Senator sa pagiging humble, halos lahat ng kaniyang anak ay rito nagtapos ng elemetarya.
PrologueMireya's POV“You still haven’t find him?” Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa imbestigador na pinsan ko. Si Kellan.“If I did, you’ll be the first one to know. Ano naman ang akala mo sa akin?” tanong niya na humalakhak pa bago siya humiga sa sofa ko.“I told you that you can’t come back here if you won’t be able to bring some information about them to me,” ani ko na walang balak na tigilan siya kung walang maibibigan na impormasiyon tungkol sa anak ko.“It’s been 4 years, Mireya. Kung gusto talagang ipakita sa ‘yo ng boyfriend mo, nariyan na sana ito. Nag-jowa ka nang makapangyarihan tapos ngayon ay nagrereklamo ka rito.” Humalakhak pa siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. “Hindi ko ‘yon nobyo!” “Bakit ka galit? Hindi mo nobyo pero nagkaanak kayo? Nice, huh?” May pang-aasar pa sa mukha niya habang tinitignan ako kaya hindi ko maiwasan ang iritasiyon sa kaniya. “Shut up! Just focus on finding my son. Get out.