Hindi ako kaagad nakabawi nang marinig ang sinabi ni Luther. Sa kaniyang ipinapakitang tingin sa akin ay masasabi ko na hindi siya nagbibiro. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Wala akong maisip na maaaring sabihin kung hindi ang tawagin ang pangalan niya."L-Luther--""Here's your food, ma'am and sir. Mayroon po kaming free parfait for couples. Enjoy your meal!"Nagpasalamat na lang ako nang dumating ang waiter at inilagay sa aming harapan ang mga pagkain."Thank you," sabi ko sa waiter at nginitian ito. Nang makaalis at maiwan kaming muli na dalawa ay napatingin ako kay Luther nang kuhanin niya ang dalawang pinggan ng steak."Forget about what I said, Thaliana. Ayokong mailang ka sa akin nang dahil sa sinabi ko sa 'yo."Napahinga ako ng malalim. Ganoon na nga ang mangyayari, pero sa tingin ba niya ay basta-basta ko na lang makakalimutan iyon?Iyong sinabi niya na bakit hindi na lang siya?Mahal ko si Rozzean, mahal na mahal ko ang kapatid niya. Naaawa
Ipinilig ko ang aking ulo. Why am I thinking about that now? ang bilis ko naman sumuko. Wala pa nga akong ginagawa tapos ngayon naiisip ko nang hindi na ako mapapatawad ni Rozzean. I need to take back my fighting spirit. Hindi ako si Thaliana kung hindi ako susubok ng paraan para makuha muli si Rozzean.Nagdesisyon nga akong mag-apply na kasambahay para makita ko ang ugali niya at masiraan sa Daddy tapos ngayon na nalaman na niya ang totoo saka pa ako mawawalan ng pag-asa."I just made a mistake, kuya. That's why Luther is my fiance now.""What? anong mistake?"Since he's the oldest at alam kong malakas ako sa kaniya, sasabihin ko na ang totoo.Huminga ako ng malalim at ikinuwento kay Kuya Grecion ang ginawa ko."Alam mo na ayokong mag-asawa, hindi ba?""Yes. Kaya nga nagulat ako pati si Griz at Grand nang sabihin ni Dad na sumang-ayon ka. But that time, hindi namin alam kung sino ang lalakeng pakakasalan mo. Hindi naman din sinabi ni Daddy sa amin.""Tiwala si Dad sa lalake na nais n
I saw him sitting on the corner of his bed. Nakatalikod sa akin."Manang, I said I don't want to eat. Ilang beses ko ba na sasabihin sa 'yo--"Nakita ko ang sandaling gulat sa mga mata niya nang makita ako ngunit napalitan rin kaagad iyon ng galit."What are you doing here?"Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang hawak ang mga pagkain na iniluto ko para sa kaniya. Nakita ko na kinuha niya ang saklay sa gilid at tumayo siya upang makalapit sa akin."Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan kagabi, ha? Miss. Dela Vezca?""R-Rozzean... sinabi sa akin ni manang n-na hindi ka pa raw kumakain simula kaninang umaga. N-Nagluto ako ng pagkain para sa 'yo--"Nang makalapit siya sa akin ay napahinto ako sa pagsasalita nang itaob niya ang mga iniluto ko. Napasinghap ako nang tumapon ang mga iyon sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang matinding init ng mga pagkain na kaagad kong ininda."Wala kang pakialam kung hindi ako kumain, sino ka ba?"Ganito pala kahirap...Ganito pala kasaki
Nagpunta ako ng maaga ngayon dito sa bahay ng mga magulang ko dahil mamaya ay magluluto akong muli at pupunta sa bahay ni Rozzean. Kahit na hindi naging maganda ang pagpunta ko kagabi ay hindi iyon nakabawas sa kagustuhan kong muling subukan na makuha ang patawad niya."What are you doing here early this morning, Tangi?"Nakatayo ako sa gilid ni Daddy habang nagka-kape siya. Nakatago sa aking likod ang mga kamay ko na namumula pa rin dahil sa pagkapaso kagabi.Wala akong sinabi sa kanila na darating ako ngayon. Hindi ako nag-text o tumawag sa mga kapatid ko, wala rin akong mensahe at tawag sa kanila ni Mommy."I know that look on your face, Tangi."Tumingin sa akin ang Mommy, ngumiti lang siya sa akin at walang sinabi. Kinakabahan ako dahil sa ipagtatapat ko sa kanila pati sa mga kamay at braso ko na may paso. Tiyak na mag-aalala ang mga ito sa akin."Dad... I just want to know about... Luther.""Bakit siya na? h-hindi ba at ang sinabi mo sa akin na ang magiging fiance ko ay si Rozzea
"T-Tali, anak..."Sa gate pa lang ng bahay ni Rozzean ay nakita ko na si manang. Mukhang may pinuntahan siya dahil nakabihis siya. Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay hinawakan niya ako. Tinitigan niya ang aking mga kamay at ang parte ng aking braso na napaso."Maayos ka na ba? p-pasensiya ka na sa ginawa ni sir, ha?"Umiling ako kay manang, sabay kaming pumasok sa loob ng bahay."Okay lang po, naiintindihan ko ang galit niya sa akin, manang. Gagawin ko po ang lahat para mapatawad ni Rozzean," sabi ko."Naniniwala ako, anak, mapapatawad ka niya kaya tiis lang, ha? wala akong maitutulong sa iyo, pasensiya ka na."Malaking tulong na nga itong pinagbubuksan niya ako palagi ng pinto at pinapatuloy. Kung siguro alam ni Rozzean na pupunta ako ay baka hindi na ako mapagbuksan ni manang.Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay tinungo kong muli ang kusina kasama si manang."Anak, nakalimutan ko iyong mga sinampay ko pala sa likod, sandali lang, ha? maiwan muna kita rito sa kusina.""Sige po
Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa aking mga mata. Grabe naman ang sakit. Masakit na noon na nakikita ko lang si Klari sa bahay niya, tapos ngayon ay magkasama pa sila?He let her accompany him. Hinayaan niya na alagaan siya."H-Hindi ko na kaya, s-sabihin nang mahina a-ako pero h-hindi ko kaya iyong sakit. Hindi ko kaya na m-makita silang magkasama. K-Kung si Klari ang makakatulong s-sa kaniya ay h-hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko."He was with Klari, she's taking care of him now. At ako? sa tuwing pupunta ako sa bahay niya ay ipagtatabuyan niya ako, s-sasabihan niya ng hindi magagandang salita."M-May puso rin naman ako. Nasasaktan lalo pa at sobrang mahal ko siya. Hindi porke n-nagkamali ako ay masama na akong tao. Hindi ba kapata-patawad iyong ginawa ko? A-Ang hirap-hirap naman. Ang sakit... s-sobrang sakit."Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa luha. Nang mag-ring ang cellphone ko ay napatingin ako doon.Ngunit nang aabutin ko
Luther Rico VallejeI was driving my car on my way to Cyron's house.Malalalim ang aking paghinga dahil sa nangyari kanina. Hindi dapat baliwalain ang pagkakaaksidente ni Thaliana kahit na minor injuries lang ang nangyari sa kaniya. Maaring mangyari iyon ulit kapag hindi siya nag-ingat at iyon ang ikinababahala ng kaniyang mga magulang.Mabuti na lang rin talaga at sinundan ko siya kaagad nang malaman ko sa kaniyang ama na pumunta na naman siya sa bahay ni Cyron para makuha ang patawad nito.Sinabi ko na sa kaniya na huwag na niya munang subukan at magpalipas siya ng ilang araw pero makulit talaga siya. He loves Cyron so much that she doesn't want to let a day pass by without seeing him and trying to get his forgiveness.And it hurts me because I like her.I like Thaliana.Napailing ako nang maalala ang unang pagkikita namin. She was trying so hard to deny about herself. She was so cute.I started to like her since then. Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kaniya gayong alam ko
Kinuha ko ang cellphone ko at iniharap sa kanya ang screen. Larawan iyon ni Thaliana sa ospital habang ginagamot ang sugat niya sa ulo nang mabangga ang kaniyang sasakyan kanina. I was so fckng worried when I saw her earlier in that situation. Natakot ako ng sobra nang makita ko na dumudugo ang ulo niya."She got into an accident and that is because of you."Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang gulat sa kaniyang mukha. Cyron looked away. I saw his jaw tightened.I know. Alam na alam ko ang ganitong reaksyon niya. Kilalang-kilala ko siya.I fckng know that he's still in love with Thaliana but Cyron is blinded because of his anger. Because Thaliana fooled him. Pero sa ginawa niyang ito hindi na ako mananahimik pa. Thaliana did enough. She tried her best. Wala na siyang dapat pang gawin.I will take an action now. Ayoko nang tumingin lang habang umiiyak at nasasaktan ang babaeng gusto ko dahil sa gagong kapatid ko."Thaliana regret what she did to you. Hindi mo ba nakikita? hindi mo ba
After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl
Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro
Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku
Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '
Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali
Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris
"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."Malakas na palakpakan ang narinig namin ni Rozzean sa loob ng simbahan pagkatapos ng isang mabilis na halik."Ahhh..." napalingon ako kay Rozzean nang marinig ko ang boses niya. He was holding my hand and kissing it."Mine... finally, you are mine."Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kaniyang pisngi at mahinang kinurot iyon."Sa 'yo naman po talaga," sagot ko sa kaniya."Hmm... I can't wait for our honeymoon."Pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi niya. Pinalo ko ng mahina sa dibdib si Rozzean. Honeymoon na naman!"Nauna na nga ng ilang beses ang honeymoon, ang isip mo ay honeymoon pa rin."He's still kissing my hand."That's different. My performance this time with you is not as your boyfriend but as your husband."Ang dami niyang nalalaman! at anong performance pa 'yon? I was about to talk again but the crowd went in front to congratulate us."Congratu
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na palapit na sa akin ang organizer. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Maraming mga photographer ang kumukuha ng larawan habang naglalakad ako."Ma'am kayo na po ang papasok," sabi sa akin ng organizer.Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng simbahan ay huminga ako ng malalim.Nang bumukas iyon unti-unti ay mahigpit kong nahawakan ang aking bouquet. Nakatayo ang lahat ng nasa loob ng simbahan. Nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon habang dahan-dahan ang aking paglakad.I looked at the aisle and saw Rozzean. Gwapong-gwapo sa itim na tuxedo na suot. Nakangiti siya sa akin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Nakita ko rin na inayos niya ang kaniyang suot kahit sa paningin ko ay ayos naman. Is he nervous?Nang salubungin na ako ng aking mga magulang sa gitna ay humalik ako sa kanilang pisngi. My father is crying again!"Dad..." sabi ko.We continue to walk in the aisle."I-I'm just hap
Rozzean and I decided to keep my pregnancy until we get married. Sinabihan rin namin si Luther at si Thes pati na si Ferline na huwag munang ipapaalam sa iba. Nais namin na sabihin sa aming pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos namin makasal.We wanted to surprise everyone that we are having triplets.Hindi ko rin talaga makakalimutan ang araw na nalaman namin na tatlo ang magiging anak namin ni Rozzean. It was memorable because my husband fainted. Nag-alala ako sa nangyari sa kaniya pero nang magising siya ay halos hindi ako makahinga katatawa.He was so fckng embrassed. Luther was also laughing and so Ferline and my bestfriend Thes. Kahit ako ay hindi ko mapigilan, naawa na lang ako sa kaniya at tumigil sa pagtawa nang yumakap siya sa akin at ibaon ang kaniyang ulo sa aking leeg.Rozzean keep on cursing and he's saying that he was just so happy. Sa sobrang saya ay hinimatay nang malaman na triplets ang aming magiging mga anak.Hindi natigil ang kaniyang kapatid. Palagi si