Hindi ko pinatagal ang pag-e-emote ko sa terazza, pagkatapos ng ilang malalalim na inhale-exhale at pagsinga para matanggal ang sipong namuo sa pag-iyak ko ay tumayo na ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng Coke in can sa ref at pitsel ng tubig para kunwari ay ang mga ito ang ipinunta ko sa baba. Bahagyang nangingirot ang balikat ko sa pagkakayakap ko sa pitsel pero hindi ko iyon ininda dahil sa lalim ng iniisip ko. Paakyat na ako ng hagdan nang masalubong ko si Seiji. “Love, dapat inutusan mo na lang ako. Baka mamaga na naman ang balikat mo,” alalang anas nya pagkasalo nya ng mga dala-dala ko. Sabay na kaming naglakad pabalik ng kwarto habang nakakapit sya sa kanang bewang ko. “Ang kamay mo naman, Seiji. Lasing ka ba? Nangingiliti ka lang eh,” pabirong reklamo ko sa kanya kahit ang totoo ay medyo naiinis ako. May pagka-feelingero na rin kasi ‘tong ugok na ‘to porke botong-boto at kinikilig sila Atsi sa pag-aalala at sa mga simpleng ‘da moves’ nya sa akin. “Sorry naman, inaal
Naiilang na tumitig sa akin nang matagal si Seiji na tila binabasa ang reaksyon ko. “Uuwi ako, Atsi. Babalik na lang ako ng umaga. Baka hindi maging kumportable si Kataleia sa pagtulog nya kapag nandito ako,” ngiti nya sabay baling nya sa dalawa na kung mag-abresiete ay aakalain mong mag-jowa. Kagabi palang sa ospital ay napapansin ko na ang sweetness nila sa isa’t isa. Kanina nga noong naiwan kaming tatlo ay kumandong pa si Atsi sa kanya at nakayakap naman sya rito. Hindi ko lang pinupuna dahil sa hiya ko kay Atsi na parang gustung-gusto rin naman. Kung hindi ko lang kilalang bakla si Orlando, iisipin ko talagang lalake sya pagdating kay Atsi at mayroon silang relasyon. “Sige, ikaw ang bahala. Hindi ka ba nalasing?” alalang tanong ni Atsi sa kanya. “Okay lang ako. Pupunta na lang ako mamaya kapag gising na sya,” haplos nya sa balikat ko. Medyo nakahinga ako nang maluwag, hindi ko rin naman gusto na dito pa rin sya matulog, ‘no! Dalawang araw na yata kaming magkadikit. Dyusko.
Sinusuklay-suklay ko ang aking buhok na ginupitan ko ang dulo ng may kalahating dangkal din; paano’y nang masabunutan ako ay nagkaputul-putol at lalong nag-tangles ito. At para medyo trendy ang itsura ng dating blunt na straight na buhok ko ay naglagay din ako ng konting bangs—curtain bangs daw ang tawag dito na pwedeng suklayin nang pa-side. Natuwa nga ako sa kinalabasan habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo, parang lalo akong bumata. Paglabas ko ng banyo ay sakto namang may kumatok sa pintuan ko. Tiningnan ko ang orasang nakapakat sa dingding sa taas ng TV. Naisip ko agad na si Seiji iyon. Sya lang naman ang kumakatok ng ganito kaaga. Mas nauuna pa nga syang dumating kesa sa almusal ko. “Ang bilis mo naman yata, parang kaka-text mo lang na papunta ka palang ng Taft,” wika ko pagbukas ko ng pinto ko na hindi tumitingin sa kumatok, lumakad ako agad papasok sa walk-in closet dahil nakatalukbong lang ako ng tuwalya. Narinig kong tumunog ang lock ng doorknob pati na
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito sa closet at kung ilang beses na akong binabati ng mga nakangiting anghel sa langit. Sa muli naming pagtatagpo ay nasulit ko ang isang linggong olats ang aking sex life. Parang hinalughog ng pitong magnanakaw ang damitan ko. Nagkakagulo lahat ng mga gamit ko dahil sa pag-e-exhibition namin na parang wala nang bukas sa sobrang pananabik namin sa isa’t isa. “Hm, yari! Parang na-ransack ang closet ko. Ano ba’ng nangyari?!” napapabungisngis na bulong ko habang pinagmamasdan ang bandang ulunan namin pag-ibabaw ko sa kanya. Ultimo mga panty at bra ko na nananahimik sa drawer ay nakasabog sa lapag, kasama ng mga uniform ko at ilan ko pang mga gamit. “Ipapaayos na lang natin sa helpers o bibilhan kita ng bago,” ngiti nya sabay tapik nya sa pwet ko. “Kahit masakit sa likod at sa tuhod, okay lang sa ‘king mahiga sa sahig maghapon, basta nasa ibabaw kita. Medyo basa pa ‘tong hinihigaan ko, it’s completely fine with me. Hey, I’m not complainin
"Babe, h’wag mo naman ikulong ang sarili mo rito sa kwarto, please. Live outside your room. Do what you normally do. Nahihirapan akong hindi kita nakikita, gayong alam kong nandito ka lang at nagmumukmok. Tapos nakikita kong naglalabas-masok pa ang hapon mo rito. Araw-araw, literally the whole fucking day—from morning till twilight!” Natawa ako nang mapaismid sya nang malala sa huli nyang turan.“Hindi ko hapon si Seiji, ‘no!” mariing depensa ko. “Tinutulungan nya lang ako sa assignments ko sa MA.”“Wala akong hypertension pero muntik-muntikan na akong atakihin sa puso sa selos kapag nakikita ko syang pumapasok dito sa kwarto mo." Natuwa ako nang aminin na rin nyang nagseselos sya kay Seiji."Ang praning mo, huh! In fairness sa ' yo," natatawang tudyo ko sa kanya. "Praning, I’m telling you this, kasi lalake ako. Hindi ka tutulungan no’n ng gano’n kung wala syang inaasahan sa ‘yo. Alam ko ang tumatakbo sa isip ng lalakeng may gusto. Araw-araw kinakabahan ako na baka sagutin mo na.”Hi
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-