Ariana POV Nakaupo ako sa gilid ng sala habang pinapanood ko si Emanuel na tila wala sa sarili habang nakaupo sa harap ng tutor niya. Nasa gitna sila ng leksyon pero ang mga mata ng bata ay malayo, waring may kung anong bigat na dinadala. Hindi ko maiwasang mapansin ang paminsan-minsang buntong-hininga niya at ang hindi mapakali niyang kilos habang pilit na tinutukan ang ginagawa. "Miss Ariana," tawag ni Tutor Cherry sa akin habang tahimik akong nakamasid. "Parang hindi po nakakapag-concentrate si Emanuel. Kanina pa po siya tahimik." Agad akong lumapit sa bata. Lumuhod ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niyang malamig. "Bunso," marahan kong tawag, "may sakit ka ba?" Umiling siya. "May masakit ba sa 'yo? Ulo mo? Tiyan mo?" Umiling pa rin siya, pero hindi ako binitiwan ng tingin. "Ate Ariana," mahina niyang bulong, "umalis si Daddy..." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Saan siya nagpunta?" "Di ko po alam. Sabi ni Lola, may business trip daw. Pero hindi man lang siya n
ZEPHYR POV Ang lakas ng boses. Sigawan. Hindi ko ‘yon inaasahan sa ganitong oras ng hapon. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, ramdam ko na ang tensyon mula sa likod ng mansyon. Hindi ko pinansin ang mga kasambahay na bumati—diretso akong naglakad papunta sa pinanggagalingan ng kaguluhan. Pagdating ko sa gilid ng kusina, bumulaga agad sa akin ang eksena—si Ariana, namumutla, pawis na pawis, at halatang pagod na pagod habang nakatayo sa harap ni Adelfa. Ang babae namang iyon, halatang masungit, nanlilisik ang mga mata’t may hawak pang basahan na tila handang ihampas. Naramdaman ko ang pamamawis ng palad ko—hindi dahil sa init kundi dahil sa galit na unti-unting umaakyat sa ulo ko. “Anong ingay ‘to?” malamig at matigas kong tanong. Parehong napalingon sina Ariana at Adelfa. Si Ariana, nanlaki ang mga mata sa pagkabigla. Si Adelfa naman ay agad na nag-ayos ng postura’t sumalubong sa akin, pilit ang ngiti. “Sir Zephyr! Akala po namin wala pa kayo. May business trip po kayo, ‘d
ARIANA POV Napatingin ako sa side table nang makaalis si Zephyr. Nandoon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan niya—may sopas, tinapay, at isang malamig na baso ng tubig. Mainit pa ang sabaw, humahalimuyak pa ang aroma nito na tila ba kinakalabit ang matagal ko nang walang laman na tiyan. Hindi ko na napigilan. Hinawi ko ang kumot at marahang bumangon, kahit medyo nahihilo pa rin. Dahan-dahan kong kinuha ang kutsara at sinubukan ang unang tikim ng sopas. Napapikit ako. Ang sarap. Hindi siya 'yung tipikal na sopas na luto ng kusinera sa mansyon. May lambing, may init na parang niyakap ka sa gitna ng lamig. May kakaibang linamnam. Parang niluto ng isang taong nag-alala. Parang niluto ng isang taong may malasakit. Napabuntong-hininga ako habang patuloy na sinusubo ang sopas. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko. Ni hindi ko na inalala kung makikita ba ako ni Senyora Esmeralda o kung naroon ba si Adelfa sa likod ng pinto—palihim na nagmamasid, gaya ng palagi niyang ginaga
ZEPHYR POV Malayo pa lang ay narinig ko na ang tili ni Bella mula sa labas ng mansion. “Zephy! Zephy!” sigaw niya habang patakbo papasok, tila ba sabik na sabik. Agad kong tinigil ang paglalakad sa hallway at bumaling sa direksyon ng pinto. Sumalubong ako sa kanya at binuhat siya, gaya ng dati. “Namiss mo ba ako, prinsesa?” tanong ko habang niyayakap siya. “Opo! Pero mas namiss ko si Ate Ariana!” sagot niya agad, walang pakundangan, sabay lingon-lingon sa paligid. “Nasaan siya?” Napangiti ako kahit pa medyo kumislot ang sikmura ko sa sinabi niya. “Nasa itaas. Baka nagpapahinga.” Kasunod ni Bella ang ama niyang si Drake—matagal ko na ring kaibigan at naging business partner. Palaging parang bahay nila ang mansion tuwing dumadalaw sila rito. Relax na relax na naupo si Drake sa malaking sofa habang nilaro ni Bella ang laruang dala niya. “Grabe, Zeph, hindi mo pa rin tinatanggal si Ariana ha,” bungad ni Drake sabay kurot sa hangin. “Talagang loyal ka.” “She's doing great
ARIANA POV Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang tumayo si Zephyr at tahimik na umalis. Nagtataka rin si Emanuel dahil kanina pa kami masayang nag-uusap sa maliit na lounge area ng mansion. Kasama namin sina Drake at Bella, at aliw na aliw ang dalawang bata sa pagbabalik-tanaw ng huling swimming nila sa resort. Napansin kong sumunod ang mga mata ni Emanuel sa papa niya habang papalayo ito. “Bakit umalis si daddy?” tanong niya habang nakakunot ang noo. Napatingin si Bella sa akin, sabay bulong, “Baka naiinis, kasi ang sweet natin ni daddy, diba?” Na-sweetan? Napatingin ako kay Drake na ngayo’y nakangisi habang nagbubukas ng juice para kay Bella. Talaga namang close na close ang mag-ama, at hindi ko rin maipagkakaila na masayahin si Drake. Hindi tulad ni Zephyr na tahimik at seryoso. Napakunot-noo si Emanuel. “Hindi ako papayag na ganon lang 'yon. Ayaw ko ng may naiinis kay Yaya Ariana.” Tumayo siya at tiniklop ang mga braso sa dibdib. “Ako ang bahala diyan!” Napata
ARIANA POV Maaga pa lang, gising na si Emanuel. Tuwang-tuwa siyang pumunta sa silid ko na para bang may malaking misyon siyang natapos. Bitbit pa niya ang paborito niyang stuffed toy habang maingat na isinara ang pinto, saka umakyat sa kama ko at tumabi. "Ate Ariana," bulong niya, sabay kurot sa braso ko. "Gumaling na agad 'yung tiyan ni Daddy, 'di ba?" Napalingon ako sa kaniya. Agad kong naramdaman ang kakaibang kasiyahan sa mukha niya—parang may ipinagmamalaking tagumpay. Alam ko na agad kung saan papunta ang tanong niya. "Ikaw 'yung nagsabi sa katulong na masakit ang tiyan mo, ‘no?” mariin kong tanong, kahit alam ko na ang sagot. Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko lang naman kayong mapag-isa ni Daddy... para maalagaan mo siya." Napabuntong-hininga ako. Umupo ako nang maayos at hinarap siya. Hawak ko sa magkabilang balikat habang mahinahon akong nagsalita, pero may diin. "Emanuel, mali ang ginawa mo." Napakunot ang noo niya, halatang hindi niya inaasahan ang reaksyon ko
EMANUEL POV "Hmmm... Bakit po ba panay hilot kayo sa sentido n’yo, Daddy?" tanong ko habang nakahiga sa sofa, hawak ang laruan kong dinosaur at nakatingin kay Daddy na parang sobrang pagod. Nasa tabi ko si Ate Ariana, pinupunasan ang pawis ko sa noo kahit hindi naman ako masyadong pinagpapawisan. Gusto ko lang siyang laging malapit. Napatingin si Daddy sa akin, tapos ngumiti kahit halatang wala siya sa mood. "Ilang araw na lang kasi, anak," sabi niya. "Darating na ang Mommy Noime mo. Gusto niyang i-celebrate birthday mo kasama ka." Natigilan ako. "Si Mommy Noime? Dito?" tanong ko, parang may kung anong mabigat na biglang bumagsak sa dibdib ko. Tumango si Daddy. Bigla akong napaupo. "E... eh ‘di hindi na po ako makakapunta sa yate ni Tito Drake?" Kumunot ang noo ko, tapos napatingin kay Ate Ariana. "Ayoko po! Gusto ko sa yate! Gusto ko po ngayon na! Ayoko pong hintayin pa si Mommy Noime!" Narinig ko si Daddy na napabuntong-hininga. Nakita ko ‘yung parang saglit siyang t
ZEPHYR POV Alas singko pa lang ng umaga pero gising na ako. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa impit na hikbi na unti-unting lumalakas. Nanggagaling ito sa silid ni Emanuel. Agad akong tumayo at mabilis na nagtungo roon. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang anak kong nakaupo sa kama, yakap-yakap ang kanyang unan habang umiiyak. Nanginginig ang balikat niya, at kahit anong yakap at tapik ang gawin ko, hindi ko siya mapatahan. “Anak, anong problema? Nasaktan ka ba? May masama bang panaginip?” sunod-sunod kong tanong, pero umiling lang siya at humigpit ang pagkakayakap sa unan niya. “Gusto ko si Ate Ariana...” bulong niya sa pagitan ng hikbi. Hindi ko na alam ang gagawin. Iba ang hagulgol ni Emanuel ngayon—malalim, puno ng takot at lungkot. Kaya ang unang pumasok sa isip ko ay si Ariana. Siya lang ang may kapangyarihang patahanin ang batang ito. Agad akong nagtungo sa silid ni Ariana. Katok ako ng katok, at sa ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Nagulat ako.
Ariana POV “Sigurado ka na talaga?” tanong ni Beth habang tinutupi ang ilang damit ko at inilalagay sa lumang backpack. “Aalis ka na kahit hindi mo pa alam kung anong naghihintay sa 'yo roon?” Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa dibdib ko. “Oo. Kailangan kong subukan, Beth. Mas okay na ‘to kaysa manatili rito at puro sakit ng ulo lang ang hatid.” Tahimik kaming dalawa habang patuloy sa pagsisinop ng mga gamit. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Sayang 'yung sampung milyon no?” diretsong tanong niya, pero may halong biro. “Kung ako ‘yan, baka tinanggap ko na. Pambayad ng utang, puhunan, future. Pero ikaw... ni hindi mo tinanong kung paano mo makukuha ‘yon.” Napahinto ako sa pagtupi ng blouse at napatitig sa sahig. Mabilis na sumagi sa isip ko ang eksenang hawak ko ‘yung sobre. Yung sandaling kaya kong baguhin ang kapalaran ko, ang pamilya ko… pero hindi ko ginawa. “May dahilan ba kung bakit hindi mo kinuha ‘yung pera?” tanong ulit ni Beth, ngayon ay mas seryoso na ang
Zephyr POV Patungo na sana kami ni Drake sa probinsiya. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniikot ng isip ko ang mga posibleng senaryo kapag nakita ko na si Ariana. Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? Pero bago pa man kami makalampas ng highway, biglang tumunog ang phone ko. Noime. "Put—" napamura ako sa inis, pero sinagot ko pa rin. "Zephyr! Bumalik ka na rito. Umalis 'yung yaya!" sigaw ni Noime sa kabilang linya, halatang hysterical. "Kakagawan na naman ni Emanuel, nagwala siya at tinakot ang yaya, kaya umalis! Wala na akong matakbuhan kundi ikaw!" Napatingin ako kay Drake, kita sa mukha niya ang disappointment. “Balik tayo,” maikling utos ko, at agad niyang pinaikot ang sasakyan pabalik ng mansyon. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni Noime. Nakapamewang siya at halatang inis na inis. Si Emanuel naman, nasa sala at umiiyak, hinahanap pa rin si Ariana. Lalo akong nadurog sa eksenang 'yon. "Ano ba 'to, Noime? Akala ko ba ayos n
Zephyr POV Mabigat ang bawat buhat, parang kasabay ng pabigat nang pabigat na nararamdaman niya sa dibdib. Basang-basa na ng pawis ang gray niyang sando, halos pumutok na ang ugat sa bisig habang paulit-ulit siyang nagba-barbell, waring gusto niyang idaan lahat ng inis, lungkot, at frustration sa bawat pagbuhat. Pero kahit anong bigat ang isalampak niya sa bar, hindi pa rin iyon kayang pantayan ang bigat ng pagkawala ni Ariana. “Idadaan mo na lang ba sa paggigym ang problema mo kay Ariana?” Isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa gym. Nilingon niya ang pintuan at nakita roon si Drake—naka-hoodie, may hawak na bottled water at may pilyong ngiti sa labi. "Kung wala kang balak puntahan siya," patuloy nito habang lumapit, "ako na lang ang pupunta sa lugar nila." Tumaas ang kilay ni Zephyr habang iniiwas ang tingin, patuloy lang sa pag-reps ng weights. “Guwapo rin naman ako, ‘di ba?” dagdag ni Drake, mayabang pa rin ang tono. Sumama ang tingin ni Zephyr. Parang sinakal ang
Ariana POV Pagdating ko sa bahay, bitbit ang ilang pinamili mula sa palengke—gulay, sabon, at bagong sim card—agad akong sinalubong ng boses ng mama ko na tila masaya habang may kausap sa sala. "Ariana, andito ka na pala!" masiglang bati ni Mama. "Halika rito, may ipakikilala ako sa'yo." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa. Nakaayos siya, halatang may kaya—may malambing na ngiti at magaan ang aura. Bumangon ito at inabot ang kamay sa akin. "Ikaw na pala si Ariana! Ang ganda mo, mana ka sa mama mo noong kabataan namin," nakangiting sabi nito. Ngumiti ako ng bahagya habang nakikipagkamay. "Magandang hapon po." "Si Tita Lorna mo 'yan. Kaibigan ko 'yan mula pa noong kolehiyo. Dito lang siya sa bayan nagtayo ng maliit na travel agency," paliwanag ni Mama. "Actually," sabat ni Tita Lorna, "kaya nga ako napadaan. Nagbubukas ako ngayon ng bagong local tour program para sa mga dayuhan—at kung naghahanap ka pa ng trabaho, Ariana, baka interesado ka. Tourist guide, magaan lan
Ariana POV Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin sa probinsiya. Tahimik ang paligid, tila ba sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Bitbit ko lang ay isang maliit na bag at puso kong basag-basag. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Mama. “Ariana?” gulat niyang tawag habang mabilis akong nilapitan. “Anong ginagawa mo rito, anak? Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?” Ngunit imbes na makasagot, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Doon na rin tuluyang bumagsak ang luha ko. Wala akong masabi. Wala akong paliwanag. Gusto ko lang ng yakap. Gusto ko lang ng tahanan. Hinagod ni Mama ang likod ko. “Anak, ano’ng nangyari?” Umiling lang ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang sakit, ang pagtanggap ko sa pagkatalo, at ang pamamaalam sa isang batang natutunan kong mahalin na parang anak ko na rin. Pagkaupo namin sa bangkito sa ilalim ng puno, tahimik lang si Mama h
ZEPHYR’S POV Napuno ng iyakan at hikbi ang buong mansyon. Ang dating masayahing si Emanuel ay ngayon ay nakasalampak sa sahig ng kanyang silid, yakap-yakap ang laruan na dati nilang nilalaro ni Ariana. Paulit-ulit ang tanong ng anak ko, paulit-ulit ang sigaw niya habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi. “Gusto ko si Ate Ariana! Bakit wala na si Ate Ariana?!” Ilang kasambahay na ang sumubok na patahanin siya pero wala ni isa ang napalapit man lang. Pati si Noime—ang ina mismo ng bata—ay napaatras na lang sa isang sulok, mukhang nawawala na rin sa sariling pasensya. “Emanuel, anak—nandito si Mommy, bakit si Ariana pa ang hinahanap mo?” nanggigigil na tanong ni Noime pero walang sagot si Emanuel kundi panibagong iyak. Pinikit ko ang mga mata ko. Iyon ang ayokong makita—ang anak kong tuluyang nawawala sa sarili, naghahanap ng kalingang kay tagal niyang natagpuan sa isang babaeng pinilit nilang paalisin. “Nasaan si Ariana?” tanong ko sa asawang kanina pa tahimik. “Ano’ng gi
ARIANA’S POV Kinabukasan, tila mas mabigat pa sa katawan ko ang puso kong pilit kong pinatatag. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Emanuel. Isang espesyal na araw para sa batang minahal ko na parang anak. Mula nang magising ako, hindi ko na mapakali. Naghanda lang ako ng simpleng damit, isang puting blusa at paldang asul—mukhang ordinaryo, pero pinili ko pa rin. Dahil gusto ko, kahit papaano, ay maipakita kong espesyal din sa akin ang araw na ito. Mahigpit kong hawak ang maliit na kahon na nakabalot sa asul at puting laso. Regalo ko para kay Emanuel. Isang simpleng robot toy na ilang linggo ko nang iniipon ang pera para mabili. Kasi alam ko, tuwing napapadaan kami sa department store, palagi niya iyong tinitingnan—ngunit hindi niya hinihingi. Para siyang sanay na hindi makakuha ng gusto niya, at masakit iyon para sa akin. Habang pababa ako sa hagdanan, napansin kong abala na ang mga tao sa mansyon. May mga caterer, may mga dekorador, at mga empleyado na abalang nag-aayos para sa
ARIANA’S POV Isang tawag ang bumungad sa akin habang nakaupo ako sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang makulimlim na langit na para bang sumasalamin sa bigat na nasa dibdib ko. Nang tumunog ang cellphone ko at makita ko ang pangalan ni Beth sa screen, parang saglit akong nakahinga. Isa sa iilang tao na alam kong pwedeng makaramay sa nararamdaman ko. Sinagot ko agad ang tawag. "Ariana! Good news! Pupunta kaming lahat sa birthday ni Emanuel!" masiglang bungad ni Beth. Ramdam ko ang excitement niya mula sa kabilang linya. “Sabi ni boss Drake, welcome daw lahat ng empleyado.” Napapikit ako. Gusto kong matuwa. Gusto kong sabihing, ‘Ayos lang ang lahat, Beth.’ Pero hindi ko kinaya. "Beth…" mahina kong sabi. "Hindi ko alam kung aabutan niyo pa ako dito." "Ha? Anong ibig mong sabihin?" At doon ko na hindi napigilan. Tuloy-tuloy kong ikinuwento sa kanya ang lahat. Ang tungkol sa bagong kontrata. Ang pagbabago ni Emanuel. Ang mga titig ni Noime na parang gustong sunugin ako ng buh
ARIANA'S POV Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Emanuel na nakaupo sa sofa, nilalaro ang maliit na laruan na hawak niya—hindi man lang lumilingon sa akin. Pumintig ang sentido ko sa lungkot at gulo ng damdamin. Hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman ang totoo. Lumuhod ako sa harapan niya, tinapik ko ng marahan ang tuhod niya. “Emanuel…” malambing ang tinig ko. “Pwede bang sabihin mo kay Ate Ariana kung paano ka talaga nadapa?” Hindi siya sumagot. Pinilit kong ngumiti, kahit may kirot sa dibdib. “Alam mo namang matapang ka, ‘di ba? Hindi ka iyakin. Lagi mong sinasabi na kaya mong alagaan ang sarili mo kahit minsan makulit ka. Pero ngayon, iba eh. Masakit daw ‘yung braso mo…" Tumingin ako sa kanyang mga mata, pero agad niya ring iniwas. “Emanuel,” mahinahon pero may pakiusap sa boses ko, “ano ba talaga ang nangyari?” Tahimik. Walang salita. Ni isang tingin, walang binigay. At doon ko naramdaman ang malupit na reyalidad—may pumipigil sa kanya. May tinatago siya.