Chapter 68 - LuxHE was waiting, not even blinking while he was staring at the kit. Parang tumigil na ang oras sa paligid niya habang umaandar ang likido papunta sa ikalawang guhit. May isa ng guhit at ninenerbyos siya.Hindi niya alam kung matutuwa siya kapag naging dalawa ang pula o malulungkot din siya kapag iisa.The urine hit the line.Shit!Para siyang mamamatay habang naghihintay pero lumagpas na ang ihi ay walang nabuong ikalawang guhit."Putang-ina!" Mura niya at halos masuntok niya ang tiles na pader ng banyo.Nanlumo si Lux na napaiyak, kagat ang kanyang labi. His bite was so hard and he could almost taste his own blood from his bottom lip.Ginawa siyang tanga ni Diana!All this time, she wasn't pregnant! Damn it! Planado lahat nito ang kunwa-kunwariang pagbubuntis. At kahit na ang dugo ng gabing nagtalo siya ay hindi totoo.Everything was fucking fake!Tama si Heart sa biro nun na may baon ito na kung ano sa underwear at malamang ay binasag para magmukhang dinudugo.Mapapa
Chapter 70 - Heart"FRANC–" hindi nakuhang ituloy ni Heart ang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Franco at hawakan sa may batok."Halikan mo ako pabalik o sasaksakin kita, kabit ka," anito sa gigil na salita at parang nagyelo ang buong sistema niya.Napahikbi siya at nanginginig na humawak sa mga balikat nito at pikit-matang ginawa ang utos nito sa kanya.Ngumisi ito at may tunog yun. Hindi siya makagalaw dahil nasulyapan niya ang hawak nitong patalim. Oo, maikli iyon pero sapat na para bumaon sa tagiliran niya at malagay siya sa alanganin."Pasok," angil nito sa kanya habang yakap pa rin siya at nasa likod niya ang kutsilyo."Franco…'wag," pakiusap niya rito habang umiiyak.Parang hihimatayin siya sa takot pero pilit niyang nilalabanan ang panghihina."Kala mo di ko alam? Katulad ka rin ng nanay ko na mukhang pera. Patanggi tanggi ka pa sa alok ko, gusto mo lang pala ay bilyonaryong may asawa?" Tila nakakainsultong ngisi nito, "Matagal ng pinasusubaybayan sa akin ni Ma'an Diana
Chapter 71 - HeartUMIIYAK na mukha ng ina ang nabungaran ni Heart nang siya ay magmulat. Nakahiga na siya sa bangkong kahoy na mas matanda pa sa kanya. Ang nagpanday daw nun ay ang lolo niya noong bagong kasal pa lang ang kanyang mga magulang."Anak…" ani Lumeng sabay hagulhol.Ang ama niya ay nakaupo lang, nakamasid. Hindi iyon pwedeng mamroblema dahil baka magkadepekto na naman ang operasyon. Gagasinong panahon pa lang ang nakalilipas mula nang biyakin ang dibdib nun.She can't compromise but how?"Anong nangyari sa'yo, anak?" Tanong ni Conrado sa anak.Ang nauunanan ng kanyang ulo ay ang mga hita ni Lexi. Her younger sister was fondly caressing her head, and smiled at her with tearful eyes.Umiyak siya pero hindi nagsalita.Ang pader niyo na hindi matinag-tinag, bumigay na."Pakainin na muna natin si Ate, Nanay. Para siyang pagod na pagod," anaman ni Lexus sa may paanan niya."Oo, oo pala…" natatarantang sabi ni Lumeng saka pumunta sa kusina na nahaharangan ng isang divider na kaho
Chapter 72 - LuxPadaskol na inilapag ni Lux ang bagahe ni Diana nang makarating sila sa Maynila. Nakamasid ito sa kanya tapos ay tinalikuran niya."S-Saan ka pupunta?" Hahabol-habol ito at halos mapailing siya nang makita niyang ito ay nakahawak sa puson.Mapagpanggap!"May aasikasuhin," matabang niyang sagot, malalaki ang paghakbang pero nakabuntot pa rin ito."Sasama ako.""Bed rest," aniya pa pero hinawakan siya nito sa braso kaya agad siyang napatigil, "just stay here. Baka mapaano ang bata. Aasikasuhin ko lang ang annulment dahil tumawag si attorney."Tumawag naman talaga ang abogado at ngayon ay may bago siyang isusumete sa matandang iyon, ang kanyang napatunayan na panlilinlang sa kanya ni Diana. That was another grieve reason for him to get the decision in no time, pero hindi iyon ang uunahin niya.Pupunta siya sa restaurant at kakausapin niya si Gigi. Pupunta siya sa townhouse at magsasagawa ng sarili niyang imbestigasyon. Oo, galit siya pero bibigyan niya si Heart ng patas
Chapter 73 - LuxWATCHING the video on his phone made him cry. Kaya pala. Kaya pala hindi nawala sa puso niya ang pagmahahal sa kabila ng nakita niyang mga litrato, dahil may masamang nangyari sa babaeng mahal niya."Tang-ina mo, Franco!" Sigaw niya at pinahid niya ang luha.Pinag-replay niya ang huling parte nang tumakbo si Heart papalabas.She was safe. Ramdam niya na nakatakas iyon dahil ilang minuto pa bago nakatayo si Franco.That frog tried to rape Heart. Damn it! Magbabayad ang gago na iyon.Nagmamadali siyang tumayo at iniwan ang bahay. Sumakay siya sa sasakyan at tinawagan kaagad ang kanyang lola."Hello?" Si Siony iyon sa kabilang linya."Manang Siony, si Mama?""N-Nasa living room. Sandali at ilalapit ko ang telepono."Ilang saglit lang siyang naghintay ay nagsalita na ang matanda sa telepono."Lux.""Mama, I need connections," agaran niyang sabi."Bakit ka humihingal? Are you okay?""I'm okay, Ma. I need connections. Franco did something to Heart. He tried raping her inside
Chapter 74 - HeartPAGKATAPOS na magsumite ni Heart ng kanyang police blotter ay naglakad sila ng Nanay niya papunta sa rural health center, pero nadaanan nila ang mga kakilala nito sa may palengke."Uy, nand'yan pala ang anak mong mayaman, Lumeng!" Nakangising bati ng isang babae na may edad sa kanila."Si Juling, anak," anang ina sa kanya."Baka gusto niyong kunin ang pwesto nitong karenderiya, kasama na gamit. Malakas ito."Tiningnan ni Heart ang sinasabi nun na karenderya at mukhang maayos nga dahil nasa may pila ng mga traysikel. May instant customers na kaagad kapag nagkataon.Sa panahon ngayon na hindi na nakakapagtanim ang Tatay niya, kailangan nilang magkaroon ng side line at siya naman ay mag-a-apply ng trabaho sa mga shopping malls. Kahit bilang sales lady ay ayos na o kaya ay kahera."Magkano niyo po binibenta?" Tanong niya sa may edad na babae."Interesado siya para sa income."Bente mil pero pwede na ang desi otso lang. Wala na kayong iintindihin dito. Nagbabayad lang na
Chapter 75NAPALINGON si Heart sa bintana nang marinig niya si Mocha na kumakahol, alas otso mahigit ng gabing iyon.Si Lexus lang ang kasama niya sa bahay dahil sa karinderya raw matutulog ang Nanay niya, ang Tatay at si Lexi. Dahil bakasyon naman ay si Lexi ang kasama roon ng Nanay niya. Si Lexus naman ang tagabuhat.Napakaswerte niya rin na maaasahan ang mga kapatid niya at tulong-tulong sila.Nagbibilang siya ng pera. Si Lexus ay inutusan niya saglit na maghatid ng balabal sa Tatay niya. Walking distance lang naman ang palengke kaya walang problema, pero sabi niya ay sumakay na.Napakunot noo siya nang makakita siya ng sindi.She immediately stood up and ran to the window, shutting it.Ano ba ang umaapoy na yun? Galit na galit si Mocha. Hindi kaya may kapre? Parang dulo ng sigarilyo ang nakita niya."Heart?" Tawag ng kilalang-kilala niyang boses sabay katok.Si Lux Diyos ko! Kapre pala talaga! Ipakukulong na siya nito. Nagmamadali niyang tinakbo ang pintuan para i-lock iyon pero b
I have posted on my account whether they wanted another book for this story. Yes po ang kanilang pinili, so ako po ay hindi na muna maglalagay ng special chapter dito.Abangan niyo po ang book 2 dito lang po sa GN. Wala po nun sa ibang platform. Maraming salamat po sa inyong suporta at kita-kits po tayo sa ating susunod na story. Just keep ong checking na lang po sa library.Regalo niyo na po sa akin ang review sa book. makikita po yun sa mismong book info. salamat po ulit. God bless.Book 2 title:THE BILLIONAIRE'S MISTRESS(The Return of the Past)