Chapter 65 - LuxNAKATULALA si Lux sa cabinet sa loob ng kwarto nila ni Diana, sa dati nilang bahay. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya roon pero basta na lang siya dinala roon ng sarili niyang mga paa, pagkatapos niyang maligo sa sarili niyang bahay.Naroon pa rin pala nakatira si Diana. Hindi dun umalis ang babae. Naglakad siya papunta sa walk-in closet at binuksan ang ilang cabinet. May mga damit doon ng babae. Binusiklat niya iyon. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya, malamang ay ebidensya ng iba pang pwedeng lalaki ni Diana.He pulled a drawer and it was locked. Naghanap siya ng susi sa kanyang bitbit na keyholder. Alam niya ang susi roon at mayroon siya.He opened it. Mga botelya ang laman nun. Kinuha niya isa-isa at nakita niya na may sleeping pills, may vitamins at may contraceptive pills.Sinasabi na nga ba niya.Muli niyang kinalkal iyon at may nakita siyang isang papel. Clinic ng doktor ang naroon at reseta iyon kay Diana. Pills nga ang nakasulat at napakatagal
Chapter 66TULAD din ng kanyang desisyon, ang utak ni Heart ay parang hati na rin sa dalawa sa paninimbang at pag-iisip. She really wanted to leave for a moment and be on her own. Gusto niya iyong mapag-iisa sana siya dahil gusto niyang kilalanin ang sarili.Napakalungkot niya at hindi niya matiyak kung siya ba ay makakapagtrabaho ng maayos. Kapag naman hindi siya nagtrabaho, baka maburyong lang siya sa bahay. Parang lahat ng lang ng bagay ay wala siyang buong desisyon.Nakamasid siya kay Lux habang ito ay nag-aasikaso. Naglalagay ito ng mga damit sa bag at nakararamdam siya o nag-iisip siya ng masama, na hindi na ito babalik.Kung nariyan ang Nanay niya baka mapagalitan siya dahil ang sasabihin nun, masyado siyang taliwas sa katotohanan kung mag-isip.Binura niya ang isip na hindi na si Lux babalik. Bibyahe nga pala ito at masama na mag-isip siya ng ganun.Deep inside her, she wanted to go with him."Sana ako na lang siya," hindi napigil na sabi niya at huli na para bawiin.Agad na n
Chapter 67 - LuxOUT OF REACH.Tang-ina! Makailang beses na nagmura si Lux nang hindi niya makontak si Heart. Pang-ilang tawag na niya iyon sa dalaga mula pa kanina.Kating-kati na nga siya kanina pa na magkaroon sila ng pag-uusap. He was damn so excited for he never had any chance. Ngayon ang pagkakataon niya para makausap iyon dahil hindi na siya binubuntutan ni Diana, na kapag nasa sala siya ay gusto nasa sala rin. Para iyong isang asong ulol na ayaw mawalay sa amo. Kapag dumukot siya ng smartphone ay nakasiksik kaagad ang mukha at sumisilip.Hindi na tama pero para na siyang nasasakal at hindi makalaban. Ginagamitan siya nun ng armas, at iyon ay ang pagbubuntis nun.Ang ginawa niya para matahimik iyon ay sinamahan niya sa kwarto para mahiga lang.Bukas lang ang pintuan at hindi niya isinasara. Nasa bahay sila nina Katy tumutuloy pero humingi siya ng hiwalay na kwarto.Siya ang tumayong tagapamagitan sa pag-uusap ng mga magulang ni Caleb kay Alfonso. The entire moment, Katy was bes
Chapter 68 - LuxHEART was nowhere to be found and he's so down and nervous. Hindi malaman ni Lux kung paano pipigilin ang pagkawala ang luha sa kanyang mga mata sa mga sandaling iyon habang naglalakad papunta sa kwarto ni Katy.Sabi ni Elisa ay may mga nakita iyong pregnancy test kits sa kwarto ng kapatid niya. Humingi raw siya ng isa para sa binabalak niya.Itutuloy pa rin niya ang plano kahit na gulong-gulo siya sa pagkawala ni Heart.Nag-utos na siya kay Vandros na pumunta sa pulis kahit na wala pang bente kwarto oras ang nakalilipas para ideklara na iyon ay nawawala. Binasehan niya ang huling text nun sa kanya, bandang alas nueve ng umaga, na sabi ay pupunta na sa duktor."Generic lang ito, Kuya ha pero this works like magic, too. Mabilis ang result, segundo lang. And Kuya, wala talagang sagot si ate Heart," ani Katy nang iabot sa kanya ang kit, "out of coverage area siya.""'Wag naman sanang may mangyari sa kanya, Katy," sagot niya sa kapatid."My God, kuya. Don't think of that t
Chapter 68 - LuxHE was waiting, not even blinking while he was staring at the kit. Parang tumigil na ang oras sa paligid niya habang umaandar ang likido papunta sa ikalawang guhit. May isa ng guhit at ninenerbyos siya.Hindi niya alam kung matutuwa siya kapag naging dalawa ang pula o malulungkot din siya kapag iisa.The urine hit the line.Shit!Para siyang mamamatay habang naghihintay pero lumagpas na ang ihi ay walang nabuong ikalawang guhit."Putang-ina!" Mura niya at halos masuntok niya ang tiles na pader ng banyo.Nanlumo si Lux na napaiyak, kagat ang kanyang labi. His bite was so hard and he could almost taste his own blood from his bottom lip.Ginawa siyang tanga ni Diana!All this time, she wasn't pregnant! Damn it! Planado lahat nito ang kunwa-kunwariang pagbubuntis. At kahit na ang dugo ng gabing nagtalo siya ay hindi totoo.Everything was fucking fake!Tama si Heart sa biro nun na may baon ito na kung ano sa underwear at malamang ay binasag para magmukhang dinudugo.Mapapa
Chapter 70 - Heart"FRANC–" hindi nakuhang ituloy ni Heart ang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Franco at hawakan sa may batok."Halikan mo ako pabalik o sasaksakin kita, kabit ka," anito sa gigil na salita at parang nagyelo ang buong sistema niya.Napahikbi siya at nanginginig na humawak sa mga balikat nito at pikit-matang ginawa ang utos nito sa kanya.Ngumisi ito at may tunog yun. Hindi siya makagalaw dahil nasulyapan niya ang hawak nitong patalim. Oo, maikli iyon pero sapat na para bumaon sa tagiliran niya at malagay siya sa alanganin."Pasok," angil nito sa kanya habang yakap pa rin siya at nasa likod niya ang kutsilyo."Franco…'wag," pakiusap niya rito habang umiiyak.Parang hihimatayin siya sa takot pero pilit niyang nilalabanan ang panghihina."Kala mo di ko alam? Katulad ka rin ng nanay ko na mukhang pera. Patanggi tanggi ka pa sa alok ko, gusto mo lang pala ay bilyonaryong may asawa?" Tila nakakainsultong ngisi nito, "Matagal ng pinasusubaybayan sa akin ni Ma'an Diana
Chapter 71 - HeartUMIIYAK na mukha ng ina ang nabungaran ni Heart nang siya ay magmulat. Nakahiga na siya sa bangkong kahoy na mas matanda pa sa kanya. Ang nagpanday daw nun ay ang lolo niya noong bagong kasal pa lang ang kanyang mga magulang."Anak…" ani Lumeng sabay hagulhol.Ang ama niya ay nakaupo lang, nakamasid. Hindi iyon pwedeng mamroblema dahil baka magkadepekto na naman ang operasyon. Gagasinong panahon pa lang ang nakalilipas mula nang biyakin ang dibdib nun.She can't compromise but how?"Anong nangyari sa'yo, anak?" Tanong ni Conrado sa anak.Ang nauunanan ng kanyang ulo ay ang mga hita ni Lexi. Her younger sister was fondly caressing her head, and smiled at her with tearful eyes.Umiyak siya pero hindi nagsalita.Ang pader niyo na hindi matinag-tinag, bumigay na."Pakainin na muna natin si Ate, Nanay. Para siyang pagod na pagod," anaman ni Lexus sa may paanan niya."Oo, oo pala…" natatarantang sabi ni Lumeng saka pumunta sa kusina na nahaharangan ng isang divider na kaho
Chapter 72 - LuxPadaskol na inilapag ni Lux ang bagahe ni Diana nang makarating sila sa Maynila. Nakamasid ito sa kanya tapos ay tinalikuran niya."S-Saan ka pupunta?" Hahabol-habol ito at halos mapailing siya nang makita niyang ito ay nakahawak sa puson.Mapagpanggap!"May aasikasuhin," matabang niyang sagot, malalaki ang paghakbang pero nakabuntot pa rin ito."Sasama ako.""Bed rest," aniya pa pero hinawakan siya nito sa braso kaya agad siyang napatigil, "just stay here. Baka mapaano ang bata. Aasikasuhin ko lang ang annulment dahil tumawag si attorney."Tumawag naman talaga ang abogado at ngayon ay may bago siyang isusumete sa matandang iyon, ang kanyang napatunayan na panlilinlang sa kanya ni Diana. That was another grieve reason for him to get the decision in no time, pero hindi iyon ang uunahin niya.Pupunta siya sa restaurant at kakausapin niya si Gigi. Pupunta siya sa townhouse at magsasagawa ng sarili niyang imbestigasyon. Oo, galit siya pero bibigyan niya si Heart ng patas