Her Point of View."Oh my god1 This is the best Island Hopping I've experienced so far!"Sigaw ni Sirene habang nakatayo sa may railings ng malaking bangkang de motor na sinaksyan namin. Kaming apat lang ang nandito dahil nirentahan talaga namin ito exclusively. We woke up at 6am at nag-prepare din kami ng babaonin namin pagkain dahil walang nagbebenta ng pagkain sa mga Island na pupuntahan namin. Open area daw kasi ang mga Island doon at bilang na tao lang ang nagpupunta at nakatira sa mga Island na iyon. Sa ngayon ay nasa unang island pa lang kami at si Agatha ay agad na tumalon para makapaglangoy. Venus is just taking pictures gamit ang phone niya at ganun din ang ginagawa ko. "Woohoo! Ang lamiiig!'Sigaw ni Sirene. Tumalon na rin pala siya. Tumawa si Albert. Si Albert ang nagmamaniubra ng bangkang de motor na ito. "Hey! Ayaw niyo bang maligo?!"Umiling si Venus."Malamig pa ang tubig dagat. Ayoko. Ikaw Clariza?"Umiling ako. Mamaya na sa ako maliligo sa susunod na Island na pup
Her Point of View.I woke at 7am this morning. Nagsuot ako ng makapal na cycling shorts and paired it with beige jacket and jogging shoes. At dahil tulog pa naman ang tatlo, lalabas muna ako justbto roamed around. I'll be back at 9am or so. Bahala na. Mahaba ang Beach Resort na ito pero hindi pa ako nakapunta sa dulo kaya iyon ang plano kong puntahan ngayon. Kuya Albert said na may magandang rock formation sa dulo ng Beach Resort na ito at may mga bangka ring nandoon at pwedeng sakyan papunta sa kabilang Island. Mas maganda sana kung kasama ko ang tatlo pero i-te-text ko na lang siguro sila mamaya na puntahan ako sakaling hanapin nila ako. Nag-iwan naman ako ng note kung saan ako pupunta. Agad kong binaybay ang dulo ng Beach Resort at may mangilan-ngilan na rin akong nakakasalubong na mga tao at ang iba ay tila galing pa yata sa kung saang bar at pauwi pa lang.Nang marating ko ang dulo ay napanganga ako sa sobrang paghanga sa rock formation na nakikita ko. And from here kita ko rin a
Her Point of View."Wala na po byahe, Ma'am tsaka Sir. Sa laki ng alon ngayon, hindi na po babyahe ang mga bangka."Halos manlumo ako sa sinabi ng lalaki. Pang limang tao na siyang tinanong ko kung makakabyahe pa kami pero puro hindi na ang sagot nila. Nag-ring ang phone ko at tila nabuhayan ako ng loob ng makita ang pangalan ni Venus. Kaagad ko itong sinagot."Ven!""Are you still in Isla Seryansa? We can't go there, Clariza! Ang laki ng alon. Wala nang byahe papunta diyan!""Shit."Ang tangi kong nasabi nang marinig ang sinabi ni Ven."Do you have money? Walang byahe by land going here and there.""Unfortunately, wala ngang byahe by land." Nilingon ko si Carriuz. I sighed. "Carriuz is with me."Tahimik lang sa kabilang linya. I waited for Venus to speak."Ven..""I wanna talk to him."Nag-alangan pa ako pero inabot ko kay Carriuz ang phone ko."Ven wants to talk to you."Kinuha niya ang phone ko at nilagay sa tenga niya."Yeah?"Si Carriuz. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Venus
Her Point of View.Tumigil ang tricycle sa isang bahay na gawa sa kahoy pero yero ang bubong. Malapad at dalawang palapag. Ang mga bintana ay halatang sinaunang bintana pa. Yung sliding window na bintana."Salamat Romar ha?""Ikaw pa ba, Kap? Hindi ka po ba pupunta ng Barangay ngayon?""Mamayang tanghali siguro. Mag-iingat ka.""Opo, Kap."Nagpaalam kami kay Romar at hinatid namin siya ng tingin."Kapitan po kayo dito, Tay?""Oo. Tara..pasok tayo."Napangiti ako nang makita ang gate nila na gawa sa kahoy. Pagkapasok namin ay namangha ako dahil sa iba't-ibang kulay ng rosas at mayroon ding sunflower."Tanim iyan ng asawa ko. Ang ganda hindi ba?"Tumango tango ako."Opo. Ang lawak din po ng garden niyo!"Tumawa si Tatay Jose."Ang bahay na ito ay bahay pa ng Nanay at Tatay ko. Ito lamang ang naipundar nila noon. At dahil ayaw kong magkaroon ng pagbabago sa bahay, minabuti kong wag itong baguhin. Matibay ang ginamit sa bahay na ito kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin."Lolo!"Sigaw ng i
Her Point of View."Do I look fine?"Tanong ko kay Carriuz na ngayon ay inaayos din ang suot niyang polo. Infairness, mukha pa rin siyang mamahalin kahit halatang hindi branded na damit ang suot niya. Siguro nasa nagdadala na lang talaga ang pananamit if you want to look expensive or not. I'm wearing a highwaist black denim skirt and partnered it with white off shoulder. Buti na lang kasing size ko rin ng paa ang anak nila kaya nahiram ko ang isang sandals na bumagay sa outfit ko. Tumigil si Carriuz sa pag aayos ng polo niya at saka ako sinipat ng tingin. Tumaas ang isa niyang kilay."You still look like an International Model to me."Inirapan ko siya."I'm serious, Carriuz."Kumunot ang noo niya."I'm serious too. You still slay that outfit."Tumango ako."That's the answer I wanna hear."He chuckled saka umiling iling. Napansin kong hindi pa rin ayos ang kwelyo ng polo niya kaya lumapit na ako para ayusin iyon. Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din naman siyang nakabawi."Kanina m
Her Point of View.Rinig na rinig ang malalaki at mabibigat na patak ng ulan sa bubong ng basketball court pero hindi alintana ng mga tao na nandirito ngayon ang malakas na ulan at tila ba mas ikinatuwa nga nila ang paglakas ng ulan. Nagsimula na ang singing contest and I was shocked to all the contestants. Pakiramdam ko nanunuod ako ng Idol Philippines ng live. Magagaling silang lahat pero mas humanga ako sa batang babae na huling kumanta. Malakas din ang audienece impact kaya panigurado nang panalo ang batang babaeng iyon. At nang sabihin kung sino ang panalo? Ay hindi na ako nagulat ng tawagin ang pangalan ng batang babae. She deserves the award.Magsisimula na ang pinaka-highlight ng gabing ito at inaabangan ko rin. Ang Gay Contest! I've never watch an actual Gay Contest before kaya excited talaga ako. May lumapit kay Tatay Jose at dahil sa pagkunot ng noo ni Tatay Jose malamang ay problema iyon. Kumunot ang noo ko nang tignan at ituro ako ng baklang host na kausap ngayon ni Tatay
Her Point of View."Sa labas ka sabi matulog!""Ayoko. Ang laki ng kama, Clariza!""Wala akong pakialam kahit pa maging kasing laki ng bahay ang kama, Carriuz! Lumayas ka rito!""Ssshhh.. you're so loud. Baka akyatin tayo dito nina Tatay. Baka isipin nun..""Isiping ano?!""Ssshhh.."Tumahimik ako. Napapikit ako at napalabi dahil sa frustration na nararamdaman ko. Pagod na ako galing sa basketball court at ang lakas ng ulan! Sadly, bagyo na ang LPA. Sabi ni Tatay kanina baka hindi rin kami makabalik bukas dahil mas lalaki pa ang alon. I need to go back! Napaupo ako sa dulo ng kama habang nakahiga si Carriuz sa kama. Wala na akong energy para makipaglaban pa sa kaniya para lang sa kama. Ayoko naman matulog sa labas dahil sobrang lamig doon."Hey.. are you okay?"Sinipat ko siya ng tingin. Pinaningkitan ko siya ng mata."Siguraduhin mong hindi mo tatanggalin ang ilalagay kong harang dito sa gitna!"Kumunot ang noo niya. Kinuha ko ang ibang unan at nilagay ko sa gitna bilang pagitan sa a
Her Point of View."Maraming Salamat Tay, Nay.. maraming maraming salamat po talaga.""Wala yun. Masaya kami sa dalawang araw na nakasama namin kayo. Tila ba sumigla ang bahay."Si Nanay Selis ang nagsalita."Mag-iingat kayong dalawa ha? Nagkaayos naman na kayo hindi ba?"Naramdaman ko ang pag-akbay ni Carriuz kaya napatingin ako sa kaniya."Maayos na po kami, Tay. Salamat po."Inirapan ko siya at narinig ko ang pagtawa ni Tatay Jose."O'sya! Sumakay na kayo bago pa kayo gabihin. Mag-iingat kayo."Bago kami sumakay sa yateng sumundo samin. Well of course, yayamanin 'tong kasama ko kaya hindi kami sa bangka sasakay, sa mismong yate niya. Kinuha ko ang cellphone number ni Tatay Jose maging ang exact address nila. I just got this feeling that maybe, I'll be here again. Sa dalawang araw na nanatili kami sa kanila para bang nakaramdam ako nang pag-aaruga ng mga magulang na kailanman ay hindi ko naranasan. Tatanawin kong habang buhay na utang na loob ang pagpapatira nila samin. Indeed, ther