Pinagpatuloy ko ang trabaho ko roon at nag-take ng orders ng mga customers. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa table ng dalawang lalaki para tignan kung na-serve na ba si Annie ang orders nila. Gusto ko kasing makita kung ano ang mangyayari sa mayabang na lalaki na 'yon kapag nakakain siya ng spicy.
Confident akong nag-trabaho roon at naging abala na rin ako dahil mas dumadami ang mga customers. Nawala nga sa isip ko na may ginagantihan nga pala ako sa araw na 'yon kaya naman agad akong napatingin sa table nila. Sakto naman na kaka-serve lang ni Annie ng orders niya kaya nang magkatinginan kami ay napangiti ako.
Nanatili ako sa loob ng kitchen pero sumisilip ako sa labas para tignan kung nagsimula na ba silang kumain. Napangisi ako nang makita kong sabay pa silang kumagat sa pizza nila.
"Kali, sinong tinitignan mo d'yan?" tanong naman sa akin ni Jake.
Isa sa mga crew si Jake at napaayos naman ako ng tayo nang magtanong siya sa akin. Nakita ko naman na may hawak siyang panglinis kaya at mukhang lilinisan na niya ang bakanteng table kaya nagsalita ako kaagad.
"Are you going to clean the table?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah. I was about to leave and go there to clean," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"Great! Let me do that for you," sabi ko.
Agad kong kinuha ang mga panlinis ni Jake kahit na hindi pa siya pumapayag sa gusto ko. Umalis naman ako kaagad doon para malinis na ang table malapit sa dalawang lalaki na ginagantihan ko.
Kunwari akong walang alam nang dumating ako sa kabilang table para ligpitin ang mga kalat doon. Nagpunas lang ako ng lamesa roon habang nago-observe kung may pinag-uusapan ba sila. Mukhang hindi pa tumatalab ang ipinalagay kong spicy sa foods nila dahil hindi pa ina-allergy ang isang lalaki. Napahinto naman ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pag-ubo sa kabilang table.
"Spicy ba lahat ng food na in-order mo?" narinig kong tanong.
"What? No, but..."
"Oh, yeah! It taste spicy. I instructed the girl na 'wag lagyan ng spices dahil allergy ka nga," sagot naman ng isang lalaki.
Nagsunod-sunod ang ubo ng mayabang na lalaki na kausap ko kanina. Hindi ko tuloy alam kung makokosensya ba ako or matutuwa dahil sa wakas ay nakaganti rin ako sa kaniya.
"Miss."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni silent boy. Hindi naman ako lumingon dahil baka hindi ako ang tinatawag niya. Humugot na lang ako nang malalim na hininga at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Miss, excuse me?" tawag nito muli at this time, kinalabit na niya ako.
Napakagat naman ako sa labi ko at napapikit ng mariin bago tuluyang humarap sa table nila. Nahagip naman ng tingin ko si Damian na halos mamula ang balat habang umiinom ng mango shake.
"Yes, Sir? Do you need anything?" tanong ko pagkatapos ay ngumiti ako.
Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako kaya naman nanatili akong nakatayo roon habang nagpapanggap na walang alam sa kung ano ang nangyayari sa kasama niya.
"Nilagyan mo ng chili ang pagkain ko?" tanong naman ni Damian sa akin.
Kita ko ang inis sa mukha niya habang nakatingin sa akin kaya naman mas lalo ko pang ginalingan umarte sa harapan nila.
"What? Actually, there's natural spices in the ingredients. Hindi sasarap ang pagkain kapag hindi nilagyan," sagot ko naman.
"But I told you that he's allergy to spicy foods," sabi ni silent boy.
"Oh!" pagkukunwaring gulat na sabi ko roon.
Napatakip pa ako kunwari sa bibig ko bago muling magsalita.
"You did? Maybe I didn't hear that," sabi ko naman.
"Gumaganti ka lang sa akin. Well, congrats. Success ang revenge mo," sabi sa akin ni Damian.
Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya kaya napailing ako roon habang nakatingin lang sila sa aking dalawa.
"I'm professional when it comes to work, Sir. So, why would I do that?" I said and then laughed sarcastically.
"You should be thankful dahil hindi ako masyadong naapektuhan, but if I was affected badly I will sue you," sabi nito sa akin.
Nanatili akong nakangiti dahil kita ko ang inis sa mukha niya. Deserve niya lang ang ginawa ko dahil muntikan na niya akong mabangga kanina. Kung natuloy ang pagkabangga sa akin ay baka wala ng mama ang anak ko!
"Do you know that two, Kali?" tanong sa akin ni Annie.
"No, pero sila lang naman ang muntikan nang makabangga sa akin kanina," sagot ko.
Nakabalik na ako sa kicthen dahil ayaw ko nang makipag-usap pa sa dalawang lalaki na 'yon. Nag-order na lang sila ng panibago at sinabihan ko na si Annie na 'wag lagyan ng kahit na anong spices.
"Really? They both handsome! Ngayon ko lang sila nakita rito kaya sigurado akong nakatira ang mga 'yan sa kabilang city," sabi ni Annie.
Hindi naman ako nagsalita dahil wala naman akong pakialam kahit na ngayon ko lang din sila nakita rito.
"I think I have a crush isa sa kanila," sabi ni Annie pagkatapos ay nag-giggle pa.
Napairap naman ako habang gumagawa ng ibang trabaho sa loob ng kitchen.
"You shouldn't waste your time sa mga gan'yang lalaki. Yes, they're rich and handsome pero lolokohin ka lang sa huli ng mga 'yan," sunod-sunod ko namang sabi sa kaniya.
"You're so bitter, Kali! Bakit kasi hindi mo ulit subukan mag-boyfriend? Para naman hindi ka na bitter sa relasyon ng iba," ssuhestiyon na sabi niya.
"That's not gonna happen and I'm not bitter sa relasyon ng iba. Sinasabi ko lang ang totoo. Wala ng descent guy lalo na sa panahon ngayon!" pangangatwiran ko.
Hindi naman na nakipagtalo pa sa akin si Annie at hinayaan na lang ako sa pananaw ko. Hindi naman talaga ako bitter sa mga nakikita kong couple. In fact ay masaya nga ako para sa kanila pero hindi ko lang talaga maiwasan na isipin na magloloko ang partner nila.
I was seventeen when I gave birth to Agatha. Buntis pa lang ako sa kaniya nang iwanan na ako ng ex-boyfriend ko para sa ibang babae. Hindi niya rin tinanggap si Agatha dahil takot siya sa responsibilidad kaya naman nang mangyari 'yon sa buhay ko ay ipinangako ko na hinding-hindi ko na bubuksan ulit ang puso ko sa iba. Ayaw kong dumating ako ulit sa point ng buhay ko na masaktan ng sobra dahil nagmahal na naman ako ng lalaki.
Sa gabing 'yon ay nag-dinner lang ako kasama sina Tita Cindy at ang anak kong si Agatha. Pagkatapos ng dinner namin ay nagpasiya kami na umuwi na sa apartment na tinutuluyan naming mag-ina.
Sa sumunod na araw ay dinala ko sa mall si Agatha para makapag-bonding kaming dalawa. Kahit na naibili ko na siya ng mga ibang gamit mula sa ibang bansa ay inaya ko siyang mag-shopping kaming dalawa. Kaya nga ako kumakayod sa pagta-trabaho para mabili ang mga gusto niya. Natutuwa naman ako sa kaniya dahil talagang kahit na halos i-spoil ko siya ay marunong siyang makuntento sa edad niyang apat na taon.
Hindi ko nga lang maitanggi na paminsan-minsan, lalo na kapag may nakikita siyang pamilya habang naglalakad kami sa mall, tinatanong niya kung bakit may kulang sa aming dalawa. Tinatanong niya rin palagi kay Eunice kung nasaan ang father niya sa tuwing wala ako. Lahat naman ay kaya kong i-provide sa kaniya except lang sa pagkakaroon niya ng Ama, dahil hinding-hindi ko ipapakilala ang ama niya na kahit kailan ay hindi naman siya kinilala bilang anak.
Masakit para sa akin sa tuwing nagtatanong siya kung nasaan ang father niya kaya naman ang laging paalala ko sa kaniya ay sasabihin ko lang kapag malaki na siya. Iyon nga rin ang rason kung bakit siya madalas uminom ng gatas niya dahil tingin niya ay lalaki siya ng mabilis kapag uminom siya ng gatas.
Maghapon yata kami sa mall ni Agatha at doon na rin kami nag-dinner. Parehas kaming pagod nang makauwi sa bahay kaya naman pinaliguan ko siya kaagad para makapagpahinga na sa gabing 'yon. Mabilis ko lang napatulog si Agatha dahil pagod din siya sa maghapon na activities namin. I was also about to sleep that night but Rein, my friend suddenly called me. Nag-ask siya kung pwedeng mag-swap kami ng shifts for the next next day. Next week pa ang susunod kong flight pero dahil hindi ako makatanggi kay Rein ay pumayag na ako.
"I wish I could be the perfect daughter."
Nagising ako kinabukasan dahil sa pagkanta ni Agatha. Nanonood na naman siya ng Moana at halos makabisado na niya ang kanta roon gamit ang Ipad niya. Hindi ko namalayan na nauna pala siyang magising sa akin.
"That's too early, Agatha."
Hindi ako pinansin ng anak ko dahil abala siya sa pagkanta kahit na bulol ang salita niya. Bago naman ako tuluyang umalis mula sa higaan ay hinalikan ko siya ng marami sa mukha. I just cooked fried rice, ham, egg, and hotdog. Gumawa rin ako ng vegatable salad para kay Agatha dahil favorite niya 'yon. Iyon ang bagay na hindi kami magkaparehas dahil hindi ako mahilig kumain ng gulay.
"Mommy is leaving again tomorrow. Where do you want to go today?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.
"Leaving too soon, Mommy?" inosenteng tanong niya.
"Yeah. Mommy have to make money for us," sagot ko naman.
Kung pwede lang talaga na 'wag ng umalis sa tabi niya ay gagawin ko kaya lang ay alam kong impossible 'yon. Isa pa ay nangako naman ako sa kaniya na sa fifth birtday niya ay sa disneyland kami magc-celebrate.
"Beach us with aunt Eunice, Mommy. Please?" sabi niya pagkatapos ay nag-pout.
She's so cute everytime she does that kaya sino ba naman ang hindi pagbibigyan abg request niya.
Sa umaga na 'yon ay tinawagan ko kaagad si Eunice kung free ba siya dahil siya ang gustong kasama namin ni Agatha sa beach. It's a good thing na free si Eunice kaya inayos ko na kaagad ang mga gamit na dadalhin namin papunta sa beach.
Hindi naman kami malayo sa beach isang oras lang yata ang byahe papunta roon, pero itong si Agatha ay nakatulog sa byahe.
"Wala ka man lang talagang balak na magpahinga?" tanong sa akin ni Eunice.
"Ito ang tinatawag kong pahinga. Being able to be with you two ay nakakapagpahinga na ako. Lalo na ang little girl na 'yan," sagot ko naman.
Ang sasakyan ni Eunice ang ginawa naming service at siya na rin ang nag-drive. Marunong naman ako mag-drive at nakakuha na rin ako ng driver license dahil ako minsan ang nagd-deliver ng orders from online sa restaurant.
"So, do you have flight again tomorrow?" tanong sa akin ni Eunice.
"Yeah, that's why iiwan ko ulit sa'yo si Agatha," sagot ko.
"That's perfect! Pupunta ako bukas sa bahay nila Phil. She can play there with Phil's nieces!" Excited na sabi ni Eunice.
Napangiti naman ako dahil isa rin si Phil na tumutulong kay Eunice para alagaan si Agatha. Si Phil ay fiance ni Eunice at sobrang bait nito kaya naman gusto ko siya para sa kaibigan ko.
"I'm not yet ready when you have your own kids na. Sino na lang ang mag-aalaga kay Agatha habang nasa flight ako?" pabirong tanong ko.
"Oh, no. Of course, I can still take care of Agatha. Parang anak na rin ang turing ko sa batang 'yan," sabi ni Eunice.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti kung bakit ako biniyayaan ng ganitong kaibigan. Hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin kung wala si Eunice sa tabi ko.
Nang makarating kami sa resort ay halos mag-aya kaagad si Agatha na pumunta sa dagat kaya naman dinala namin siya ni Eunice. Sobrang tuwang-tuwa ang anak ko kaya naman nakakatuwa na panoorin siya. Napawi nga lang ang ngiti sa kaniya nang may natanaw siyang mag-tatay na naglalakad papunta sa dagat. Nakatitig lang siya roon at sinundan niya ng tingin kaya naman nagkatinginan na lang kami ni Eunice.
"Is that her Dad, Mommy?" Tanong sa akin ni Agatha.
"Y-Yes, baby." Sagot ko.
Muli kaming nagkatinginan ni Eunice at para bang nakita niyang kailangan ko ng tulong kaya naman nagsalita siya.
"What do you want to eat, baby? Do you want something sweet?" tanong ni Eunice, para matigil sa pagtatanong si Agatha.
"Where's my Daddy? Why I don't have one?" muling pagtatanong niya.
Kahit na medyo bulol pa magsalita si Agatha ay naiintindihan naman namin 'yon. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na hindi masaktan dahil sa mga tanong niya sa akin.
"Let's go and eat first. Marami raw iba't-ibang flavors ng ice cream sa loob!" pag-aaya ni Eunice.
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Agatha para hilahin pabalik sa resort pero hindi ito nagpahila sa kaniya. Napatingin ako sa anak ko at kita ko ang kunot noo niya habang nakatingin sa akin.
"Where's my Daddy?" tanong niya.
Napatingala naman ako kay Eunice at napailing na lang siya. Napahugot naman ako ng malalim na hininga bago ko hinawakan ang dalawang kamay ni Agatha.
"Agatha, baby. Hindi ba at sinabi ko sa'yo na kapag malaki ka na tsaka ko sasabihin kung nasaan ang Daddy mo?" mahinahon na sabi ko sa kaniya.
Napasimangot naman ito kaya napanguso ako nang maramdaman kong naiiyak din ako. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit para mawala ang lungkot sa mukha niya.
Soon, Agatha. Mare-realize mo rin na hindi mo kailangan ng tatay dahil ako pa lang ay magiging sapat na para sa'yo.
Sa sumunod na araw ay maaga akong umalis sa apartment para madala si Agatha kay Eunice. Maaga kasi ang flight ko papunta sa Singapore at Singapore to Tokyo. Mahabang byahe rin 'yon kaya siguradong nakakapagod na naman pero ayos lang naman sa akin.As usual ay si Claire na naman ang kasama ko buong byahe at ilan ko pang kakilala na cabin crew. Habang sa flight naman ay nag-alok ako ng pagkain sa mga pasahero pagkatapos ay bumalik ako galley para makapag-prepare rin ng mga order nilang foods. Gano'n lang naman ang routine ko sa trabaho at nag-eenjoy naman ako. Kapag long flight ay may crew compartment naman kami kung saan pwede kaming matulog, basta ay hindi kami naka-duty.Nang makarating kami sa Singapore ay nagtuloy din ang byahe namin papunta sa Tokyo. Mahabang flight 'yon at marami rin pasahero ang nag-order ng foods nila. Ako ang nag-serve at as usual ay hindi mawawala sa mga pasahero ang bumabati sa akin at pinupuri ako dahil maganda raw ako.Hindi din ako nakaiwas sa ilang forei
"Kalilah. Right, it's you!" sabi ni Anthony.Kita ko pa rin ang gulat sa mga mata niya, medyo namumula nga rin ito dahil siguro sa alak na nainom niya. Nakaawang ang labi niya habang tinitignan ako na parang manghang-mangha sa nakikita niya."Do you know him, Kali?" tanong sa akin ni Angelo.Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay gulat sa mga nangyayari ngayon. Alam kong magkakatagpo muli kami ni Anthony pero hindi ko expected na sa ganitong paraan at lugar.Anthony looked at me from head to toe as if he had seen something very alluring. Of course, he did. Ako na ang nasa harapan niya ngayon at alam kong maganda ako."Is that really you? You look better now," sabi niya gamit ang hindi makapaniwalang boses.Syempre mas better na ako ngayon dahil sobrang worst ng kalagayan ko noon nang kami pa lalo na nang iwan niya ako mag-isa habang buntis ako."Angelo, let's go," sabi ko kay Angelo.Wala akong balak na makipag-usap kay Anthony or mas humaba pa ang interaction namin doon ka
Ginawa ko lang ang dapat gawin sa mga araw na 'yon at nang matapos ay sumama akong mag-shopping kina Diane. As usual ay para kay Agatha lahat ang nabili ko at wala akong nabili para sa akin. Nang matapos kaming mag-shopping ay kumain naman kami at nagpahinga sa hapon para sa muling mahabang pag-flight namin.May hang-over pa halos si Claire dahil sa pag-inom nila kagabi kaya natulog siya sa hapon. Nag-ayos na lang ako sa kwarto at ako na rin ang nag-ayos ng iba niyang mga gamit dahil masakit daw ang ulo niya. Mas mainam na matulog na lang siya ngayon dahil baka hindi pa siya makapag-duty nang maayos mamaya."Thanks, Kali. Ililibre na lang kita ng food mo mamaya sa Singapore," sabi niya nang magising siya."No worries. Kumusta na ba ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ang ulo mo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya."I feel much better now. Mawawala na ng tuluyan 'to mamaya kapag naligo ako ulit," sagot niya.Tumango naman ako at hindi nakapagsalita dahil may nag-door bell sa room namin.
I couldn't quite imagine that Anthony was on the same plane with me for the entire flight. Kaya naman nagpapasalamat ako na nakarating din kami sa Pilipinas at muli akong makakapagpahinga kasama ang daughter ko."Thank you!" nakangiting sabi ko sa mga pasaherong bumababa.Napahinto nga lang ako at nawala ang ngiti sa labi ko nang huminto si Anthony sa harapan ko. Manghang-mangha pa rin niya akong tinignan kaya naman pilit akong ngumiti sa kaniya."Thank you for flying with us, Sir!" nakangiting sabi ko sa kaniya."Thank you, Miss Kali." Sabi niya bago tuluyang umalis doon.Nang makababa lahat ng pasahero ay halos mapabuntong hininga na lang ako habang hila-hila ang luggage ko. "Did he asked your number?" As usual ay gano'n na naman ang tanong sa akin ng mga kasama kong cabin crew lalo na si Claire."Of course not!" pagtatanggi ko naman sa kanila.Hindi sila natigil na pag-usapan si Anthony at talagang hangang-hanga sila rito. Gusto ko na lang mairap doon. Kung alam niyo lang kung ga
Pakiramdam ko ay nadagdagan ang stress na nararamdaman ko dahil sa mga lalaking ito. Una ay si Anthony na pilit na nangungulit sa akin pagkatapos ay pumapangalawa naman si blue eyes man. "Your new suitor?" tanong sa akin ni Eunice.Kanina pa siya nagtatanong sa akin about sa lalaking kinausap ko sa kabilang table at wala naman akong magandang maisagot na ikasa-satisfy niya dahil pangalawang beses pa lang naman kaming nagka-interact ng lalaking 'yon."No, of course not! Pangalawang beses pa lang namin 'tong nagka-interact," sagot ko naman."Wow! Iba talaga ang gandang meron ka," sabi ni Eunice pagkatapos ay ngumisi sa akin.Napailing naman ako at napairap dahil hindi talaga ako interesado roon.Napatingin ako muli sa kabilang table at nakita kong nakatingin pa rin si blue eyes. Napairap ako dahil kumindat ito sa akin. My gosh! Why is he acting like that?"Bagay kayong dalawa! Bakit hindi mo bigyan ng chance? Mukhang mabait naman e," suhestiyon na sabi ni Eunice sa akin."Oh come on, E
"I'll leave you here for now, Agatha. Mag-behave ka habang wala ako," sabi ko kay Agatha.Nasa restaurant kami ngayon at iiwanan ko muna siya kay Tita Cindy dahil may inaasikaso akong mga papel para ma-enroll ko na si Agatha. Hindi ko siya pwedeng isama dahil isa ko pa siyang aalagaan doon habang may ginagawa. Wala rin naman si Eunice dahil nasa trabaho siya kaya kay Auntie Cindy ko muna siya iiwanan."Okay, Mom," sagot niya sa akin gamit ang maliit na boses.Napangiti naman ako at bahagya kong ni-pat ang ulo niya bago ako nagtaas nang tingin kay Auntie Cindy."Don't worry about her, Kali. Sobrang behave niyan lagi kapag wala ka," sabi niya sa akin.Muli akong napangiti at napatango dahil kilala ko rin ang anak ko. Kapag sinabi kong mag-behave siya ay ginagawa niya kaya naman natutuwa ako sa kaniya dahil masunurin siya at marunong umintindi."Ikaw muna ang bahala sa kaniya, Tita Cindy. Babalik din ako kaagad once na makatapos ako kaagad," sabi ko."No worrie, Kali. Sige na para makat
"Ako na ang maghahatid sa inyo kung ayos lang sa'yo," sabi sa akin ni Roswell.Nakapagpaalam na kami kay Tita Cindy na uuwi na kami dahil hapon na rin. Ayaw naman na niya akong patulungin sa restaurant dahil marami na rin naman silang gumagawa roon. Sinabi niya na i-spend ko na lang daw ang oras ko kay Agatha."No, it's okay. Maaga pa naman. Magta-taxi na lang kami," sagot ko sa kaniya.Kabado ako habang palabas dahil kailangan naming dumaan sa dining. Kanina ko pa rin hinahanap si Annie para itanong kung naroon pa ba si Anthony kaya lang ay hindi ko siya mahagilap. Laking pasasalmat ko naman nang makalabas kami sa restuarant."Please, Kali," paki-usap niya.Magsasalita na sana ako para sabihin kong hindi ako payag na ihatid niya kaming ulit ni Agatha kaya lang ay may biglang tumawag sa akin."Kalilah!"Nang mabosesan ko kung sino 'yon ay agad kumalabog ang dibdib ko. What the hell?! Akala ko pa naman ay wala na siya rito! Nataranta ako at napatingin kay Agatha bago kay Roswell."S-Si
Itinawa ko na lang ang kabang nararamdam ko pagkatapos ay umiling sa kaniya. Ang mga lalaki talaga ay magaling sa mga ganitong salita."Why are you laughing? I'm serious, Kali. Kahit itanong mo pa kay Damian," sabi niya."Damian? 'Yung kaibigan mo na mayabang? No way! Hinding-hindi ko na kakausapin 'yon!" reklamo ko kaagad sa kaniya.Naalala ko na naman tuloy ang araw na muntikan na nila akong masagasaan sa kalsada! "Alright, pero totoo ang sinasabi ko. I find you interesting. Ngayon pa lang ako naka-interact ng babaeng katulad mo," sabi niya."Of course! Nag-iisa lang ang tulad ko. I'm rare!" mayabang at taas noo ko namang sagot sa kaniya.Bahagya siyang natawa at tumango-tango na para bang sang-ayon siya sa sinabi ko. Umayos siya nang upo pagkatapos ay lumingon siya sa akin."I like your personality, Kali. Kaya kahit hindi mo pa ako binibigyan ng chance, ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo. I'll court you even your daughter Agatha," pagsasalita niyang muli.Napanguso ako dahil s
"I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing
Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang
Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k
Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d
"Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba
Sobrang saya namin ni Eunice kaya naman nagyakapan kaming dalawa. Masaya ako para sa amin dahil kahit na may nawala sa amin ay binigyan pa rin kami ng panibagong blessings."Congratulations to the both of you, but Eunice I still have something to discuss with you and your husband. I'll discuss the do's and don'ts," sabi ni ng OB ni Eunice."Oh, alright, Doc!" Excited na sabi naman ni Eunice pagkatapos ay napatingin siya sa akin.Napangiti at napatango naman ako sa kanila dahil kailangan nga 'yon ipaliwanag sa kanila ng Doctor."Take your time. I'll just use comfort room," sabi ko sa kanila.Agad naman tumango sa akin si Eunice kaya hinayaan ko muna silang makapasok sa loob ng room bago ako tuluyang umalis doon para pumunta sa comfort room.Nakasuot ako ng oversized sweater at maternity leggings. Kapag gano'n ang suot ko ay hindi halata ang baby bump ko. Iyon muna ang sinusuot ko kapag lumalabas ako dahil takot akong malaman nila na buntis ako. Ayaw kong mapahamak kami ng baby ko.Tahi
"Kali, hindi pwedeng laging ganito. Manghingi na tayo nang tulong kay Roswell," sabi sa akin ni Eunice.Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya at mabilis akong napailing. Nakahiga lang ako sa kama ngayon habang nakayakap sa favorite stuff toy ni Agatha. Wala akong gana na bumangon at ang tanging ginagawa ko lang ay umiyak lalo na nang makabalik kami sa Manila.It's been a five weeks since Agatha passed away and I can't still accept it. Every night I sleep it haunts me. Alam kong hindi deserve ni Agatha ang mawala nang maaga. I still have a lot of dreams for her. Gusto ko pang makita kung paano siya maging teenager at kung paano siya magpapakilala sa akin ng boyfriend niya.After what happened, hindi na naging mapayapa ang isip at buhay ko. Lagi akong nakakatanggap ng death threats at alam kong si Anthony ang nasa likod nito. Hindi ko alam kung ano ba ang mapapala niya sa pananakot sa akin, pero hindi niya talaga ako tinitigilan.Simula nang makabalik ako sa Manila ay hindi ko na ulit
"Roswell, ano ba?! Don't touch me!" reklamong sabi ko sa kaniya para makaalis sa yakap niya.Hindi siya nagsalita at hindi rin niya inalis ang pagkakayakap sa akin kaya naman bumuhos ang mga luha ko. This all I need right now, his hug! But I know this is wrong because he has already a wife."Can't you see it? I'm not Kylie! I'm not your wife!" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya pagkatapos ay pilit ko siyang tinulak palayo sa akin.I heard him sobbing while hugging me. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya dahil sa pag-iyak niya."I-I know, and it hurts me so bad, Kali. I'm so sorry," sabi niya habang umiiyak.Napakagat ako sa labi ko at napapikit. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa pag-iyak ko."Vera told me a long time a go that she discovered that you're not Kylie, pero hindi ako naniwala dahil akala ko ay gumagawa lang siya nang paraan para hindi ka na pabalikin sa buhay ko," pagsisimula niya sa pagkukwento."Naniwala ako na ikaw si Kylie dahil wala naman akong ibang idea na m