“Anong klaseng kapatid ba meron ka? How about Blaze? is he okay?” umiling naman si Beatrice.“I don’t know. Hindi ko napansin na may tama pala siya ng bala.” Pagod niya ng aniya.“Magpahinga ka na muna, go and clean yourself then rest. Don’t worry about your son, he’s with Jayson.” Napatango-tango na lang siya at naglakad na paakyat ng kwarto niya. Dumiretso na siya ng banyo para makaligo at malinis niya ang sarili niya.Nang matapos siya ay napansin niya ang cellphone ni Blaze na kinuha niya kanina sa warehouse. Paanong nakuha ito ni Camilla kay Blaze?Naupo siya at binuksan ang cellphone, wala itong lock kaya mabilis niyang nabuksan. Tiningnan niya naman sa message pero walang masyadong message dun. Tiningnan pa niya ang ilang apps hanggang sa mapansin niya ang isang tila diary app na may lock.Sinubukan niya ang birthday ni Blaze pero hindi pa rin bumukas. Ang anniversary nila ni Camilla pero hindi pa rin, sinubukan niya ang anniversary nila dati pero hindi rin. Wala na siyang mais
Diretsong nakatayo si Beatrice habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaki niyang salamin. Bakas pa rin ang iyak sa mga mata niya. Hindi na siya nakakain kagabi dahil sa mga nangyari, ang trauma mula sa kaniyang kapatid at ang mga nalaman niyang tungkol sa nakaraan. Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan niya. Iniisip kung anong dapat niyang gawin lalo na at maaaring nasa paligid lang nila ang kapatid niya. Hindi rin magtatagal at malalaman na ng lahat ang tinatago niyang sekreto. Iniisip niya rin kung may kinalaman ba ang mga magulang niya tungkol kay Camilla o katulad din niyang walang alam sa kapatid niya. Pumasok na siya ng banyo para ayusin ang sarili at mawala na rin ang pagkamugto ng kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan na haharap siya sa ganitong klase ng problema. Dapat niya na bang pagsisihan ang pagbabalik niya? Subalit kung hindi naman siya bumalik baka hanggang ngayon nabubulag pa rin siya sa kasinungalingan at puno pa rin ng sakit ang dibdib niya dahi
Pareho silang tahimik, halos marinig mo na kahit ang maliliit na tunog. Bahagyang napabuntong hininga si Beatrice saka dahan dahang nilagyan ng gamot ang sugat ni Blaze. Wala lang ding kibo si Blaze at hinayaan si Beatrice.Masaya siyang malaman na buhay ang tunay niyang asawa pero hindi niya mapigilang hindi magalit dahil sa pagtatagong ginawa nito. Anim na taon siyang nabubuhay sa kasinungalingan at pagsisisi, tila nabubuhay siya sa kadiliman at hindi alam kung kailan makikita ang liwanag.Nang matapos na magamot ang sugat ni Blaze ay isinuot niya na ang damit niya saka tumayo para manguha ng tubig. Tahimik lang namang nakasunod sa kaniya si Beatrice.“Ipinatingin mo na ba sa doctor yan?” lakas loob ng tanong ni Beatrice, bahagya siyang nakayuko habang nilalaro ang mga daliri niya. Hilaw na ngumiti si Blaze at napapailing.“Why do you care, anyway?” aniya sa malamig na boses. Nakagat ni Beatrice ang pang-ibaba niyang labi, inaasahan niya na ito. Ang magbago ang pakikitungo ni Blaze
Eilish knew about Blaze panic disorder pero hindi niya lubos akalain na ang taong mahal na mahal niya ang maglalagay sa kaniya sa ganung sitwasyon, ng paulit-ulit.Pagpapanggap nga lang ba ang lahat? Alam niya ang buong pagkatao ni Blaze, kung ganun ba sinadya niya ang lahat. Simula sa pagpapanggap niyang nag-aalala ito sa kaniya at ang pananatili niya kunwari sa tabi ni Blaze sa tuwing nagpapanic siya.“AAAAHHHHH!” malakas na sigaw ni Blaze at sunod-sunod na pinaghahagis ang mga babasaging gamit niya.“It’s all a lie!” nasasaktan niyang saad. “Kasinungalingan lang ang lahat simula pa lang.” mahina niyang saad. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya. Nasasaktan siya kapag naiisip niyang planado na lahat ni Beatrice una pa lang.Wala ng tigil ang paghagulgol ni Beatrice dahil mula sa itaas ay rinig niya ang pagwawala ni Blaze. Masakit para sa kaniya na nakikitang nasasaktan si Blaze pero wala siyang magawa, ni hindi niya ito malapitan o makausap ng maayos dahil galit ito sa kaniy
“Sigurado ka na ba tungkol sa bagay na ito?” pagtatanong ni Sabrina nang makita niya ang laman ng letter ni Beatrice. “Yan na lang ang tanging paraan para ibalik ko ang lahat ng kinuha ko kay Blaze. Kung kailangan kong aminin lahat ng nagawa ko kay Chairman gagawin ko. Alam kong hindi ito sapat para mabawasan man lang ang kasalanan ko, hindi sapat na umalis lang ako sa kompanya.”“Pero maaaring hindi ito palalampasin ni Chairman, kilala mo siya iba siya magalit kaya bakit ka susuko? Bakit ka aamin, mabigat ang nagawa mo sa kompanya tapos dito lang matatapos lahat ng ginawa mo?” nag-aalalang saad ni Sabrina pero tipid lang na ngumiti si Beatrice. Handa na siyang harapin lahat ng ginawa niya kay Blaze dahil dapat lang. “Kung kailangan kong pagbayaran lahat Sab, hindi ko na iniisip kung anong gagawin sakin ni Chairman. Ang mahalaga sa akin, malaman niyang walang kasalanan si Blaze, walang kasalanan ang apo niya. Alam kong mahihirapan na akong ibalik ang tiwala ni Chairman, kahit malama
“Kung nalaman niya ang tunay mong pagkatao paano pa kaya ang anak mo? Ina rin siya pero bakit kailangan niya itong gawin gayong magkasing-edad lang sila ng anak niya. Nababaliw na ang kapatid mo.” inis na ring wika ni Sabrina, napapahigpit na lang ang pagkakahawak niya sa manubela dahil gusto niya ng sampalin ng paulit-ulit ang mukha ni Camilla dahil sa pandadamay nito sa batang walang kamuwang-muwang. Mabilis silang nakarating sa park at may mga ilan na ring mga pulis ang nakapaligid. Delikado ang mga ito lalo na at hawak-hawak pa ni Camilla ang anak niya. “Walang magpapaputok. Pakiusap, walang magpapaputok.” Sigaw ni Beatrice sa mga pulis na nakatutok ang mga baril sa pwesto nila Camilla. “Dalhin niyo sa akin si Eilish!!” rinig pa niyang sigaw ni Camilla, nakipagsiksikan na siya sa mga taong nakikius-sosyo sa nangyayari. “Anak, nakikiusap ako sayong huwag mong gawin ‘to. Ano bang problema? Bakit mo pa hinahanap ang kapatid mo gayong matagal na siyang patay. Bitawan mo na ang bat
“Pakiusap, ibigay mo na lang sakin ang anak ko. Nagmamakaawa akong maawa ka sa bata, he’s too young for this kind of situation. Sana naiintindihan mo ako!”“Shut up!” inis na sigaw ni Camilla saka itinutok ang baril kay Jayson na nakikiusap sa kaniya. “Tumigil ka diyan dahil hindi naman ikaw ang kailangan ko! Kasalanan mo rin kung bakit nangyayari ito sa anak niyo dahil pinili mong mahalin ang kapatid ko na dapat ay nagdudusa!!” “Camilla don’t do this. Tandaan mong may anak din tayo, kahit para na lang kay Khian. Nakikiusap ako.” nagmamakaawa na ring saad ni Martin na hindi na gusto kung anong ginagawa ngayon ni Camilla. Napahawak na lang si Blaze sa ulo niya ng makaramdam na naman siya ng hilo at paninikip ng dibdib. Kung ganun totoo ngang hindi niya anak si Khian, bigla na lamang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata kahit na nahihirapan siyang huminga. Halos mapaluhod siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, unti-unti na naman siyang nahihirapang huminga at namumula
“I heard ev-everything. A-alam ko na p-pong hindi niyo a-ako t-tunay na a-anak.” nahihirapan nitong saad. “Khian,” nanghihinang saad ni Mrs. Bautista, hindi niya kayang hawakan ang apo dahil sa kalagayan nito. Matamis na ngumiti si Khian kahit na hirap na hirap na siya. “K-Kung, ipapanganak man a-akong m-muli.” “Huwag ka ng magsalita baby, save your energy please.” Pagpipigil sa kaniya ni Blaze pero matamis lang na nakangiti si Khian sa kaniya. “K-kung mabubuhay man a-ako uli, gusto ko,” hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil sa paninikip na ng dibdib niya. “Gusto ko, i-ikaw na ang Da-ddy ko.” humahagulgol na silang lahat at tumango-tango naman si Blaze sa anak. “Ikaw pa rin ang baby ko kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang anak ko kaya huwag kang mag-isip ng ganiyan, okay? Please stay with Daddy, I love you.” matamis na ngumiti si Khian kahit na hirap na hirap na siya at gusto niya ng ipikit ang mga mata niya. Masaya siyang marinig iyun mula sa Daddy niya. “I l-love you
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong