“Eilish,” anas ni Blaze habang nakatingin kay Beatrice na patuloy pa ring kumakanta. “You’ll be okay Beatrice, walang mangyayari sayo sa dilim. Walang mangyayari.” Saad niya sa sarili. Lahat ng sinasabi ngayon ni Beatrice ay siyang mga sinabi din noon ni Eilish, ang kantang inaawit ngayon ni Beatrice ay siyang palagi kinakanta ni Eilish sa tuwing natatakot siya. “Eilish, Hon.” Mahinang wika ni Blaze, dahan dahan siyang lumuhod at tiningnan si Beatrice na nakapikit pa rin habang kumakanta. Mabilis siyang niyakap ni Blaze at hinaplos ang likod nito para pakalmahin. “You’ll be okay, we’ll be okay. Don’t be afraid, I’m here, I’m always here. Please don’t cry, I’m here.” wika niya habang hinahaplos ang likod ni Beatrice. Unti-unti na ring nanghihina si Beatrice, nababasa na siya dahil sa init. Patuloy siyang pinapakalma ni Blaze. “I’m here Hon, I’m here for you, hindi kita pababayaan.” Anas niya, nakagat na lamang din niya ang pang-ibaba niyang labi dahil sa paglandas ng mga luha niya.
Matapos ang nangyari sa loob ng elevator ay pareho silang tahimik lalo na si Blaze. Ramdam pa rin ni Beatrice ang takot na naramdaman niya habang nasa loob siya ng elevator. Hindi siya makahinga ng maayos at tila pakiramdam niya ay bumalik siya noong panahong nahihirapan siyang huminga sa ilalim ng tubig, panahong nag-aagaw buhay.Ramdam pa rin niya ang trauma, mga pangyayari na ayaw niya ng maulit pa subalit hindi niya maiwasang hindi maibalik sa isipan niya sa tuwing nakukulong siya sa kadiliman.Naipilig na lamang din ni Blaze ang ulo niya nang mabitawan niya ang hawak niyang ball pen.“Bakit ko pa ba siya inaalala?” hilaw niyang tawa sa sarili. Kanina pa siya nadidistract at hindi maituon ang buong atensyon sa ginagawa niya. Nahilot na lamang niya ang sintido niya at panandaliang hininto ang ginagawa niya.“Nagkataon lang siguro na marami silang pagkakapareho ni Eilish but it’s impossible that she’s Eilish. You’re crazy Blaze, Eilish will never come back and will never be. Ikaw mi
“Baka gusto mo rin pong tingnan ito. Matagal ko na pong disenyo yan pero okay pa naman po.” Ibinigay niya ang disenyong iyun at napangiti na lamang ang kaniyang ama saka niya binitawan ang mga hawak pa niyang ibang disenyo. “This is it, ito na nga ang hinahanap ko. Pasok na pasok sa taste ng anak ko. Para kang hulog ng langit sa disenyong ito. Kung nabubuhay lang siya, paniguradong magugustuhan niya ito.” nakangiti pa nitong saad na nakapagbigay din ng saya kay Beatrice. Malapit sila sa isa’t isa ng kaniyang ama at ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit pumayag silang ikasal ang Ate niya sa dati niyang asawa. Iyun ang hindi niya maintindihan. Ang nakangiti niyang labi kanina ay napalitan ng lungkot at sakit ng maalala niya iyun. Napabuntong hininga na lamang siya. “Ito na lang iha, saktong sakto sa hinahanap ko. Para kang ipinadala ng anak ko para sabihin na ‘Daddy ito ang gusto ko’.” bakas ang lungkot at sakit sa mga mata ng kaniyang ama. Gusto na rin nitong umiyak pero i
The company now is in chaos, ang isang malaking kompanya galing ibang bansa na magiging partner sana ng DL company ay hinarang na ni Sabrina. Umatras na ang mga ito na ikinagagalit ni Blaze dahil ano raw bang nangyari. Sunod-sunod ang mga ginawang problema ni Sabrina para sa kompanya.Mabilis talaga siyang magtrabaho at ngayon, paniguradong hindi na alam ni Blaze ang gagawin niya. Napapangisi na lamang si Beatrice. Prente siyang nakaupo sa swivel chair habang nilalaro ang hawak niyang ball pen. Ayaw niya ng madamay sa galit ni Blaze ngayon, ayaw niya na iyung salubungin dahil baka kung saan lang umabot ang pag-aaway nilang dalawa.Kinuha na ni Beatrice ang bag niya at lumabas ng kompanya. Nilalampasan na lang niya ang mga aligaga ngayong mga empleyado dahil ayaw na nilang mapagalitan ng isang Del Valle. Magpapanggap si Beatrice na walang alam sa nangyayari ngayon sa kompanya.Umalis na siya ng kompanya at umuwi ng bahay nila. Sinalubong naman siya ng anak niyang naglalaro sa sala.“An
“Okay ka na ba?” pagtatanong ni Beatrice pero hindi siya sinagot ni Blaze at nanatiling nasa harapan ang paningin niya. Hinayaan naman muna siya ni Beatrice. Nang maalala niyang kasama pa pala niya sila Aurora ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya saka nagtipa ng mensahe.[Baka hindi na ako makabalik, pakisabi na lang din kay Ethan. May aasikasuhin lang akong importante.] wika niya saka niya ipinadala ang mensahe kay Aurora. Hindi niya naman kayang iwan na lang si Blaze sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam niya pinaglalaruan na lang siya ng tadhana.Nang maalala niyang may dala dala siyang cookies na naiwan niya sa bubong ng kotse niya ay binalikan niya iyun. Hinayaan naman siya ni Blaze na umalis at mas gugustuhing sana ay hindi na ito bumalik dahil hindi niya na alam kung anong ihaharap kay Beatrice pero bagsak ang balikat niya ng bumalik si Beatrice at naupo sa tabi niya.Pakiramdam niya nababaliw na siya dahil ang mga yakap ni Beatrice ay pamilyar na pamilyar sa kaniya. Noo
Pinagpag ni Beatrice ang sarili niya saka sila lumayo ni Blaze at naupo para makapag-usap ng maayos. Salubong ang mga kilay ni Beatrice habang nililingon si Blaze, hindi niya maintindihan ang ugali nito dahil para bang biglang nagbabago.“What are you doing here anyway? You’re not wearing any safety gear too, paano kapag hindi ako dumating, ano na lang mababalitaan ko?”“I’m okay! Okay? Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan eh. Ano bang ikinagagalit mo?!” inis na ring tanong niBeatrice, wala naman siyang ginawa para magalit ito sa kaniya, she’s also okay.“Kung may mangyari man sa akin, you don’t have to worry. I can handle myself. Come here and I’m gonna clean your wound.” Hinila niya si Blaze para magtungo kung nasan ang mga medical kit nila. Hindi naman nakaimik si Blaze. Iniwas niya ang paningin niya kay Beatrice dahil maging siya hindi niya alam kung ano ba ang ikinagagalit niya.‘Crazy,’ anas niya sa isipin niya. Hinayaan niya na lang si Beatrice na gamutin ang maliit lang nam
“You fucking asshole.” Tanging naiusal niya, hindi niya alam kung saan niya sisimulan ang napakaraming gawain. Napaupo na lang siya sa upuan, katatapos niya lang gumawa ng napakaraming gawain tapos may kasunod kaagad.Ramdam niya ang pagpasok ng kung sino man sa opisina pero tila pagod na siya para lingunin pa iyun.Inilibot ni Aaron ang paningin niya sa buong opisina pero wala siyang ibang makita maliban kay Beatrice na nakaupo at bakas ang pagiging problemado.“Nasan si Sir Blaze?” tanong niya kay Beatrice.“Nagbakasyon, may oras pa siyang magbakasyon kahit naman napakarami pa niyang gawain. Ayos din yang boss mong yan ah. Magpapakasarap buhay tapos ako naman ang pahihirapan niya sa mga iniwan niyang gawain.”“Bakasyon, wala siyang sinabi sa aking may plano siyang magkabasyon.”“Why don’t you ask him instead? Tssss.” Inis niyang saad saka kinuha ang napakaraming papeles. Halos mahirapan pa siyang dalhin dahil sa bigat. Pabagsak niya iyung ibinaba sa lamesa niya napasuntok na lang sa
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Beatrice ng makaramdam siya ng pagod sa trabaho niya. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Blaze. Inayos niya na ang mga papeles na ibibigay niya sa marketing department saka lumabas. Napakarami niyang trabaho na iniwan sa kaniya ni Blaze kaya halos hindi niya na alam kung anong uunahin niya. Inagaw niya ang atensyon ng mga empleyado sa marketing saka nginitian ang mga ito. “Good morning Ma’am Alfera, ano pong maitutulong namin?” tanong ng pinakanghead nila. “Naaprobahan ko na lahat ng yan kapag dumating si Blaze pwede niyo ulit ipatingin sa kaniya para masimulan niyo na rin but I know he’s gonna approve that.” nakangiti niyang saad, iniabot niya na ang mga papeles sa head. “Naku, salamat po ma’am. Sana tumawag na lang po kayo sa department namin para naman ipinakuha na lang namin sa office niyo ang mga ito. Nakaabala pa kami.” “No, it’s okay. Gusto ko rin namang maglakad-lakad.” Nagpaalam naman na si Beatrice kaya tumango a
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong