It had been a week since Miguel left for New York. Batong-bato na si Lara. Si Tasya naman ay hindi na niya nakausap dahil nabusy rin ito sa trabaho. Ang nurse na hinire ni Migo kahit hindi kailangan ang kinakausap niya lagi. Naipakwento na nga niya ang buhay nito. Malapit na rin niyang makabisado ang relationship issues nito sa boyfriend nito.Kapag gusto naman niyang matulog, pinagce-cellphone na lang niya ito sa tabi. Sa totoo lang, wala naman talaga itong ginagawa. Mapagbigyan na lang si Migo kaya pinabayaan na lang niya.Her life was becoming boring with each passing day. With her injured arm, she doubted that her life would be back to normal soon. Pero naiinip na siya.Kaya naman nang tumawag si Tasya nang sumunod na Linggo, gano’n na lang ang saya niya na makakwentuhan ito. Sayang hindi rin nagtagal dahil sa larawang pinadala nito."Nakita ko si Mr. Villareal kasama ang magandang babae na iyan," sabi pa ni Tasya na ka-video call niya. Lara was staring at the photo of Miguel and
For the longest time, Miguel had maintained a private life. Walang maski anong litrato nito ang makikita online. But in just one night, the internet feasted with the news that he was getting married. And several hours later, nothing was done to take it off. Kaya naniniwala si Lara na totoo ang balita. She knew Migo, he could easily remove the news if he wanted to. But he didn't. "Madam, ano ba kasing iniiyak mo?" tanong ni Nurse Beth na bagamat nag-aalala na ang tinig, mayroon pa rin iyong bahid ng kuryusidad. "Hinahanap ka na ni Auntie Rosette. Mamaya umakyat na 'yon dito. Parang 'di siya naniniwala sa akin na tinatamad ka lang bumaba eh," dagdag nito.Ayaw niya kasing magpakita kina Auntie Rosette at Uncle George na gano'n ang itsura niya. Kaya nautusan niya ang Nurse na mag-alibi para sa kanya.Kanina pa nga rin siya nito pinipilit kumain. Pero wala talaga siyang gana. Wala siyang ibang maramdaman kundi sakit. Mistula na lang siyang naghihintay ng sintensya niya. Maybe Migo wil
"Tasya has got nothing to do with the pictures, Miguel. Don't make my best friend suffer for something that she didn't do."Lara pressed the send button and sighed heavily. Para siyang sinasakal sa ginawa niya. Ayaw niyang mag-initiate ng confrontation kasi hindi pa naman siya nito tinatawagan tungkol sa balitang kinasasangkutan nito.She just hoped na sana maging klaro ang intensyon niya. That she messaged him first for Tasya's sake and not because she wanted an explanation from him about his affairs. Halos tumalon palabas ang puso niya nang tumunog ang phone niya. She received a reply from Miguel. "I know what I am doing, Lara." Muli siyang napahugot nang malalim na buntong hininga. Nilingon niya si Tasya na kagat-kagat ang ibabang labi nito habang hinihintay ang sasabihin niya. "I have to go now, Tasya. I promise you that I'll do everything I can," paalam niya sa kaibigan. Kailangan niyang kausapin si Miguel. Hindi message o email. Kung hindi man personal dahil nasa New York pa
They didn't talk about Meredith Jones. But Miguel's words were enough for Lara to put her mind at ease. He told her not to believe the news. That meant it wasn't true. Later that evening, Tasya called to thank her. Naayos na raw ang problema at wala na ang mga threats mula sa kanilang investors na mag-pull out. "I owe you, Lara," humihikbi pa rin si Tasya. "What will I ever do without you? Paano na kung hindi kita kaibigan tapos napasok ako sa gulo na 'to? Saan ako pupulutin kapag pinalayas ako ng mga magulang ko?" "That's what you get for trusting so easily," paninisi naman ni Chester. Kasama nila ito sa video call. At hindi nito itinago ang disappointment sa kaibigan nila. "Chester!" Pinandilatan ito ni Lara ng mga mata. "Don't blame her anymore!""Tama naman kasi siya," sabi naman ni Tasya. "I'm sorry for dragging you in my mess, Lara." "Wala 'yon. Okay na. Be careful next time, alright? Baka sa susunod, ikaw na ang mapahamak." "Listen to Lara, Tasya. At bawas-bawasan mo ang
Lara knew that it was impossible for Miguel to feel the same way for her. Tanggap niya iyon kaya nga kahit mahal niya ito hindi niya sinasabi. But there was only one reason that made her accept that her husband couldn't learn to love her.And that's Lena. His love for Lena. Kasi alam niyang totoo at malalim ang pagmamahalan ng mga ito na hinadlangan lang ng pagkakataon. But what they had was something Lara believed na hindi niya mapapantayan. Maliban sa kadahilanang iyon, wala na siyang tatanggaping ano mang rason. Gaya halimbawa ng hindi mamatay-matay na isyu nito at ni Meredith Jones, ang hindi nito pag-deny sa balitang iyon sa publiko, at ang mas nakakainis sa lahat, Miguel arrived in the country together with the woman.Kung hindi pa sapat, iniuwi nito sa mansyon si Meredith Jones! At ngayon nga ay masama ang mukha na nakatitig lang siya sa dalawa. "Listen first, Lara—" tangkang paliwanag ni Migo."No!" Mariin niyang putol. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang bastos sa ha
Ibang bar nga ang pinuntahan nila. Although typical na maingay, madilim at mausok, mayroon naman iyong ikalawa at ikatlong palapag. Sa ikalawa sila tumuloy at naroon na umano si Chester. "Dito tayo para hindi maingay," sabi ni Tasya. "Hanggang second floor lang afford ng membership namin. Sa third floor ay super VIP na. Magjo-jowa muna ako ng bilyonaryo para maafford ko," biro nito bago sila huminto sa tapat ng isang saradong pinto. Kumatok muna ang nagguide sa kanila bago sila nito ipinagbukas ng pinto at nagpaalam na rin pagkatapos."Antagal naman talaga ng mga prinsesa," reklamo agad ni Chester na may hawak na menu ng mga pagkain ang inumin. "Traffic," si Tasya ang tumugon.Tahimik nga roon at sa totoo lang, parang wala sila sa isang bar. Cozy, malinis at mabango. Walang amoy ng usok. "So, bakit may urgent na naman tayong pagtitipon? Kailangan ko pang pauwiin ang kasama ko para lang puntahan kayo," pag-angat nito ng tingin, bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito pagkakit
Nahigit ni Lara ang hininga nang sa pader sa likuran nila ni Chester tumama ang kamao ni Miguel. Sa wall kasi kumuha ng suporta sa pagtayo ang kaibigan niya kanina. Nang humarang siya ay huli na para pigilin ang momentum ng suntok. Sa halip na sa kanya tumama iyon, Miguel chose the wall behind her. Hindi humihinga at malalaki ang mga mata ni Lara habang nakatingin sa nagbabagang mga mata ng asawa niya. If looks could kill, baka hilahin na lang silang dalawa ni Chester palabas ng booth na iyon habang parehong wala ng buhay na nakahandusay sa sahig. Gano'n kasama at kanakakatakot ang tingin ni Miguel. Kaya kahit alam niyang nasaktan ito, natakot siyang lumingon para tingnan ang kamao nito. Miguel didn't flinch, but she was sure he was hurt. "Move, Lara," mababa ang tinig pero mariin at may warning na sabi ni Miguel. "P-please," napahikbi siya. "Don't hurt him.""Move away, d*mn it!" sigaw nito na halos ikatalon niya. Nagulat na lang siya nang bigla siyang itulak palayo ni Cheste
"This is not the way home," hindi na niya napigilang magsalita nang mapansing hindi naman pauwi ang daang tinatahak nila. "I badly wanted to rest. Please just take me home!" Hindi tumugon si Miguel. Bagkus ay tila babaliin nito ang manibela sa higpit ng pagkakahawak nito roon.Naiinis at naiiyak na si Lara. Pagod na siya sa lahat ng drama sa araw na iyon. "Where are we going?" tanong niya makalipas pa ang ilang sandali na hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan nila. Para pa ngang papalabas na sila ng lungsod. "Just shut up and quit asking, Lara!" Tila ubos din ang pasensya na sagot nito. "Bakit? Wala na rin ba akong karapatang malaman kung saan mo ako dadalhin? I am tired of obeying your orders, Miguel!" puno ng sama ng loob ang tinig na sabi niya. "Obeying my orders? Kailan ka ba sumunod? Since this day started, wala ka nang ginawa kundi kumontra at ipagpilitan ang gusto mo!" Galit nitong sagot. "You never listened to me!""Dahil ayoko na! Stop treating me like I don't have my o