Sobrang lakas pa rin nang tibok ng kaniyang puso at hindi pa rin siya makapaniwala na may trabaho na siya. Matapos ang ilang linggong paghahanap ng mapapasukan ay sa wakas, nakahanap na rin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan kung gaano ka laki ang kaniyang magiging sahod kahit na simpleng katulong lang naman ang trabahong kaniyang papasukan.
Mayaman siguro ang kaniyang magiging boss kaya siguro ganoon ka laki ang sahod. Hindi rin naman pumasok sa kaniyang isipan na baka scam 'yon dahil na rin siguro ay mapagkakatiwalaan ang mukha ng lalaking lumapit sa kaniya. Napaka guwapo nito at sa tingin niya ay parang nakita na niya ito noon pero hindi lang niya matandaan.Nang makita niya kung gaano ka laki ang kaniyang sasahurin ay naging desperada siya. Hindi niya rin naman masisisi ang kaniyang sarili dahil sa kadahilanan na gusto na niyang makahanap ng trabaho. Ilang linggo na rin kasi siyang walang nagagawa at kahit na hindi man magsalita ang kaniyang Ina sa tuwing lumalayas siya para maghanap ng trabaho ay alam niya na nag e-expect ang na makahanap na siya ng trabaho.Maliban sa rason na gusto na niyang magkatrabaho para hindi na magalit ang kaniyang Ina sa kaniya ay gusto na niyang lumayas at lumayo sa kanilang bahay. Delikado din naman kasi kung sa bahay lang siya namamalagi. Nandoon ang kaniyang Step dad at kahit na wala pa itong ginagawang masama sa kaniya ay hindi pa rin siya makampante dahil sa klase ng mga tingin na binibigay ng matanda sa kaniya.Naawa siguro ang Diyos kaya binigyan na siya ng trabaho. Kung hindi siguro siya doon dumaan ay baka stress pa rin siya ngayon dahil walang mahanap na trabaho. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na nadaan niya sa mga nakalipas na araw ay sa wakas, na suklian na rin ito ng kaginhawaan. Kaya din siguro ay hindi siya madaling sumuko kahit na hirap na hirap na siya sa kaniyang buhay dahil sa pagmamaltrato ng kaniyang mga magulang sa kaniya ay dahil naniniwala siya na pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari na lilitaw.Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay sobrang laki ng kaniyang ngiti. Iwan niya ba, pero ngayon lang ata siya naging excited na ibahagi sa kaniyang Ina na may trabaho na siya. Hindi naman siya nakaramdam ng ganito noon. Kaya din siguro ganito nararamdaman niya ay excited siya na sabihin sa Ina niya na malaki ang sahod na kaniyang matatanggap. Sigurado siya na matutuwa ang kaniyang Ina.Mabilis na pumasok siya sa loob ng kanilang bahay at naglakad papunta sa kanilang sala. Nang makarating na siya roon ay kaagad na nakita niya ang kaniyang Ina. Inaayos nito ang sariling buhok habang seryosong nanunuod ng palabas. Mag-isa lang ito at wala ata ang kaniyang mga step siblings at step father. Napatingin ang kaniyang Ina sa kaniya nang mapansin siya nito pero kaagad din binalik ang tingin sa tv screen. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at hindi mapigilang kabahan."Ma… may sasabihin po ako," mahina niyang wika at dahan-dahang lumapit. Napatigil ang kaniyang Ina sa kaniyang ginagawa at napatingin ulit sa kaniya. Tumaas ang kilay nito habang blangko at walang pagmamahal na tumingin sa kaniya."Ano?" tamad na tanong nito. Napalunok ulit nang paulit-ulit si Hera bago binuka ang labi para magsalita."May trabaho na po ako…""Talaga? Mabuti naman at hindi ka na maging pabigat dito. Magkano ba sahod mo?" Kahit na inaasahan na niya iyon na reaksyon ng kaniyang Ina ay hindi pa rin niya mapigilang masaktan. Pero dahil ay special ang araw na ito dahil nga ay malaki ang kaniyang magiging sahod ay hindi siya nag paapekto sa sinabi nito. Nilunok niya ang bumabara sa kaniyang lalamunan at ngumuti."Mala–"Bago pa man niya masimulan ang kaniyang sasabihin ay may isang tili ang pumutol sa kaniya. Napaigtad siya at mabilis na napaikot. Sumalubong sa kaniya ang masayang mukha ng kaniyang dalawang kapatid at ang kaniyang step father. Nakasuot ng pormal na damit ang kaniyang kapatid na babae habang ang kaniyang step father at kapatid na lalaki ay pangbahay lang.Hindi siya pinansin ng tatlo at kaagad na nilampasan siya at dumiretso sa kaniyang Ina na may gulat na mukha. Kaagad na dinamba ng kaniyang nakakabatang kapatid na babae ng yakap ang kaniyang Ina, habang ang kaniyang isang kapatid at step father ay umupo sa tabi nito."Mom! May trabaho na po ulit ako! Natanggap ako bilang isa sa mga employee ng sikat na kompanya! 'Yong Whitfield Company po!" patiling wika ng kaniyang nakakabatang kapatid at hindi talaga maipagkakaila na sobrang saya nito. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang Ina at nagsimulang manubig dahil sa sobrang saya."Talaga anak? Wow! Proud na proud si Mama sa 'yo!" Kahit na ang reaksyon ng kaniyang Ina ay napasobra sa kaniyang inaakala. Hindi mapigilan makaramdam ng sakit ni Hera dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Inggit, galit at sakit. May natanggap din naman siya na trabaho pero bakit hindi ganiyan ang naging reaksyon ng kaniyang Ina? Anak din naman siya nito pero bakit ganoon?Sa mga oras na iyon ay blangko lang na nakatingin si Hera sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang Ina at step father. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kaniyang magiging reaksyon. Namamanhid na ang kaniyang puso sa sakit at hindi niya alam kung makakayanan pa ba niya sa susunod na masasaktan na naman siya ng ganito.Pinilit niya ang sarili na huwag maiyak sa harapan ng mga ito at pinalakas ang loob. Humigit siya ng hininga at pinakalma ang sumasakit at nagwawala niyang puso. Nang feel niya ay okay na siya ay binuka niya ang kaniyang bibig para magsalita."M-ma…" tawag niya sa kaniyang Ina pero hindi man lang ito lumingon sa kaniya at busy pa rin sa pagbibigay puri sa kaniyang nakakabatang kapatid. Napakuyom siya ng kaniyang kamao at hindi na napigilan ang sarili na umiyak. Bago pa man tumulo ang kaniyang mga luha ay mabilis na tumalikod siya at tumakbo pa punta sa kaniyang silid. Ni lock niya ang pinto at napadaos-dos na lang paupo. At doon, iniyak na lang niya ang sakit na nararamdaman.Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng kanilang bahay. Nilagay niya sa maliit na maleta ang kaniyang mga importanting gamit at mga damit na rin. Nang umalis siya sa kanilang bahay ay hindi siya nagpaalam sa kaniyang Ina at mga kapatid. Wala din namang silbi kung magpapaalam siya dahil wala naman ding pake ang mga ito sa kaniya.Mag damag siyang umiiyak sa loob ng kaniyang kuwarto. Kahit na sanay na siya na ganoon ang ugali ng Ina ay kahit kailan ay hinding-hindi siya masasanay sa sakit na dulot ng kaniyang sariling pamilya. Hindi man halata pero sa loob-loob niya ay labis-labis na siyang nasasaktan. Pagod na pagod na ang kaniyang puso dahil sa sakit at parang gusto na lang niyang sumuko.Dumating na din siya sa punto ng kaniyang buhay na gusto na lang niyang kitilin ang sarili. Sobrang down na down na siya sa kaniyang buhay dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito. Na gusto na lang niyang mamatay, pero sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at gusto niyang gawin sa hinaharap ay nabubuhayan siya ng loob.Maliban sa umaasa siya na baka ay magbago ang kaniyang Ina, isa sa mga maraming rason kung bakit hindi pa siya sumusuko ay dahil gusto niyang maging malaya sa hinaharap. Na sana ay maging malaya siya sa mga sakit at pagmamaltrato ng mga ibang tao sa kaniya. Just thinking about it makes her heart set on flames again.Bandang tanghali na noong dumating siya sa terminal patungo sa lugar na iyon. Hindi siya masyadong pamilyar sa address na binigay ni Mr. Bryle, mabuti na lang talaga at may mga tao pa rin siyang napagtatanungan. Nag tanong siya sa kapitbahay nila na may mabuting puso at sinagot na man siya dahil nakapunta na raw ito noon.Sasakay ka daw muna ng bus papunta sa lugar na iyon, at ihihinto ka sa isang medyo magubat na lugar. Noong una niyang narinig iyon ay hindi niya mapigilang matakot. Like sino bang hindi? Marami siyang nakikita sa mga pelikula na gano'n. Ihihinto ka sa isang liblib na lugar at doon ka pagsasamantalahan. Pero sabi naman ng kapit bahay niya ay hindi naman ganoon.Nasa gitna daw kasi ng gubat ang subdivision na pupuntahan niya. Ang subdivision daw na iyon ay tirahan ng mga mayayaman na gustong humiwalay sa mausok at maingay na syudad. May mga bahay-bahay naman daw doon kaya hindi rin siya maliligaw kung makarating na siya roon.Saktong ala una na ng hapon siya nakarating. Puro kahoy ang makikita mo pero may mga ilang bahay naman din sa malayo. May malaking sign din na nakalagay na 'private subdivision' sa gilid ng karsada papunta siguro sa mismong subdivision. Akala niya ay wala siyang kahit ni isang tao na makikita pero laking gulat niya ng may makita siyang mga tricycle na nag-aabang sa crossing.Napahigit ang kapit niya sa kaniyang dala-dalang maliit na maleta nang pagtinginan siya ng mga tao. Hindi mapigilang mapalunok ni Hera nang paulit-ulit dahil sa klase ng mga tingin na binibigay ng mga ito sa kaniya. Ang kanilang mga tingin ay nagbabaga at para bang isa siyang pagkain na gusto nilang damputin.Kahit na natatakot siya ay nagsimula siyang maglakad papunta sa mga naka pila na tricycle. Ibubuka na sana niya ang kaniyang labi para mag salita pero kaagad na naunahan siya ng mga driver ng tricycle na nagwawala na."Miss beautiful! Sa subdivision ka ba? Dito ka na sa akin sumakay! With discount ito!""Miss! Huwag kang maniwala sa kaniya. Mas malaki discount sa akin!""Manahimik nga kayo at hayaan niyo si Miss Maganda na mamili!"Laglag ang panga na napatitig si Hera sa mga driver na ngayon ay nag-aaway na kung saan ba siya sasakay. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Napaka-iba kasi ng mga ekpresiyon ng mga ito kaysa kanina na parang mga nagugutom na lubo. Ngayon ay para na ang mga ito na puso na nag-aagawan sa isang masarap na isda.Palihim na napatawa si Hera dahil sa pag-aaway ng mga ito. Hindi naman sila mukhang galit at parang naaliw pa habang pinag-aawayan kung saan ba siya sasakay. Kahit na ito pa lang ang pinaka una niyang kita sa kanila ay alam niya na kaagad na hindi masama ang mga ito. Hindi na niya pinansin pa ang kanilang pag-aaway at naglakad papunta sa isang tricycle na nasa gilid."Mga manong, huwag na po kayo mag-away. Dito na lang po ako sasakay," natatawa niyang wika sa mga ito kaya napatigil na sila. Walang nagawa ang mga driver ng tricycle kung hindi ay tumigil at e respeto ang kaniyang desisyon. Napangiti na lang si Hera at kaagad na sumakaw sa tricycle na kaniyang napili.Nagpahatid siya sa driver sa mismong harap ng subdivision. Akala niya ay maglalakad pa siya pa loob at hanapin ang mismong bahay, pero laking gulat niya nang sabihan ng guard ang driver kung saan mismong bahay siya ihihinto. Na para bang inaasahan na nito ang kaniyang pagdating.Nang nakarating na sila sa mismong bahay ay kaagad na nagbayad si Hera at bumaba na. Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi sa pagkamangha nang makita ang bahay. Napakalaki nito at maganda ang desinyo. Noon, sa tv niya lang nakikita ang mga ganito ka gandang mansion, ngayon ay nasa mismong harap na niya ito at dito na siya magtratrabaho.Pinakalma niya ang nagwawala niyang puso at mabilis na naglakad papasok sa malaking mansion. Bukas na rin ang gate at tahimik ang paligid. Hindi naman siya nagtaka dahil bago siya nakauwi kagabi ay sinabi ni Mister Bryle sa kaniya na walang kahit ni isang tao sa mansion maliban sa may-ari. Hindi na rin siya nag tanong dahil nga ay sabi ng lalaki na kakalipat lang at wala panf mga trabahante.Nanginginig ang kaniyang kamay nang pihitin niya ang siradura ng malaki at may kabigatan na pinto. Kung maganda sa labas ay mas lalong maganda sa loob. Sobrang taas ng mga kurtina at may magandang chandelier sa gitna. Ang mga gamit din ay halatang mga mamahalin at kumikinang pa.Dumiretso siya sa gitna at napatigil nang may mapansing paa na sumobra sa couch. Hindi niya mapigilang mapalunok nang paulit-ulit at dahan-dahang naglakad papunta sa malaking couch. Parang may natutulog doon, baka 'yong amo na niya.Dahan-dahan at walang kahit na anong ingay ang bawat pag hakbang niya. Nang nasa likod na siya ng couch ay dahan-dahan siyang dumungaw."Kyah!"Mabilis na napatakip siya ng kaniyang mga mata pagkatapos niyang sumigaw nang sumalubong sa kaniyang paningin ang isang natutulog na lalaki. Okay lang sana kung tulog lang, pero laking gulat niya nang wala itong kahit ni isang saplot sa katawan. Kaya kitang-kita niya ang nakatayong hotdog nito.Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magigising reaksyon. Matatawa ba siya o magugulat o ano. Ito ang pinaka unang beses na may nakita siyang tao na walang kahit ni isang saplot sa katawan. At sa kasamaang palad ay sa isang lalaki pa talaga. Okay lang sana kung babae ay dahil na rin sa babae rin siya at hindi naman siya mahihiya dahil magkapareho lang naman ang kanilang mga parte sa katawan. Pero lalaki? Halos dumugo na ang kaniyang ilong at nakatitig pa rin sa katawan nito, partikular sa pang-ibabang katawan nito. Medyo tanned ang kulay ng katawan ng lalaki at kahit saan man siya tumingin ay napaka perpekto ng katawan nito. Nasa tamang lugar ang mga muscles ng lalaki at hindi pareho sa mga nakikita niya sa tv na halos lumuwa na ang mga muscles sa sobrang laki. Hindi ganoon kalaki o ka liit ang mga muscles nito sa katawan. Masasabi niyang sakto lang, lalo na ang walong pandesal sa tiyan nito.Ito ang pinakunang beses na nakakita siya ng katawan ng lalaki, at hindi niya inaakal
Napatuptop siya sa kaniyang sariling labi at nanlaki ang mga mata na napatingin sa lalaki na may seryosong mukha na nakatingin sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang pintig ng kaniyang puso kasabay nang pangangatog ng kaniyang mga binti. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki nang hindi makayanan ang intensidad ng mga mata nito.Ang berde nitong mga mata na sa tuwing tinitigan mo ay para bang hinihila ka nito pailalim. Maputla ang berde nitong mga mata na para bang nawalan ito ng kulay at buhay. Pero kahit ganoon ay pakiramdam ni Hera ay may kakaiba sa mga mata nito. Iba ang mata ng lalaki kumpara sa mga mata ng ibang tao na nakita niya noon. Para bang may madilim ito na nakaraan na pilit nitong tinatago."Where are you looking at? Look at me." Napahigit si Hera ng malalim na hininga nang hawakan ng lalaki ang kaniyang mukha at pinaharap. Ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kaniyang noo dahil sa kakaunting takot at kaba na kaniyang nararamdaman. Sumalubong sa kaniyang paningin ang n
Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi namalayan ni Hera na isang linggo na pala ang lumipas mula noong unang tapak niya dito sa mansyon. Hindi niya alam kung dahil ba ay na enjoy niya ang mga segundo na nandito siya kaya hindi niya namalayan ang oras o kung ano. Sa lahat ng naging trabaho niya ay dito lang ata siya naging masaya at kuntento.Iwan niya ba pero nag eenjoy talaga siya maglinis sa buong mansyon. Walang nagdidikta sa kaniya kung ano ang gagawin at siya lang sa kaniyang sarili kung kailan niya gusto maglinis. Wala atang araw na hindi niya inaalagaan at nililinisan ang napakagandang mansyon na ito. Kahit na wala namang pake ang kaniyang boss kung mag lilinis ba siya o ano ay hindi pa rin niya magawang maging tamad at tanggapin lang basta ang malaking sahod na hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang trabaho. Speaking of her boss, minsan lang niya itong nakikita. Kaya kapag minsan ay may hindi siya alam kung paano gamitin ay nagtatanong siya kay Sir Bryle sa pamamagitan n
Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa sahig. Mariin na nakapikit ang kaniyang mga mata at pinagpapawisan na rin siya. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang mga ungol at tunog ng paghahalikan ng babae at ng kaniyang boss.Napaka laswa ng tunog sa kaniyang pandinig pero kahit ganoon ay nag-iinit ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan. Kaya nga ay ngayon ay pinagpapawisan na siya. Pero dahil nga ay nilabanan niya ang init na namumuo sa kaniyang katawan ay masasabi niya na parang wala lang din. Gusto na niyang umalis sa mga harap nito at hayaan ang dala na gumawa ng kababalaghan dito sa living room. Total ay sanay naman siya na ganoon ang kaniyang amo na si Lucas. Palaging pinag-iinitan at may ginagawang kababalaghan. Pero kahit na anong pilit niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang paa para umalis. Parang may kung anong puwersa ang nagpapanatili sa kaniya dito sa loob ng kuwarto. Napahigpit na lang ang kaniyang kapit s
Why is he holding a broken glass?Hindi mapigilan mapa tanong ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang amo. Duguan ito at may hawak na basag na bote. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan nito. Maliban sa magulong silid at mga nagkalat na mga gamit, ang sitwasyon ngayon ng lalaki ang mas nagpapa bahala sa kaniya. Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit at nilibot ang paningin sa loob ng silid. Ito ang pangalawang beses na nakapasok siya sa silid ng kaniya amo. Noong una ay noong nagdala siya ng tubig para sa lalaki. Malaki ang silid nito at puno ng mamahaling gamit. Pero ang mga mamahaling gamit na iyon ay ngayon ay mga sira na.Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Matatakot ba siya, magugulat o magagalit. Hindi niya alam kung bakit nagwawala na lang bigla si Lucas. Wala namang sinabi si Bryle sa kaniya tungkol dito. Dapat nga ay tawagan niya ang lalaki ngayon pero wala naman siyang load. Litong-lito na siya at hindi alam ang gagawin.Hi
Kinabukasan ay halos ayaw nang tumayo ni Hera at magsimulang mag trabaho. Natatakot siya na baka ito na ang kaniyang huling araw na mukhang mangyayari talaga dahil sa ginawa niya sa kaniyang Amo kahapon. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay kaagad na bumalik siya sa kaniyang silid at doon nagkulong sa pinaka sulok ng kaniyang kuwarto.Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi dahil nga sa nangyari. Sobrang lakas at bilis nang tibok ng kaniyang puso kagabi na para bang sasabog na ito. Hindi siya magawang makapagpahinga kagabi dahil sa mga what ifs na pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya rin mapigilan mapaiyak kagabi dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya. Nasa isip ni Hera ay baka patay na si Lucas dahil sa kaniyang paghampas kagabi. Hindi na kasi ito nag-ingay pa at mukhang patay na nga. Hindi rin siya bumalik sa silid nito para tingnan kung buhay pa ba ito ay dahil natatakot siya na baka ay may gawin ulit ito sa kaniya tulad kagabi. Alam ni Hera na lasing an
Ah, gusto ko nang umalis dito.Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang nam
"How was she?" Kaagad na bungad sa kaniya ni Bryle nang makarating na ito sa hospital. Bumaling ang kaniyang tingin sa kaibigan at nagkibit balikat. Binalik niya ulit ang kaniyang atensyon sa kaniyang cell phone at tinuloy ang kaniyang ginagawa bago pa man makarating ang lalaki dito sa loob ng silid. "I don't know. Don't worry to much, she's not yet dead," tamad na wika ni Lucas at nagpatuloy sa pagtipa sa screen ng kaniyang cellphone. Napailing-iling na lang si Bryle at lumapit sa kaibigan na mukhang busy. Umupo siya sa tabi nito at tumingin sa gitna kung nasaan ang babae. Nakahiga ito sa stretcher at walang malay.Busy siya sa kaniyang trabaho nang bigla na lang tumawag si Lucas sa kaniya na papuntahin siya sa hospital dahil nawalan daw ng malay si Hera. Wala naman siyang choice kung hindi pumunta dahil na rin kay Lucas. Kahit na sobrang dami niya pang gagawin sa kaniyang kompanya ay nagawa pa niyang pumunta dito.Napabuntong hininga na lang siya at pagod na sinandal ang kaniyang l
"Daddy! Are we going to Kurt's house today?" The eight year old Hera asked excitedly to her father. Napatigil si Mateo sa kaniyang ginagawa at napatingin sa kaniyang anak. Hera was holding the hem of his shirt and was pulling it. Ngumiti siya sa magandang anak at hinaplos-haplos ang mukha nito. "Yes, are you excited?" Mabilis na tumango ang batang si Hera. Ang mga mata ay nag niningning at halata sa mukha ang sobrang excitement na nararamdaman. Napatawa na lang nang mahina si Mateo. Mas excited pa ngayon ang mukha ni Hera kaysa sa makita ulit nito ang sariling ina na iniwanan na sila. Kahit na kasal pa silang dalawa ng mama ni Hera, pakiramdam niya ay matagal na silang hiwalay. Kasalan din naman niya kung bakit naging ganito ang kanilang relasyon kaya hindi na lang siya nagsalita as mas tinuon na lang ang atensyon kay Hera, ang nag-iisa nilang anak. He became both Hera's mother and father. Pinunan niya ang pagkukulang ng asawa. "I haven't seen Kurt for how many days, miss ko nang ma
"I'm fine..." mahinang wika ni Lucas at kaagad na tinulungan siya na makatayo. Humigpit ang pagkakayakap ni Hera kay Chantal na para bang mapipiga na niya ang anak. Sobrang lakas nang kabog ng kaniyang puso at nanlalamig ang kaniyang pakiramdam dahil sa nangyari. Sinamaan ni Hera ng tingin si Lucas dahil sa sinabi ng lalabi. "What do you mean you're fine?!" galit na tanong niya at hinila ang kamay nito. Magkasalubong ang kilay na hinila niya si Lucas at pumasok sa loob ng bahay ni Nathan. Wala ang kapatid dahil dito mula sila namalagi dahil kay Lucas. Hera furiously unlocked the door and went inside. "Dito ka lang," mariin niyang saad at binitawan ang kamay ni Lucas. Iniwan niya ang lalaki sa sala ng bahay at hinatid ang kaniyang natutulog na anak sa kaniyang kuwarto. Hindi na niya binihisan si Chantal at tinanggal lang ang suot na sapatos dahil sa pagmamadali. Nang masigurado niyang maayos na ang posisyon ng anak, lumabas na siya ng silid na may dala-dalang first aid kit. Binalika
"Hmm..." Lucas couldn't help but groaned softly when he felt like someone was pulling his cheeks in a violent way. Dahan-dahan na minulat niya ang kaniyang mabigat na mga mata. Kahit na uminom na siya ng gamot kagabi, hindi pa rin siya tuluyan na gumaling at medyo masakit pa ang ulo. Pero mabuti na rin na ganito kaysa naman sa sobrang init ng kaniyang katawan. "Ah, you're awake." Muntik na siyang atakihin sa puso nang pagkamulat niya ng kaniyang mga mata ay may isang maliit na tao ang sumalubong sa kaniyang paningin. Nakaupo ito sa kaniyang katawan at titig na titig sa kaniya. Na para bang inoobserbahan nito ang kaniyang mukha. Nang makilala ni Lucas kung sino ang taong ito na nasa kaniyang katawan, kaagad na pinakalma niya ang kaniyang sarili. Taas baba ang kaniyang dibdib at sobrang lakas nang pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang inaantok pa niyang katawan ay biglang nabuhayan dahil doon. After how many years, ngayon lang ulit siya nagulat nang ganito. At ang dadalhin ay hindi
Gulong-gulo ang isipan ni Hera habang nakatingin kay Lucas na walang malay. Maputla ang buong mukha nito at mainit, lalo na ang noo nito na para bang sinindihan. Nakahiga ang lalaki ngayon sa kaniyang couch dito sa bahay ng kaniyang kapatid na si Nathan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinulungan ang tao na ito. She was supposed to abandon him just like how he abandoned her but then, herself just acted on its own. Sa kalagitnaan nang pag yakap ni Lucas sa kaniya, bigla na lang itong nawalan ng malay sa gitna ng ulan pa talaga. At dahil mabigat ang lalaki at maliit siya na babae, nahirapan siya na dalhin ang lalaki papasok sa loob ng bahay. At dahil sobrang lakas ng ulan, sila tuloy dalawa ang basa ngayon. "Ha... Now what should I do?" namomroblema niyang tanong sa kaniyang sarili at sinamaan ng tingin ang walang malay na si Lucas. They're both wet now and she doesn't know what to do with Lucas. Tumalikod na lang siya at nagpunta sa kaniyang silid para magbihis. Pa
"Ha... Damn it," hindi mapigilan ni Lucas ang mapamura na lang dahil sa bagay na kaniyang napanaginipan. Tagaktak ang pawis sa kaniyang buong katawan habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Basang-basa ang kaniyang likod lalo na ang kaniyang dibdib na hanggang ngayon ay taas baba pa rin dahil sa sobrang emosyon na kasalukuyan na kaniyang nararamdaman. That dream... No, that nightmare almost killed him through pain. Napasabunot na lang si Lucas sa kaniyang buhok at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang buong katawan lalo na ang kaniyang basang mga kamay. His heart was pounding crazily inside his chest as if it's going to come out through his mouth. Kahit na panaginip lamang iyon, pakiramdam ni Lucas ay totoong-totoo na. Nagpakawala siya nang malalim na hininga at pinakalma ang nagwawalang puso. Nang maramdaman ng lalaki na okay na ang kaniyang pakiramdam, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at pumasok sa banyo. Doon, tumayo siya kaharap ng salamin at hin
Hera's whole body trembled uncontrollably. The sight of Lucas, standing in front of her brother's house is making her head spinned. Hindi niya inaakala na makikita ulit ang lalaki na nagparamdam sa kaniya ng sakit at nagparanas sa kaniya ng hirap. After all the years had passed, akala ni Hera ay patay na ito at hindi na magpapakita pa, but why the heck is he here?Nakatayo lang silang dalawa at magkaharap. Kahit na ilang metro lang naman ang layo nila sa isa't isa, pakiramdam ni Hera ay nasa isang malayong lugar ang lalaki. Mag aanim na taon na ang nakalipas mula noong huli niyang nakita si Lucas. Those years were never been easy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang kalimutan ang nakaraan. Kaya hindi nakakapagtaka kung nakakaramdam siya ng ganitong takot kay Lucas. What he did to her was unforgiving. She almost lost her daughter Chantal because of him. Kahit na hindi pa rin siya nakaka-move on sa nakaraan, pinilit ni Hera na magbulag bulagan para lang mabigyan ng masayang b
"Nathan, nandito ka pala," masayang wika ni Hera sa kaniyang kapatid na lalaki. Ngumiti ito sa kaniya at kaagad na kinarga ang kaniyang anak na nakadipa ang mga braso. Gustong magpakarga sa kaniyang kapatid. Kaagad na binuhat naman ito ng lalaki at pinagbigyan ang kagustuhan ng kaniyang anak na si Chantal. "Na miss mo ba ako ha? Chantal namin," Nathan said while smiling brightly and began kissing Chantal's cheeks. Napahagikhik ang limang taong gulang na anak ni Hera dahil sa kiliti na dala ng mga halik ni Nathan. Chantal giggled and put her small hands on Nathan's mouth to stop him. "Yes papa! Chantal misses you." Napailing-iling na lang si Hera sa sobrang sweet ng dalawa sa kaniyang harap. Nilampasan niya ang mga ito at nauna nang pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid. They're currently on her brother's house. Nagpunta lang sila dito dahil nga na m-miss na ng kaniyang ina at mga kapatid ang kaniyang anak. "Oh Hera, nandito na pala kayo," marahan ang boses na saad ng kaniyan
Lucas' heart pounded heavily after hearing that familiar voice. Dahan-dahan na tumingin siya sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. His heart clenched tightly when he saw the woman. Tumatakbo ang babae habang may nag-aalalang mga mata. Ang mahabang buhok noon ni Hera ay ngayon ay hanggang balikat na lang. Habang nakatingin si Lucas sa babae ay parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso. Ang mukha nito ay nag bago na. Kung maganda ito noon, ngayon ay mas lalo itong naging maganda. Bagay na bagay sa babae ang hanggang balikat lang nito na buhok. In the past, Hera used to look so innocent but right now, her face matured. Sa sobrang titig niya sa mukha nito ay hindi man lang napansin ni Lucas na humiwalay na pala ang batang babae sa kaniyang hawak at tumakbo papunta kay Hera."Mommy!" the young girl exclaimed happily. Mabilis na tumakbo ang batang babae papunta kay Hera at niyakap ang mga binti nito. Mabilis na niyakap ni Hera ang kaniyang anak na bigla na lang nawala sa kaniya
'Hera is the daughter of the man who abandoned him and made his life even heller than it already is.'Iyan ang naglalaro sa isipan ni Lucas habang nakaupo ang lalaki sa bar counter at umiinom. Hindi alam ng lalaki kung ilang oras o araw na ba siya na roon. Ang gusto lang niya sa oras na 'yon ay ang uminom nang uminom hanggang sa makalimutan niya ang lahat ng nalaman niya sa araw na iyon. Hindi ine-expect ni Lucas na sa lahat ng tao, bakit si Hera pa ang naging anak ng taong kinasusuklaman niya? Kahit na ilang taon na ang nakalipas, ang sakit na dinulot ng taong iyon ay nasa puso niya pa rin. Kahit kailan ay hinding-hindi niya malilimutan ang mukha at pangalan ng taong umabandona at mas lalong sumira sa kaniyang buhay. All those years, he only not suffer because of his dad's cruelty but also because of that bastard's lies. Kung hindi lang siguro siya humingi ng tawad kay Mateo noon na kaniyang ninong at ang nag-iisang kaibigan ng kaniyang ina, hindi siguro magiging ganito ang kaniyan