Share

CHAPTER 2

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2022-04-22 17:19:24

“GUSTO ninyong makabayad?  Isanla mo sa akin ang panganay mo, Mr. Delgado!” 

            Mula sa kanyang kuwarto ay dinig na dinig ni Natalia ang sinabing iyon ng panauhin ng kanyang Papang.  Nagpupuyos ang kanyang kalooban.  Gustong-gusto na niyang sugurin ito at sampalin.  Ano bang akala nito sa kanya?

            Hindi siya makapaniwalang may mga taong kagaya nito na kulay itim na ang budhi.

              Maging ang kanyang Papang ay nabigla sa sinabi nito.

            “Mr. Sy. . .” Anang Papang niya, umiiyak itong lumuhod sa harapan ng lalaki, “Matt, pagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”

            “Tatlong buwan ang ibinigay ko saiyong palugit, hindi pa ba sapat iyon?”

            “Ako na lang ang magtratrabaho para saiyo,” Nagsusumamong sabi ng Papang niya. “Ako na lang ang sasama saiyo.”

            “Masyado ka ng matanda.  Besides, may mga bagay na di mo kayang gawin para sa akin,” Makahulugang sabi nito.

            Napakuyom ang mga palad ni Natalia.

            “Kung ayaw nyo, wala na kong magagawa pa.  Makakaalis na kayo dito sa bahay!  Siguro naman ay wala na kayong masasabi pa dahil binigyan ko kayo ng option,” Sabi pa ng guwapong lalaki na hindi mo aakalaing may sa demonyong pag-uugali.  

            Nagmamadali siyang bumaba, “Hindi kami aalis ditto!” Matapang na sabi niya sa lalaki.

            “Ikaw ang bahala, pero I’m warning you, sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan ang father mo kapag hindi ninyo binayaran ang 70 million pesos na utang nyo!  Ngayon din!”

 Gustong-gusto na ni Natalia na hambalusin ito ng silya dangan nga lamang at alam niyang mas titindi pa ang problema nila kapag ginawa niya iyon.

Napatingin siya sa kanyang ama na humahagulhol na habang nakaluhod, “Kasalanan kong lahat ito.  Payag na akong makulong,” humihikbing sabi nito.  Lumapit siya dito at pilit niya itong pinatayo.

            “Pumapayag na akong manilbihan saiyo bilang kabayaran sa lahat ng pagkakautang ni Papang!” Pahayag niya sa lalaki.

            “Natalia!” Nagproprotesta ang mukha ng kanyang ama nang tumingin sa kanya.

            “Hindi ko makakayang mawala ang bahay at lupa natin, Papang kaya hayaan nyo na lang akong magdusa sa kasalanang kayo ang may kagagawan, “May pait sa tinig na sabi niya sa ama.  Sagad na ang kanyang galit.  Siguro naman ay magtitino na ang kanyang Papang kapag narealize nito ang mga consequences ng pagkalulong nito sa sugal.

            “Anak, patawarin mo ako.”

            Napaiyak siya.  Bawat himaymay ng kanyang mga kalamnan ay naghuhumiyaw sa galit ngunit alam naman niyang wala siyang magagawa.  Kahit kasalanan ng Papang niya ang nangyayaring ito sa kanila ay hindi naman niya ito gugustuhing makita sa loob ng kulungan.

            Mas lalong hindi niya pwedeng ibigay sa lalaking ito ang bahay at lupa nila.  Ito na lamang ang mayroon sila.  Kaya kahit labag sa loob niya, napilitan siyang sumama sa lalaki.  Bahala na. Hindi niya alam kung papaano niya ipapaliwanag kay Timothy ang tungkol dito.  Pihadong magwawala ito sa galit.

            “Good,” sabi ng lalaki saka nilingon ang isa sa mga body guards nito, “Isama mo na sya sa sasakyan.”

            “T-teka, hindi ako pwedeng mag-stay in dun. May trabaho ako, araw-araw akong pumapasok, Monday to Friday. . .”

            “Ako ng bahalang mag-asikaso ng resignation mo!”

            “Teka, ano to?” Sigaw niya.

            “Gaya nga ng sinabi ko? Sasama ka sakin kung ayaw mong makulong ang tatay mo, okay?” Sabi nito sa kanya saka tiningnan ang tauhan, “Ano pang hinihintay mo? Isama mo na sya sa sasakyan!” Utos nito sa lalaki saka lumabas na ng bahay nila.

            Napakagat labi siya.  Iginiya siya ng body guard palabas ng bahay ngunit mabilis niyang ipiniksi ang kamay nitong nakahawak sa kanya.  “Kaya kong maglakad mag-isa.” May kasungitang sabi niya sa tauhan nito saka naglakad papasok sa loob ng kotse.  Nakaupo na sa likuran ng limousine, sa passenger’s seat si Mr. Sy nang pumasok siya.  Hindi siya makapaniwala sa napakagarang sasakyan nito.  Baka mas mahal pa sa bahay nila ang halaga ng sasakyan nito.

            Akmang aandar na ang sasakyan nito nang may maalala siya, “Sandali, kukuha lang ako ng ilang mga gamit ko.”

            “Hindi na kailangan.  Ako ng bahala dun,” malamig ang tonong sabi sa kanya ni Mr. Sy.

            “Pero. . .” Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay pinatakbo na ng driver nito ang kanilang sinasakyan.  Napapikit siya.  Ramdam niya ang takot na gumapang sa kanyang buong pagkatao.  Hindi niya alam kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya ngayon.

            Siya ang magbabayad ng 70 million pesos na utang ng Papang niya.

            Paano niya pagtratrabahuhan iyon?

                        Mistula itong lalaking walang pakiramdam.  Walang puso.  Na para bang walang ibang mahalaga dito kundi ang pera at kapangyarihan.  Bawat parte ng pagkatao nito ay naghuhumiyaw ang kapangyarihan.  Alam niyang hindi lamang ito basta mayaman.  Panigurado siyang isa ito kung hindi man pinakamayaman sa bansa.

            Ano bang business nito?  Napakabata pa nito and yet mukhang napaka-successful.  Marahil ay pinamanahan ito ng mga magulang ng limpak na limpak na salapi at mga negosyo.  Kung hindi siguro nalulong sa bisyo ang Papang niya, baka matagumpay na rin ang Textile business nila.  Marami talagang pamilya ang nasisira ng dahil sa bisyo.  Napaluha na naman siya lalo na nang maisip ang dalawa niyang nakababatang kapatid.  Tiyak na dadamdamin ng husto ni Marco at ni Junjun ang nangyaring ito.

            Sana naman ay huwag na lang sabihin ng Papang niya ang totoo sa mga kapatid niya.  Ayaw niyang tuluyang mawala ang respeto ng mga ito sa ama nila.

            After almost one hour na biyahe ay nakita niyang pumasok ang sasakyan sa isang kulay pulang gate na pagkataas-taas.  At ten minutes rin ata ang tinakbo nila bago nila marating ang pinakadulo ng bakuran.  Namangha siya sa malapasyo nitong mansion.  Sa pelikula lamang siya nakakakita ng ganuon kalaking bahay.  Gaano ba kayaman ang lalaking ito?

            Nang bumaba sila ay sumalubong sa kanila ang mga di unipormadong maid.

            “Dalhin mo sya sa guest room na ipinahanda ko,” utos ni Matt sa isa sa mga ito saka walang lingon-lingon na pumasok sa loob ng bahay.

            Manghang-mangha siya nang makapasok na siya sa loob.  Para iyong museum sa laki.  Sinundan niya ang maid na naka-assign para alalayan siya.  Pumasok sila sa isang napakalaking kuwarto.  Parang kuwarto ng isang prinsesa, sa loob-loob niya habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto.

            Naalala niya si Timothy nang makita ang telepono, nilingon niya ang maid, “Pwede ko bang makuha ang address dito?  Tatawagan ko lang ang boyfriend ko.”

“NATALIA!!!  Natalia!!!” Mula  sa cctv ay naririnig at nakikita ni Matt ang isang lalaki na marahas na kinakalampag ang gate ng kanyang mansion.

  Napaismid siya.  Pinindot niya ang isang button mula duon para sa speaker.  “Anong kailangan mo?  Umagang-umaga nanggugulo ka?”

“Girlfriend ko si Natalia.  Ilabas ninyo sya!” Galit na sigaw nito.

“Hindi ba niya sinabi saiyong may kailangan siyang pagbayaran kaya siya naririto?  Kung kaya mong bayaran ang 70 million na pagkakautang ng Papang niya, makukuha mo si Natalia!”

“Labag sa batas ang ginagawa mong ito.” Sigaw nito, “Idedemanda kita!  Ipakukulong kita. This is human trafficking!” Tila nanakot pang sabi nito sa kanya.

“Go ahead.  Magsampa ka ng kaso laban sa akin!” Sabi niya rito, “But I’m warning you, itong pangugulo mong ito, ora mismo, pwede kitang ipadamot sa mga pulis kung gugustuhin ko!” Babala niya dito.

“Matapang ka lang dahil may pera ka!  Bakit hindi ka lumabas dito, magsuntukan tayo!” Nanghahamong sabi nito sa kanya.

Tinawanan lamang niya ang sinabing iyon ng lalaki.  Hindi siya pumapatol sa kung sinu-sino.  Hindi na niya kailangang ipagmalaki pa ang mga awards na napanalunan niya sa kung anu-anong kompetisyon ng martial arts.  Bata pa lamang siya ay sinanay na siya sa self defense.  Kahit sa boxing ay di uubra ang mga kalaban sa kanya, ito pa kayang mukhang pipitsuging lalaki na ito?

Napailing siya.

Alam niyang isang suntok lamang niya rito ay kaagad niya itong mapapatumba.

Pero pinipili lang niya ang kanyang pinapatulan.

Pinindot niya ang mute button dahil ayaw na niyang mag-asaya pa ng panahon dito.  Bahala itong magngangawa sa labas ng gate. Tumayo siya saka nagsuot ng robe at lumabas sa kanyang kuwarto.  Inabutan niya si Natalia na tumutulong sa mga maids sa mga gawaing bahay sa loob ng mansion.

“Stop it!” Saway niya sa babae.  Hindi lang si Natalia ang napahinto sa ginagawa, lahat ng mga katulong ay nagsipaghinto at matiim na nakinig sa sasabihin niya, tiningnan niya si Natalia, “Sinong may sabi saiyong tumulong ka sa kanila?” Tanong niya dito saka tiningnan ang mga maids, “Hindi ko sinabi sa inyong pagtrabahuhin ninyo sya dito sa bahay!” Sabi niya sa mga katulong.

“Pero andito ako para bayaran ang mga inutang ni Papang, hindi ba?”

“Yeah.”

“Pero sa palagay mo mababayaran moa ng 70 million sa pangangatulong lang sakin? Negosyante ako.  Hindi ako nagpapautang kung alam kong malulugi ako!”

Kunot-nuong napatingin sa kanya si Natalia.

Napangisi siya, “Hindi mo pa ba alam kung ano ang magiging trabaho mo sa akin?” Makahulugang tanong niya dito.  Kitang-kita niya sa mga mata ni Natalia ang takot at pagkataranta.

           

NGAYON lang niya biglang narealize kung anu-ano ang maari nitong ipagawa sa kanya bilang kabayaran ng pagkakautang ng kanyang ama.  Sex slave? Alipin?  Nanlalamig ang kanyang buong talampakan. 

            Alam niyang kahit lumuhod siya sa harapan nito ay hindi siya nito kaawaan.

            It’s no use na magprotesta pa dito.  Nakasanla ang katawan at kaluluwa niya sa diyablo.  Ang tanging magagawa na lamang niya ay mag-isip ng paraan kung paano niya mababayaran ang utang nila nang hindi naman siya gaanong naagrabyado.

            “Darating si Miss Alysson  after lunch.  Sasamahan ka nya para mamili ng mga gamit mo!” Sabi ni Mr. Sy sa kanya, “Bitiwan mo yang basahan at saluhan mo akong mag-break fast!” Utos nito sa kanya saka mabilis na siyang tinalikuran.

            Kunot-nuo niyang nilingon ang maid sa tabi niya.

            “Naku, mga girlfriends lang ni Sir ang sinasabayan nung mag-breakfast kaya swerte mo,” bulong nito sa kanya.

            Paano akong naging swerte? Mas gugustuhin ko pang maglinis ng buong bahay kesa makasalo sa almusal ang lalaking ito!

            Ngunit hindi na lamang niya isinatinig pa ang laman ng kanyang isipan.  Alam niyang na-trap siya sa lalaking ito at kailangan niyang makaisip ng paraan kung papaano makakawala dito.

            “Puntahan mo na si Sir.  Ayaw nung ng pinaghihintay sya,” Sabi naman ng isa pang katulong sa kanya.  Kaagad niyang hinanap ang dining room.  Muntikan pa siyang maligaw sa laki ng bahay nito.

            Iginiya siya ng unipormadong maid sa tapat ng pagkahaba-habang lamesa.  Iyong setting ay parang sa mga drakula movies na napapanood niya.  May pagkahaba-habang lamesa.  May malaking shandelier at tig isa pa sila ng maid na magsisilbi sa kanila.  At bakit naman napakaraming pagkaing nakahain sa mesa samantalang dalawa lang naman pala silang kakain?

            Naalala tuloy niya ang kanyang mga kapatid.  Paniguradong matutuwa ang mga ito sa pagkasasarap na mga pagkaing nakahain sa mesa.  Samantalang sila, minsan lang kumain ng masarap, kadalasan, gulay at kaunting-kaunting karne para magkalasa.  Kung wala pang may birthday, hindi siya nakakapagluto ng masarap.

            Muli niyang naalala ang kanyang trabaho.   Tiyak na magwawala ang kanyang boss.  Ni wala siyang formal resignation.  Basta na lamang siyang naglaho na parang bula, pwede ba iyon? At si Timothy.  Kailangan niya itong makausap.

            “Kailangan kong makausap ang boyfriend ko.  Baka nag-aalala na iyon.  Saka nga pala, gusto kong magpaalam ng pormal sa pinagtratrabahuhan ko.”

            “Isa ako sa shareholder ng company na pinapasukan mo kaya ako ng bahala dun!”

            Gulat na napatingin siya dito.  Paano nito nalaman ang pinapasukan niya?

            Wari namang nahulaan nito ang nasa isip niya, “I did my research.  Sa akala mo ba basta na lamang kita papatuluyin dito kung di ko nacheck ang back ground mo?  Gaya nga ng sabi ko, businessman ako.  Hindi ako kumukuha ng mga taong walang pakinabang!”

            “A-At ano naman ang papakinabangan mo sakin?”

            Napangisi ito, “Why would I tell you?  Hindi ko inilalatag ang baraha ko sa mga taong alam kong di ko mapagkakatiwalaan, in case hindi mo pa alam!”

            “H-Hindi mo pala ako mapagkakatiwalaan, then bakit mo ako pinatuloy dito? It does not make sense,” nailing na sabi niya.

            “Hindi ko kailangang magpaliwanag pa saiyo!” Sabi nitong sinimulan na ang pagkain.

            Hindi niya magawang galawin ang pagkain niya.  Kahit gaano pa kasarap ang mga iyon.  Hndi siya makapaniwalang napasubo siya sa ganitong sitwasyon.  Paano nga ba siya nitong napapayag?

“MAY KATIBAYAN ka ba sa isinasampa mong kaso laban kay Mr. Matt Sy? May makukuha ka bang maaring tumitestigo?  Mabigat na kaso ang human trafficking pero kailagan mo ng sapat na ebedensya.” Sabi ng pulis nang magpunta si Timothy sa police station para sampahan ng kaso ang negosyanteng si Mr. Sy.

            Hindi siya makasalita.  Hindi rin malinaw sa kanya ang lahat at kung ano ang naging kasunduan ni Natalia sa lalaking iyon.  Tanging ang bunsong kapatid lang naman ni Natalia ang napagtanungan niya dahil ayaw namang sagutin ng ama ni Natalia ang mga tanong niya.

            “Isa pa, nasa wastong edad na ang iyong nobya.  Kung wala kang makukuhang testigo, Malabo yang kaso mo lalo pa at malaking tao ang kakabanggain mo.” Dagdag pa ng pulis sa kanya.

              “Pero maniwala kayo sakin.  Nakausap ko ang girlfriend ko.  Siya ang kinuhang kabayaran ng lalaki para sa utang ng father nya.”

            “At pumayag ang girlfriend mo?”

            Napahinga siya ng malalim.  Gusto na niyang suntukin ang pulis na kausap niya.  “Bakit ba hindi mo ko ma-gets?” Kumuha siya ng sigarilyo, natetense na siya dahil mukhang walang patutunguhan ang pagrereklamo niyang ito. 

            “Sir, bawal hong manigarilyo dito oh, ang laki ng karatula!” May sarcasm sa tonong sabi ng pulis sa kanya.

            “Shit!” Pikon na pikong tumayo siya at nagwalk out palabas ng police station.  Inis na inis siya habang sinisipa ang bench na gawa sa semento.

“YOU LOOK STUNNING!” Bulalas ni Miss Alysson kay Natalia matapos maayos at makulayan ang kanyang buhok, “Daig mo pa ang celebrity sa ganda mo!” Excited na sabi pa nito, “I’m sure magugulat si Matt pag nakita ka!”

            Napatingin siya sa kanyang itsura sa salamin.  Naalala niya ang nanay niya sa kanya.  Beauty titlist ang mother niya at palagi itong sumasali sa mga patimpalak nuong kabataan nito. Marami ring mga talent scout ang madalas lumalapit sa kanya nuon kapag nasa mall siya. It’s either inaalok siyang sumubok mag-artista, mag-audition sa mga commercials or sumali sa mga beauty contests.  Pero hindi naman siya mahilig magsasali sa mga ganun kaya tinatapon lang niya sa basurahan ang mga calling cards na binibigay sa kanya.  Isa pa, simula nang ma-bankcrupt sila ay parang nawalan na rin siya ng kumpiyansa sa sarili. 

            “Ikaw ang flavor of the month ngayon ni Matt.  Hanggang kelan naman kaya?” Sabi pa nito sa kanya habang nakatayo ito sa likuran niya, pinagmamasdan siya sa salamin.

            Nangunot ang nuo niya, “It’s not what you think?  M-May utang lang ang Papang ko kay Matt kaya napilitan akong magtrabaho sa kanya.  Pero kung iyong iniisip mo ay. . .” Napailing siya, “Hindi ako papayag.  Hindi ako ganung klase ng babae!”

            “Tatanggihan mo ang isang kagaya ni Matt?” Makahulugang tanong nito sa kanya, “Wala pang babaeng umaayaw sa isang kagaya nya!” Sabi nito sa kanya, “Actually, nag-uunahan kaming mga babae para lang mapansin nya.  Kaya maswerte ka kung kahit saglit lang, natawag mo ang atensyon nya!”

            Umiling siya.

            Paanong magiging maswerte ang ma-involve sa ganuong klase ng lalaki?  Hindi siya makapaniwalang may mga babaeng nahihibang sa aroganteng kagaya ng lalaking iyon!  Aaminin niya, napakaguwapo ni Matt.  Ngunit hindi lamang ang pisikal na anyo ang batayan niya kapag tumitingin siya sa isang lalaki.  At ngayon pa lang ay tinitiyak na niyang wala ni isa man sa mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ang taglay ng mayabang Matt na iyon!

            Pagkatapos niya sa hair salon ay dinala naman siya ni Alysson sa pamilihan ng magagarang damit, sapatos, bags at mga alahas.  Nalulula siya sa mga tag price duon pero parang balewala lang naman iyon kay Matt.

            Hindi pa rin niya maintindihan magpahanggang ngayon kung ano ang tumatakbo sa isip ni Matt.  Kung bakit siya binibihisan ng ganito.  Clueless siya sa pakinabang na makukuha nito sa kanya.

            Difinitely, hindi naman sex.  Dahil kung sex lamang, pagakarami-rami namang babaeng makukuha nito.  Sabi nga ni Alysson, maraming nagkakandarapa mapansin lamang ng lalaking iyon.  Pero kung hindi sex, ano?

Related chapters

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 3

    “TEN MILLION PESOS ang halaga ng kwintas na ito?” Hindi mapaniwalang bulalas ni Natalia habang isinusuot sa kanya ni Alysson ang kwintas na gawa sa white gold at mga diamante. “Oo kaya ingatan mo,” sagot ni Alysson sa kanya, “Yang kabuuan mong bihis, kasama ang bag at sapatos mo, pati na rin yang gown at mga alahas mo, humigit kumulang nasa 45 million pesos.” Bahagya siyang nasamid, “45 million pesos?” May pait sa mga labing napangiti siya, konting-konti na lang at katumbas na iyon ng halaga ng inutang ng Papang niya. Napatingin siyasa suot niyang kumikinang na bracelet. Ang mahal pala ng mga alahas na ito and yet ipinagkakatiwala lang ito sa aking ipasuot ni Mr. Sy? “Naghihin

    Last Updated : 2022-04-22
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 4

    “SIRA ULO talaga ang pinsan ko, magdadala ng napakagandang babae dito sa party pagkatapos, iiwan lang mag-isa?” Dinig ni Natalia na sabi ng lalaki nang lapitan siya nito saka ngumisi sa kanya, “By the way, I’m Dean. Matt’s cousin,” may pagkapreskong sabi nito sa kanya. Kung idedescribe niya ang kilos at pananalita nito ay para itong batang version ni Robin Padilla. Palagay niya ay nasa 30’s lang din ito, chinito, matangkad at guwapo ring gaya ni Matt. Tipid na ngiti lang ang isinukli niya dito, ni hindi niya ibinigay ang pangalan niya. Bahagya pa siyang umisod palayo rito para iparamdam na hindi siya interesadong makipagkwentuhan dito. Umisod naman palapit sa kanya ang lakaki, “Bakit ba parang takot na takot ka, hindi naman ako sira ulo. Kung merong dapat katakutan ditto pagdating sa pagiging babaero, si Matt iyon, hindi ako.” Nakangiting sabi nito sa kanya saka nilingon ang kinaroroonan ni Matt, “Tingnan mo oh, isinama ka dito pagkatapos, ibang babae ang k

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 5

    “DAMN, wala akong magawa. Saan ako kukuha ng 70 million pesos?” Parang wala sa sariling sabi ni Timothy habang nakatitig sa kawalan, tangan ang isang bote ng beer, “Pakiramdam ko, wala akong kwentang boyfriend!” Nilapitan ni Dela ang kaibigan, “Maiintindihan naman siguro ni Natalia ang sitwasyon mo, Tim. Alam naman nya na wala kang ganun kalaking pera.” “Kung tutuusin, kapag ibenenta ko itong property ko, at humingi ako ng tulong kina Mommy, baka makabuo ako ng 70 million pesos. Pero alam mo naming hindi gusto nina Mommy si Natalia. Besides, parang ang hirap I-give up nitong bahay ko. Alam mo naman kung anong paanong pagtratrabaho ang ginawa ko, maipatayo ko lang itong bahay na ito.” “Alam ko, saka ang estimation ko sa bahay na ito, nasa twenty million lang, hindi pa rin sapat. At palagay mo, magpapautang ang parents mo saiyo?” May pait sa mga labing napangiti ito, “Hindi si Natalia ang pangarap nilang makatuluyan mo, Tim.” Halos paanas lang n

    Last Updated : 2022-05-13
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 6

    GINISING si Natalia nang mga katok mula sa pinto ng kanyang silid. Nagmamadali niyang pinagbuksan iyon. “Good morning Maám,” nakangiting bati ng patpating katulong na si Vicky, sa lahat ng mga maid dito sa mansion, dito pinakapanatag ang kalooban niya. “Pinapababa na po kayo ni Sir.” “Pakisabi, hindi ako kakain,” akmang isasara na niya ang pinto ngunit mabilis nito iyong napigilan. “Ma’am, kumain na po kayo. Huwag po kayong maghunger strike,” Nakikiusap na sabi nito sa kanya. “Hindi ako kakain hanggang. . .” “Maa’m maawa na po kayo sa akin, ang sabi ni Sir, aawasin niya sa sweldo ko bawat araw na hindi kayo kumakain,” Mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kanya, “Kilala ko po si Sir. Tinototoo nun lahat ng sinasabi nya.” Naningkit ang kanyang mga mata, “Talagang napakawalanghiya ng amo mo!” Nagngingitngit na sabi niya. “Ang totoo, mabait naman po si Sir. Masama lang talagang magalit,” mahinang sabi nito sa

    Last Updated : 2022-05-14
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 7

    NANGUNOT ANG NUO NI ELENA nang pagbukas ng pinto sa kanya ng lalaki ay mapansin niya ang isang nakatapis na babae sa likod nito at tantiya niya ay tatatapos lamang magsex ng mga ito. She was not born yesterday. Kung ito ang boyfriend ng babaeng nagngangalang Natalia, ibig sabihin ay wala pang isang buwan simula nang iuwi ang Natalia na iyon sa bahay ni Matt ay pinagtataksilan na kaagad ito ng boyfriend nito? “Are you Timothy Cruz?” Tanong niya sa lalaking nakausot ng boxer shorts. Tumango ito. Napaismid siya, “Pwede bang magbihis ka muna ng disente? Hihintayin kita sa kotse after. Gusto kitang makausap.” May authority sa tonong sabi niya dito “Tungkol saan?” “Tungkol kay Natalia!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.“SINO SIYA? Anong kinalaman niya kay Natalia?” Nag-aalalang tanong ni Dela kay Timothy habang nagsusuot ito ng pantalon at tshirt. As much as possible a

    Last Updated : 2022-05-15
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 8

    “MA’AM pinatatawag po kayo ni Sir sa salas,” sabi ng maid na si Vicky nang sunduin siya nito sa kuwarto. “Nandyan po sa ibaba ang boyfriend ninyo!” Napabalikwas siyang bigla. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong bumaba sa salas. Inabutan niya si Timothy na kausap ni Matt. Masayang-masayang niyakap niya ang kasintahan at siniil ng halik sa mga labi. “Tim,” mangiyak ngiyak na sabi niya. “Dala ko na ang 70 million kabayaran sa pagkakautang ng Papang mo. Iuuwi na kita.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata, “S-San ka kumuha ng pera? Don’t tell me ibeneta mo ang. . .” Tuluyan na siyang napaiyak, hindi niya akalaing gagawin ni Timothy ang lahat para sa kanya, “Sabi ko na nga ba, talagang mahal na mahal mo ako!” walang pagsidlan ng kagalakang sabi niya rito saka taas ang baba na bumaling siya kay Matt, “See, I told you, hindi ako magtatagal dito,” puno ng pagmamayabang na sabi niya rito saka hinila na ang kasintahan, “Tara na

    Last Updated : 2022-05-16
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 9

    HALOS maubos na ni Timothy ang laman ng whisky. Pakiramdam niya ay napakainutil niyang tao, ni hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Inihilamos niya ang kamay sa mukha, kanina ay gustong-gusto na niyang suntukin si Matt. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Bakit ba hindi siya ipinanganak na mayaman at makapangyarihan? “Tim, ginawa mo na ang best mo,” sabi ni Dela, hinagod nito ang likuran niya, “ I guess, hindi ka na susumbatan ni Natalia, at least naging mabuti kang boyfriend sa kanya.” “Talaga ba?” May sarcasm sa tonong tanong niya sa kaibigan. “Tim, hindi ka pwedeng maging martir na lang sa kanya. Look, pati negosyo mo naapektuhan na dahil sa mga problemang dala ni Natalia at ng pamilya nya. Tama ang parents mo, Tim. Kalimutan mo na si Natalia. Nandito naman ako para saiyo,” malambing na sabi nito, “Huwag mong sayangin ang buhay mo sa taong wala ng ginawa kundi magdala ng pr

    Last Updated : 2022-05-16
  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 10

    NAGDIDILIM ang paningin na pinagsasampal niya si Timothy, “Hayup ka!!! Hayup ka!” Galit na salit na sigaw niya rito saka napopoot na tiningnan niya si Dela, “I thought you were my friend. Akala ko talagang concern ka sakin!” sabi niyang napaismid, “Wala ka rin palang ipinagkaiba sa mga ahas mong kamag-anak!” Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo apartment nito. “Natalia, let me explain!” Sabi ni Timothy habang hawak ang isang braso niya. Hinila niya ang suot nitong kwintas na regalo niya dito nuong third year anniversary nila. Sayang din iyon, hindi nito deserve ang kwintas na ilang buwan niyang pinaghirapang pag-ipunan. “Natalia. . .” Sinampal niya ito ng ubod lakas, “Explain mong mukha mo!” Umiiyak na sabi niya rito saka nagmamadali nang sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay parang nasa utak pa rin niya ang kahindik-hindik na nasaksihan niya kanina. Bakit ang tanga-tanga k

    Last Updated : 2022-05-16

Latest chapter

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 169

    HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 168

    HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 167

    “FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 166

    “IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni

  • The Billionaire's First Love   CAPTER 165

    HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 164

    RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 163

    NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 162

    “WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview

  • The Billionaire's First Love   CHAPTER 161

    “MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status