“PINAYAGAN mong ipagtanggol ni Matt ang babaeng iyon?” Nangigigil sa inis si Irine nang maikwento ni Elena ang nangyari. Syempre pa ay dinagdagan na niya ang istorya para mas mukha siyang kaawa-awa sa paningin ng ina ni Matt. Gusto niyang makuha ang simpatya ng buong pamilya ni Matt. “Sana tinawag mo ako para pinagtulungan natin ang babaeng iyon.” “Ayoko namang guluhin ang party ninyo, Tita Irine,” Sinabi niya ito sa mababang boses. Palagi na ay mababa at punong-puno ng paggalang ang pakikipag-usap niya sa pamilya ni Matt kahit na kung minsan ay naalinsangan siya sa sarili. Syempre pa ay hindi naman ganito ang totoong ugali niya. Sa ibang tao ay hindi naman siya ganito kagalang lalo na sa kanyang mga maids. Ngunit sa harapan ng pamilya ni Matt, never siyang nagtaas ng boses sa kanyang mga katulong kahit kung minsan ay hindi na siya makapagtimpi. Kailangan niyang mapaniwala ang pamilya ng lalaki na isa siyang ideal woman para kay Matt. Gustong
NAGULAT SI NATALIA nang bigla na lamang dumating ang ina ni Matt at kinaladkad siya palabas ng kuwarto. “Napakalandi mo talagang babae ka! Sa palagay mo ba seseryoshin ka ng anak ko, ha?” Sabi nitong hinila ang buhok niya, “Lumayas ka rito.” Nanlaban siya. At dahil mas malakas siya, nakawala siya sa mga kamay nito, tiningnan niya ito, “Akala nyo ba gusto kong tumira sa bahay na ito? Hindi na ako nagtataka kung saan nagmana ang anak ninyo ng pagkabastos! Kitang-kita naman sa pag-uugali ninyo!” “Aba’t. . .” sinampal siya nito saka kinalmot. Mabuti na lamang at naiiwas niya ang kanyang mukha kung kaya’t ang braso niya ang napagkalmot nito, “M*****a kang basura ka! Hampas lupa!!!! Lumayas ka sa pamamahay ng anak ko!!!! Layas!” Sigaw nito sa kanya saka nilingon si Aida na nakatingin lang sa kanila, “Aida, samahan mo siya palabas ng gate.” Nagproprotesta ang anyo ni Aida nang magsalita, “Ako po ang mapapagalitan ni Sir kapag nalaman niyang. . .”
“SIR, WALA PO sa bahay si Natalia, wala rin sa tinutuluyan ni Timothy,” balita ni Rigor kay Matt. “Hanapin nyo!” Sigaw ni Matt dito saka yamot na ibinato ang telepono at tumayo. Iniisip pa lamang niyang kasama ni Natalia ang lalaking iyon ay nangangatal na siya sa galit. Nagmamadali niyang pinuntahan si Elena. Alam niyang kasabwat ito ng Mama niya. Hindi makikilala ng mother niya si Timothy kung hindi dahil kay Elena. Hindi ba at ito ang nagbigay nuon dito ng 70 million pesos para mabawi ni Timothy nuon si Natalia? Talagang sinusubukan siya ng babaeng iyon. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit gustong-gusto nitong nakikialam sa buhay niya. Ilang beses na niyang sinabi dito na hindi niya ito gusto and yet ayaw pa rin siya nitong tigilan. Hindi niya gusto si Elena sa napakaraming mga kadahilanan. Nakikita pa lamang niya ito ay nasusuka na siya. Pinaharurot niya ang kanyang Ferarri. Inabutan niya si Elena sa opisina nito. Hin
DINALA SI NATALIA si Rigor papasok sa library kung saan naghihintay sa kanya si Matt. Madilim ang anyo nito nang makita siya. Sinenyasan nito si Rigor na iwan silang dalawa. Kaagad naming lumabas ng libarary si Rigor. Tumayo si Matt at nilapitan siya, “Bakit ka pumayag na dalahin ka ng lalaking iyon sa malayong lugar?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sa palagay mo may magagawa pa ko ng kaladkarin ako ng Mama mo palabas ng bahay na ito?” Matapang na sagot niya. Tumiim ang mga bagang ni Matt habang nakatitig sa kanya, “Anong gusto ng lalaking iyon saiyo? Sinabi mo ba sa kanya na asawa na kita?” Napaismid siya, “Asawa?” May sarcasm sa tonong tanong niya dito, “Or alipin na sunod-sunuran kung anong sabihin mo?” Patuya niyang tanong dito, “God, Matt, hanggang kailan nyo ba ako paglalaruan?” Naiiyak nang tanong niya rito. Daig pa niya ang isang hayup, ni wala siyang kalayaan kung ano ang gusto niyang gawin. Muli ay naalala niya
“SIR. . .” Iniabot ni Rigor kay Matt ang mga nakalap na dokumento. Napatiim ang mga bagang niya nang makumpirma ang kaugnayan ng pinsan niyang si Dean sa pagkasunog ng isa sa mga factory nila sa Cebu. Malamang ay ito rin ang sumabotahe sa kanya kung kaya’t hindi niya nakuha ang malaking island na balak sana niyang pagtayuan ng casino resorts. Nakahanda na ang pondo, two billion dollars para sa malaking project niyang iyon ngunit ang laking pagtataka niya nang malamang may nakabili na ng isla. Nalaman na lamang niyang isa sa mga nagmamay-ari niyon ngayon ay ang pinsan niyang si Dean. Kung paanong nangyari ay hindi niya alam. Sinusbukan talaga siya nito ang pasensya niya. Malakas ang loob nitong kalabanin siya. Malapit nang maubos ang pasensya niya. Ngunit hindi siya magpapadalos-dalos. Alam niyang mas mainam na marami siyang bala sa oras na magkatuos sila nito. “Tawagn mo si Atty. Miranda. Gusto kong ikunsulta sa kanya ang tungkol ditto,” utos niya kay
“GIRLIE, nakikita mo ba ang nakikita ko?” Bulong ni Trixie habang nakaupo sila sa tapat ng isang slot machine sa loob ng casino. Hindi naman sila nagsusugal. Tumatambay lang sila dun para sa libreng drinks at minsan kapag sinuswerte ay napipick up sila ng mayayamang player duon, mostly foreigner. Simula nang maglayas si Girlie ay ganito na ang naging gawain niya. Mas gusto na niya ang ganito kesa tumira sa bahay nila na wala ng ginawa ang Ate Natalia niya kundi bantayan ang bawat kilos niya. Asar siya sa tatay niya. Alam niyang kaya nagkanda letse letse ang buhay nila ay dahil dito. Dati, close silang buong pamilya. Magkatabi pa nga silang matulog madalas ng Ate Natalia niya. Ngunit nang maghirap sila, nagkaroon siya ng depression lalo na at madalas siyang kinukutya ng mga dating kaibigan niya. Sa pamilya niya ibinuhos ang lahat ng galit niya. Lalo na sa Papang niya. Kaya ayaw na ayaw na niyang makita pa ang mga ito. Hinding-hin
HINDI LUMALABAS NG kanyang opisina si Matt hangga’t hindi niya napag-aaralang mabuti kung papaano niya mapapabagsak ang kanyang pinsan na si Dean. Nuong una ay pinagpapasensyahan lamang niya ang mga katarantaduhan nito ngunit ang pagsunog ng factory at pagkamatay ng ilan sa kanyang mga trabahador ay hindi na niya mapapalampas pa. Hindi niya alam kung bakit matindi ang inis sa kanya ni Dean at gusting-gusto siyang makitang nahihirapan. Ngunit kung inaakala nitong magtatagumpay itong mapabagsak siya, nagkakamali ito. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahang makita siya sa ganuong kalagayan. Kung kakasuhan naman niya si Dean ay nag-aalala siyang baka makaapekto ang eskandalong iyon sa kanilang mga kompanya lalo pa at ito ang isang away ng pamilya kaya’t ang usapin tungkol dito ay hindi na dapat makalabas pa. Isa pa, ayaw na rin niyang bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang ama at ang kanyang Uncle Tony na maedad na rin naman. Alam niyang para rito ay isan
“NAPASAYA mo ako,” nakangising sabi ni Dean kay Girlie, inabutan niya ito ng one hundred thousand pesos. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “First time ko makatanggap ng ganito kalaking pera para sa isang gabing serbisyo,” Hindi makapaniwalang bulalas nito. “Well, hindi naman ako galante sa iba, nagkataon lang na swerte kang kasama,” aniyang kinuha ang telepono nito at idinayal ang kanyng numero saka muling iniabot dito ang cellphone, “Save mo. Tatawagan kita kapag kailangan ko ulit ang serbisyo mo. Basta paalala, ayoko ng kinukulit ako. Ako ang tatawag saiyo, maliwanag?” “Okay. . .dami mo sigurong kadate at ayaw mo ng iniistorbo. . .” “Hindi ako nakikipagdate basta-basta.” Maikling sagot niya rito, “Besides, masyado akong busy para sa mga babae. Kaya swerte mong nakuha moa ng atensyon ko,” aniya rito saka nagmamadali nang lumabas ng kuwarto matapos makapagbihis. Naghihintay na sa kanya ang mga kapulong niya para sa isang
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah