“PAPANG, wala ba kayong balak pauwiin sa bahay si Girlie? Nag-aalala na ko sa kanya. Nakita namin sya kahapon sa department store pero iniwasan nya kami. Ano ba talagang ikinagagalit nya sa akin?” Huminto sa paghigop ng kape ang Papang niya, “Pagpasensyahan mo na si Girlie, anak. Alam mo namang kahit na kailan ay hindi niya matanggap ang nangyari sa buhay natin. Ilang beses ko na rin siyang nakita, pero ni ayaw niya akong lapitan, daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung ituring niya,” Naghihinanakit na sabi nito sa kanya, “Wala na akong magawa kundi tanggapin ang katotohanang itinakwil na niya ang pamilya nating ito.” Nag-init ang mukha niya. Para siyang hirap huminga habang iniisip ang kapatid. “So, hahayaan nalang natin siyang mapariwara ang buhay niya? Masyadong immature si Girlie, Papang. Malakas ang kutob kong may ginagawang milagro ang babaeng iyon. Saan ba iyon kukuha ng pera para masunod ang mga luho nya sa buhay? Ang dami niyang pinamimil
WALA SI MATT sa bahay nito nang dumating siya. Nang usisain niya si Vicky tungkol dito ay tinudyo pa siya nito, “Namiss mo si Sir Matt, ano Ma’m? Sabagay, namiss rin namin sya dito sa bahay. Nasa Cebu pa siya ngayon pero balita namin ay darating na siya mamaya. Ngayon lang siya tumagal ng isang lingo sa Cebu,” bahagya pa itong humagikhik, “Napasarap siguro silang dalawa dun.” Kumunot ang nuo niya, “Dalawa? Si Rigor baa ng tinutukoy mo?” “Ay syempre hindi. Matik naman ng kasa-kasama ni Sir Matt si Rigor dahil personal assistant iyon ni Sir. Pero tsiks ang tinutukoy ko Ma’m.” Parang gustong uminit ng ulo niya. “Si Regine ba ang babaeng tinutukoy mo?” “Hindi ma’m. Bago ito, hindi kagandahan pero mas bata.” Nangunot ang nuo niya, “Mas bata?” “Hindi pa siya nadadala dito ni Sir. Bagong kakilala. Nasagap ko lang iyong tsismis dun sa driver ni Sir na naghatid sa kanila kahapon sa airport.” Balita ni V
“KAILAN KA ba magtitino, Dean?” Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito, galit na galit ang ama niyang si Tony nang makarating dito ang balita tungkol sa pagkakasangkot niya sa droga. “Fake news ‘yan Dad,” aniya habang sapo ang mukhang dinapuan ng malakas na sampal nito. Matagal na siyang nagpapasensya sa ama. Kung hindi nga lamang dahil sa mamanahin niya sa mga negosyo nito, baka nanlaban na siyang matagal na. Oo nga at anak lamang siya sa labas ng kanyang ama. Ngunit may karapatan pa rin siya sa lahat ng pag-aari nito bilang nag-iisang anak na lalaki nito. Kaya ng aba kahit na anak siya sa labas ay ramdam pa rin niya ang pagmamalasakit nito sa kanya dahil siya ang magdadala ng apelyidong Chua sa kanilang pamilya. Ang kanyang ama ay pinsang buo ng tatay ni Matt at bagama’t maliit lamang ang share nito sa Sy Holdings Corporation ay malawak naman ang mga lupaing pag-aari nito, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Australia at sa Malaysia.
MULING BINIHISAN NI ALYSSON SI NATALIA. Isang off shoulder green dress ang ipinasuot nito sa kanya at tinernuhan lang ng simpleng bracelet at manipis na necklace saka dangling earrings na nagkakahalaga raw ng mahigit sampong million ang mga diamante. Simpleng simple lang ang bihis niya ngunit alam niyang mamahalin ang lahat ng iyon. Manipis na make up lamang ang inilagay nito sa kanya. Itinaas nito ang kanyang buhok kaya lalong lumutang ang maliit niyang mukha. Ang kanyang mga mata ang isa sa pinaka-assets niya. Ang sabi ng Mamang niya nuon, minsan raw ay nagkukulay berde ang kanyang mga mata, bagay na minana niya dito dahil may lahi itong British. Ang ina ng kanyang Mamang ay British. Sabi nga ng Papang niya, nakuha niyang lahat ang mga magagandang katangian ng Mamang niya kung kaya’t kahit saan siya magpunta ay makatawag pansin talaga ang kanyang kagandahan. Isang Lobuotin pump na nude ang ipinasuot nitong sapatos sa kanya. “Para kang si Gr
HINDI nakaligtas kay Rigor ang reaction ni Matt nang makita si Natalia. Napasecond look pa nga ito sa dalaga bago tiim bagang na sumakay sa kotse. Lihim siyang napangiti habang iginigiya si Natalia pasakay sa kotse. Alam niyang sa lahat ng mga naging babae ng kanyang amo ay pinaka-espesyal si Natalia. Pakakasalan ba ito nito kung hindi? Ngunit hanggang ngayon ay misteryoso pa rin para sa kanya kung bakit kailangan itong gawin ng boss niya. Kung talagang may gusto nitong masingil ang pagkakautang ni Ginoon Delgado dito, bakit hindi nito tinanggap ang 70 million pesos na ibinabayad dito ni Timothy? At talaga bang nawawala ang painting? Ang tanda niya, nasa vault ang mamahaling painting na iyon ng amo niya. Sabagay, sa matagal na panahon niyang paninilbihan kay Matteo Sy, hanggang ngayon ay hindi pa rn niya kabisado ang takbo ng utak nito. Marahil, talagang mahirap basahin ang utak nito, hindi ito magiging ganito kayaman kung ganuon lang kadaling
RAMDAM NI NATALIA ang kakaibang interes ng mga kalalakihang naroroon sa charity event na dinaluhan nila ni Matt. May mga matatandang lalaki pa nga ang waring hindi nakakatiis, nilalalapitan siya kapag panandaliang humihiwalay sa kanya si Matt. “If you will excuse us, Mr. Tan. Hindi ko dinala dito ang asawa ko para makipag-usap sa kung sinu-sinong mga lalaki. Gusto kong ipaalala sa inyo na seloso akong tao at ayokong may mga lalaking nakakusap ang asawa ko, alam nyo naman kung paano ako magalit, hindi ba?” Pahiwatig ni Matt sa matandang lalaki na biglang lumapit sa kanya nang pansamantalang magbanyo si Matt. “A-Asawa mo siya?” Tila nabiglang sabi ng matanda, “I’m sorry, hindi ko alam na nag-asawa ka na pala, at napakaganda ng asawa mo,” anang lalaki na muli siyang pinasadahan ng tingin, “Napakaswerte mong makakuha ng kasing ganda niya.” Tumikhim si Matt bilang pahiwatig dito na hindi nito nagugutuhan ang pananalita ng matanda. Naintind
“HINDI KO akalaing kapatid mo babaeng iyon. Alam mo bang ipinahiya ako ng babaeng iyon?” Sabi ni Dean kay Girlie habang nasa kotse na sila. Napapangisi siya habang naiisip na magagamit niya si Girlie para makaganti sa babaeng iyon. “Paanong napangasawa ni Ate Natalia ang pinsan mo?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito. Nagkibit balikat si Dean. “Hindi naman imposible, napakaganda ng kapatid mo.” Napasimangot si Girlie, “Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit naghirap ng husto ang pamilya namin? Nagkasakit siya nuong 13 years old lang siya. Nagamit ni Papang lahat ng perang para sana sa negosyo nang dahil sa kanya. Kaya napilitan si Papang na magkaroon ng maperang kalaguyo para sana muling maibalik ang puhunan sa bisines nila ni Mamang. . .p-pero nagalit iyong babae ni Papang nung ayaw makipaghiwalay ni Papang kay Mamang kaya pinabagsak ng babaeng iyon ang negosyo ni Papang,” Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Girlie, “Nang malaman ko ang
“PAPANG. . .” Nagulat si Oliver nang makita ang anak na si Girlie. Halos isang taon rin itong hindi nagpapakita sa kanya. Ang huling balita niya rito ay nang makita ito nina Natalia sa isang mall ngunit itinaboy lamang nito ang mga kapatid. Sa lahat niyang anak ay masasabi niyang ito ang pinakamatigas ang ulo. Isang bagay na minana nito sa kanya. “May problema kaya mo naisipang umuwi?” Matabang na tanong niya rito. Sanay na siya sa anak niyang ito. Alam niyang problema ang dahilan ng ipinarito nito. “Mayaman pala ang napangasawa ni Ate Nat?” Tanong nito sa kanya, namimilog ang mga mata, ramdam niyang hindi niya magugustuhan ang kasunod nitong sasabihin. Kumunot ang nuo ni Oliver, “Kung may hindi maganda kang naiisip, huwag mo ng itiuloy. Isinakripisyo ng Ate mo ang sarili niya para lang matubos ang bahay na ito,” Malungkot na sabi niya rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapatawad ang sarili dahil siya ang dahilan kung bak
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah