Home / Romance / The Billionaire's First Love / CHAPTER 1: No one likes me

Share

The Billionaire's First Love
The Billionaire's First Love
Author: VENUIXE

CHAPTER 1: No one likes me

Author: VENUIXE
last update Last Updated: 2022-04-11 23:06:15

Panay ang takbo ng isang babae habang wala itong suot na kahit na anong tsinelas o sapatos. Masakit na rin ang kanyang paa, pero wala siyang magawa. Habang ang suot niyang mamahalin na bistida na kulay puti ay sira-sira na rin at may bahid ng dugo. Panay ang lingon nito sa kanyang likuran, kasabay ang luhang bumubuhos sa kanyang mga mata. Puno ng takot ang kanyang dibdib at mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo kahit parang wala siyang nakikita na tao na tutulong sa kanya.

"Vetarie Kaede! Huwag mo ng tangkaing tumakbo! Kahit anong gawin mo ay mahahabol at mahahabol pa rin kita!" 

Parang bingi si Vetarie at panay pa rin ang takbo niya. Hindi niya pinapakinggan ang sigaw ng kanyang kakambal na si Betania Kaede at pilit niyang tinatakbo ang kalakihan ng gubat. Hanggang sa nakakita ito ng isang batong napakalaki at agad na nagtago. Kasabay no'n ang pangangatal nang mga kamay at tuhod ni Vetarie at hindi na siya makagalaw pa. Tila hindi na siya sisikatan nang araw at panay lamang ang pagdarasal niya. 

"T-tulungan n'yo po ako," iyak na sambit ni Vetarie at sabay punas sa kanyang luha gamit ang kanyang braso. 

Napatingin ito sa gilid at nakita niya ang napakaraming lalaki na may makikisig na katawan na humahanap sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito tatakasan at dahan-dahan na gumapang. Pero laking gulat ni Vetarie ng may humawak sa kanyang magkabilang braso dahilan na mapasigaw siya. 

"Bitawan n'yo ako!" 

Sabay pilit na kumakawala sa dalawang lalaki, pero nawalan ng lakas si Vetarie dahil ilang minuto na rin siyang tumatakbo at hindi siya gano'n kalakas para mapantayan ang lakas ng mga lalaking humahawak sa kanyang braso. Kaya tumungo na lang siya at hindi na nagpumiglas pa at tanging pag-iyak lamang ang kanyang ginagawa. 

"Look at you. Nakakaawa ka at wala na ngang nagmamahal sa iyo at iniwan ka pa ng magaling mong nanay!"

Napantig ang taenga ni Vetarie sa kanyang narinig at kumunot agad ang noo niya at tumaas ang isang kilay. Parang lalabas na ang ugat niya sa leeg at namumula rin ang kanyang mga mata ng dahil sa pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang kakambal niya at hindi niya alam kung bakit gano'n ito kasama sa kanya. 

"Nanay natin 'yon Betania! Hindi ko lang nanay 'yon at isa pa, bakit ba ang sama-sama mo sa akin? Bakit parang gustong-gusto mong mawala ako?" 

Hindi na naiwasan ni Vetarie na magtanong sa kakambal niya dahil gusto niyang malaman ang dahilan. Baka kasi ito na ang huling araw niya sa mundong ibabaw. 

"Nanay natin? Nanay mo lang 'yon Vetarie. Hindi ko nanay ang isang mahirap na kagaya niya. Isa siyang hampas lupa at palamunin lang ng daddy ko. Kaya nga siya lumayas dahil napagtanto niyang hindi siya better sa pamilya namin. Tapos nagtataka rin ako, bakit iniwan ka ng nanay mo? Siguro naisip niya na wala ka rin pakinabang." 

"Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Si daddy ang may problema at hindi si momm–" 

Naputol ang sasabihin ni Vetarie ng makatanggap siya nang malakas na sampal mula kay Betania. Parang tatalsik ang kanyang mukha ng dahil sa lakas ng pagkakatama nito at dahilan na may tumulong luha sa kanyang mga pisngi. 

"Pwede ba Vetarie? Huwag mo matawag na daddy ang daddy ko? Baka nakakalimutan mo na ayaw sa iyo ng daddy. Kaya nga tinulungan niya ako sa gusto ko na mawala ka."

"At isa pa. Tinatanong mo ako bakit gustong-gusto kita na mawala? Kasi ikaw ang sisira sa pangarap ko. Nakakasora ang pagmumukha mo Vetarie. Feeling mabait ka para mapansin ka ng matanda sa mansyon. Anong akala mo? Hindi ko napapansin na ikaw ang paborito niya? Kaya dapat talaga mawala ka!"

Biglang nagsikip ang dibdib ni Vetarie at parang hindi na siya makahinga ng dahil sa mga naririnig niya. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw sa kanya ng lahat. Iniisip tuloy ni Vetarie na malas siya at walang nagmamahal sa kanya. 

Tanging ang matanda na lamang sa mansyon ang nagmamalasakit sa kanya, bukod sa ina nila na iniwan sila. Ito ay ama ng kanilang ama na si Kristopher Kaede, kaya naman lolo ito ng dalawang kambal.

"Tama na ang drama. Bilisan n'yo na at baka abutin pa tayo ng liwanag," wika ni Betania at nawalan ng malay si Vetarie ng dahil sa pampatulog na pinaamoy sa kanya ng isang lalaki.

Habang ang mukha ni Betania ay nag-uumapaw sa saya. Gustong-gusto kasi niyang mawala ang kapatid, kaya nakiusap na siya sa ama ng sa gano'n ay matulungan siya nito sa balak niya. Isinakay nila sa kotse si Vetarie habang wala itong malay, habang ang isang kilay ni Betania ay nakataas. 

"Siguraduhin n'yo lang na maayos ang trabaho n'yo. Baka nakakalimutan n'yo kung sino ang ama ko." 

May halong banta sa boses ni Betania at alam naman ito ng mga lalaking inutusan niya. Kasi ang ama nila ay boss nito at hindi rin sila pwedeng magkamali dahil maaaring mawala rin sila ng parang bula sa mundo. 

"Siguro naman ay sapat na ang perang binigay sa inyo. Kaya umalis na kayo at huwag na magpakita sa akin. Dahil gusto ko na rin umuwi at magpahinga. Nagkakaintindihan ba tayo?" 

"Yes ma'am!" sigaw nang mga lalaki at pumalakpal si Betania at itinuro ang sasakyan. Hanggang sa nawala na nga ng tuluyan ang sasakyan na sinasakyan ni Vetarie at dadalhin na ito sa gitna ng dagat para mawala na ito ng trace sa mundo. 

Habang abala ang driver, hindi nila maiwasan na maawa kay Vetarie. Kilala kasi nila ito ng dahil na rin sa asawa ng kanilang boss. Ang ugali kasi ni Vetarie ay nagmana sa kanilang ina na si Vanilla Kaede. Mabait ito at talagang wala kang masasabi, wala na rin silang balita matapos nilang malaman na umalis ito. 

"Sigurado na ba tayo?" napatanong ang driver sa mga kapwa niya at tanging paglunok lamang nang laway ang nagawa ng mga ito. 

Takot din sila, pero nangingibabaw pa rin ang awa nila kay Vetarie. Naiisip nila ang ina nito kung paano naging mabuti sa kanila. Pero malaki pa rin ang takot nila sa ama nito dahil na rin sa boss nila ito at kahit kailan ay hinding-hindi nila ito kayang kalabanin. 

"Hindi natin pwedeng suwayin si boss at ma'am Betania. Baka mamaya ay malamin nila at tayo naman ang maging kawawa."

"Naaawa man ako kay ma'am Vetarie, pero natatakot ako." 

Walang nang nagsalita sa kanila at tahimik na nagmaneho sa gitna ng dilim. Nais man nila itong tulungan, pero wala silang magagawa. Hindi sila pwedeng maging malambot sa dalaga, kahit na anong buti pa nito.

Related chapters

  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 2: Shocked

    Pero sa hindi inaasahan ng driver, sa sobrang lutang niya ay agad siyang napapreno nang malakas. Isang truck ang nakasalubong nila, pero wala itong ilaw. Kaya naman halos tumilapon ang sasakyan na sinasakyan ni Vetarie at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Ang sasakyan ay nakabaligtad at nagulat din ang lalaking nakabangga. Bumaba ito sa truck at pinuntahan ang kotse, ang kanyang mga mata ay biglang napatingin kay Vetarie. Hindi niya alam kung bakit ito ang una niyang inilabas sa kotse. Napansin kasi niya na parang mayaman ito ng dahil na rin sa mga kasama niyang nakasuot ng mamahalin na kasuotan."S-sandali lang." Nangangatal pa ang kamay ng lalaki at maglalakad sana ito para puntahan ang mga sakay ng kotse, pero mabilis siyang napayakap kay Vetarie ng biglang sumabog ang kotse. Ang mata ng lalaki ay halos lumaki at napuno ng takot ang kanyang katawan. Bigla siyang napatayo at napatakbo sa kanyang sasakyan na truck.

    Last Updated : 2022-04-11
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 3: After 5 months

    Isang babae ang nakaupo sa isang upuan kung saan siya ay nasa isang kwarto at ang lahat ay nagtitipon-tipon ng dahil sa pagkawala ni Vetarie. Ang mukha nito ay parang isang pusa na hindi makabasag ng pinggan. Nakatingin lamang ito sa kisame o kaya naman sa lapag at ipinapakita ang pekeng emosyon na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang kakambal na si Vetarie."Kristopher! You need to find Vetarie at any cost. How can she gone without any trace? It's been 5 months since she's been gone."Ang ama ni Kristopher at lolo ng dalawang kambal ay hindi maiwasan na tumaas ang dugo at boses ng dahil sa pagkawala ni Vetarie. Paborito niya ang dalaga at hindi niya kayang mawala ito sa kanya ng hindi nalalaman ang rason, kung bakit ito nawala na parang bula at hindi niya ito makita kahit na marami siyang kakayahan na mahanap ang apo. Sa pagkakataong ito ay hindi niya mahanap ang dalaga at hindi rin maiwasan ni Kolton na magtaka.

    Last Updated : 2022-04-11
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 4: This headache

    Nakasandal lamang sa swivel chair si Hanlu habang hinihintay niya si Caden. Limang buwan na siyang problemado dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Vetarie. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, matapos niyang makita ito at dalhin sa hacienda ay naging problemado na siya. Halos maya't maya niya kung maisip ang dalaga at hindi maiwasan na mag-alala."Boss." Narinig ni Hanlu ang boses ni Caden at may inilapag itong folder. Mabilis niya itong binuksan at nakita niya ang iba pang information ni Vetarie.Ang mga mata ni Hanlu ay hindi makapaniwala, sapagkat ilang buwan na silang hindi makakuha ng information nito dahil alam naman niya ng ko'nti ang background nito. Alam niya na mahirap kuhanin ang information ng dalaga ng dahil na rin sa may kakayahan ang pamilya nito. Pero sa pagkakataong ito ay napangisi si Hanlu nang makita niya ang papel sa kanyang harapan."How is she?" tanong

    Last Updated : 2022-04-11
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 5: Don't touch me!

    Kinabukasan, abala ang lahat sa kanilang paglilinis at paghahanda ng pagkain para sa lahat. Ang mga katulong sa mansyon ni Hanlu ay maligalig na pwedeng gawin ang lahat, dahil nagagawa naman nila ng tama ang kanilang mga trabaho.Sila ay nakakapagluto at nakakakain kung kailan nila gusto. Dahil sobrang busy rin naman nito at talagang hindi nila ito minsan nakikita, pero nang dumating ang dalagang si Vetarie ay araw-araw na itong nasa bahay at palagi rin nilang nakikita na inaasikaso niya ang dalaga.Kaya ang bawat isa sa kanila ay hindi maiwasan na maisip na gusto ito ng kanilang boss dahil alam naman nilang hindi ito ganito sa tagal na nilang nagtrabaho sa pamilya ni Hanlu. Kilalang-kilala na ito ng lahat at nakakapanibago kung makita nilang ganito ito.Samantalang sa kabilang banda, isang babae ang nakahiga sa isang napakalaking kama at para siyang prinsesa ng dahil sa napakagandang mukha nito. Ang mu

    Last Updated : 2022-04-11
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 6: Yes, I am

    Sa loob ng limang buwan, ang mukha ni Hanlu ay mas lalong dumidilim. Hindi siya maipinta ng kanyang mga empleyado, kahit na ang sekretarya nitong si Caden. Lutang ito sa tuwing magpapatawag ng meeting at talagang malayong-mayo ang isipan nito sa mga nangyayari. Kaya naman napapakamot na lamang ang mga naririto sa isang kwarto, kung saan pinag-uusapan ang bagong project na gagawin ng buong company. "Boss," tawag ni Caden, pero ang isip nito ay lutang pa rin. Ang hawak-hawak niyang ballpen ay kanina pa gumagawa ng ingay sa silid na tahimik. Panay kasi ang laro ni Hanlu sa takip nito, dahilan na magbigay ito ng ingay. Kaya naman napalunok na lang nang laway si Caden at saka muling tinawag si Hanlu. "Boss Hanlu." Kasabay no'n ang paglingon ni Hanlu na tila nagising sa katotohanan. "What's the problem?" tanong Hanlu at saka napakamot tuloy bigla ang lahat na naririto. "Kasi wala nanaman kayo sa pag-iisip. Gusto n'yo bang magpahinga muna?" Dahil doon ay bigla na lang inilibot ni Hanlu

    Last Updated : 2022-07-06
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 7: His first love

    Parang mga chismoso at chismosa ang mga tao sa labas ng kwarto ni Hanlu at kung nasaan si Vetarie. Sila ay nag-iintay na mabigyan ng magandang resulta ni Hanlu, dahil simula nang ito ay pumasok, bigla na lang din nawala ang lakas nang iyak ni Vetarie. Ang kanilang mga taenga ay malapit ng humaba sa sobrang pagkakadikit sa pader at maging sa pinto. "Butler Choi, sa tingin n'yo ba ay napatahan ni young master si ma'am Vetarie?" tanong ng isang katulong at nagkibit balikat lamang si Choi, pero nananalangin siya na sana nga ay tumahan na ito dahil parang dinudurog kanina ang kanyang puso na makita itong umiiyak. Hanggang sa laking gulat na lang nila nang biglang bumukas ang pinto at ang lahat sa kanila ay umayos nang tayo. "Butler Choi," seryosong tawag ni Hanlu at saka pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid na tila pawis na pawis at saka magugulo ang suot. "Y-yes, young master," utal na sabog ni Choi, dahil na rin sa pagkagulat niya. "Prepare something for me. Bring it here." Mabi

    Last Updated : 2022-07-06
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 8: Never been yours

    Nang dahil sa katandaan ni Kolton Kaede, hindi na siya pinapakilos ng mga tao sa mansyon. Dahil marami na rin itong sakit at mas lalong tumitindi ng dahil sa pagkawala ng isa niyang apo na si Vetarie Kaede. Ayaw nitong tumigil sa paghahanap dahil nagbabakasakali siya na umalis lang ito at babalik muli. Kaya naman ang mga katulong sa mansyon ay hindi maiwasan na mag-alala sa matanda, lalo na ngayon at nagmamatigas itong maigi. "Ayokong kumain! Hanggang ngayon ba ay wala pa rin kayong makuhang balita? Anong silbe ng perang binibigay ko sa inyo kung hindi n'yo makita-kita?!" Halos lahat sila ay naninibago kay Kolton. Ito kasi ay napakaayos magsalita at hindi ito sumisigaw. Kaso ng dahil sa pagkawala ni Vetarie sa loob nang limang buwan ay naging magagalitin na ito. Palagi itong galit at hindi man lang ito sumusunod sa mga tao sa bahay, lalo na kapag kakain o iinom ito ng gamot."Kailangan n'yo pong umino—" Nagulat ang lahat ng biglang tinabig ni Kolton ang isang tray na dala-dala ng i

    Last Updated : 2022-07-06
  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 9: I agree

    Maagang nagigising ang mga katulong sa mansyon, dahil kailangan nilang ipaghanda ng pagkain si Hanlu. Pero laking gulat nila na makita itong gising na at saka nakabihis na ito, kahit na naninibago pa sila dahil ito ang oras ng kanyang gising at pag-aayos. "Young master, Hanlu," tawag ni Choi sa kanyang amo. Magsasalita sana itong muli, pero agad itong natigilan ng mapansin niya ang isang anino na nakita niya sa kanyang tabi. "Ma'am V-Vetarie?" Hindi makapaniwala si Choi at saka agad na tumungo, senyas ng paggalang. Habang kinakabahan naman siya na baka mamaya ay mag-iba nanaman ang emosyon nito. "Magandang umaga po, butler Choi." Sabay ngiti ni Vetarie na tila wala siyang iniindang problema. Ang mata ni Choi ay nagliwanag bigla at saka ngumiti rin agad sa dalaga. "Tawagin mo ako kapag dumating si Caden. Ako na ang magsasabi sa kanya ng mga dapat niyang gawin." Hanggang sa nawala na lang ng parang bula si Choi at hindi rin nila maipinta ang saya na makitang magkasama ang dalawa. S

    Last Updated : 2022-07-06

Latest chapter

  • The Billionaire's First Love    CHAPTER 1: No one likes me

    Panay ang takbo ng isang babae habang wala itong suot na kahit na anong tsinelas o sapatos. Masakit na rin ang kanyang paa, pero wala siyang magawa. Habang ang suot niyang mamahalin na bistida na kulay puti ay sira-sira na rin at may bahid ng dugo. Panay ang lingon nito sa kanyang likuran, kasabay ang luhang bumubuhos sa kanyang mga mata. Puno ng takot ang kanyang dibdib at mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo kahit parang wala siyang nakikita na tao na tutulong sa kanya."Vetarie Kaede! Huwag mo ng tangkaing tumakbo! Kahit anong gawin mo ay mahahabol at mahahabol pa rin kita!"Parang bingi si Vetarie at panay pa rin ang takbo niya. Hindi niya pinapakinggan ang sigaw ng kanyang kakambal na si Betania Kaede at pilit niyang tinatakbo ang kalakihan ng gubat. Hanggang sa nakakita ito ng isang batong napakalaki at agad na nagtago. Kasabay no'n ang pangangatal nang mga kamay at tuhod ni Vetarie at hindi na siya makagalaw pa. Tila hindi

DMCA.com Protection Status