Thank you po, Ms. Tessie Apas Gasal Años sa pa-gems! God bless po. 😊
ApoloniaMangha na nakatitig lamang ako sa nakatatak na logo sa paper bag na may laman na pagkain na nakalapag sa mesa ko.Nakaalis na ang taong may dala niyon ngunit nanatili pa rin akong nakatanga roon sa halip na abutin iyon at simulang kainin, kahit pa nga tila ba nanghahalina ang mabangong amoy ng pagkain na nanunuot sa ilong ko.Sino ba naman kasi ang hindi mapapatanga, gayong napapadalas ang pagpapameryenda sa akin ng amo ko, halos araw-araw yata ay umo-order ito at nagugulat na lang ako dahil pati ako ay mayroon at damay sa pag-order nito. 'Di ko tuloy maiwasang isipin, hindi kaya pinapataba at binubusog lamang ako nito na parang baboy tapos sa huli ay balak pala ako nitong katayin?May pagdududa na lumipat ang mata ko sa pinto ng opisina nito na nakasarado, ngunit hindi pa man ako gano'n katagal na nakatitig doon ay bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan upang mapapitlag at mapasinghap ako nang malakas dahi sa gulat.Alam kong hindi naman nakaligtas kay Druskelle ang nagi
Draken"You think they are just alright by themselves, mom? Tama ba ang ginawa natin?" I asked with a hint of worry and guilt.Mismong ang ina ko kasi ang pasimuno at ang nakaisip na si Apol na lamang ang pasamahin kay Druskelle bilang proxy ko sa conference, kahit pa nga alam naman namin pareho na madalas na hindi magkasundo sa maraming bagay ang dalawang iyon, dinaig pa ang aso't pusa kung magbangayan at ang pagkaasar sa isa't isa.Yes, alam din ni mommy at updated ito sa mga nangyayari sa opisina dahil palagi ako nitong tinatanong at pinagre-report nang sapilitan kung kumusta na ba ang dalawa, lalong-lalo na si Apol, mino-monitor nito ang alaga.Nang malaman nitong hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon ay agad ako nitong sinabihan na huwag na raw akong sumama sa Baguio at si Apol na lang daw ang pasamahin ko kay Druskelle. I was hesitant at first, pero na-persuade rin ako nito in the end, baka raw kasi itong conference sa Baguio ang maging sagot at maging gamot upang magkasundo na
ApoloniaSa buong durasyon na kaharap ang malalaki at kilalang tao sa bansa dito sa leadership conference na dinaluhan namin ni Druskelle ay halos kundi sa notebook at ballpen ang hawak ko ay sa laptop ako nagtititipa o sa malaking screen ako sa harap nakatingin habang naka-flash ang powerpoint presentation doon.Hindi ko makuhang antukin dahil sa pakikinig kahit pa nga puyat ako dahil ang aga naming gumising at umalis upang maiwasan namin ang traffic papuntang Baguio at upang maaga rin kaming makarating para hindi kami mangarag sa pag-uumpisa ng conference.Tanghali na nang natapos ang unang session at kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian kasama ang ibang delegates, katabi ko si Druskelle at wala akong masabi sa pag-aasikaso na ginagawa nito sa akin imbes na ako ang nag-aasikaso rito, ultimo kasi pagtatanong sa gusto kong kainin, paglalagay ng pagkain sa plato ko at pagbubukas ng inumin na mineral water ay ginagawa nito.Nahihiya na nga ako pero natutuwa din ako at sobrang ap
ApoloniaMula sa pagkakaupo sa mahabang sofa sa lobby ng hotel na aming tutuluyan ay kanina pa nakatutok ang mata ko kay Druskelle habang kausap nito ang receptionist.Makalipas ang ilang sandali ay sa babae naman lumipat ang mata ko, maganda ito, nagpapatingkad pa sa hitsura nito ang ganda ng ngiti nito na hindi nawawala mula pa kanina.Kaya mukhang nag-e-enjoy ang amo ko na kausapin ito at nakalimutan na yata ang presensiya ko. Hmp!Kanina pa kasi nag-uusap ang dalawa, while ako naman ay nandito at naghihintay.Halata ang pagkamangha sa mata ng babae habang nakatitig ito sa mukha ng boss ko.Bahagya akong napalabi bago nangalumbaba at tumitig kay Druskelle na ang kita lang mula sa puwesto ko ay ang left side ng mukha nito dahil nakatagilid ito.Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha at hahanga sa hitsura nito, side view pa nga lang pero nagsusumigaw na agad ang appeal nito, nagmamayabang ang matangos nitong ilong, ang mata nitong singkit na binagayan pa ng makapal na kilay, labi nit
ApoloniaTahimik at nakasimangot na nakasunod lang ako sa amo ko habang matalim ang mata na nakatingin sa likod nito.Naiinis talaga kasi ako na 'di ko mawari.Ilang beses ko nang pilit na isiniksik sa utak ko na hindi ko naman ito gusto at wala dapat akong paki kung hindi rin ako nito gusto pero bwisit lang, 'di ko alam kung saan ba talaga nanggagaling ang pagrerebelde ng loob ko sa realization ko, gusto kong magsintir.Argh!Dahil sa inis at pag-iisip ay hindi ko tuloy napaghandaan ang paghinto nito sa paglalakad at pagbaling nito sa akin bigla, mabuti na lang at nakapagpreno ang paa ko, iyon nga lang ay huling-huli ako nito na masama ang hilatsa ng mukha.Nangunot ang noo nito. "What's the matter? You're frowning."Kaagad na inayos ko ang ekspresyon ko bago umiling. "Nothing po," tugon ko.Alangan naman kasing aminin ko na naiinis ako, 'di ba?Ngunit sa halip na paniwalaan ang sinabi ko at magpatuloy na maglakad ay humalukipkip ito bago ako tinaasan ng kilay. "Nothing? Do you think
Apolonia"Kumusta po si Sir Draken?""Don't worry about him, he's already fine, kailangan lang ng kaunting pahinga pa," tugon ni Mrs. San Diego."Mainam naman po, pero bakit po kaya ilang araw na namin siyang hindi makontak?" usisa ko."Oh, about that... I confiscated his gadgets. You know, para makapagpahinga siya nang maayos, for sure kasi ay hindi iyon makakapagpahinga kung nasa kanya ang mga gadget niya at kung anu-ano ang gagawin no'n."Ay, bongga. Strict naman pala sa anakis nitong si Mrs. San Diego, mukhang baby pa rin kung ituring at alagaan si Draken kahit na damulag na ang lalaki."Ah, kaya po pala...""Anyway, what's the news, dear? How are you? How's your stay in Baguio?"Sinimulan kong ikuwento rito ang mga ganap habang nandito kami sa Baguio ng pamangkin nito. "That's great news, my dear!" siyang-siya ang tinig na turan ni Mrs. San Diego.Hindi ko man ito kaharap, pero sigurado ako na malawak ang pagkakangiti nito ngayon.Napangiti rin tuloy ako.Ako man kasi ay masaya
ApoloniaSa gulat ko ay nanatiling nakatitig lamang ako kay Druskelle at gano'n naman din ito sa akin.Tama ba ang intindi ko sa ikinilos nito? Ayos lang dito at gusto nito na kumapit ako sa braso nito?Makalipas ang ilang sandali nang wala pa ring gumagalaw at kumikibo sa aming dalawa ay bahagya nitong ikiniling ang ulo at iminuwestra ang braso nitong tila ba nakaabang para sa akin upang hawakan at nakahandang kapitan ko.Parang tanga na napaturo tuloy ako sa sarili ko at napakurap-kurap. "A-Ako po, kakapit sa inyo?" paninigurado ko pa at pagsasatinig sa nasa isip ko.Huminga ito nang malalim bago ito tumango. "Yeah, is there anyone else in this room other than you and me?" he asked calmly.Luh? Ano ang nakain nito?Mabilis akong umiling. "Wala po... pero sure po ba kayo? I-I mean, okay lang po ba?" nag-aalangan pa rin na tanong ko.Malay ko ba kasi, mainam na ang nagtatanong at naninigurado, baka kasi bigla na lang itong magalit sa akin.Bahagyang kumunot ang noo nito. "Yeah, why no
ApoloniaNaramdaman ko ang paghawak ni Druskelle sa kamay kong nakakapit sa braso nito, pati na ang tila paghigpit ng hawak nito roon kalaunan. Hindi nagtagal ay napansin ko rin na parang bumibilis ang bawat hakbang nito.Ngunit hindi pala "parang" lang ang napansin ko, kundi totoo pala na bumibilis nga ang paglakad nito, wala sa oras na inalis ko tuloy ang pagkakatingin sa nakangiting mukha ni Liam upang mapagtuunan ng pansin ang bawat paghakbang ko sa pag-aalalang baka matapilok ako o madapa dahil sa kailangan kong umagapay sa paglakad ng kasama ko.Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Liam sa akin, nang lumaon maging ang pangalan ni Druskelle ay tinatawag na rin nito, ngunit hindi ko na ito binalikan pa ng tingin, tila bingi naman ang boss ko at ni hindi man lang ito lumingon upang tingnan kung sino ba ang tumatawag dito, halatang wala itong balak na huminto.'Di ko tuloy mapigilang mapa-side-eye ng sulyap dito habang sumasabay sa malalaking hakbang nito, curious sa pagbabago ng mood nit
ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin
Druskelle Nameywang ako habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin upang matakpan kahit papaano ang parte ng dibdib nito at ang undergarment na suot ng dalaga, hindi kasi ako mapakali na nakahantád lang iyon kahit pa nga sabihin na hindi naman totally na visible sa paningin ko ang buong dibdib nito. Lalaki pa rin naman ako, ang hirap lang sa part ko na tuwing titingnan ko ito ay hindi ko talaga maiwasan na bumaba roon ang mata ko at hindi makaramdam ng kakaiba, ang malala pa ay ang makapag-isip ng mga bagay na... Pambihirang buhay ito, bakit para kasing may magnet at kusang doon tumutuon ang mga mata ko?! Napasabunot ako sa buhok ko. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang ilihis ang atensyon ko, pero napalunok ako nang sunod-sunod nang ang maisip lang na paraan ay ang isarado mismo nang maingat ang mga butones ng suot nitong damit, panigurado kasi na hindi rin uubra kung kumot ang itataklob ko rito o kung itatali ko ang mga kamay nito. Pero kaya ko nga bang isara ang mga butones?
DruskelleNapabuga ako ng hangin pagkatapos kong maibaba sa kama ko si Apolonia na hanggang ngayon ay tulog pa rin kahit nakarating na kami rito sa bahay ko.Ngunit nang mapatingin ako sa gawing paa nito ay nailing-iling muna ako bago pumunta roon upang tanggalin ang suot nitong sapatos, pagkatapos ay bumalik din ako sa gilid ng kama nang mapansin naman ang buhok nito na nakatabon sa halos kalahati na yata ng mukha nito. Ang lakas din ng loob maglasing ng isang 'to.Napapalatak ako bago hinawi ang buhok nito, pero nang tumambad na sa akin ang maamo nitong mukha ay parang nahihipnotismo na napatitig ako rito, hinayon ng mata ko ang parte ng mukha nito mula sa kilay nito na mukhang natural pa naman ang kapal, sa ilong nito na may kaliitan tingnan ngunit matangos, hanggang sa bumaba ang mata ko sa labi nito na bahagyang nakaawang at mamula-mula.Kalaunan ay kusang kumilos ang isang kamay ko at maingat na hinaplos ang makinis nitong pisngi.She looks so vulnerable and innocent, very far
Druskelle Natigil ako sa balak na pag-inom sana ng tubig nang mag-vibrate ang telepono ko, kaagad na bumaba ang tingin ko roon na nakataob habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa halip na pansinin iyon ay itinuloy ko ang naantalang pag-inom ng tubig, ngunit patuloy pa rin iyon sa pag-vibrate kahit nakatapos na ako sa pag-inom. Nangunot ang noo ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong ibaba na ang basong hawak. Since, mukhang persistent talaga ang caller ay dinampot ko na ang teleponong hindi pa rin tumitigil sa pag-vibrate. Lalong nangunot ang noo ko nang tuluyang mabistahan ko na ang pangalan ng taong tumatawag. It was Draken. It's past midnight already. What does this jerk want? Sa halip na i-accept ang tawag ay tinitigan ko lang ang telepono hanggang sa tumigil iyon sa pag-vibrate. Wala na naman siguro itong magawa sa buhay kaya pati ako ay idadamay at pepestehin. Napailing-iling ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan nito, gusto kong mamahinga, nagising at
Apolonia "Good morning po, Boss!" nakangiting bati at bungad ko kay Druskelle pagpasok nito ng opisina. Nagbabaka-sakali na baka lumipas na ang pagiging bad mood nito kahapon sa nagdaang magdamag. Ngunit mukhang mali ako sa naisip ko dahil hindi katulad ng mga nagdaang araw, tila bumabalik na naman ito sa dati, hindi man lang kasi ako nito ginawaran ng ngiti kahit tipid lang, tango lang ang naging tugon nito sa pagbati ko ngayon, tapos sulyap lang ang ginawa nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa sarili nitong opisina na para bang napapaso ito na makita lang ako. Katulad kahapon ay nawe-weird-an na nasundan ko na lamang ito ng tingin lalo na noong isinarado nito ang pinto, maging ang blinds sa glass window ay hindi nito binuksan. Dahil hindi ko maintindihan ang inaasta nito ay napatitig na lang tuloy ako sa opisina nito. Ano ba ang nangyayari rito? Ako nga kaya ang salarin kaya ito nagkakaganito? It seems na may nagawa ako na hindi nito nagustuhan, pero kahit anong isip talaga ang
Apolonia"Teka nga lang, wait, and stop muna, my loves," pag-antala ni Vi mula sa kabilang linya sa masayang pagkukwento ko.Kanina pa kami nito magkausap sa telepono habang nag-aayos ako ng mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko na kailangan kong papirmahan kay Druskelle mamaya.Napailing na lang ako dahil sa urgency sa tinig nito at tila gustong-gusto akong patigilin sa pagsasalita. "Hmm?""May napapansin lang kasi ako sa iyo.""Nako. Ano naman 'yon?""Huwag kang magagalit, ah? Observation ko lang talaga 'to sa iyo lately.""Sus. Ano ba kasi 'yon, my loves?""Napapansin ko lang na bukambibig mo na 'yang sir bossing mo, ah. I mean, yes, naikukuwento mo naman siya sa akin tuwing nagkakausap tayo. Pero parang may iba ngayon..."Nangunot ang noo ko.Ano ang ibig nitong sabihin?"Dati inis na inis ka kapag nagkukwento ka tungkol sa amo mo, pero nagbago na yata ang ihip ng hangin ngayon. Ilang araw na, pero 'yong usual na reklamo na naririnig ko sa iyo patungkol sa boss mo, nawa
DruskellePinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ko nang magtagumpay ako sa nais kong mangyari, makaraan na magulat kasi ay naalis ang masakit sa matang tanawin sa aking harapan, pagkatapos ay automatic na napabaling ang atensyon ng dalawa sa akin.Mabilis na inalis ko naman ang pagkakakunot ng noo ko, maging ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Oh, sorry. May pumasok kasing langaw, umaaligid sa pagkain ko, binugaw ko lang," painosente kong dahilan.Nagkatinginan ang dalawa, hindi ko sigurado kung naniwala ba sa sinabi ko, sa halip na magsalita kasi ay nagkibit lamang ng balikat si Draken, umayos ito ng tayo pagkatapos ay tila balewalang ibinaling muli ang tingin kay Apolonia na parang walang nangyari.Pigil ang sarili ko na hampasin na naman ang lamesa nang makita kong tumaas ang kamay ng pinsan ko, hinaplos-haplos nito nang magaan ang buhok ni Apolonia, pagkatapos ay masuyo nitong tinitigan ang sekretarya ko habang may ngiti sa mga labi. "Na-miss kita, Apol."Nakaramdam ako ng inis.H
Druskelle"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha."Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.Fck that smile of hers. Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili."Boss, may nalilimutan ka yata?"Nangunot ang noo ko at napaisip.Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.
ApoloniaSa halip na pansinin ang sinabi ko ay tumalikod ito at nag-umpisang maglakad.Killjoy talaga, hays.Kaagad naman akong sumunod upang makaagapay rito. "Boss, nag-smile ka talaga. Hindi ako namalikmata lang, 'di ba? 'Di ba?" kulit ko bago sinilip ang mukha nito."No, I didn't," tanggi naman kaagad nito."Nag-smile ka, eh. Kitang-kita ko kaya!" pagpipilit ko."Guni-guni mo lang 'yon," pabalewalang sagot nito."Hindi, eh! Patingin nga, smile ka nga ulit, Boss.""Pinaglalaruan ka lang ng sarili mong imahinasyon, o baka pansamantalang nakatulog na naman 'yang utak mo."Hala, grabe talaga siya sa akin."Hindi, Boss! Nag-smile ka talaga, eh.""Hindi nga sabi, eh.""Nag-smile ka kaya!""Hindi nga, you're just imagining things. Anyway, where do you plan to go next?" pag-iiba nito ng usapan.Parang shunga na napangiti na lang ako.Ah, basta nakita ko itong nakangiti. Kahit na anong tanggi pa ang sabihin nito, alam ko na hindi ako nag-i-imagine lang at masaya ako na nakita ko ang ngiti n