Sinubukan ni Ali na kontrolin ang reaksyon niya nang tuluyang makarating sa pool ngunit hindi pa rin niya napigilan ang mapabulalas ng paghanga. Ang pool ay gawa sa semento at bato at napinturahan ng iba't ibang kulay. Hindi ito masyadong malaki pero sapat na para sa mga gustong mag-ehersisyo na lumangoy ng pabalik-balik. Sa may bandang kaliwa ay may lounge chair na dalawa at maliit na mesa. Hindi na rin kailangan pa ng malaking payong para silong dahil nasisilungan na ng mga dahon ng kawayan. Idagdag pa na dapit hapon na at nagsisimulang lumubog ang araw kaya medyo madilim dito.Sa may gilid na bahagi ng pool ay parang may fountain at gawa sa mga kawayan ang ginamit na parang hose na daluyan ng tubig. Bumabagsak din ang tubig sa pool at napakasarap sa taynga ang lagaslas ng tubig.May neon lights na nakakabit sa mga kawayan pero hindi naka-on. Mukhang ito lang ang tanging ilaw ng pool kapag gusto mong lumangoy sa gabi.Lumapit siya sa gilid ng pool at nag-skwat saka isinawsaw ang kam
The neon lights are flickering around them as they casually eat their dinner. Dinala ng mga kasambahay ang pagkain dito sa may pool katulad ng utos ni Eros.Pagdating sa pagkain lalo na kung nagugustuhan ni Ali ay nagiging tahimik siya at hindi nagsasalita. Nag-eenjoy siyang kumain at namnamin ang bawat lasa ng putaheng nasa hapag. At hindi naman siya dinistorbo ni Eros sa kanyang maganang pagkain. Hinintay nito hanggang sa matapos siya.Ngunit nahihiya siyang dumighay sa harapan nito kaya hinaplos na lang niya ang dibdib at uminom ng tubig. Pagkatapos ay sumulyap siya sa binata na kanina pa pala nakamasid sa kanya.Bigla siyang nahiya at agad pinunasan ang bibig. Hindi siya makalat kumain pero na-conscious siya dahil sa malalim na tingin nito.“Hindi halata na malakas kang kumain.”At parang sinasadya pa ni Eros at sabihin ang katagang ito. Hindi man derektang sinabi nito na matakaw siya pero ganun pa rin ang ibig sabihin ‘nun.Inirapan niya ito pero nang ngumisi ito at gamit ang ulo
Kasalukuyang ginagawa ni Ali ang notes niya sa may porch. Kailangan niyang ayusin ang mga ito sapagkat malapit na ang exam nila. Ayaw niyang sa araw ng exam nila ay tutunganga lamang siya at walang maisulat kapag binigay na ang test questions sa kanila.Nandito siya sa mansion ni Eros sa Heritage dahil wala naman siyang klase ngayon. Kanina pagkagising niya ay wala ang binata pero inutusan naman nito si Argos na dalhin ang mga gamit niya rito. Kaya naman hindi na siya umuwi sa bahay niya para i-sort out lahat ng notes niya.Hindi sinabi kung saan pumunta ang lalaki pero alam naman niya na sa kompanya ito pumunta. Busy na tao ang Master niya kaya naiintindihan niya kung ganitong hindi na niya ito maabutan paggising niya. O kaya naman ay hindi siya nito pinupuntahan noon sa bahay. Pero kahit na wala ito ay may mga inuutusan pa rin itong sumunod at magbantay sa kanya. Na kung tutuusin ay hindi naman na kailangan.Katunayan ay hindi rin niya makita kung ano ang mali sa sitwasyon nila. Kah
Sa harapan ng kanyang pamilya ay kalmado siya ngunit ang mata niya ay nagniningas ng apoy dahil sa poot. Hindi inaasahan ni Eros na dahil wala siya ay aatakehen ng b*stardong si Dylan ang kanyang pag-aari. Sa halip na umuwi siya sa kanyang mansion ay dito sa main house siya dumeretso sapagkat tinawagan siya ng kanyang ama.Alam na niya ang rason kung bakit. Dahil iyon kay Dylan na pinuntahan si Ali sa kanyang mansion. Hindi niya alam ang exact na nangyari pero sigurado na siyang ang pinsan ang nangunang gumawa ng mali.Hindi nakikialam ang magulang nila sa mga taong nagugustuhan nila pero kapag may isang bagay itong hindi nagustuhan ay saka ito makikialam. At sa reaksyon ni Dylan habang magkaharap sila ay maling impormasyon na naman ang nakarating sa kanyang ama. Pero at least ay alam niyang neutral ang ama niya pagdating sa ganitong bagay. Hindi nito kakampihan ang isa kung hindi pa naririnig ang panig ng kabila. Hindi kunsintidor ang magulang niya lalo na kapag sila ang nagkamali. P
Mahinang napadaing si Ali nang haplusin niya ang pasa sa kanyang galanggalangan. Bumaon ang kuko ni Dylan kanina kaya mahapdi rin ang sugat. Kahit na ginamot na ito ni Penny ay hindi naman ito agad na gagaling. Tapos kumikirot din ang may panga niya na may pasa na rin. Bumakat ang mga daliri pa ng lalaking ‘yun sa balat niya kaya kung may makakita man sa kanya ay iisipin nilang may kasintahan siyang nanakit sa kanya.Bumuntong hininga siya at sumulyap sa may pinto. Ang sabi ni Penny ay sa main house pumunta si Eros. Hindi pinaliwanag ni Penny kung ano ang gagawin ng binata roon pero may ideya na siya kung ano. Pero hindi pa rin siya mapakali at panay ang tingin niya sa nakasarang pinto. Bakas ang pagkainip sa kanyang mukha. Dahil alam niya sa sariling ang lalaki lang ang makakapagpakalma sa pangangamba at takot niya. Dahil sa oras na ito ay kahit kalmado ang mukha niya ay sa kailaliman ng puso niya ay parang may maraming kamay na pilit inaabot ang mga paa at kamay niya pabulusok sa na
“Kailan mo gustong pumasyal sa dagat?” tanong ni Eros kay Ali.Kalmado na ngayon ang dalaga pero namumugto ang mga mata nito. Namumula rin ang ilong nito dahil sa kaiiyak. Pero sa mata ni Eros ay napakaganda pa rin ng dalaga.Napatingin ito sa kanya bago napaisip. Hindi niya ito minadaling sumagot at naghintay siya. Ang seryoso ng mukha nito na animo isang napaka importanteng bagay ang pinag-uusapan nila.Ang makita ito sa ganitong reaksyon ay na-amused siya. Pinapalubo kasi nito ang magkabilang pisngi nito kaya nagmukha itong pufferfish. It was so cute that he wanted to pinch it.At hindi nga niya napigilan na sundutin ang pisngi nito. Napakurap ito at napalinga sa kanya. She even pouted her lips. Na parang dismayado ito.“May Preliminary examination kami next week kaya ‘pag tapos na saka tayo pupunta,” tugon nito. At tama nga siya dahil hindi naitago ng tono nito ang pagkadismaya. She's really looking forward to going to the beach.Bahagya siyang natawa. Nahirapan pa itong magdisisy
Eros licks and sucks her lips deeply. She kept trembling in his arms as she kissed him back. Her thoughts and body were hauled in this extreme passion. She was immersed in this kind of feeling that she doesn't want him to stop.His tongue nudges through her lower lip and with a dominating force he aggressively prod her mouth and tangled her tongue with hers. He invaded her mouth like he was very thirsty with her. Pinalalim pa nito ang paghalik sa kanya. Intensifying the lust within her.“Ah!! E-Eros!” nanginginig ang tonong anas niya sa pangalan nito nang iwan nito ang labi niya at bumaba sa kanyang leeg. Ang bilis ng paghinga niya at hindi napigilan ang mahigpit na pagkapit sa balikat ng binata.Marahang kinagat ni Eros ang balikat niya nagbunsod sa kanya ng malakas niyang paghalinghing. Kung ihahambing sa nakakaadik na alak at dr*ga ang halik nito ay parang ganun iyon sapagkat hinahanap-hanap niya ito. Katulad na lamang ng mga haplos niya at ang mga pagpisil nito sa kanyang katawan
Huling araw ng exam nila ngayon at katatapos lamang ng huling subject na siyang sinagutan niya. Pagkatapos maipasa ang kanyang papel ay inayos na niya lahat ng gamit niya at lumabas ng room. Inabala niya ang sarili sa exam na ito at ang pag-study ng mga notes niya upang hindi niya maisip ang pagkasabik niya kay Eros. simula kasi ng gabing umalis ito ay hindi ito nakakabalik hanggang ngayon.Ang paliwanag ni Penny ay masyafo pang abala ang lalaki sa laguna dahil maraming importanteng bagay ang kasamang nasunog sa warehouse. Isa pa ay tinitignan lahat ni Eros ang anggulo kung paanong nagkaroon ng sunog. Ayon sa technician na siyang tumingin kung nagka-short circuit ang kuryente ay hindi naman daw iyon ang dahilan. Kaya ang hinala nila ay may foul play ang nangyaring sunog.Dahil dito ay hindi na siya nagtanong pa at inintindi na lamang niya ang binata. Hindi naman basta lang pababayaan ni Eros iyon dahil pag-aari nito ang warehouse. Hindi siya dapat na mag-demand ng oras dito dahil alam
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything