Sorry po kung walang update kahapon. May emergency po kasi last Saturday night pa. Nakalimutan ko po palang maglagay ng notes or comment dito. Nahospital po kasi ang brother-in-law ko and we travel from Batangas to Bulacan, halos kakauwi lang po kaninang after lunch. Maraming salamat po sa matiyagang paghihintay.
“Sinong nagtext?” tanong ni Avva nang mapansin niyang biglang natigilan si Maya. Pilit pa niyang tinitingnan kung si Gavin ba ang nagpadala ng mensahe rito. “Ah wala. Network lang. Wala na raw akong load.” Ngumiti nang pilit si Maya at saka muling ibinulsa ang kaniyang cell phone. “May gusto ka pa
“Ha? W-wala naman. Gusto ko sanang bilhin if ever na gusto mong isangla. Nagagandahan kasi talaga ako sa design niya eh. Ang rare tapos hi—” “Avva, alam mong kahit anong mangyari…hinding-hindi ko ‘yon ipagbibili kahit kanino…kahit sa’yo pa. Alam mo naman kung kanino ‘yon nanggaling, hindi ba? Alam
“O-oo naman. Hindi ako mawawala sa kasal ng BEST FRIEND ko,” mabilis na tugon ni Maya. Bigla na namang kumirot ang puso niya. “Oo nga pala, Avva…” Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. Nagsimula na silang maglakad ni Maya palabas ng mall. Nasa likod nila ang mga lalaking magdadala ng mga pinamili niya
“Maraming salamat sa treat mong groceries, Avva,” ani Maya habang hinihintay niyang bumaba ang elevator mula sa top floor. “You’re welcome. Hindi mo ba talaga ako balak i-invite man lang sa unit mo?” nakangusong tanong ni Avva. Huminga nang malalim si Maya. Magsasalita na sana siya nang bigla niya
“G-Gavin, a-anong ginagawa mo? N-nakikita ta-tayo ng mga b-bata,” nauutal na sambit ni Maya habang pilit na kumakawala sa mga bisig ni Gavin. “Stay still…” “Pe-pero G-Gavin, may p-pamilya ka na. Mali itong ginagawa mo. Maling-mali,” ani Maya habang patuloy pa ring kumakawala sa pagkakayakap ni Gav
“M-Matthan!” magkapanabay na atungal nina Bia at Hivo. Nag-iwas ng tingin si Maya, hindi niya kayang makita ang mga bata na nasasaktan. Parang binibiyak ang puso niya. Hindi niya mapigilang maalala ang yumaong anak. Para sa kaniya, sariwa pa rin ang lahat. Kung sana maibabalik lang niya ang lahat…
Sinubukang hulihin ni Gavin ang mga mata ni Maya ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae. Nais niyang malaman kung alam na ba nito ang katotohanan...na siya ang lalaking nakaniig nito limang taon na ang nakakalipas. "Maya?" Sinubukang muli ni Gavin na agawin ang atensyon ni Maya. Bumuntong
Natulala si Maya sa narinig. Natulos siya sa kinauupuan niya at hindi alam ang gagawin. ‘Di niya alam kung sasagutin niya ba ang katanungang iyon o tatayo na lamang at iiwas. Kahit pa malamig dahil sa aircon ay ramdam na ramdam niya ang namumuong pawis sa noo niya. Habang hinihintay ni Gavin ang